Lordan P.O.V “Hey, Lordan,” bati sa ‘kin ni Wendell nang makita niya ako. “Saan nagpunta si Ayla?” “Sa kwarto niya, bakit?” sagot niya sa ‘kin. “Magkasama kayo kanina hindi mo alam?” Namewang ako habang nakatingin sa malayong direksyon, “Tinakasan ako ni Ayla ‘e.” “Huh? Wait, what do you mean?” nagtatakang tanong niya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya, “Tama pala ang hinala ko na wala siyang seat belt noong araw na sabay kayong pumasok,” sagot ko sa kanya. “Sabi pa niya ‘e hindi raw siya komportable na maglagay ng safety seat belt.” “Ohh, ‘yun ba? Napansin mo pala ‘yon, for sure napansin mo din na mabagal ang pagmamaneho ko noong araw na ‘yun, haha!” aniya. “Ang sabi niya kasi ay may trauma siya sa paglalagay ng seat belt.” Nagtaka ako sa sinasabi niya sa ‘kin, “Trauma?” “Yes,” Sagot agad niya sa akin saka pinagpatuloy ang sinabi, “Paslit daw siya noon ng makulong s’ya sa loob ng sasakyan and she was unable to remove the seat belt that was wrapped around her. Ilang beses ra
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakialam sa buhay ng may buhay.Mas gugustuhin ko pang magkulong sa isang madilim na kwarto kesa makihalubilo sa kanila pero sa nakikita ko ngayon ay parang nilalapit ko ang sarili ko sa kanila. Hindi ko talaga kilala pa ang sarili ko.Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ako nagsisisi na ginagawa ko 'to. “H’wag mo na ko sundan, Lordan.” Kanina pa siya sumusunod sa ‘kin. Naki-sit-in pa siya sa klase namin ni Wendell at talagang tinabihan pa ako kahit ayaw ko. Nang mga oras na ‘yon ay gusto ko na siyang sapakin dahil sa dulot ng pangungulit at pag-iingay niya sa tabi ko. Napakaaktibo niya sa klase na naging dahilan para ikarindi ko ang pag-iingay niya. Wala namang masama sa pagsagot niya na akala mo ay mas alam pa niya sa professor pero ang masama ay ang nakakarindi niyang ingay. Napakamot siya sa ulo,“ ‘E wala naman akong klase ngayong araw. Saan ako pupunta?” Pati ba naman pupuntahan niya ay p-problemahin ko pa. “Wala ka naman palang klase, b
“Na’saan na si Ayla?” tanong agad sa akin ni Wendell nang makalapit siya sa ‘kin. “Hindi ko rin alam ‘e.” nagkibit-balikat na sabi ko. Narito kami ni Wendell at Shawn sa tapat ng main door ng mansion iniitay na makalabas si Ayla. “Guys,” napatingin kami kay Kael na papalapit sa ‘min galing sa loob. “Kanina pa nakaalis si Ayla, napansin ko kanina nang buksan ko ang curtain sa sliding door sa balcony,” aniya saka natawa siya at pinagkrus ang braso. “Haha! Kakagsing ko lang ng mga oras na ‘yon, mukha siyang excited sa foundation ng school dahil sa bilis ng takbo niya papunta sa sasakyan! Napakaaga naman ata niya masyado. 8 am pa naman ang start ng event. Hindi ko rin napansin ang araw na lumilipas dahil masyado ginugol ko ang mga oras ko sa paglalaro sa court pati na rin ang madalas kong pagmamasid kay Ayla sa mansion. Lagi siyang nakangiti at kung minsan para s’yang may sariling mundo dahil minsan ay nahihimigan namin siyang tumatawa tuwing nagluluto siya at napapadalas din ang pa
Chapter 20 We are oneAyla Point of ViewMaaga akong pumasok dala nang aking pagkasabik. Nagputing t-shirt lang ako katerno ng puting sapatos ko at medyo maluwag na pants. Kahit isang beses ay natuwa rin akong pumasok sa university na ‘to. Hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko habang papunta sa sasakyan kong nakaparke na sa tapat ng fountain na kaharap lang ng mansion. Inihanda ko na ito noong gabi pa lang dahil hindi na talaga ako makapag-intay pa. Nabubuhayan ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang mga bagay na gusto ko.May liwanag na nang umalis ako. Nang makarating agad ako ay agad kong pinarada ang ibang sasakyan na gamit ko sa may parking lot. Iilang sasakyan pa lang nagparke sa malawak na parking lot. Isinuot ko ang sumbrero kong itim bago ako bumaba upang hindi ako masyado pagtuunan ng pansin ng mga studyanteng abala sa kanilang ginagawa.Nais ko sanang pasukin ang mga room sa third floor ngunit inaayos pa nila ang nasa loob. Time checked, 6:42 a.m. na ako nakarating sa fourth
