Lordan P.O.V “Hey, Lordan,” bati sa ‘kin ni Wendell nang makita niya ako. “Saan nagpunta si Ayla?” “Sa kwarto niya, bakit?” sagot niya sa ‘kin. “Magkasama kayo kanina hindi mo alam?” Namewang ako habang nakatingin sa malayong direksyon, “Tinakasan ako ni Ayla ‘e.” “Huh? Wait, what do you mean?” nagtatakang tanong niya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya, “Tama pala ang hinala ko na wala siyang seat belt noong araw na sabay kayong pumasok,” sagot ko sa kanya. “Sabi pa niya ‘e hindi raw siya komportable na maglagay ng safety seat belt.” “Ohh, ‘yun ba? Napansin mo pala ‘yon, for sure napansin mo din na mabagal ang pagmamaneho ko noong araw na ‘yun, haha!” aniya. “Ang sabi niya kasi ay may trauma siya sa paglalagay ng seat belt.” Nagtaka ako sa sinasabi niya sa ‘kin, “Trauma?” “Yes,” Sagot agad niya sa akin saka pinagpatuloy ang sinabi, “Paslit daw siya noon ng makulong s’ya sa loob ng sasakyan and she was unable to remove the seat belt that was wrapped around her. Ilang beses ra
อ่านเพิ่มเติม