"Ate, kailangan ba talaga na doon ka tumira? Hindi ka na nga namin madalas makasama dito tapos aalis ka pa," mangiyak-ngiyak na sabi ni Amber.
Tumigil ako sa pag-impake at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Amber, kailangan ni ate umalis. Mas malaki kasi ang sweldo doon at mas mababayaran ko ang mga utang ni nanay," mahinahon kong sabi. "Saka hindi naman ako mangingibam-bansa, bibisitahin ko pa rin kayo dito."
"Talaga?"
"Oo naman! Pangako dadalaw ako dito nang madalas."
"Pramis mo 'yan, ah. Pag di ka tumupad sa pangako, ipapakulam kita," umiiyak niyang sabi. Mahina akong natawa.
"Pangako."
Nalaman kong Cecilia pala ang pangalan ng babaeng matanda kahapon. Pero madam ang tawag sa kaniya ng lahat kaya iyon na din ang tawag ko.
Sinabi ni Madam na pwede na daw ako magsimula magtrabaho kahapon pero humingi pa ako ng dalawang araw para mag-impake, magpaalam sa mga kapatid ko at asikasuhin ang resignation sa dalawa kong trabaho.
Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang tanggap agad ako sa trabaho nang ganu'n ganu'n lang.
Walang maayos na interview. Ni hindi nga tiningnan ang resume ko.
Hindi naman ako nagrereklamo, sa katunayan masaya ako na tanggap na agad ako sa trabaho. Hindi ko lang talaga maiwasang magtaka.
Nakarating ako sa Casa Valle dala na ang mga gamit ko. Pero pagpasok ko pa lang sa gate ay naka-abang na ang isang itim na kotse. Bumaba mula rito si Madam Cecilia.
"Hija, buti nandito ka na," masigla niyang sabi. Bumaling siya kay kuyang guard na nakatayo sa gilid. "Hijo, pakilagay nito sa kotse." Turo niya sa mga bagahe ko.
Agad namang sumunod si Kuyang guard at pinasok ito sa trunk ng sasakyan.
"Halika ka na, hija."
Bumaba ang driver ang kotse para pagbuksan si Madam.
Pinauna niya akong makasakay sa sasakyan bago siya pumasok.
Ang buong akala ko ay kaya niya ako sinundo para hindi ako mahirapang maglakad papuntang mansiyon, pero nagtaka ako nang lumabas kami sa gate.
Lumingon ako sa likod kung nasaan ang gate na nilabasan namin. "Hindi po ba tayo tutuloy sa mansiyon?"
Baka naman may gusto munang bilhin o daanan si Madam bago kami dumiretso doon.
"Hindi ko ba nasabi sa'yo?" puno ng pagtataka niyang tanong.
"Ang ano po?"
"Na wala sa mansiyon ang aalagaan mo. Mayroon siyang sariling bahay at doon tayo pupunta."
Wow, bata pa lang pero may sarili nang bahay? O baka naman ibig niyang sabihin na bahay ng magulang ng bata. Pero kahit ano pa man ay tumango nalang ako sa sinabi niya.
Matagal ang biyahe. Inabot ng halos kalahating oras bago namin narating ang isang exclusive village. Mahigpit ang seguridad papasok pero kaagad din kaming pinapasok nang makita si Madam.
"I'm warning you, my grandson is far from being nice. He's the opposite of everything good. But once you get to know him, he's tolerable."
Ganoon na ba talaga kasama ang apo niya?
"I need you to take care of him." She sighed. "I'm afraid walang mag-aalaga sa kaniya lalo na pag wala na ako."
"Wala po ba siyang magulang?"
Tiningnan lang ako ni Madam. "As much as possible, don't bring up about his parents."
"Okay po."
"He's nice, or at least he used to be. He just needs someone to understand him, someone to stay by his side, someone he can trust, someone he can rely on. And you, hija, I know you're the perfect person for him." Hinawakan niya ang kamay ko saka sinserong nginitian.
Nginitian ko siya pabalik. "Gagawin ko po ang lahat, hindi kita bibuguin."
Huminto na ang sasakyan. "Oh, siya." Binitawan niya ang kamay ko. "Ihahatid na lang ni Kaloy ang gamit mo sa loob."
