"Ate, kailangan ba talaga na doon ka tumira? Hindi ka na nga namin madalas makasama dito tapos aalis ka pa," mangiyak-ngiyak na sabi ni Amber. Tumigil ako sa pag-impake at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Amber, kailangan ni ate umalis. Mas malaki kasi ang sweldo doon at mas mababayaran ko ang mga utang ni nanay," mahinahon kong sabi. "Saka hindi naman ako mangingibam-bansa, bibisitahin ko pa rin kayo dito.""Talaga?""Oo naman! Pangako dadalaw ako dito nang madalas.""Pramis mo 'yan, ah. Pag di ka tumupad sa pangako, ipapakulam kita," umiiyak niyang sabi. Mahina akong natawa. "Pangako."Nalaman kong Cecilia pala ang pangalan ng babaeng matanda kahapon. Pero madam ang tawag sa kaniya ng lahat kaya iyon na din ang tawag ko. Sinabi ni Madam na pwede na daw ako magsimula magtrabaho kahapon pero humingi pa ako ng dalawang araw para mag-impake, magpaalam sa mga kapatid ko at asikasuhin ang resignation sa dalawa kong trabaho. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin
Read more