Samantha’s POVPagkalabas at pagkalabas ko ng suite namin ng anak ko ay ‘di ko na maawat ang pag-agos ng luha sa mga pisngi ko. Nasasaktan yung puso ko na iwan siya ngunit kailangan. Naninikip ang puso ko sa galit, sa sakit, sa pangungulila, sa konsensya. “Ma’am saan po kayo?” Untag sa akin ni Olen, ang inatasang bodyguard ni Sir Manuel upang tulungan akong hakutin ang mga gamit ko mula sa mansion ng mga Sandoval. Kay laki ng kasalanan ko sa pamilya nila. Sobrang bait at inalagaan ako ng mag-asawang Sandoval pati na rin ni Nicco at ni Era. Wala akong magagawa, sumusunod lamang ako sa gusto niya dahil kung hindi ipapalaglag niya ang bata sa sinapupunan ko.“Mauna ka na muna sa sasakyan, dadaan muna ako ng banyo, saglit.” Saad ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanyang gawi upang itago ang luhaan kong mukha. Lumihis ako ng daan at pumasok sa isang girl’s comfort room. Nagila ako ng bigla akong hinawakan ng mahigpit sa braso ng taong kasunod ko. It was Noel, Emannuelle’s father. “Noel,
Last Updated : 2023-02-21 Read more