"Hindi po ba kayo susunod?"
Umiling siya. "Hindi na, hija. Kaya mo na 'yan. Fighting!" Bahagya niyang itinaas ang kamao bilang senyas ng pagsuporta.
Mahina akong natawa saka ginaya siya. "Fighting!"
Pumasok ako sa loob nang hindi kumakatok. Pinagbuksan kasi ako ni Kaloy, driver ni Madam, kaya't diretso na akong pumasok.
Sa labas pa lang ay makikita na ang karangyaan ng nakatira dito. Kabaliktaran nang kay Madam, modern style mansion naman ang sa apo niya.
Sa labas ay makikita ang mga halaman na iba-iba ang hugis at laki na magandang nakahilera sa hardin. Topiary yata ang tawag dito sa ingles.
Pagpasok sa loob ay wala masyadong gamit. Minimalist kumbaga. Puti at itim ang buong tema ng bahay.
Wala sa sala ang mga gamit ko kaya sa tingin ko ay nasa ikalawang palapag na ito. Umakyat ako sa taas habang pinapalibot ang tingin sa paligid.
Walang kahit anong litrato, o frame, o kahit vase. Lahat ng nadadaanan kong kuwarto ay sarado, hanggang sa may nakita akong nakaawang na pinto.
Dito na siguro nilagay ni Kaloy ang mga gamit.
Walang pagdadalawang-isip na pumasok ako sa kuwarto. Bumungad sa akin ang king size bed na gitna at chandelier sa kisame.
Woah.
May book shelf sa kaliwa habang pinto naman sa kanan. Pero hindi ko makita ang mga gamit ko dito.
Oh, shoot! Maling kuwarto yata!
Huli na nang mapagtanto kong hindi ito ang kwarto dahil bumukas ang pinto sa kanan ko at iniluwa ang isang lalaki.
Isang lalaking nakahubo!
"AHHHHH!" Malakas akong sumigaw kasabay ng pagtakip ng mga mata at pagtalikod sa kaniya.
"Shit!" Dinig kong mura ng lalaki.
"Ba't wala kang damit?!"
"Who the fuck are you?!"
Magkasabay naming sigaw.
"And what the fuck are you doing in my house?!"
Ma-fuck-fuck naman ako ng lalaking 'to akala mo kung sino.
Galit ko siyang nilingon pero kaagad ko ding pinagsisihan dahil wala pa ding takip ang katawan niya. Nakita ang ano niya! Ang ano. . . ang junjun niya! Ang junjun niyang malaki. Normal size pa ba 'yan?
Tumalikod ako ulit bago nagsalita. "Magdamit ka nga!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito.
"You can look now."
Umikot ako para harapin siya. Sinalubong ako ng matatalim niyang tingin, pero imbes na matakot ay nailang ako. Ang tsokolate niyang mga mata na para bang tinititigan hanggang ang kaibuturan ng kaluluwa ko.
Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi hanggang sa katawan niya. Tanging ang ibabang bahagi lang ng kaniyang katawan ang nakatapis ng tuwalya kaya't kita ko ang pinagmamalaki niyang katawan. Shet, eight pack abs.
Mas nakadagdag sa tensyon na nararamdaman ko ang mga butil ng tubig na tumutulo sa katawan niya. Bakit parang biglang uminit dito?
"Eyes up here, woman." Ang mababa at baritono niyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Hindi ko pinahalatang apektado ako ng kahubuan niya. Nakapamaywang ako habang sinasalubong ang tingin niya.
Ngayon ko lang napansin, masyado na siyang malaki para maging bata. Ay tanga, siyempre malaki na siya kaya hindi na siya bata.
Malaki ang ano?
Basta malaki na siya! Matanda, ganu'n.
Mukha akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko.
"Sino ka?" matapang kong tanong. Kaano-ano ba siya ng batang aalagaan ko?
Butler? Kuya? O baka tatay?
Kumunot ang noo ng lalaki. "Wasn't it me who should be asking you that?"
"Kaano-ano mo ang bata?"
"Bata?"
"Oo, bata. 'Yong batang aalagaan ko."
