Share

Chapter 2

Author: Ysha_Caillte
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Masakit ang pisnging nagising ako sa pagkakahimatay. Sinampal ako ng walang hiyang lalaki sa harapan ko. 

"Gising na ang babae, boss."

Magkahalong kaba, pagtataka, at galit ang naramdaman ko nang maalala ang nangyari kanina. 

Bakit naman ako dudukutin eh wala naman akong pera pambayad ng ransom? Maliban nalang kung papatayin nila ako at kukunin ang mga lamang loob ko para ibenta. 

Jusko 'wag naman sana, pa'no na mga kapatid ko kung mamamatay kaagad ako? Siguradong sila ang sisingilin ng mga utang ni nanay. 

"Dalhin mo na dito," wika ng mababa at nakakatakot na boses ng isang lalaki. 

Padarag akong hinila ng lalaki sa harapan ko mula sa pagkaka-upo. Muntik pa akong matumba kung hindi ko lang nabalanse ang sarili. 

Inilibot ko ang paningin sa silid. Medyo madilim at tanging malapit nang mapunding ilaw ang pinanggagalingan ng liwanag, wala din akong nakitang kahit isang bintana. Mabaho na para bang hindi nililinisan ang lugar, luma at mukhang abandonado na walang ibang may gusto kundi ang mga naghahari-hariang walang budget pambili ng sariling palasyo. Pathetic. 

Tinulak ako ng lalaki paunahan sanhi para mapaluhod ako. Inangat ko ang tingin at nakita ang nakakatakot na itsura ng isang lalaking puno ng tattoo pati mukha. 

Ang mga mata niya ay parang sa ahas, may vertical line sa gitna na nakakatakot kung tititigan. May hikaw sa ilong, halos puro ahas ang nakikita kong tattoo niya, pero mas nakakatakot ang nakita ko nang magsalita siya. 

"Ikaw pala ang anak ni Marcela." Dalawa ang dila niya! Hinati sa gitna para magmukhang sa ahas. 

Kahit kinakabahan at natatakot ay sinalubong ko ang mga titig niya. 

"Ano naman ngayon?" 

Mahinang natawa ang lalaki. Sa tantiya ko ay nasa mga early 30s palang 'to. 

"Alam mo bang malaki ang atraso sa'kin ng nanay mo?" Sinasadya niyang ilabas ang mga dila niya at igalaw ito gaya ng sa ahas. Hindi ko alam kung matatawa ako kasi trying hard siyang maging ahas, o maki-cringe kasi hindi niya magawa nang maayos, o matatakot kasi anytime pwede niya akong patayin. 

"At ano naman ang kinalaman ko du'n?" Minsan ipapa-alala ko din sa sarili ko kung kailan dapat magsalita at kailan dapat hindi. Ito ang magpapahamak sa'kin eh. 

"Ang kinalaman mo du'n ay ngayong patay na si Marcela, ay ikaw na ang papalit sa kaniya."

Anong papalitan? Saan? Ano naman kaya ang pinasok ni nanay?

"Marami siyang utang sa akin na hanggang ngayon ay hindi niya pa nababayaran."

"Hindi ako ang nangutang sa'yo at wala akong babayaran ni piso."

Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang panga ko. Sa sobrang higpit ng pagkakawak niya ay pakiramdam ko mababali ang panga ko. Pero kahit ganu'n pa man ay hindi ako natinag, hindi ako nagpakita ng kahinaan, hindi ako umiyak, at hindi ko ininda ang sakit. 

Pinasadahan niya ako ng tingin, lalo na ang katawan ko. 

"Hm, totoo nga ang bali-balita na maganda ang anak na panganay ni Marcela," malandi niyang sabi na nagpataas ng balahibo ko. Mas inilapit niya ang mukha sa akin saka bumulong sa tainga ko. "Kung ayaw mo akong bayaran ng pera, pwede namang sa ibang paraan na lang."

Nanginginig na nakakuyom ang mga kamao ko sa sahig. Galit ako hindi lang sa buong nangyayari ngayon, kundi maging kay nanay. Kung sana naging mabuting ina lang siya edi sana wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Baka nga nakapag-aral pa ako. 

Alam kong masama na nagpapasalamat ako mula nang mawala siya kasi akala ko tapos na ang paghihirap ko sa kaniya, pero ngayon pinagbabayaran ko na ang kasalanang iyon. Kasi ako na ang dumadanas ng panggigipit ng ibang tao sa akin sa pagbayad ng mga utang niyang hindi ko alam na inutang niya pala. 

"M-m-magbabayad ako. B-bigyan mo lang ako ng oras, magbabayad ako," hindi ko namalayang nanginginig na pala ako. 

Matagal niya akong tinitigan. Mas nakadagdag ng takot ko ang paraan ng pagtitig ng kaniyang mga mata. 

Ilang sandali pa ay binitawan niya ang panga ko saka ngumiti nang nakakatakot. 

"Madali ka naman palang kausap." Tumayo siya. 

Gumaan ang balikat ko. Ngayon ko lang napansin na pigil ang hininga ko habang kausap siya. 

"Isang buwan. Bibigyan kita ng tatlumpung araw para bayaran ang utang ng nanay mo. Malaking panahon na 'yon para bayaran ang isa't kalahating milyon."

Doon ako nanghina. "I-isa't kalahating milyon?!"

"Oo, bakit ano bang akala mo? Limang libo lang? Sa lulong sa sugal ng nanay mo sa tingin mo talaga libo lang ang utang niya?" Tumawa siya na para bang nasisiraan na ng bait. 

"S-saan naman ako k-kukuha ng ganoong kalaking halaga?"

"Hindi ko na problema 'yon. Ibenta mo katawan mo. Magtrabaho ka, 'wag kang tatamad-tamad."

Napalunok ako sa sinabi niya. Paano kung 'iyon na nga lang ang tanging paraan para kumita ako ng malaking halaga? Ang gumawa ng masama. Ang ibenta ang dignidad ko. 

