Ayla Point of View Taimtim akong naglalakad patungo sa mansyon nang mapansin ko ang isang babae na nakatayo sa harap ng malaking pinto ng mansyon. Napansin ko ang suot niyang damit ay napagtanto kong siya si Moreen Lorenzo. Nang makarating ako sa harap ng mansyon ay agad kong binuksan ang dalawang pinto saka pumasok sa loob ngunit hindi ko siya pinagsaraduhan ng pinto. Nagpanggap ako na hindi ko siya napansin pero ramdam ko na nasa akin ang tingin niya. Natitiyak kong si Shawn ang pakay niya dito. Tumigil ako sa paglakad, “It’s cold outside. Come in." "Ahh, hmmn," pagsang-ayon niya. Namangha siya nang makita ang loob ng mansion. Nakatingin niya sa napakalaki at kumikinang na chandelier na halos katapatan ko na. Dumako ang tingin niya sa ‘kin nang marinig niya akong nagsalita. Maging ang paglakad niya ay napakahinhin at ingat na ingat sa bawat pagkilos. Hindi ko maitatanggi na napakaganda ni Moreen Lorenzo. Hindi kataka-taka na maraming may gusto sa kanyang nagkakagusto atlalo na a
Arroz Con Pollo, Creamy Steak Fettuccine at Honey Garlic Glazed Salmon ang nais kong iluto ngayong gabi. Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman ang pagp-presinta ko na magluto. Imbis na ginugugol ko ang oras sa madilim kong kwarto, narito ako ngayon kasama ang mga taong ‘to. Dapat ko bang sisihin si Lordan o ang sarili ko dahil hinayaan kong mahuli niya ako na pinagmamasdan siya. Imbis na manatiling nakatulala sa kitchen stove ay naisipan ko nang kumuha ako ng mga ingridients na nakalagay sa recipe book. “Tulungan ka na namin, Ayla.” boses ni Lordan. Hindi ko siya tiningnan pero ramdam kong nasa likod ko ang tatlo samantalang si Lordan ay tumabi na naman sa ‘kin. Binigay ko sa kanila ang recipe book. “Pakuha ng ingridients ng Creamy Steak Fettuccine at Honey Garlic Glazed Salmon,” tinuro ko kung na’saan ang pahina. Napansin ko'ng napanguso si Lordan. "Haba naman ng pangalan pagkaing 'yan, pwede namang isa na lang.""Ano ba naman pati ba 'yan nirereklamo mo." boses n
Isang malaking kahihiyan ang nangyari ‘yon kagabi. Ilang beses ko pang sinubukan pakalmahin ang sarili ko dahil tila may kumakalabog sa dibdib ko tuwing naaalala ko ang titigan namin ng lalaking ‘yon. Kinaumagahan, ginawa ko ang makakaya ko upang hindi ko na pakaisipin ang pagdampi ng daliri niya sa daliri ko. Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko dahil baka kung ano pa ang maisip ni Lordan sa ‘kin. Hindi pwedeng humarap ako sa kanila na para may iba sa kinikilos ko. Mabuti na lang wala ‘don ang apat dahil baka sa pambubuyo nila lalo na si Leonaire at Shawn ay baka mas lalo ko pang ikahiya ang sarili ko. “Oh, Ayla? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong niya sa ‘kin ni Wendell habang kinukusot ang kanyang mata. Halatang bagong gising ito dahil malat ang boses nito. Lumabas siya ng kwarto. “Hindi naman.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo niyan ay kanina pa ako dito ng ala sais ng umaga at ngayon ay malapit na mag-ala siete ng umaga. Nakatayo lang ako dito, nag-iintay na bumukas ang
Lordan P.O.V “Hey, Lordan,” bati sa ‘kin ni Wendell nang makita niya ako. “Saan nagpunta si Ayla?” “Sa kwarto niya, bakit?” sagot niya sa ‘kin. “Magkasama kayo kanina hindi mo alam?” Namewang ako habang nakatingin sa malayong direksyon, “Tinakasan ako ni Ayla ‘e.” “Huh? Wait, what do you mean?” nagtatakang tanong niya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya, “Tama pala ang hinala ko na wala siyang seat belt noong araw na sabay kayong pumasok,” sagot ko sa kanya. “Sabi pa niya ‘e hindi raw siya komportable na maglagay ng safety seat belt.” “Ohh, ‘yun ba? Napansin mo pala ‘yon, for sure napansin mo din na mabagal ang pagmamaneho ko noong araw na ‘yun, haha!” aniya. “Ang sabi niya kasi ay may trauma siya sa paglalagay ng seat belt.” Nagtaka ako sa sinasabi niya sa ‘kin, “Trauma?” “Yes,” Sagot agad niya sa akin saka pinagpatuloy ang sinabi, “Paslit daw siya noon ng makulong s’ya sa loob ng sasakyan and she was unable to remove the seat belt that was wrapped around her. Ilang beses ra
