Home / Romance / Love Language (Queen and CEO) / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Love Language (Queen and CEO): Chapter 51 - Chapter 60

90 Chapters

Chapter 51

“The food was great and I love the place. Thank you sa dinner at sa paghatid,” sabi ko pagdating namin sa may pinto ng Condominium ko.Dumalo kami sa opening ng Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan ni David. Dapat ay susunduin ako ni Joshua pero nagkaroon siya ng emergency. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya ako mismo sa pinto ng unit ko. Pang-limang beses na namin lumabas ni David mula noong nagkakilala kami tatlong linggo na ang nakaraan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan komportable at nag-enjoy ako na kasama siya. Noong una niya ako imbitahan lumabas nagdalawang-isip talaga ako kung tatanggapin ko ba pero sa pamimilit ni Joshua ay pumayag ako hanggang sa nasundan pa. Iba naman ang opinyon ni Danica para sa kanya dapat ko muna kausapin ng masinsinan si Mark. Maniniwala siya na may mas malalim pang dahilan kung bakit biglang nagbago si Mark. Gusto ko nga sana sundin si Danica pero sa pinapakita ni Mark lalo lang ako naiinis. May part din kasi na kaya ako pumayag na lumabas
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more

Chapter 52

“Alam mo Mark imbes nagpapakalasing ka diyan bakit hindi mo na lang harapin ang problema mo. Sabihin mo sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, mga plano mo at lahat-lahat. Walang patutunguhan kung tinatago mo sa kanya para protektahan siya kung in the end naman mawawala siya sa iyo,” payo ni Melmar at inubos ko ang laman ng baso ko.“I can't afford to lose her but I don't want her to get hurt. This is the only way I can protect her,” tugon ko bago ko sinalinan ulit ng alak ang baso ko.Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Queensley habang kausap si David. Matagal ko ng kilala si David at alam ko kung paano siya sa mga kababaihan. Pinigilan ko lang ang sarili ko na sugurin at suntukin ang binata dahil hindi ko nagustuhan kung paano niya tingnan si Queensley. “So hahayaan mo na lang si David mapalapit kay Queensley? Ano ba kasi ang kinakatakutan mo Mark? Hindi ba mas magiging madali ang lahat kung sasabihin mo sa kanya ang lahat?” tanong ni Melmar at tiningnan
last updateLast Updated : 2024-06-03
Read more

Chapter 53

“I want you Mark!” “I want to be with you now,”Wala na akong pakialam kung anong iniisip niya. Wala na rin akong pakialam kung mukha ba akong nagmamakaawa o desperada sa mga oras na ito. Sapat na sa akin marinig na mahal niya ako dahil pareho lang kami ng nararamdaman. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na malaman at marinig kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya. Ang makasama ko siya ngayon ang tanging gusto ko. Ayokong palampasin ang pagkakataon na ito na makasama siya. Sa mga nakalipas na buwan ang gulo-gulo ng sitwasyon namin at umabot na ako sa puntong tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba talaga kami. Kapag gusto ko na siya kalimutan bigla naman mag-cross ang landas namin at kapag pakiramdam ko okay na kami bigla naman siya hindi nagpaparamdam o kaya naman iiwasan niya ako. Ayokong pakinggan ang sinisigaw ng isip ko at gusto ko sundin ang sinasabi ng puso ko. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan at ramdam kong nagpipigil lang siya.“Queensley,” paos a
last updateLast Updated : 2024-06-15
Read more