"At ito ang tatandaan mo, babae. Kapag hindi ka sumunod sa usapan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo."

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa burger place na pinagta-trabahuhan ko nang buo. Sa susunod na dalawang oras pa ang shift ko dito, pero ewan ko ba't dito ako dumiretso. 

Ayaw ko naman umuwi nang ganito ang kalagayan ko kasi maraming marites na pagchi-chismisan na naman kung bakit ganito itsura ko. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa kanila, ang kinakabahala ko lang ay kung makarating sa mga kapatid ko ang nangyari sa akin. Exaggerated pa naman mag-kwento ang mga chismosa. 

Tulala akong naglakad papasok at naupo sa silya. 

Nang makita ako ni Kathleen ay para siyang nakakita ng multo. 

"Jusko anong nangyari sa'yo?" Hinarap niya ang isa pa naming katrabaho at kinausap bago ako nilapitan. Pinunas niya ang kamay sa apron bago hinawakan ang mukha ko at marahang tinagilid. "Bakit namamaga 'to?"

Hindi ko siya sinagot. Wala akong ganang magsalita. Ang totoo wala akong ganang magtrabaho pero hindi ako pwedeng um-absent. Kailangan kong kumayod, sayang din ang suswelduhin ko. 

Tulala ako habang inaalalayan ni Kathleen patungo sa likod kung saan kami madalas magpahinga bago o pagkatapos ng shift. 

Pina-upo niya ako sa kama at lumabas siya ulit. Pagbalik niya ay mayroon na siyang dalang yelo na binalot sa tela. Umupo siya sa tabi ko at marahang idinampi sa namamaga kong panga. 

Hindi ako nagsalita. Hindi na rin siya nagtanong. Nagpatuloy lang si Kathleen sa pag-gamot sa mga galos ko sa braso at tuhod. 

"May alam ka bang trabahong pwede kong pasukan pagkatapos ng shift ko dito?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Iyan ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko simula nang makaalis ako sa pugad ng taong ahas na 'yon. 

Bahagyang tumigil si Kathleen, na ginagamot ang tuhod ko, at umangat ang tingin sa akin. "Meron." Bumaba ang tingin ko sa kaniya mula sa pagkakatulala. "Pero baka abutin ka ng madaling araw du'n kung pagkatapos pa ng shift mo dito ka magta-trabaho."

"Ayos lang. Saan ako pwedeng mag-apply?"

Binigyan niya ako ng nakaka-awang tingin. "Kailangan mo ba talagang gawin 'to?"

Kailangan. Walang ibang gagawa nito maliban sa akin. 

"Bakit hindi ka na lang mag-apply na model? O artista? Mas malaki kikitain mo du'n."

Marami nang nagsabi niyan sa akin. Pero kailan man hindi ko ginustong maging sikat. Nakakatakot ang liwanag ng industriya nila. Ang mismong liwanag na naging rason kung bakit nasira si nanay. 

"Saan ako pwedeng mag-apply."

"Pwede ka mag-audition. May kakilala ako na–"

"Sa trabahong sinabi mo kanina." 

Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Kathleen. 

"'Yong trabahong sinasabi ko kanina, pagiging janitor 'yon. Doon nagta-trabaho si tatay."

"Oh, saan nga ako mag-a-apply?"

"Sigurado ka bang kaya mo?"

"Kaya. Kakayanin."

Tumango si Kathleen kasabay ng pagligpit ng kalat. "Sige, sasabihin ko sa'yo. Pero bukas na, sa ngayon magpahinga ka muna."

Hindi na ako nakipagtalo. Alam kong kailangan ko din magpahinga kasi parang bibigay na ang katawan ko.

Unang nakakita sa akin si Andler nang maka-uwi ako. Hindi siya nagsalita, hindi siya nagtanong kung bakit maaga akong naka-uwi at bakit ako may mga galos. Nanatili siyang tahimik. 

Nakita ako ni Amber at akmang tatawagin nang pigilan siya ni Andler. 

"At–!"

Hinawakan ni Andler si Amber sa braso para pigilang makatakbo papunta sa akin. Umiling si Andler kay Amber. 

Sa mga panahong ganito, mas gusto kong mag-isa para mas makapag-isip. 

Pasalampak akong humiga sa kama at pinatong ang braso sa noo. Huli ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. 

Ayokong manisi. Ayokong mapagod. Ayokong sumuko. Pero unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Kahit pa alam kong hindi pwede. Pa'no na mga kapatid ko kung susuko ako? 

Hindi, kailangan kong tumayo. Kailangan kong lumaban, kahit pa hindi ko na kaya. Simula pa noon lumalaban na ako, ngayon pa ba ako susuko? Noon pa man ako na ang kumakayod, ngayon pa ba ako titigil? 

Nagising ako sa tunog ng telepono. Hindi ko namalayan na nakatuog pala ako. Kinuha ko ang cellphone sa bag at sinagot ang tawag. 

["Lai!"] Inilayo ko ang telepono sa tainga dahil sa lakas ng sigaw ni Kathleen. Alam kong siya 'to kahit di ko pa nakikita kung sino ang tumatawag. Boses pa lang Kathleen na Kathleen na eh. 

"Oh?"

["May good news ako sa'yo!"] masigla niyang sabi. ["Naalala mo iyong sinabi ko sa'yo na trabaho? Kalimutan mo na 'yon. May bago akong trabahong nalaman."]

Napa-ayos ako ng upo sa kama kasabay ng pagtunog ng tiyan ko. Hindi pala ako nananghalian tapos ngayon siguro lagpas hapunan na hindi pa rin ako kumakain. 

"Ano?"

["Eh kasi 'di ba si mama mayor doma sa Casa Valle, eh ngayon 'yung amo niyang babae gustong kumuha ng personal maid para sa apo niya,"] excited niyang sabi. ["At heto pa, thirty thousand per month ang sweldo! Saan ka pa?!"]