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakialam sa buhay ng may buhay.Mas gugustuhin ko pang magkulong sa isang madilim na kwarto kesa makihalubilo sa kanila pero sa nakikita ko ngayon ay parang nilalapit ko ang sarili ko sa kanila. Hindi ko talaga kilala pa ang sarili ko.Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ako nagsisisi na ginagawa ko 'to. “H’wag mo na ko sundan, Lordan.” Kanina pa siya sumusunod sa ‘kin. Naki-sit-in pa siya sa klase namin ni Wendell at talagang tinabihan pa ako kahit ayaw ko. Nang mga oras na ‘yon ay gusto ko na siyang sapakin dahil sa dulot ng pangungulit at pag-iingay niya sa tabi ko. Napakaaktibo niya sa klase na naging dahilan para ikarindi ko ang pag-iingay niya. Wala namang masama sa pagsagot niya na akala mo ay mas alam pa niya sa professor pero ang masama ay ang nakakarindi niyang ingay. Napakamot siya sa ulo,“ ‘E wala naman akong klase ngayong araw. Saan ako pupunta?” Pati ba naman pupuntahan niya ay p-problemahin ko pa. “Wala ka naman palang klase, b
“Na’saan na si Ayla?” tanong agad sa akin ni Wendell nang makalapit siya sa ‘kin. “Hindi ko rin alam ‘e.” nagkibit-balikat na sabi ko. Narito kami ni Wendell at Shawn sa tapat ng main door ng mansion iniitay na makalabas si Ayla. “Guys,” napatingin kami kay Kael na papalapit sa ‘min galing sa loob. “Kanina pa nakaalis si Ayla, napansin ko kanina nang buksan ko ang curtain sa sliding door sa balcony,” aniya saka natawa siya at pinagkrus ang braso. “Haha! Kakagsing ko lang ng mga oras na ‘yon, mukha siyang excited sa foundation ng school dahil sa bilis ng takbo niya papunta sa sasakyan! Napakaaga naman ata niya masyado. 8 am pa naman ang start ng event. Hindi ko rin napansin ang araw na lumilipas dahil masyado ginugol ko ang mga oras ko sa paglalaro sa court pati na rin ang madalas kong pagmamasid kay Ayla sa mansion. Lagi siyang nakangiti at kung minsan para s’yang may sariling mundo dahil minsan ay nahihimigan namin siyang tumatawa tuwing nagluluto siya at napapadalas din ang pa
Chapter 20 We are oneAyla Point of ViewMaaga akong pumasok dala nang aking pagkasabik. Nagputing t-shirt lang ako katerno ng puting sapatos ko at medyo maluwag na pants. Kahit isang beses ay natuwa rin akong pumasok sa university na ‘to. Hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko habang papunta sa sasakyan kong nakaparke na sa tapat ng fountain na kaharap lang ng mansion. Inihanda ko na ito noong gabi pa lang dahil hindi na talaga ako makapag-intay pa. Nabubuhayan ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang mga bagay na gusto ko.May liwanag na nang umalis ako. Nang makarating agad ako ay agad kong pinarada ang ibang sasakyan na gamit ko sa may parking lot. Iilang sasakyan pa lang nagparke sa malawak na parking lot. Isinuot ko ang sumbrero kong itim bago ako bumaba upang hindi ako masyado pagtuunan ng pansin ng mga studyanteng abala sa kanilang ginagawa.Nais ko sanang pasukin ang mga room sa third floor ngunit inaayos pa nila ang nasa loob. Time checked, 6:42 a.m. na ako nakarating sa fourth
