Home / Romance / Love Language (Queen and CEO) / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Love Language (Queen and CEO): Chapter 61 - Chapter 70

90 Chapters

Chapter 61

“Guys luto na kakain na tayo!” narinig ko na sigaw ni Danica mula sa kusina.Dali-dali na ako nagbihis dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Kumain naman kami kanina sa Mall bago mag-grocery pero nakaramdam ako ng gutom pag-uwi namin. Wala kaming schedule kaya naisipan namin na mag-grocery dahil wala na rin kaming mga stock. Nag-prisinta si Danica na magluto ng uulamin namin at habang naghihintay ay naligo na muna ako. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Joshua na abala sa laptop niya. Pagdating ko sa kusina ay naghain na agad ako para makakain na kami. Ilang sandali lang ay sinamahan na rin kami ni Joshua sa lamesa. “Grabe na miss ko ang luto mo,” sabi ko pagkatapos ko sumubo.“Hoy Bakla hindi dahil matatapos na ang kontrata mo pababayaan mo na ang katawan mo,” paalala ni Joshua habang nakatingin sa plato ko.“Hindi ko naman pinapabayaan ang katawan ko. Ilang linggo na ako diet remember dahil sa dami ng tinanggap mo na project. Wala naman siguro masama kung mag-enjoy ako sa pag
last updateLast Updated : 2024-08-13
Read more

Chapter 62

“We need to be extra careful now,” sabi ni Felix habang inaayos ko ang damit ko.Si Felix ang sumundo sa akin sa airport kanina. Imbes na sa bahay o apartment niya sa hotel kami dumiretso. Ang alam ni Mark ay bukas pa ang dating ko. Pinaalam ko sa kanya ang pag-uwi ko pero hindi niya alam ang totoong dahilan. Naalarma na ako sa mga nabalitaan ko at kailangan ko kumpirmahin kung totoo ba kaya nagpasya akong umuwi. Hindi ako makakapayag na masira ang mga plano ko lalo na ngayon na hawak ko si Jack. “I know Dear,” malambing na sagot ko saka bumalik sa kama at tumabi sa kanya.“Naibigay ko na sa kanya iyong mga report na pinagawa mo pero may pinapahanap pa rin siya. I think may nakita siya na kakaiba kaya patuloy pa rin siya sa pag-iimbestiga,” sabi niya.“May makita man siya hindi naman niya iyon mapapatunayan kaya balewala rin ang mga ginagawa niya. Hayaan mo lang siya para magulat siya kung saan siya dadalhin ng pag-iimbestiga niya. Tingnan na lang natin kung ano ang magiging reaksyon
last updateLast Updated : 2024-08-15
Read more

Chapter 63

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong ni Danica at umiling ako.Ngayon kami magkikita ni David. Nagulat ako ng tawagan niya ako kagabi at sabihin nandito na siya sa Pilipinas. Gusto niyang magkita kami at pumayag naman ako kasi gusto ko na talaga siya makausap. Ayoko ng patagalin pa dahil ayoko naman maging unfair sa kanya. Malalaman din naman niya sooner or later kaya mabuting ngayon na. Nabanggit ko na kay Mark ang pag-amin ko kay Joshua at Danica tungkol sa amin. Nalungkot ako pero at the same time naintindihan ko rin naman ang nararamdaman nila. “Hindi na Dan kaya ko naman pumunta doon at saka may pupuntahan pa kayo. Dapat nga hindi mo na ako sinamahan ngayon kasi nandyan naman sila. Mag-ingat naman ako at hindi naman siya kalayuan,” sagot ko.Si Danica ang kasama ko sa photoshoot dahil umuwi ng probinsya si Joshua. Binilin naman niya sa mga staff ang mga kailangan ko. Ang sabi niya ay may importante siyang aasikasuhin pero feeling ko iniiwasan niya ako. May kasalanan naman talaga
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more