Lumiwanag ang mata ko sa narinig. Trenta mil, grabe. 

"Talaga? Ang laki naman nu'n! Sigurado kang hindi scam 'yan?"

Narinig kong suminghap si Kathleen sa kabilang linya. ["Si mama nga nagsabi sa'kin, 'di ba? Kasi naikwento ko sa kaniya na naghahanap ka ng trabaho, tapos sinabi niya sa akin na saktong hiring 'yong amo niya."]

"Kasi naman hindi kapani-paniwala ang sweldo. Baka lang kasi pang-enggayo lang 'yon tapos scam pala." Thirty thousand. Napakalaking halaga para sa personal yaya. Ganoon ba kahirap alagaan ang apo niya para ganu'n kalaki ang rate?

Mahinang natawa si Kathleen. ["Hindi nga, ano ka ba! Totoo 'yon, kaya kung ako sa'yo maghanda ka na tapos pumunta ka sa Casa Valle kasi gusto daw personal na makilala ng amo ni mama ang mag-a-apply. Ite-text ko na lang sa'yo ang address."]

Malaki nga ang sweldo para sa isang mahirap at nagpapa-aral ng kapatid, at hindi sa katulad kong lubog na lubog sa utang ng nanay. Mas malaki nga ang sweldo doon kaysa sa sweldo ko sa mga trabaho ko ngayon, pero hindi pa rin sapat para bayaran ang utang ni nanay, lalo na sa utang niya sa taong ahas na 'yon. 

Kahit pagsamahin ang sweldo ko sa isang taon hindi pa rin kasya para pambayad. Kung kakapalan ko kaya ang mukha ko at mangutang sa magiging amo ko kung sakali, papautangin kaya ako?

Pero ganoon pa rin naman ang magiging utang ko, nalipat lang sa ibang tao. Pero paano kung gipitin din nila ako? Saan naman ako mangungutang para bayaran ang utang sa kanila? 

Haist! Hindi ko na alam ang gagawin. 

["Oh, ba't parang natahimik ka yata?"]

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Kathleen. 

"Huh?"

["Huh? Hanging habagat. Lutang ka girl?"]

"Tsk. May iniisip lang." Pinisil ko ang bridge ng ilong. 

["Pero ano G ka? Sayang din 30 thousand, girl!"]

"Bakit hindi nalang ikaw ang mag-apply?"

["Nag-aaral ako, hindi ako pwede. Saka isa pa stay-in 'yon."]

"Ay, ganu'n?" Stay-in pala. 

Wala namang kaso sa akin kung stay-in kaso iniisip ko mga kapatid ko. Alam kong kaya naman nilang asikasuhin ang mga sarili nila pero paano kung araw-arawin sila dito ng mga pinagkaka-utangan ni nanay? 

'Yong lalaking ahas medjo di ko iniisip sa ngayon kasi tatlumpung araw pa ang binigay niya sa'kin. Pero 'yung ibang pinagka-utangan ni nanay, 'yon ang iniisip ko. 

"Sige, salamat nang marami, Kath."

["Sus, 'no ka ba? Wala 'yon, sino pa ba magtutulungan kundi tayo-tayo din."]

That made me smile. "Salamat talaga." Sa pagkakataong 'to hindi na dahil sa trabaho, kundi dahil sa kaniya mismo. 

Laking pagpapasalamat ko na nakakilala ako ng taong katulad niya. Kahit na minsan nasusungitan ko siya, hindi siya nagagalit sa akin at pinipilit niya akong intindihin. 

Hindi lang siya basta ka-trabaho kundi kaibigan at parang kapatid ko na din. 

Alam kong hindi ko deserve ang katulad niya pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. And I'm thankful for that. 

KINABUKASAN AY KAAGAD kong tinungo ang address na binigay ni Kathleen. Pero bago 'yon ay nagpaalam muna ako sa restaurant na pinagta-trabahuhan ko kasi wala din ako noong nakaraang araw. 

Tumigil ang sinasakyan kong tricycle sa harap ng napakalaking gate. Bumaba ako pagkatapos magbayad at manghang umangat ang tingin sa gate. Literal na sobrang laki at lawak. 

Kulay ginto ang gate at sa gitna ay nakalagay ang katagang CASA VALLE. 

Naglakad ako papalapit dito at pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay bahagya itong bumukas at lumabas ang isang gwardiya. 

"Ahm, hello po," una kong bati. 

"Magandang araw, ma'am. Ano hong sadya nila?" Kahit magalang ang pagkakasabi, hindi ko maiwasang maintimidate dahil mayroon siyang shotgun na dala. 

Napatingin ako sa shotgun na hawak niya bago siya sinagot. 

"M-mag-a-apply ho sana ako. Balita ko kasi hiring daw ho dito."

"Ay opo, ma'am! Pasok lang kayo." Binuksan ni kuyang guard and gate at pinapasok ako sa loob. Kahit medyo nagdadalawang-isip ay pumasok pa rin ako sa loob. 

Pagtingin ko sa loob ay mahabang daan ang sumalubong sa akin. Sa magkabilang gilid nito ay malalaki at matataas na puno ang makikita kaya magmukha siyang gubat. Wala akong makitang bahay sa dulo ng daan. 

"Diretsuhin niyo lang ho 'yan, ma'am," turo ni kuya sa mahabang daan. "Sundan niyo lang ang daan, makikita niyo din po ang mansiyon. Pagdating niyo do'n kumatok na lang po kayo at magtanong doon."

Tumango ako kay kuyang guard. "Sige ho, maraming salamat."

Nagsimula na akong maglakad dala ang lakas ng loob, pag-asa, at envelope na naglalaman ng mga requirements. Lakad lang ako nang lakad kahit pa hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng direksiyon tinutungo ko. 

