SABRINA’S POV“ Sabrina, tara punta tayo sa bagong bukas na karaoke-han malapit sa mall, “ nakangiting pag – aya sa akin ng isa sa katrabaho ko ngunit inilingan ko lamang ito.“ Pass muna po ako, may mga tatapusin po kasi ako. “ nakangiti kong di pagpayag sa kaniyang alok.“ Asus, kahit wala dito si Sir Aiden, ang dami niya sigurong iniwan na trabaho sa iyo no. Kawawa ka naman, gurl. “ komento niya kaya nginitian ko muli ito.“ Hindi naman, may mga kailangan lang ako ihanda dahil ngayon ang balik ni Sir dito sa Pilipinas. Malamang bukas ay kali-kaliwa na ang mga meeting niya, “ turan ko at sinigurado ko na naitago ko ang excitement sa aking boses.“ Oo nga pala no. For sure, busy days na naman tayo sa pagbabalik niya. Oh paano, mauna na ako sa iyo dahil hinihintay na ako sa lobby ng iba nating katrabaho. “ pagpapaalam niya sa akin.“ Sige, enjoy kayo ha! Ingat, “ nakangiting turan ko kaya naman tumakbo na siya papasok ng elevator. Kinawayan ko naman ito bago tuluyang sumara ang elevat
Last Updated : 2022-12-27 Read more