Binuksan ng lalaki ang bibig pero kaagad ding sinara. Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. "Look, woman, I think you came into the wrong house. There is no any mischievous and annoying little creature in this house." Pinisil niya ang bridge ng kaniyang ilong. "And next time, don't just barge into someone's house without knocking. I can sue you with trespassing, you know."
"Look, mister, I don't like your humor. Just tell me where the kid is so I can meet him."
"The fuck? I already told you that there's no kid in here! Just get the hell out or I'll call the security and let them drag you out."
Umawang ang bibig ko. "Dito ako ibinaba ni Madam, ang lola ng batang aalagaan ko, at hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi kung nasaan ang bata."
Mahirap na, pa'no pala kung masamang tao pala 'to at kinidnap ang bata? Imposible namang niloko ako ni Madam. Sa kanilang dalawa, mas may tiwala ako kay Madam kaysa sa lalaking 'to.
Suminghap ang lalaki. "Excuse me?"
"You're excused."
Hinilamos niya ang palad sa mukha, halatang naiinis na.
"Get. The. Fuck. Out!"
"'Wag mo akong ma-fuck-fuck! Pakyuhin kita diyan eh!" duro ko sa kaniya.
Pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas nang mabilis siyang naglakad papalapit sa direksiyon ko. Inilapit niya ang mukha sa akin dahilan para mapaatras ako. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko para mapigilan sa pag-iwas at mas inilapit sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang sentimetro na lang ang layo ng mga labi ko sa mga labi niya. Halatang tinutukso ako.
Ramdam ko ang init ng katawan niya.
"Well, Miss Green Eyes, if that's what you want, then. . . " mabagal, mahina, at nang-aakit niyang sabi. Amoy na amoy ko ang mint sa hininga niya. ". . . maybe we can talk about it."
Ramdam ko ang init ng hininga niya sa labi ko. Mas nagpadagdag ng init na nararamdaman ko nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko sabay kagat ng labi niya.
Ayokong magkasala. Jusko ilayo mo ako sa tukso.
Hindi ako nakapagsalita. Nagpapabalik-balik ang tingin ko sa mga labi at mga mata niya. Habang siya ay nakatitig lang sa mga labi ko na para bang balak niya akong halikan.
Anyare? Parang kani-kanina lang gusto niya akong paalisin, pero ngayon gusto niya na akong halikan? Ambilis naman yata?
Bahagya niyang ibinuka ang mga labi. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang magiging first kiss ko?
Yuck! Ni minsan hindi pa ako nagpahalik kahit kanino. Ni wala nga akong naging boyfriend. Hindi ako attracted sa kahit na sino mang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko kanina kasi kinakabahan ako at natatakot sa pwede niyang gawin, 'yon lang 'yon.
Hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako. Naghihintay sa bagay na kinadidirihan ko dapat. Akala ko ba yuck? Ba't naghihintay ako na halikan niya.
"Your lips are dry."
Agad kong minulat ang mga mata nang marinig ang sinabi niya. Mahina niya akong tinulak palayo sa kaniya.
Wow naman. Makatulak akala mo naman ako ang lumapit sa kaniya.
"Don't expect me to kiss you. You're not kissable," he 'tssed'.
Tumaas ang kilay ko. "FYI I have natural plump lips!"
Bakit parang ang defensive ko naman yata? Parang sinasabi kong hindi ako 'hindi kissable' kasi may plump lips ako?
"Having plump lips is not equal to having kissable lips. Yours are dry, yet. . ."
Hindi ko narinig ang mga sumunod niyang sinabi.
"Just get the hell out."
"Dito nga ako hinatid ni Madam kaya hindi ako aalis. Isabi mo na nga lang kung nasaan ang bata."
Binuka ng lalaki ang bibig para makipagtalo ulit, pero mas naunang tumunog ang cellphone sa bedside table.
Pinasadahan muna ako ng tingin ng lalaki bago naglakad para kunin ang cellphone at sagutin ang tawag.
"Hello." Pinagmasdan ko siya habang nagsasalita sa telepono.
"Who?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kausap bago lumingon sa akin.
"What the fu–! Why didn't you inform me beforehand?" Halatang hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ng tao sa kabilang linya.
"Exactly! Because you know I wouldn't agree. And I will never agree on this! I'm no–" Napatigil siya para makinig sa sinasabi ng kabilang linya. "I'm not a kid anymore!"