Chapter 64

Magulong-magulo ang isip ko ngayon dahil sa mga nalaman ko kahapon. Nakipagkita ako sa private investigator ko kahapon at hindi maganda ang mga nalaman ko. Kanina naman ay pinag-aralan ko ang iba pang financial statements na matagal ko ng pinahanap. May mga bagay na hindi tumutugma kaya mas lalo ako nagkaroon ng mga katanungan. Ipinikit ko ang mga mata ko ng nakaramdam ako ng pagkirot sa sintido ko saka hinilot. Napamulat ako ng marinig ko ang pagkatok sa pinto. Nilagay ko Muna sa drawer ang mga folder na binabasa ko kanina. Tumingin muna ako sa relo ko para tingnan ng oras bago tumayo. “She's early,” nakangiti na sabi ko habang naglalakad papunta sa pinto.Ilang araw na kami hindi nagkikita ni Queensley at sobrang miss ko na siya. Ang sabi ko sa kanya ay susunduin ko siya pero hindi siya pumayag. Although alam na ng mga kaibigan niya Ang tungkol sa amin pero ayaw muna niya makita kami ng ibang tao. Ang excitement na nararamdaman ko ay biglang nawala ng makita ko kung sino ang nasa
last updateLast Updated : 2024-08-17
Read more

Chapter 65

“Anong plano mo ngayon Queen?” tanong ni David.Narinig ko ang tanong niya pero hindi ko magawang tumugon. Tiningnan ko siya at kita sa mukha niya ang pag-aalala. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko. Nakakabingi ang malakas na pintig ng puso ko. Pagkatapos ko marinig ang sinabi ng Doctor kanina Iba't ibang emosyon na ang naramdaman ko. Sinamahan ko si David para sa follow up check-up niya ng bigla ko nawalan ng malay kanina. Buong akala ko ay dahil lang sa gutom at puyat pero iba pala ang dahilan. Sobrang nagulat talaga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. “Okay ka lang ba? Gusto mo ba tawagan ko ang mga kaibigan mo at saka siya?” nag-alala na tanong niya.Marahan akong umiling saka tiningnan ang piraso ng papel na hawak ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at ang mga luha na pinipigilan ko kanina ay sunod-sunod ng dumaloy sa mga mata ko. Ilang araw ko na iniiwasan si Mark dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Galit na galit ako sa kanya pero na
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

Chapter 66

“Anong ginagawa mo rito?” mataray na tanong ni Joshua pagbukas niya ng pinto.Ilang linggo na hindi kami nagkikita at naguusap ni Queensley at sobrang nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Noon kahit sobrang busy niya nagagawa pa niya sagutin ang tawag at message ko. Lately lagi niya sinasabi na maraming siyang schedule o kaya naman ay pagod na siya. Mas nag-alala ako dahil kahapon pagdating ko from conference hindi ko makontak ang phone niya. Kinakabahan ako na Hindi ko maipaliwanag.“Pwede ko ba siya makausap? Please Joshua kailangan ko lang siya makausap,” pakiusap ko.Hindi siya tumugon at binuksan lang niya ang pinto. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ako pumasok sa loob para hanapin siya. Nang hindi ko siya nakita agad ako dumiretso sa kwarto niya. Nagtaka ako dahil wala rin siya doon. Nagtatanong na tiningnan ko si Joshua pero blanko ang ekspresyon ng mukha niya.“Nasaan siya?” tanong ko.“Hindi ko alam,” sagot niya at kunot
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more

Chapter 67

“Queennie nandiyan ka ba sa loob?” narinig ko na sigaw mula sa labas.Pinatay ko na muna ang stove at naglakad na papunta sa pinto. Kahit hindi ko tanungin kung sino ang nasa labas ay alam ko na sa boses pa lang. “Bakit po Aleng Chato?” tanong ko pagkabukas ko ng pinto.Nang ihatid ako ni David sa Bus terminal ilang buwan na ang nakalipas hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gulong-gulo ang isip ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpumilit pa rin siya na samahan ako o ihatid ako kung saan ako pupunta. Sinabi ko sa kanya na kapag nagpumilit pa siya hindi na niya ako makikita kahit kailan. Wala naman akong balak na ipagpatuloy ang ugnayan namin dahil kailangan kong mag-ingat na hindi mahanap ni Mark. Hindi lang sarili ko ang kailangan ko isipin pati na rin ang Batang dinadala ko. Sigurado ako na pipilitin niya makuha ang bata kapag nalaman niya at hindi ako makakapayag. Sumakay ako ng Bus papuntang Bicol ng hindi iniisip kung ano ang kasunod na mangyayari sa akin. Katabi ko si Ali
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