Chapter 54

Naalimpungatan ako at napatingin sa orasan nakasabit sa dingding. Three o'clock pa lang ng umaga kaya madilim pa ang paligid. Nabaling ang pansin ko sa katabi ko na kasalukuyang nakatalikod sa akin. Nakaunan ang ulo niya sa braso ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ilang oras pa lang ang lumipas mula ng may nangyari sa amin kaya naman sariwa pa ang lahat sa alaala ko. Pinasok ko sa comforter ang isang kamay ko at hinaplos ko ang bewang niya saka marahang pinisil. Narinig ko ang pag-ungol niya at paggalaw ng katawan niya. Nakaramdam ako ng pangingitin nang magkiskisan ang katawan namin kaya napalunok ako. Alam kong kailangan pa niya matulog at magpahinga pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maangkin ulit siya. Ipinikit ko ang mga mata ko habang inaamoy ang buhok niya. Hinalikan ko siya sa batok bago ko siniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ako naman ang napaungol ng mas isiksik pa niya ang katawan papalapit sa akin. Mula sa bewang niya naglakbay ang kamay ko paakyat hanggang sa d
last updateLast Updated : 2024-06-28
Read more

Chapter 55

Hindi ko mapigilan mapangiti habang binasa ang message ni Mark. Ilang araw pa lang ang lumipas mula ng may nangyari sa amin at wala ako nararamdaman na pagsisisi o panghihinayang. Hindi ako napilitan dahil buong puso ko ibinigay ang sarili ko sa kanya. Nangako ako noon sa sarili ko na ibibigay ko lang ang sarili ko sa tanong makakasama ko habangbuhay. Alam kong hindi ako dapat nagpadala pero hindi ko na maibabalik ang mga nangyari. Nag-alala ako ng hindi ko siya nakita paggising ko pero nawala rin ng nabasa ko ang note na iniwan niya. Na touch naman ako dahil pinagluto pa niya ako ng almusal bago siya umalis. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan nararamdaman ko habang binabalikan ko ang mga nangyari sa amin. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong alam na namin kung ano ba ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Pakiramdam ko nga mas naging malapit pa kami sa isa't isa.“Ako lang ba ang nakakapansin?” narinig ko na tanong ni Michelle ang stylist ko. “Ano naman ang napansin mo Mitch buko
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Chapter 56

“Hindi ka ba sasama sa amin?” nagtataka na tanong ni Joshua pagpasok niya sa kwarto ko.Habang kumakain ng lunch kanina nagkayayaan na lumabas para mag-unwind. May usapan kami ni Mark na magkikita ngayon pero dahil hindi ko pa nasabi sa mga kaibigan ko ang tungkol sa amin kaya kailangan ko muna mag dahilan. Hindi naman sa gusto ko magsinungaling o maglihim sa kanila pero gusto ko muna malaman ang opinyon ni Mark. Ngayon lang kami magkikita dahil naging sobrang busy niya pero lagi naman kami magkausap. Masaya ako kapag magkausap kami pero gustong-gusto ko siya makasama. Araw-araw niya ako pinapadalhan ng bulaklak at mga regalo na buong akala ng mga kaibigan ko galing kay David.“Kayo na lang muna Bakla gusto ko magpahinga. Ang dami nating schedule this week at medyo napagod ako,” sagot ko habang nakaupo sa kama ko. Totoo rin naman na gusto ko magpahinga. Sunod-sunod kasi ang naging schedule namin dahil maglalabas ng campaign ang kumpanya para sa bagong collection. “Ganoon ba? Sabagay
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

Chapter 57

“Felix cleared my schedule for tomorrow and the day after,” sabi ko pagkaabot niya sa akin ng folder.“Why Sir?” nagtataka na tanong niya at napatingin ako sa kanya.“Do I need to tell you why?” balik tanong ko sa kanya at umiling siya.Pinasadahan ko muna ng tingin ang nilalaman ng folder. Approval for additional budget na request ni Auntie Rose. Saglit ako natigilan ng nabasa ko kung magkano at para saan. Base sa mga hawak ko na financial report mostly ang may questionable fund ay galing sa mga project ni Queensley pero requested ni Auntie Rose. Meron din na project ni Auntie Rose pero si Queensley naman ang nag-request. Kung titingnan pareho silang malapit kay Dad kaya walang question at kahirap-hirap ang approval. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi magawa ni Dad na alamin kung sino sa kanila ang gumagawa ng anomalya. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya dahil ganun din ang nararamdaman ko ngayon parehong malapit sa akin ang dalawa at parehong pinagkakatiwalaan ko. Gusto ko man b
last updateLast Updated : 2024-07-30
Read more