'Wag naman sanang biglang may lumitaw na taong distorted ang mukha at palakolin ako bigla. Jusko ayoko pang mamatay. Walang mag-aalaga sa mga kapatid ko. Ang mga utang pa ni nanay 'di ko pa nababayaran. Pag namatay ako siguradong ang mga kapatid ko naman ang sisingilin. 

At saan naman sila kukuha ng perang pambayad? Magta-trabaho din, kakayod mula araw hanggang gabi, titigil sa pag-aaral. Paano na ang future nila? Masisira. Maghihirap sila habang buhay, kaya mas mabuting 'wag muna akong mamatay. 

Napa sign of the cross ako nang may marinig akong kaluskos sa gilid ng daan. 

Huminga ako nang malalim. "Wala lang 'yon. Maglakad ka lang." Pangungumbinsi ko sa sarili. 

Bakit ba kasi ang layo ng bahay nila sa gate? Nakakapagod na maglakad. 

Pero makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko na ang bahay– ay mali, mansiyon. Napakalaking mansiyon sa tuktok ng burol.

"Wow." Tumigil ako sandali sa paglalakad para i-appreciate ang ganda ng Victorian style mansion mula dito. 

Ilang minutong paglalakad pa ang ginawa ko bago tuluyang marating ang mismong mansiyon. 

Sa harap ng mansiyon ay makikita ang malawak at magandang hardin na puno ng mga bulaklak. Pabilog ang hugis nito at sa gitna ay ang malaking fountain. 

Nakatayo ako sa harap ng malaking pintuang gawa sa matibay na kahoy. Manghang-mangha ako sa disenyong mabusising inukit sa pinto. Nakanganga ang bibig ko habang pinasasadahan ng tingin ang pinto nang bigla itong bumukas. 

Bahagya akong nagulat dahil hindi naman ako kumatok. 

Iniluwa ng pinto ang isang medyo may katandaan nang babae. 

"Ikaw na ba si Adelaide? Iyong kaibigan ni Kathleen?" nakangiti niyang tanong na para bang kanina niya pa ako hinihintay. 

"Ako nga ho." Gusto ko sanang tanungin kung sino siya kaso naunahan niya akong magsalita. 

"Ako nga pala si Susana, mama ni Kathleen. Pero pwede mo naman akong tawaging nanay Ana, 'yan kasi ang tawag nila sa akin dito."

Isang napakagandang desisyon na hindi ko siya tinanong kung sino siya. Nakakahiya naman na hindi ko kilala ang nanay ng tinuturing kong kaibigan. 

Eh kasi sa trabaho lang naman kami nagkikita ni Kathleen. Busy din kasi ako sa trabaho habang siya naman sa pag-aaral kaya wala kami parehong panahon na bumisita sa bahay ng isa't isa. 

Nagpa-plano naman kami, pero hanggang plano lang, hindi natutupad. 

"Sinabi po sa'kin ni Kathleen na naghahanap daw po ng yaya ang amo ninyo, balak ko po sanang mag-apply."

"Halika, pasok. Sakto nandito si Madam."

Pumasok ako sa loob at namangha ulit sa gara at disenyo ng loob ng bahay. Isang malaking chandelier ang bumungad sa akin at isang napakalawak na hagdanan. Kulay ginto ang railing nito at may red carpet na nakalatag sa bawat baitang. 

Sa gilid ay mayroong mga vase, may malalaki at mayroong maliliit pero siguradong mahal. May mga picture frame sa dingding na picture ng isang batang lalaki at isang frame naman ay lalaking nasa 20s na. 

Magkapatid kaya sila? Parehong-pareho ang hulma ng mukha eh, mas mature lang ang isa.  

Mas naka-agaw ng atensiyon ko ay ang napakalaking picture frame na may tatlong tao. Isang babaeng napakaganda, isang lalaki na sa tingin ko ay asawa niya, at dalagang siguro'y anak nila. 

Kung titingnan sa malayo ay mukha siyang kuha ng camera, pero kung tititigang maigi makikita na ipininta ang mga tao sa canvas. 

Ang galing!

Sumunod ako kay Nanay Ana hanggang makarating kami sa likod at lumabas sa isang pinto. 

Bumungad sa akin ang isang man-made falls na nasa 6 feet ang taas. Hindi ko masabing pool ang binabagsakan ng falls kasi hindi kulay blue, malinaw na malinaw ang tubig kaya't kita ang itim na marmol sa ilalim ng tubig. Hindi ba't blue ang swimming pool? So pag hindi blue edi hindi na siya pwedeng matawag na swimming pool?

O baka naman ganito lang talaga ang swimming pool ng mga mayayaman?

Sa gilid ng swimming pool, na mukhang hindi, ay mayroong mga upuan na pang mayaman na nakahilera. Isa sa mga ito ay may taong naka-upo. 

"Lumapit ka lang doon," utos sa akin ni Nanay Ana. 

"Hindi po ba siya magtataka bakit ako nandito?"

"Hindi, sinabi ko na kasi kanina na darating ka."

"Talaga ho?"

"Oo, kaya sige na."

Nag-a-alangan akong naglakad papalapit sa babae. Nilingon ko ulit si Nanay Ana pero sinenyasan niya lang akong dumiretso. 

Dahan-dahan akong naglakad hanggang nasa gilid na ako ng babae. 

Hindi ko alam kung paano makukuha ang atensiyon niya kasi nakasuot siya ng sunglasses habang nakasandal at diretso ang tingin. 

Tumikhim ako. "Ah, h-he– hello po. Ako po 'yong mag-a-apply sana–"

"Maupo ka," puno ng awtoridad niyang sabi. 

Naupo ako. Mas naunang umakto ang katawan ko bago maproseso ng utak ko ang sinabi niya. 

Ngayon ko lang napansin na matanda na pala ang babae. Siya ang babae sa painting, mas batang version niya nga lang. 