Chapter 68

“Queensley,” tawag ko ng mapatingin ako sa dancefloor. Tumayo ako para lapitan pero pinigilan ako ni Melmar. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi niya binitawan ang braso ko. Pagtingin mo ulit sa dancefloor wala na siya roon kaya tumingin ako sa paligid. Tiningnan ko si Melmar at umiling siya. Pinaglalaruan na naman ako ng imahinasyon ko. Sinenyasan ko ulit ang bartender para umorder. Walang oras na hindi ko siya naalala at walang oras na hindi ko nakikita ang imahe niya. Ang hirap ng ganito dahil hindi ko man lang alam kung okay ba siya o may nangyari sa kanya na masama. “Mark tama na halos araw-araw ka na umiinom baka kung ano mangyari sa iyo,” awat ni Melmar ng iinumin ko ang baso na inabot ng bartender sa akin. Humingi ako ng malalim saka yumuko. Mula ng hindi na bumalik si Queensley walang araw na hindi ko nilunod ang sarili ko sa alak. Hindi ko alam kung ano bang nangyari at nagawa niya akong iwan. Nangako siya na hindi siya mawawala sa tabi ko at hinding-hindi niya ako iiw
last updateLast Updated : 2024-08-23
Read more

Chapter 69

“Mukhang nagising na ang prinsesa. Puntahan mo na muna at siguradong gutom na iyon,” nakangiti na sabi ni Aling Chato ng marinig ang malakas na pag-iyak mula sa loob ng bahay.Imbes na mag-trabaho ay naisipan ko na lang na magbukas ng mini-grocery. Sinuportahan ako ni Aling Chato at siya pa ang nag-suggest na gamitin ko ang bakanteng lote niya. Tinulungan ako ni Aling Chato sa mga kailangan ko para ma umpisahan ang negosyo. Ilang buwan pa lang naman pero masasabi ko na maganda ang takbo ng negosyo. Malaking bagay para sa akin dahil hindi ko kailangan iwan ang anak ko at the same time ay kumukita ako. After ko manganak ay naisip ko na hindi ko pala kayang iwan si Queennie sa ibang tao at saka nag-brebreastfeed ako. Masasabi ko na ang laki ng nagbago sa akin after ko manganak hindi lang physically pero pati na rin emotionally. Masarap sa pakiramdam na araw-araw ako gumigising para sa kanya. Nagkaroon ako ng malaking dahilan para magpatuloy sa buhay. Sobrang saya ko dahil dumating siya s
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more

Chapter 70

“Congratulations Mark,” bati ni Papa pagpasok ko sa office. Kadarating ko lang kagabi galing Singapore para umattend ng Awarding Ceremony. Kinabibilangan iyon ng Iba't ibang apparel company sa buong Asia. Dalawang award ang naiuwi ko ang Outstanding Achievement Award at Most Admired Apparel Company of the year. Sa loob ng apat na taon ay wala akong ginawa kung hindi pagandahin ang takbo ng kumpanya. Ang main goal ko ay makilala ang La Bella Hindi lang sa Pilipinas pero pati na rin sa mga karatig na bansa. Nag-focus lang ako sa goal ko at Hindi tumigil kahit na maraming problema. Hindi naging madali pero pinilit ko para na rin sa ikagaganda ng kumpanya. Laging pinapaalala sa akin ni Papa na maraming tao ang umaasa sa kumpanya. Marami na ang nangyari at nagbago.“Thank you,” tugon ko.Ramdam kong nakasunod sa akin ang tingin niya habang naglalakad ako papalapit sa table ko. Hinubad ko na ang coat ko at sinabit saka umupo. Kahit wala pang masyadong tulog ay pinilit ko na pumasok. Sa loo
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status