"Ikaw bahala," tangging sagot ko dahil nahihiya akong sabihing ayaw ko."Congrats on your successful fashion show," maya-mayang aniya."Thanks," sagot ko at kinuha ang phone para abalahin ang sarili."Are you busy?"Tumango na lang ako at muling kumagat sa pagkain ko. "Can we talk later when you're free?""Uuwi na kami bukas.""Okay, let's talk when you're free. I'll visit you on Cebu.""'Wag na, busy ako, Brandon," iritadong dahilan ko at inubos ang pagkain. Nilukot ko ang balot no'n at uminom mula sa thumbler."Sige na, aalis na ako," paalam ko sa kanya at tumayo."Can you update me then when you're free?""Oo na!'' pagsuko ko at pumasok na ng elevator. Huli nang sumunod din siya at tanging kami lang ang naroon. Binuksan ko ang social media account ko at ni-reply-an ang message na hindi ko pa nababasa para magmukhang busy. Hindi naman na nagsalita si Brandon kaya nakahinga na ako ng maluwag nang bumukas ang elevator sa palapag kung nasaan ang kwarto namin."What time will you leav
Last Updated : 2024-01-27 Read more