Nanatili akong hindi kumportableng naka-upo habang naghihintay ng sasabihin niya. Nilingon ko si Nanay Ana pero wala sa siya doon. 

Tinatapik ko ang envelope habang inililibot ang paningin sa paligid para lang mabawasan ang awkwardness. Makikita mula dito ang malapad na field na habang lumalayo ay pababa dahil sa estruktura ng buról.

Sa wakas ay inalis na ng matandang babae ang sunglasses na suot. Nilingon ako nito at pinakatitigang mabuti. 

Hindi siya kumukurap habang nakatitig sa mga mata ko. Jusko po, nangangain ba 'to ng tao? 

Tinaasan niya ako ng kilay. 

"Isang bilyon." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. 

Isang bilyon ang ano? Ang utang ko? Pero hindi naman ako nangutang sa kaniya. O baka naman utang ni nanay, kung oo baka di ko na kayanin. 

Sweldo ko kaya? Napalunok ako sa naisip. Imposibleng swelduhin ng isang katulad kong mag-a-apply bilang yaya pero hindi ko maiwasang umasa. Kung sakali mang 1 billion per year, sobra pa sa okay. 

Mababayaran ko lahat ng utang ni nanay. Magkakaroon kami ng maayos na buhay. Baka makapag-aral ulit ako. 

"Bibigyan kita ng isang bilyon," seryoso niyang sabi kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Layuan mo lang ang anak ko."

Huh?

Kumunot ang noo ko. "Po?" 

Bumalik siya sa pagkakasandal. "Nagpa-praktis lang."

Napakurap-kurap ako. My hopes about earning a billion died. Iyan sige expect pa. 

"Nanood kasi ako mg telenovela kanina. Iyong nanay ng bidang lalaki inalok ang babae ng limang milyon para layuan ang anak niya. I just thought that it's cheap," seryoso niyang sabi. "Kung sakaling gusto mong pigilan ang love story ng anak mo sa taong hindi mo gusto, much better kung malaki ang i-offer mo. Like a billion for example. Five million is cheap, don't you think?" Nilingon niya ako. 

"For someone who lives in a palace and owns multiple businesses, yes, I do think it's cheap. But the definition of cheap depends on the social status of a person. What is cheap for a multi billionaire might be expensive for a simple citizen."

Tumango-tango ang babae. "You have a point. But you're not entirely right. The definition of cheap depends on how a person manages and likes to spend their money. Especially if that person knew how the pricing in the market works. Even a multi billionaire finds a drink to be too expensive for 10 dollars if they knew that it was only originally sold for 3 dollars."

"They have all the money to spend, adding seven dollars won't hurt."

"It does. Or maybe kasi kuripot lang talaga ako?" tanong niya sa sarili.

"Kuripot pero handang magbigay ng isang bilyon sa babae para layuan ang anak niya." Hindi ko intensyon na sabihin 'yon nang malakas. 

"Not exactly ako magbibigay, suggestion ko lang 'yon para mas maging exciting ang teleserye." Hindi naman siya mukhang na-offend sa sinabi ko. "Anyway, bagay ba sa'kin?"

Nagtataka ko siyang nilingon. "Bagay po ang ano?"

"Ang maging manipulative rich mommy ng isang hot bachelor business man na pinagkakandarapaan ng lahat pero na-in love sa isang probinsiyanang nakilala niya nang bumisita siya sa probinsiya at ngayon sinusuway na ang mga utos ko para babae."

Ang haba ng sinabi niya, wala akong maintindihan. 

"Opo?"

"I knew it. Bagay naman sa'kin kahit ano, I just need validation."

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa kaniya. Pero ayokong magtagal dito kaya tinanong ko na ang tungkol sa trabaho. 

"Ah, ma'am, nandito po pala ako para mag-apply ng trabaho. Personal yaya po ng apo ninyo 'di ba? Magaling ho ako sa bata kaya kayang-kaya ko po ang trabaho," masigla kong sabi pero tinawanan niya lang ako. 

"Yeah, right. Ang bata kong apo." Bakit parang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya? 

"You're hired."

Nanlaki ang mga mata ko. "Po? T-talaga?! Hindi niyo pa po nakikita ang resume ko."

"Nah, you don't need that. Pasok ka na. Kung gusto mo ngayon pwede ka na magsimula. Simulan mo nang alagaan ang napakabait kong apo."

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 3

    "Ate, kailangan ba talaga na doon ka tumira? Hindi ka na nga namin madalas makasama dito tapos aalis ka pa," mangiyak-ngiyak na sabi ni Amber. Tumigil ako sa pag-impake at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Amber, kailangan ni ate umalis. Mas malaki kasi ang sweldo doon at mas mababayaran ko ang mga utang ni nanay," mahinahon kong sabi. "Saka hindi naman ako mangingibam-bansa, bibisitahin ko pa rin kayo dito.""Talaga?""Oo naman! Pangako dadalaw ako dito nang madalas.""Pramis mo 'yan, ah. Pag di ka tumupad sa pangako, ipapakulam kita," umiiyak niyang sabi. Mahina akong natawa. "Pangako."Nalaman kong Cecilia pala ang pangalan ng babaeng matanda kahapon. Pero madam ang tawag sa kaniya ng lahat kaya iyon na din ang tawag ko. Sinabi ni Madam na pwede na daw ako magsimula magtrabaho kahapon pero humingi pa ako ng dalawang araw para mag-impake, magpaalam sa mga kapatid ko at asikasuhin ang resignation sa dalawa kong trabaho. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 4