Shawn’s P.O.V “Alamin niyo ang nangyari.” Bilin ni Lordan bitbit si Ayla bago lumabas ng lab. Binagyan namin sila ng way para makalabas. May pogi points na naman si Lordan kay Ayla. “Pa’no ba ‘yan, nilalamangan ka na ni Lordan?” natatawang sabi ko kay Wendell na katabi ko lang. “Huh?” Slow niya talaga kahit kalian pagdating sa ganitong buyuhan. Nasa unahan naming si Leonaire at nasa likod naman kaming tatlo. “You’re Blaire’s big sister, right?” dinig kong tanong ni Leonaire kay Mindy. Napamaang si Mindy nang marinig niya mula kay Leonaire ‘to. “How did I knew? Of course, she is Shawn's ex fling.” Tinapunan ako ng tingin ni Leonaire matapos sabihin ‘yon. “Ex mo pala ‘yon.” bulong ni Kael sa ‘kin. “Correction, ex fling.” pagdidiin ko sa kanya. “Ga’non na rin ‘yun.” Sagot pa niya. Sabi na nga ba’t isasama ako nang isang ‘to. Yes, she’s my ex fling slash kalaplapan pero hindi rin nagtaggal ay inayawan ko rin siya. Of course may rason. She acts like my girlfriend at higit pa ‘don,
Lordan’s P.O.V“Be my date on February 28, Ayla.”Natigilan siya sa pagkakataong ito. “28? In two weeks?”“Nagkaroon ng announcement sa campus. May grand ball na magaganap for all year level.” Masayang anusyo ko sa kanya.Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at umiwas siya ng tingin. “Ayoko.”Nadismaya ako sa sagot niya. “Ayla naman.” Hinarap ko ang mukha niya. “Gusto ko ikaw ang maging partner ko, ayaw mo ba?”“Hindi sa gano’n.” maikling sagot niya. “‘Wag mo ng ipilit.”Ipipilit ko kung kaya ko’ng ipilit. Gusto ko, siya lang ang maisayaw ko sa gabing 'yon.“Mas sasaya kaming lima kung makikita ka naming na’ron.” Mahinahong sabi ko.Binalikan niya ako ng tingin. “Umamin ka nga…”“Umamin? Anong aaminin?” nagtatakang tanong ko.Ikinagulat ko ng i-alis niya ang kamay niya sa kamay ko. Napalitan ng seryosong tingin ang mga mata niya.“Hindi mo talaga ako gusto.” walang anu-ano'y sabi niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.“Sinabi mo lang na gusto mo ko dahil alam mo’ng gusto kita.”“Ano ba’
Ayla’s P.O.VAno ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!Nakakahiya!“Ayla!”Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.“Na-miss kita.”Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.“Sabi ko na-miss kita.”Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”Tss, para naman sa kanya ang g
Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel
Lordan P.O.VIisang sasakyan lang ang dinadala namin pagpapasok kami sa trabaho. Pang-apat na gabi na namin dito sa hotel, sabi nila kaya madalas sila kumuha ng part timer dahil madalas ma Hindi naman ga’non kahirap ang trabaho dahil hindi lang naman kami ang nagt-trabaho. May Narito kami ngayon sa isang room para magbihis ng uniporme pa’ng waiter.“Guys hindi ba kayo nagtataka simula nang magtrabaho tayo?” panimula ni Shawn. “Tayo lang ang gwapong empleyado nila.”Natawa kami sa sinabi niya pero hindi sa panghuhusga ay masasabi ko’ng may punto nga siya.“Tinatarantado lang ata nila ‘yung mga taong gusto rin mag-apply sa kanila.” Komento ni Leonaire. Kakatapos lang niya magsuot ng uniporme.“Huy Wendell, kanina ka pa tahimik. Anong nangyayari sayo?” si Shawn. Napunta ang atensyon namin kay Wendell na nakaupo sa isang bench sa dulo nang kwarto’ng ‘to.Inisa isa niya kaming tiningan. “I feel so worried, guys.” Nangangambang sabi niya. “I think one guest is observing us from far. Ilang b
Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Mabuti na lang may pagkukusa ang kasama ko. Hindi naman masyado naglagyan ng dumi ang pool dahil may kalayuan naman naman kung saan pumesto ang helicopter ni Auntie. Nagbabasaan pa si Leonaire at Shawn sa pool area kaya bago itago ang panlinis ng pool. Nagwawalis naman si Kael at Wendell sa magkaibang pwesto.Tumigil ako sa pagsungkit ng dahon sa pool. “Huy! Tama na ‘yan!” saway ko sa dalawang nasa dulo ng pool.Biglang nagkatinginan ang dalawa at para ba’ng iisa sila ng nasa isip, may samang balak to’ng mga ‘to panigurado. Humarurot silang tumakbo papunta sa ‘kin.“Peste sabi na.” sambit ko bago mabilis ako’ng tumakbo papalayo sa kanila.Baka nakakalimutan nilang runner ako! Sa lugar namin, ako ang pinakamabilis tumakbo. Walang nakakatalo sa ‘kin. Utas na ko kakatawa dahil naghihingalo na ang dalawa kakahabol sa ‘kin.“Ako pa talaga ang hinabol niyo! HAHAHAHA!” tawang-tawa sabi ko habang nakapamewang pa.Muli silang tumakbo kaya agad akong tumalikod para tumakbo pero ang hindi ko ala
Lordan P.O.VKita ang saya sa mga mata ni Kael habang yakap ang ina. Mabuti na lang naging maayos na sila mag-ina at mabuti na lang din nalaman ni tita Crissa ang totoong nangyari sa nakaraan nila tatay ni Kael. Wala ako’ng karapatan husgahan ang ama niya pero sana maisip ng tatay niya na piliin ang sarili niyang anak kaysa illegal niyang gawain.Papaalis si tita Crissa dahil tumawag ang isang international foreign country sa kanya. Napili siyang ilaban sa isang cooking show sa America. Urgent meeting pa nga kaso ayaw ni tita dahil ngayon lang ulit sila magkakasama ni Kael. Kung hindi pa siya pilitin ni Kael ay hindi ito pupunta.“Intayin niyo ako mamaya okay? Ihahatid ko kayo pauwi.” Nakangiting sabi niya sa ‘min at nakangiti kaming tumango sa kanya.“Good luck Crissa!” Napalingon agad kami sa likod nang marinig ang boses ni auntie.Nagbigay kami ng daan para mayakap nila ang isa’t isa.“See you in…” nagbilang pa si Auntie sa daliri.“7 years and 3 months again.” nakangising nakakalo
Hihiga na sana ako sa kama para matulog nang may biglaang kumatok. Iisipin ko pa sana na si Auntie 'yon pero bigla siyang nagsalita. Si Lordan.“Ayla, hindi ka ba lalabas?" Parang may saya pa sa tono ng pananalita niya. “Paalis na si Auntie."Hindi ako nagsalita at tinuloy na lang ang balak ko'ng pagpahiga para matulog. Naririnig ko pa ang maliliit na boses nila pero hindi ko naman lubos na naintindihan. Pinabayaan ko na lang sila. Ayoko na munang humarap sa kanila.Tinalikuran ko na ang pinto. Hindi ako nagkamali sinilip nila ako. Kitang kita ko ang pumasok na kaunting liwanag sa kwarto 'to.“Tulog s'ya, 'wag na natin gisingin baka lamunin pa niya tayo kapag nagambala pa natin siya.” dinig na dinig ko ang kalokohang sinabi ni Shawn. Hindi na nabago ang tingin niya sa 'kin. ‘Di ko rin naman sila masisisi.Binalot na ulit ng dilim ang silid.Ayoko rin harapin ang lalaking kakaiba ang kilos kanina. Napapikit ako ng mariin nang maalala naman ang nangyaring 'yon. Nababaliw na ata siya. Si
Ayla Point of ViewMabilis ko’ng iniwas ang tingin ko nang magmumulat na s’ya ng mata. Parang mali pa na sa plato’ng ‘to ko nakatingin.Naramdaman ko ang dahan-dahan n’yang pagtayo, “W-Wala po. Tapos na po ako.” Natataranta ang mata niya habang sinasabi n’ya.Kumuha ng ulam sa harap ko at umalis.“Lordan! Hindi ka pa tapos kumain!” pahabol pa ni auntie kahit tuluyan nang nakaalis.“Anong nangyari ‘don?” nagtatakang tanong ni Crissa.Hindi ko na rin naiwasan mag-isip kung ano nga pa iniisip n’ya.O_oHindi kaya…Sandali ako napapikit nang mariin nang maaala ang nangyari kagabi.“Kailangan na ata ni Lordan ng psychiatrist, auntie.” sabi ni Leonaire.Napatingin ako sa glasswall kung saan makikita si Lordan. Nagsasalita mag-isa.“Talk him later… baka matuluyan nang mabaliw ‘yon.” sagot ni auntie habang pinagpapatuloy ang pagkain.Tumawa ang apat na lalaki. Nang matapos kuman, niligpit na ng mga kasam-bahay ni Crissa ang nasa mesa, napresinta pa si Wendell pero hindi ni-refuse ni Crissa. N