“Kailangan mo na ba talaga umalis? Hindi ba pwede na mag-stay ka pa kahit ilang oras lang? Wala kasi akong kasama. Walang mag-aasikaso sa akin dito kapag umalis ka,” parang bata na sabi niya at pinigilan ko ang matawa.Napangiti ako dahil hindi pa rin siya nagbabago. Huminga ako ng malalim saka umupo ulit sa tabi niya. Ayoko na muna sana umalis at iwan siya pero kailangan. Kung mag-stay pa ako baka mag-cross ang landas namin ni Mark dito. “Kailangan ko na talaga umalis Jack. Pinuntahan lang naman kita para siguraduhin na okay ang kalagayan mo at ngayon nakita ko naman na okay ka na pwede na akong umalis. May mga nurse naman dito kaya malabong walang mag-aasikaso sa iyo. For sure naman kukuha siya ng private nurse para may mag-alaga sa iyo hanggang maka-fully recover ka kaya mapapanatag na ako,” sabi ko.Hindi ko maiwasang malungkot ng nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang ngiti sa labi niya at bakas sa mga mata niya ang lungkot. Kinuha ko ang isang kamay niya a
Last Updated : 2024-09-05 Read more