Masama ang tingin na nilingon ako ng lalaki bago siya nagsalita. "Fine."
Naglakad siya papalapit sa akin at binigay ang cellphone.
"Ano?" taka kong tanong. Hindi pa din tinatanggap ang cellphone.
"Just answer the damn phone."
Inikot ko ang mga mata sa kaniya bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hija," bungad ng pamilyar na boses.
"Madam! Buti po tumawag kayo, ito kasing butler ng apo niyo feeling may-ari ng bahay." Matalim kong ginawaran ng tingin ang lalaki.
Tumawa nang malakas si Madam. "Hija?"
"Yes po?"
"Siya ang apo ko."
May mga pangyayari talaga sa buhay na hindi natin inaasahan. Mga pagkakataon na gusto mo na lang magpalamon sa lupa, at ito ang isa sa mga panahon na 'yon.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Parang gusto ko na lang maglaho ngayon mismo.
"H-ho?" Baka naman dalawa ang apo niya tapos isa doon ang aalagaan ko.
"Siya ang apo ko. Ang natatangi kong apo." And that killed my hope. Napa-english tuloy ako nang wala sa oras.
"Pero– pero akala ko bata ang babantayan ko."
Natawa si Madam. "Kailan ko ba sinabing bata ang babantayan mo?"
"Pero hindi niyo naman po sinabing hindi."
"Pasensya ka na, gusto ko lang kayong masurpresa pareho. Kung sinabi kong mas matanda pa sa'yo ang apo ko, edi hindi na surprise 'yon."
Hindi ko alam kung paano magre-react. Humigpit ang hawak ko sa telepono. Pakiramdam ko kasi wala akong karapatang mainis sa kaniya kasi empleyado niya lang din ako. At isa pa kailangan ko ng pera, anong karapatan kong mag-inarte?
"Ayos lang, ho. Nasurpresa po talaga kami pareho," alanganin akong natawa.
"Oh siya, pakibalik ng telepono sa apo ko."
Nahihiyang ibinalik ko sa lalaki ang cellphone.
So wala pala talagang bata dito. Tapos pinag-isipan ko pa siya ng masama. Pinagkamalan ko pang butler.
"Yes, La," walang ganang sagot ng lalaki. "Do I have a choice?" Inikot niya ang mga mata. "Tsk, of course I don't. Yeah, bye." Tinapos niya ang tawag.
Inilibot ko ang paningin sa paligid, ayaw salubungin ang titig ng lalaki sa harapan ko.
"So, miss green eyes with plumpl lips." Humalukipkip siya. "Turns out we were both played by my ever loving yet playful Lola."
Nilingon ko siya.
"Get out of my room."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"
"I'll put on some clothes. Why? Do you wanna stay here and see me naked?" Hinawakan niya ang tuwalyang tanging takip ng kahubuan niya at nagbantang ibababa.
"Eto na nga lalabas na!" Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto niya. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako dito at napahawak sa puso.
Ngayon pa lang nararamdaman ko na na hindi magiging madali ang mga araw ko dito.
"SINCE I DON'T have a choice but to let you stay– thanks to my lola– we might as well set some rules to be followed by you." Tinuro ako ng lalaki.
Nakatayo siya sa harapan ko habang nakaupo naman ako sa sofa.
"Ako lang? Tapos ikaw okay lang na hindi sumunod?"
"Who's the boss here?"
Natahimik ako sandali bago matapang na nagsalita. "Si Madam, ang Lola mo, at hindi ikaw."
"What's your job, exactly? According to MY Lola?"
"Personal maid ng apo niya."
"Sino ang apo niya?" Ako lang ba? O ang hot niya lalo kapag nagtatagalog.
Ibinuka ko ang bibig para magsalita pero kaagad ko ding sinara nang ma-realize ang sagot. Labag sa loob akong nagsalita. "Ikaw."
"So kanino ka personal maid?"
"Sa'yo," mahina ang boses na sagot ko.
He smirked and licked his lips. "Sa'kin ka."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?"
"Sa'kin ka nagta-trabaho. Which means, I am your boss. And that means you'll obey my rules."
