Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Magbasa pa