Shawn’s P.O.V “Alamin niyo ang nangyari.” Bilin ni Lordan bitbit si Ayla bago lumabas ng lab. Binagyan namin sila ng way para makalabas. May pogi points na naman si Lordan kay Ayla. “Pa’no ba ‘yan, nilalamangan ka na ni Lordan?” natatawang sabi ko kay Wendell na katabi ko lang. “Huh?” Slow niya talaga kahit kalian pagdating sa ganitong buyuhan. Nasa unahan naming si Leonaire at nasa likod naman kaming tatlo. “You’re Blaire’s big sister, right?” dinig kong tanong ni Leonaire kay Mindy. Napamaang si Mindy nang marinig niya mula kay Leonaire ‘to. “How did I knew? Of course, she is Shawn's ex fling.” Tinapunan ako ng tingin ni Leonaire matapos sabihin ‘yon. “Ex mo pala ‘yon.” bulong ni Kael sa ‘kin. “Correction, ex fling.” pagdidiin ko sa kanya. “Ga’non na rin ‘yun.” Sagot pa niya. Sabi na nga ba’t isasama ako nang isang ‘to. Yes, she’s my ex fling slash kalaplapan pero hindi rin nagtaggal ay inayawan ko rin siya. Of course may rason. She acts like my girlfriend at higit pa ‘don,
Lordan P.O.VDali-dali akong bumaba ng bawat palapag, hirap ‘man ay pinilit kong bilisan ang pagbaba. Ang babaeng ‘to, lagi na lang siyang nilalapitan ng gulo. Hindi ko ‘man alam ang buong nangyari pero nasisiguro ko na hindi siya ang nagsimula ng gulo. Naobserba ko na sa kanya ‘yon simula nang mapanood ko ang nangyari sa may parking lot at pati na rin ang sinabi niya sa may dean’s office noon, nagiging agresibo lang siya kapag may hindi siya nagustuhan. Kaya mo siyang gawing mahina pagdating sa masasakit na salita pero nag-iiba siya sa tuwing may hindi siya nagustuhan lalo na ang masaktan siya dahil panigurado, sa huli, ikaw ang sasalo sa sarili mong bitag.Pinagtitinginan kami ng students kaya nagsimula na sila magbulungan pero hindi ko na lang sila pinansin, “Ano bang ginawa nila para mawalan ka ng malay?” tanong ko sa kanya kahit wala pa rin siyang malay. Binilisan ko ang pagmaneho ng sasakyan matapos ko siyang ihiga sa back seat.Nang makarating sa mansyon, sa kwarto ko siya dina
Ayla P.O.V Nakahinga ako ng maluwag matapos kong marinig ang pagsara ng pinto. Naalala ko ang reaction niya nang humingi ako sa kanya ng tawad. Marahil naguguluhan siya dahil hindi niya alam ang nararamdaman ko tuwing sumisipot siya kapag nasa gitna ako ng gulo. Napakalakas ng kutob niya, ‘ni hindi ako naghabilin sa kanila kung na’saan ako pero hindi ko akalaing matutunton kaagad nila ako. Aminin ko ‘man o hindi, alam ko sa sarili ko na… pinapakalma niya ang buong sistema ko sa tuwing naririnig kong binabanggit niya ang pangalan ko. Basta, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa tuwing naririnig kong binabanggit niya ang pangalan ko. Muli kong naalala ang aksidenteng pagdampi ng kamay niya sa mga daliri ko. Alam kong sa mga oras na ‘yon, may iba pero pilit ko lang inaalis sa isip ko ‘yon at pilit ko rin tinatanggi na may iba. Kanina ay napasulyap ako sa mga labi niya, hindi maiwasan ng isip ko na purihin ang maganda pagkakahugis ng kanyang labi. Napahawak ako sa dibdib ko nang ma
