Bago dumilim ay napagpasyahan naming dalawa na umuwi upang hindi siya mahirapan sa daan. Wala pa namang mga poste ng ilaw ang daan pababa ng burol. Muli ay nakayakap ako sa kanya ng mahigpit habang binabagtas na namin ang malapad na highway. Katamtaman lang muli ang kanyang takbo habang masaya kaming nagkwekwentuhan na dalawa. Kung saan-saan na nakarating ang usapan namin. I always love to have deep talks with him about life, dreams and the future. “Kung sakaling handa ka nang bumuo ng pamilya sa akin, babe. Ilang anak gusto mo?” he asked.“Hmmm tatlo, feeling ko enough lang yun, hindi konti at hindi rin marami,” agad na sagot ko. “Ikaw?”“Isang dosena-” natawa ito ng hampasin ko ang kanyang braso. “Bakit? Ang saya kaya nun!”“Okay lang basta ikaw magbuntis. Sabi pa naman nila ang sakit manganak!”“I was just kidding, babe. Kung ilan ang ibigay ni God, syempre tatanggapin at mamahalin ng buo,” bawi nito. “I can’t wait to have our own, soon… I always imagine having a happy family w
Huling Na-update : 2023-03-11 Magbasa pa