Chapter 58

“Okay lang ba kung mag-stay na lang tayo dito sa room the whole day? Magpa-room service na lang tayo Babe,” sabi ni Mark habang nakayakap sa akin.Minulat ko ang mga mata ko saka umayos ng higa paharap sa kanya. Last day na namin ngayon at bukas ay pabalik na ulit kami ng Manila. Mabuti na lang at hindi crowded itong Resort na pinuntahan namin kaya nag-enjoy kami na walang inaalala. Pakiramdam nga namin solong-solo namin ang lugar kaya sobrang natuwa ako. Pagkatapos ng photoshoot kailangan bumalik agad ni Joshua ng Manila kasi nagkaroon ng emergency sa kanila. Sinabi ko sa kanya na gusto ko magpa-iwan para makapag-unwind. Hindi naman siya tumutol at binilinan lang ako na tawagan siya kapag pabalik na ako ng Manila. Nang sabihin ko kay Mark ang tungkol sa schedule ko naisip namin na gamitin ang pagkakataon na iyon para makalayo. Ito ang unang pagkakataon na nag-out of town kaming dalawa. Hindi man kami sabay na pumunta pero ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa ngayon. Ang dami namin
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more

Chapter 59

“Hay salamat naman at kumpleto tayo ngayon,” sabi ni Joshua pagpasok namin sa restaurant.“Oo nga grabe daig pa natin ang mga OFW kasi sa video call lang tayo nagkikita at naguusap,” natatawa na sabi naman ni Danica at natawa lang ako.Nitong mga nakaraang buwan sobrang naging busy kami ni Joshua dahil sa mga sunod-sunod na project. Si Danica naman ay busy sa pag-aasikaso ng school sa bahay ampunan. Malapit na kasi ang school opening at ang daming requirements na kailangan ayusin. Tinanong ko naman siya kung kailangan niya ng tulong pero sinabi niya na kaya na niya. Tinutulungan naman siya ni Eugene at ng boyfriend niyang si Dominic. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa dahil imposibleng matuloy ang project na iyon kung hindi sa tulong nila. Hindi naman inasahan ang pagbuhos ng tulong mula sa Iba't ibang tao kaya kumuha na kami ng taong mag-manage. Updated naman kami sa mga ganap sa buhay dahil lagi kaming naguusap kahit hindi magkakasama.“Gutom na gutom na talaga ako,”
last updateLast Updated : 2024-08-07
Read more

Chapter 60

“Mabuti naman at naisingit mo kami sa schedule mo,” parang batang nagtatampo na sabi ni Nanay Salud habang nagtitimpla ng kape.Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa sinabi niya. Sinabi ko kay Joshua na kailangan ko ng dalawang araw na off dahil gusto ko samahan si Danica sa pamimili ng mga gamit. Gusto ko makasama si Nanay Salud pati na rin ang mga bata ng matagal dahil ang tagal ko na sila hindi nakasama. Nabanggit ko kay Mark ang pagpunta ko rito at gusto niya sumama kaso bigla siya nagkaroon ng meeting. Nag-donate na lang siya kaya nadagdagan ang budget namin. Bukod sa mga gamit na gagamitin sa school at ng mga bata bumili na rin kami ng mga pagkain para stock nila. Maaga kami umalis kasi ang dami namin kailangan bilhin at buong akala namin maaga kami matatapos. Pagkatapos namin mamili ay hinatid lang kami ni Joshua dahil may kailangan pa siya asikasuhin. Plano namin ni Danica na dito matulog kaya sa isang araw na niya kami susunduin.“Ay Sus nagtampo naman ang Ale,” malambing
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status