    ["Oh, kumusta unang araw mo as personal maid?"] tanong ni Kathleen sa kabilang linya. Malakas akong napabuntong hininga. "Wala namang nangyari. Literal." Pinatay ko na ang apoy sa stove dahil luto na ang sinigang. "Buong akala ko magiging personal maid ako ng bata, hindi ko naman alam na matanda na pala ang apo ni Madam!"["Ay, oo nga pala,"] Alanganin siyang tumawa. ["Nakalimutan kong sabihin sa'yo kung sino ang apo ni Madam."]Kumunot ang noo ko habang tinitikman ang niluto ko. Hindi dahil sa lasa ng sinigang, kundi dahil hindi sinabi sa akin ni Kathleen na kilala niya pala kung sino ang magiging amo ko. "Bakit hindi mo sinabi?"["Eh kasi hindi ka naman nagtanong?"] Maliit ang boses na sabi niya. ["At saka isa pa hindi ko naman akalain na hindi mo pala kilala kung sino siya. Famous kaya 'yon! Si Archer Valle, kilalang business man and CEO ng sarili niyang kumpanya at nag-iisang tagapagmana ng multi billionaire na sina Cecilia at Santiago Valle. Patay na ang mommy niya, nagpakama

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 5

    Trigger warning: Violence, death. ARCHER'S POVI put the cigarette between my lips before lighting it. I huffed and puffed the smoke as I boredly look at the unconscious man who's tied up in a chair. Kyle was back in the company. I let him in charge while I was gone for awhile. I want to take care of this guy on my own. Tsk, I'm getting bored. If I wait for this guy to wake up, it might take me a day. I don't have such precious time to waste. I stood up and marched to his direction. I held the cigarette with my thumb and index finger and pressed its tip to the guy's face. I watched as it slightly burned his flesh. Manuel screamed as he regain his consciousness. "Rise and shine fuckin' asshole," I sarcastically said. Masama ang tingin niya sa akin na agad ding nalusaw nang makita kung sino ako. Masamang tingin na napalitan ng pagtataka, at takot. That's it, he should be scared. "A-anong– anong ibig sabihin nito?" He tried to sound mad but his voice betrayed him. He's literally

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 6

    Walang permanente sa mundo. Lahat ng bagay lumilipas, umaalis, namamatay. Kaya naman aligaga ang mga tao na gawin ang mga bagay na gusto nila hangga't mayroon pang oras. 'You only live once', yan ang madalas kong marinig sa kahit na sino. Karamihan sa mga tao health conscious, maalaga para humaba pa ang buhay. Pero kahit anong pilit nating iwasan, darating pa rin ang araw na tuluyan na tayong mawawala. Tuluyan na tayong lilisan na para bang araw sa kanluran na tuluyan nang lumubog kasunod ng pagsapit ng dilim. Kaya naman habang nabubuhay ay ginagawa na natin ang mga dapat, kailangan, at gusto nating gawin. Kagaya ng pagbilin sa mga taong mahahalaga sa atin. Pero ang kadalasang pinagbibilinan ay ang taong malapit sa'yo o di kaya nama'y kapamilya, kaya hindi ko mawari bakit sa akin pinapaubaya ni Madam ang apo niya. Magkahalong gulat at pagtataka ko siyang tiningnan. "Ho?" Gusto kong linawin kung tama ba ang narinig ko. "Ipapaubaya niyo sa'kin ang apo ninyo? Eh sarili ko ngang mga ka

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 7

    Warning: This chapter contains violence that readers might find disturbing and upsetting. Read at your own risk. Kung papipiliin ako kung paniniwalaan ba ang sinabi ni madam o mas dinggin ang pangangailangan ko, siyempre mas pipiliin ko ang huli. Hindi mababayaran ang mga utang ni nanay kung mas maniniwala ako sa mga sabi-sabi. Maganda ang offer ni madam pero kailangan ko ang pera sa loob ng tatlumpung araw, at ito na 'yon. Hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal, o maghanap ng dagdag na trabaho, o mangutang para lang makabayad ng isa't kalahating milyon sa taong ahas na 'yon. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin kung sakaling hindi ako sumunod sa usapan, at ayoko nang malaman. Tumayo ako at hinarap si Archer. Hindi ko na inda ang sakit sa kanang paa. "Deal."This time, ang ngisi naman ni Archer ang lumawak. "Well, that was easy. I thought I need to convince you enough to accept my offer." Nilagay niya ang dalawang kamay sa likuran habang nakatingin sa akin. "I tol

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 8

    Warning: This chapter depicts killings and violence that readers might find upsetting and disturbing. Read at your own risk. ARCHER'S POVI retrieved my phone from my pocket and dialed a number. Just one ring and the person answered. "Humanda na kayo," I said full of authority. They're not my men. But I pay them whenever I need some cleaning that aren't worth for me to do personally. ["Yes, boss."] Binaba ko kaagad ang tawag pagkatapos marinig ang sagot niya. Tanaw ko mula rito sa pintuan ang papalayong bulto ng babae na may apat na bag na dala. That woman, it's funny that she thought I'll easily let her get away with the money. She's so gullible. I thought I will have a hard time to persuade her to leave, but turns out it was so easy. Now, all I have to do is wait.Nabali ang tingin ko sa babae nang mag-ring ang cellphone ko sa bulsa. I checked who's the caller and immediately answered it when I saw it was. "What do you want?" bungad ko dito. The person on the other line chuck

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 9

    Adelaide's POVMaingay. I can hear muffled voices. Hindi ko sila maintindihan hanggang sa unti-unti itong luminaw sa pandinig ko. "I know her! I knew it was her! Grabe, what a small world!" literal na sumisigaw siya."Shh! Keep your voice down! Kita mong nagpapahinga ang tao, eh!" pasigaw na sagot ng isa. "Eh ano 'yang ginagawa mo? Sumisigaw ka din!""Ang ingay mo kasi, kapag 'yan nagising matatagalan siya maka-recover. Kapag matagal siya maka-recover, matagal siyang pagtatakpan ni Archer. Pag nalaman ni Madam Cecil na may nangyaring masama sa babae, mananagot ka."Ang ingay. Gusto ko silang patigilin. Gusto kong takpan ang tainga ko pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong magsalita pero namamalat ang lalamunan ko. Pakiramdam ko hindi sa akin ang katawang 'to, pakiramdam ko nawalan ako ng control sa sarili kong katawan."Aba, bakit ako?!""Kasi mananagot ka kay Archer kapag tinanggalan siya ng mana!""Anong ako lang ang manana–?!""Shut up, will you?!" Natigilan ang dalawa