Wendell P.O.V“Saka na natin pag-usapan ang misyon kapag kumpleto na tayo. Lagi na lang nagw-walk out si Leonaire sa ‘tin.” Natatawang sabi ni Kael.Dahil sa pag-iiba ni Leonaire nang usapan ay hindi na naman namin napag-usapan ang tungkol sa misyon. Lordan was obviously confused by what Leonaire told him.“Pero, Lordan…” napunta ang tingin ni Lordan kay Kael na nagpatong ng kamay sa kanang balikat niya. Tumigil panandalian si Kael bago magsalita. “Hindi ka pa ba nagkakagusto sa babae?” Nagpakunot si Lordan panigurado ay naguguluhan na naman siya.Humarap siya kay kaya bumagsak ang kamay niya pababa, “Sinasabi mo bang bakla ako?” seryosong tanong niya. Nagpakawala ng tawa si Kael at nakita niya akong napangisi. “Anong nakakatawa?”“Anong bakla ang sinasabi mo d’yan?! hahaha!” natatawang sabi ni Kael. “What I’m mean is, have you ever been in love with someone?”Nagbago ang expression ng mukha niya at napansin kong napaisip siya sinabi niya, “Hmm… hindi pa,” maikling sagot niya matapos
Lordan’s P.O.V“Be my date on February 28, Ayla.”Natigilan siya sa pagkakataong ito. “28? In two weeks?”“Nagkaroon ng announcement sa campus. May grand ball na magaganap for all year level.” Masayang anusyo ko sa kanya.Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at umiwas siya ng tingin. “Ayoko.”Nadismaya ako sa sagot niya. “Ayla naman.” Hinarap ko ang mukha niya. “Gusto ko ikaw ang maging partner ko, ayaw mo ba?”“Hindi sa gano’n.” maikling sagot niya. “‘Wag mo ng ipilit.”Ipipilit ko kung kaya ko’ng ipilit. Gusto ko, siya lang ang maisayaw ko sa gabing 'yon.“Mas sasaya kaming lima kung makikita ka naming na’ron.” Mahinahong sabi ko.Binalikan niya ako ng tingin. “Umamin ka nga…”“Umamin? Anong aaminin?” nagtatakang tanong ko.Ikinagulat ko ng i-alis niya ang kamay niya sa kamay ko. Napalitan ng seryosong tingin ang mga mata niya.“Hindi mo talaga ako gusto.” walang anu-ano'y sabi niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.“Sinabi mo lang na gusto mo ko dahil alam mo’ng gusto kita.”“Ano ba’
Ayla’s P.O.VAno ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!Nakakahiya!“Ayla!”Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.“Na-miss kita.”Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.“Sabi ko na-miss kita.”Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”Tss, para naman sa kanya ang g
Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel
Lordan P.O.VIisang sasakyan lang ang dinadala namin pagpapasok kami sa trabaho. Pang-apat na gabi na namin dito sa hotel, sabi nila kaya madalas sila kumuha ng part timer dahil madalas ma Hindi naman ga’non kahirap ang trabaho dahil hindi lang naman kami ang nagt-trabaho. May Narito kami ngayon sa isang room para magbihis ng uniporme pa’ng waiter.“Guys hindi ba kayo nagtataka simula nang magtrabaho tayo?” panimula ni Shawn. “Tayo lang ang gwapong empleyado nila.”Natawa kami sa sinabi niya pero hindi sa panghuhusga ay masasabi ko’ng may punto nga siya.“Tinatarantado lang ata nila ‘yung mga taong gusto rin mag-apply sa kanila.” Komento ni Leonaire. Kakatapos lang niya magsuot ng uniporme.“Huy Wendell, kanina ka pa tahimik. Anong nangyayari sayo?” si Shawn. Napunta ang atensyon namin kay Wendell na nakaupo sa isang bench sa dulo nang kwarto’ng ‘to.Inisa isa niya kaming tiningan. “I feel so worried, guys.” Nangangambang sabi niya. “I think one guest is observing us from far. Ilang b
Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Mabuti na lang may pagkukusa ang kasama ko. Hindi naman masyado naglagyan ng dumi ang pool dahil may kalayuan naman naman kung saan pumesto ang helicopter ni Auntie. Nagbabasaan pa si Leonaire at Shawn sa pool area kaya bago itago ang panlinis ng pool. Nagwawalis naman si Kael at Wendell sa magkaibang pwesto.Tumigil ako sa pagsungkit ng dahon sa pool. “Huy! Tama na ‘yan!” saway ko sa dalawang nasa dulo ng pool.Biglang nagkatinginan ang dalawa at para ba’ng iisa sila ng nasa isip, may samang balak to’ng mga ‘to panigurado. Humarurot silang tumakbo papunta sa ‘kin.“Peste sabi na.” sambit ko bago mabilis ako’ng tumakbo papalayo sa kanila.Baka nakakalimutan nilang runner ako! Sa lugar namin, ako ang pinakamabilis tumakbo. Walang nakakatalo sa ‘kin. Utas na ko kakatawa dahil naghihingalo na ang dalawa kakahabol sa ‘kin.“Ako pa talaga ang hinabol niyo! HAHAHAHA!” tawang-tawa sabi ko habang nakapamewang pa.Muli silang tumakbo kaya agad akong tumalikod para tumakbo pero ang hindi ko ala
Lordan P.O.VKita ang saya sa mga mata ni Kael habang yakap ang ina. Mabuti na lang naging maayos na sila mag-ina at mabuti na lang din nalaman ni tita Crissa ang totoong nangyari sa nakaraan nila tatay ni Kael. Wala ako’ng karapatan husgahan ang ama niya pero sana maisip ng tatay niya na piliin ang sarili niyang anak kaysa illegal niyang gawain.Papaalis si tita Crissa dahil tumawag ang isang international foreign country sa kanya. Napili siyang ilaban sa isang cooking show sa America. Urgent meeting pa nga kaso ayaw ni tita dahil ngayon lang ulit sila magkakasama ni Kael. Kung hindi pa siya pilitin ni Kael ay hindi ito pupunta.“Intayin niyo ako mamaya okay? Ihahatid ko kayo pauwi.” Nakangiting sabi niya sa ‘min at nakangiti kaming tumango sa kanya.“Good luck Crissa!” Napalingon agad kami sa likod nang marinig ang boses ni auntie.Nagbigay kami ng daan para mayakap nila ang isa’t isa.“See you in…” nagbilang pa si Auntie sa daliri.“7 years and 3 months again.” nakangising nakakalo
Hihiga na sana ako sa kama para matulog nang may biglaang kumatok. Iisipin ko pa sana na si Auntie 'yon pero bigla siyang nagsalita. Si Lordan.“Ayla, hindi ka ba lalabas?" Parang may saya pa sa tono ng pananalita niya. “Paalis na si Auntie."Hindi ako nagsalita at tinuloy na lang ang balak ko'ng pagpahiga para matulog. Naririnig ko pa ang maliliit na boses nila pero hindi ko naman lubos na naintindihan. Pinabayaan ko na lang sila. Ayoko na munang humarap sa kanila.Tinalikuran ko na ang pinto. Hindi ako nagkamali sinilip nila ako. Kitang kita ko ang pumasok na kaunting liwanag sa kwarto 'to.“Tulog s'ya, 'wag na natin gisingin baka lamunin pa niya tayo kapag nagambala pa natin siya.” dinig na dinig ko ang kalokohang sinabi ni Shawn. Hindi na nabago ang tingin niya sa 'kin. ‘Di ko rin naman sila masisisi.Binalot na ulit ng dilim ang silid.Ayoko rin harapin ang lalaking kakaiba ang kilos kanina. Napapikit ako ng mariin nang maalala naman ang nangyaring 'yon. Nababaliw na ata siya. Si
Ayla Point of ViewMabilis ko’ng iniwas ang tingin ko nang magmumulat na s’ya ng mata. Parang mali pa na sa plato’ng ‘to ko nakatingin.Naramdaman ko ang dahan-dahan n’yang pagtayo, “W-Wala po. Tapos na po ako.” Natataranta ang mata niya habang sinasabi n’ya.Kumuha ng ulam sa harap ko at umalis.“Lordan! Hindi ka pa tapos kumain!” pahabol pa ni auntie kahit tuluyan nang nakaalis.“Anong nangyari ‘don?” nagtatakang tanong ni Crissa.Hindi ko na rin naiwasan mag-isip kung ano nga pa iniisip n’ya.O_oHindi kaya…Sandali ako napapikit nang mariin nang maaala ang nangyari kagabi.“Kailangan na ata ni Lordan ng psychiatrist, auntie.” sabi ni Leonaire.Napatingin ako sa glasswall kung saan makikita si Lordan. Nagsasalita mag-isa.“Talk him later… baka matuluyan nang mabaliw ‘yon.” sagot ni auntie habang pinagpapatuloy ang pagkain.Tumawa ang apat na lalaki. Nang matapos kuman, niligpit na ng mga kasam-bahay ni Crissa ang nasa mesa, napresinta pa si Wendell pero hindi ni-refuse ni Crissa. N