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 10

    Gaya ng sinabi si Veiro, bumalik siya para linisin ang mga sugat ko. Kahit pa masakit at mahapdi ay tinitiis ko kasi gusto ko na ding gumaling agad ang mga sugat ko. Bumalik din sina Clark at Veigo kinagabihan para asarin si Archer at bisitahin ako. Wala akong nakikitang rason bakit nila ako binibisita, hindi ko naman sila kaano-ano. Hindi ko sila mga kaibigan at mas lalong hindi kami close. "Kaya mo bang kumain mag-isa? O mas gusto mong subuan kita? Ayos lang naman sa'kin. Oh, baby, here's comes the airplane." Tinaas ni Veigo ang kutsarang may lamang pagkain at pinagewang-gewang pababa papunta sa akin. Tinawanan siya ni Clark habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tss, hindi ako baldado," inis kong sambit habang iniwasan ang balak niyang isubo sa'kin. Tinulungan ako ng dalawa na maupo nang maayos kasi sumasakit ang sugat ko sa tagiliran at sa balikat. Nakakagalaw naman ako nang maayos pero maingat at dahan-dahan lang.Kinuha ko kay Veigo ang kutsara at sumandok ng soup. Tinitig

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 21

    Nakarating na kami sa San Rafael. Paano ako nakakasiguro? Nakita ko ang malaking arko na gitna ng kalsada na may nakasulat na "Welcome to San Rafael" sa taas nito. Unlike sa siyudad kung saan kami nanggaling na matataas at moderno ang mga gusali, iilan lang ang nakikita kong commercial buildings dito. Karamihan ay palayan, kabahayan, at iilang mga maliliit na establisyemento. Ang pinakataas na nakita ko pa lang ay limang palapag na gusali. Magaganda at sementado naman ang ibang mga bahay na nakikita ko, pero hindi pa talaga ganoon ka sibilisado ang buong bayan. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa harap ng isang gusaling under construction. Ito na yata ang site na sinasabi ni Archer. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid saka pinatay ang makina nito. Nauna akong bumaba sa kaniya at hinintay siyang makalabas. Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papasok sa site. Mayroong pader na sinadyang ginawa para ipangharang sa harap ng ginagawang gusali. Sa labas nito ay nakapa

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 20

    "Nasa biyahe pa po ako, kasama ko po ngayon si Archer," mahina kong sagot sa tawag. Alam kong naririnig ako ni Archer pero mas pinili niyang magkunyari na wala siyang naririnig at nag-focus lang sa pagmamaneho. "At saan naman kayo pupunta?" May halong pagdududa sa boses niya. "Hindi ko po alam." Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Baka nawalan na ng tiwala sa akin si Madam at isipin niya na iba akong pagnanasa sa apo niya. Mas mabuting ipaliwanag ko na lang sa kaniya sa personal kaysa sa telepono. "Hm. Bibisita ako sa bahay ni Archer mamaya for dinner. We'll talk later. For now, give Archer the phone." Tumango ako na para bang kaharap ko ang kausap. Lumingon ako kay Archer saka inabot ang telepono. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin kahit hindi ako nagsalita saka kinuha sa kamay ko ang cellphone. "Yes, La?" Kanang kamay niya ang may hawak ng cellphone habang ang kaliwa ay nasa manibela. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang kinakausap si Madam sa cellphone. "Sa site in San

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 19

    Bigla akong nagising sa malakas na pagtunog ng aking telepono. Nakapikit ang matang inabot ko sa bedside table ang cellphone kong tunog nang tunog. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong makaramdam ng sakit kasabay ng pagsagot ko sa tawag. Hindi ko na nagawang tingnan ang naka-register na caller.["Hoy, gagita ka! Hindi mo naman sinabi na may something pala kayo ni Archer Valle!"] malakas na bungad ng nasa kabilang linya. Kailangan ko pang ilayo ang telepono sa tainga ko para hindi mabasag ang eardrums ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" Kagigising ko lang tapos ganito agad ang bungad ni Kath. "Anong something something ang pinagsasabi mo?"["Girl, kalat na kalat sa social media ang picture niyo si Archer! Hindi ko masyado makita ang mukha mo pero alam kong ikaw 'yon! Bakit niyo naman kasi piniling magmilagro sa sasakyan? Gaga, andaming umaalam sa identity mo. Kesyo kung sino ka daw, kaano-ano mo si Archer, kung girlfriend ka ba, o secret na asawa."] may halong pag-aalala

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 18

    Wala akong dalang cellphone, o bag, o kahit pera. Lintik na buhay. Dapat talaga paalalahanan ko ang sarili kong magdala ng bag. Pero sa kabilang banda, hindi ko pa rin naman matatawagan si Archer kahit pa dala ko ang cellphone ko kasi wala akong number niya. And if mayroon man, I doubt na sasagutin niya ang tawag ko. Inis akong nagmarcha palapit sa gusali. Bahala na, basta dadaan na lang ako sa makita kong pintuan. May nakita akong pintong gawa sa salamin hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Naglakad ako papalapit sa glass door saka sumilip sa loob. Walang tao. May malapad na space sa loob bago makikita ang mahabang hallway. Kahit nagdadalawang-isip ay binuksan ko ito at pumasok sa loob. Sinundan ko lang ang mahabang hallway na nasa unahan ko kahit pa hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Ilang sandali akong naglakad bago narating ang isa na namang hallway. Seriously? Hindi ko alam kung sa kanan o sa kaliwa ako dapat pumunta. Saan ba dapat? Aish bahala na nga! Lumiko ako paka

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 17

    Inayos ko muna ang gown na suot bago pagalit na nag-marcha palabas ng mansyon. Pero dahil nga hindi ako sanay mag-heels ay mabagal at maingat pa rin akong naglakad. "Wala ka bang mas maibabagal pa d'yan?" sarkastikong tanong ni Archer. Masama ko siyang tiningnan habang naglalakad papalapit sa limousine. "Maghintay ka, gago! Kung tinulungan mo ako kanina eh di sana mas mabilis akong makakapunta diyan!""Kung hindi ka ba naman tanga eh di sana hindi ka nadapa. Bilisan mo na diyan at anong oras na. Tsk. Hindi ka VIP para hintayin." Nauna ulit siyang sumakay sa sasakyan. Nang makapasok na ako sa wakas sa limousine ay padarag kong sinara ang pintuan. "Hindi mo man lang ako pinagbuksan ng pinto," mahina pero pagalit kong sabi. Sakto lang para marinig niya. Agad akong napatigil nang makita ang loob ng limousine. Oo nakasakay na ako sa limousine ni Madam, pero itong limousine na 'to ay higit na mas magara ang interior kaysa sa nauna kong nasakyan. Muntik na akong mawalan ng balanse nang

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 16

    Nu'ng sinabi ni Madam na maghahanda kami para sa party, I didn't actually expected na total makeover pala ang gagawin namin– or should I say, gagawin niya sa akin. Pagkatapos namin doon sa Nail Salon ay dito naman kami sa mall dumiretso at pumasok sa isang boutique. Transwoman ang may-ari ng boutique na kaibigan din ni Madam. Skye Alcantara ang pangalan niya at isa siyang kilalang designer ng mga damit. Nakapag-design na siya para sa mga sikat at kilalang personalidad hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa."Marami kami ditong pagpipilian, or if you want we can make your dress based on your taste. We could design it for you, or you can tell us what type, kind, and design of dress you want." Kagaya ni Carol, mabait din si Skye. Though ang first impression ko sa kaniya ay hindi maganda dahil na din sa paraan ng kaniyang pagtitig. Skye has fierce cat eyes na nagbigay ng impression na parang palaging masama ang tingin niya. Halos katulad ng mga mata ni Amber, kaya lang m

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 15

    "Party?" Hindi ko mapigilang magtanong. "Charity Ball, to be precise. Mr. Gallano, a very good friend of mine, hosted a Charity Ball for children with cancer. We were invited so–""I wasn't invited," Archer said emphasizing the word 'wasn't' as if to tell his Lola that he has a choice not to go since he wasn't given an invitation."Oh no, you are invited. Didn't either of the Marsh twins gave you the invitation? I bet it was Veigo. He didn't give you anything? Sobre? Wala? O sadyang tinapon mo na naman nang hindi mo pa nababasa, or nabasa mo na pero ayaw mo pumunta kaya tinapon mo?"Sobre? Iyon bang inabot ni Veigo kay Archer noong nakaraan? I heard Archer cussed under his breath. "Kailan nating umattend sa Ball kasi si Stefano mismo ang nag-invite sa atin. Kapag hindi ka pumunta, pipilitin pa rin kita kaya wala ka paring pagpipilian. And besides, don't you want to help those children with cancer?"Archer scoffed, pero hindi siya nagsalita. "You'll bring Adelaide with you.""Ako p

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 14

    Malawak ang ngiti na naglakad ako palapit sa sasakyan. "Madam!" Kakapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kong maghintay dito nang matagal at mas lalong ayaw kong maglakad pabalik. Gulat na napalingon sa akin ang driver samantalang hindi man lang nagulat si Madam. Parang inaasahan niya nang lalapitan ko siya. Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. "Madam, long time! Kumusta ka na po?" bati ko na para bang matalik kaming magkaibigan na matagal nang hindi nakita. Sadya ngang nagbabago ang ugali ng isang tao kapag nahaharap sa isang sitwasyon kung saan desperado ka na. Ngumiti pabalik sa akin si Madam, "Heto't sumasakit ang balakang sa biyahe. Ikaw bakit nandito ka pa sa labas? Asan si Achie?" Lumingon siya sa likod ko na para bang may hinahanap. "Iniwan lang naman po ako ng magaling niyong apo. Hindi din ako makapasok kasi wala akong ID." Humigpit ang hawak ko sa lunchbox na dala dahil sa inis at galit na nararamdaman sa ginawa ni Archer. Talagang sinadya niya akong iwanan dito sa labas, a

  • The Billionaire's Baby Bearer   Chapter 13

    "Alam mo, CJ, kinakabahan na ako kay Miss Green. Baka mamaya iba na magawa niya dahil sa selos. Akalain mo ba namang tinarayan ang dalawang magandang babae kanina?!""Tsk!""Oh, see? Nagselos na naman siya kasi sinabi kong 'maganda'." Pinaparinggan ako ni Veigo na nasa passenger seat katabi ni Clark na nagda-drive. "Pwede niya naman sanang sabihin na ayaw niya, edi sana hindi na lang ako pumayag na maki-picture doon sa kanila. Siyempre mas susundin ko pa rin siya kasi siya si Miss Green." "Ewan ko sa'yo, Veigo."Nilingon niya ako. "Sabihin mo na lang kasi, may pagnanasa ka sa'kin kaya ka nagselos," kampante niyang sabi. "At sinong may sabing nagselos ako?" tinaasan ko siya ng kilay. Pauwi na kami ngayon matapos naming mamili. Simula nang sinabi ko 'yon sa mga babae ay hindi na magkamayaw si Veigo sa kaaasar sa akin na nagseselos daw ako. Si Clark naman sinasabayan pa ang asar ng kaibigan.Hindi. Ako. Nagselos. Wala akong rason para magselos. Sadyang mataas lang ang tingin ni Veigo s

DMCA.com Protection Status