Hindi ako sumagot. Hindi ako tumango. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Rule number one, do not disturb me, especially when I'm working." Tinaas niya ang hintuturo. "Rule number two, don't talk to me or call on my phone unless it's an emergency. And when I say emergency, it means the house is burning or China invaded the Philippines. Rule number three, don't acknowledge my presence and I won't acknowledge yours. Pretend that I'm not here and I'll pretend that you're not here. Rule number four–"
Napatigil siya sa pagsasalita nang itaas ko ang kamay na para bang estudyante sa loob ng klase.
"Yes?" Bagay na bagay naman sa kaniya maging professor dahil puno ng awtoridad ang boses niya.
"Paano ko magagawa ang trabaho ko kung hindi kita kakausapin o kahit man lang isipin na nandito ka?"
"Let's be realistic, Miss Green Eyes With Plump Lips. I don't need you. I don't need anyone to look after me. I can take care of myself just fine. My Lola is just too worried that I'll end up being alone all my life," mariin niyang sabi. "This is probably one of her schemes. Having a woman pretend to be a maid to seduce me. A rich brat who probably doesn't even know how to wash the dishes. My Lola didn't even get a woman who'll be more believable to be a maid. She didn't even think of being discreet and subtle. It's so obvious that you came from a wealthy family. So I'm telling you now, your scheme of seducing me won't work."
Andami niyang sinabi, tamang hinala naman lahat.
Suminghap ako. "Seduce you? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo. For your information, you're not my type!"
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko.
"At ano ba 'yang pinagsasabi mo? Scheme? Sa tingin mo ba talaga mag-aaksaya ako ng panahon sa kagaya mo? Kung mayaman lang ako kagaya ng sinasabi mo, edi sana nandoon ako sa ibang bansa nag-aaral at wala dito sa harapan mo ngayon! At talagang pinaghihinalaan mo pa ang Lola–"
Bigla akong natigilan nang mabilis siyang lumapit sa akin at isinandal ang parehong kamay sa sofa, sa magkabilang gilid ko mismo, dahilan para makulong ako sa mga bisig niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingala sa mukha niyang ilang dangkal lang ang layo sa akin.
"I'm not your type?" sabi niya sa mababang boses.
"Oo." Hindi ako nagpa-apekto sa posisyon naming dalawa dahil iyan mismo ang gusto niyang makita, ang makitang apektado ako sa presenya niya.
"Really?" Mas inilapit niya pa ang mukha sa akin na konting maling galaw lang ay mahahalikan niya na ako. "Ano ba ang tipo mo sa lalaki? Tall, dark and handsome? Iyong maganda ang pangangatawan? Mas matanda ba sa'yo, o mas gusto mong mas bata?"
Naduduling na ako kaya ibinaling ko ang tingin sa ibang direksiyon, pero hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kaniya. Ang sakit na ng mata ko kaya't wala akong choice kundi pumikit.
Naramdaman kong marahang hinagod ng hinlalaki niya ang mga labi ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumayo na siya sa akin.
"Rule number four."
Iminulat ko ang mga mata nang magsalita siya.
"I will add rules whenever I want to. And rule number five." Mariin niya akong tinitigan. "Don't you ever fall in love with me."
["Oh, kumusta unang araw mo as personal maid?"] tanong ni Kathleen sa kabilang linya. Malakas akong napabuntong hininga. "Wala namang nangyari. Literal." Pinatay ko na ang apoy sa stove dahil luto na ang sinigang. "Buong akala ko magiging personal maid ako ng bata, hindi ko naman alam na matanda na pala ang apo ni Madam!"["Ay, oo nga pala,"] Alanganin siyang tumawa. ["Nakalimutan kong sabihin sa'yo kung sino ang apo ni Madam."]Kumunot ang noo ko habang tinitikman ang niluto ko. Hindi dahil sa lasa ng sinigang, kundi dahil hindi sinabi sa akin ni Kathleen na kilala niya pala kung sino ang magiging amo ko. "Bakit hindi mo sinabi?"["Eh kasi hindi ka naman nagtanong?"] Maliit ang boses na sabi niya. ["At saka isa pa hindi ko naman akalain na hindi mo pala kilala kung sino siya. Famous kaya 'yon! Si Archer Valle, kilalang business man and CEO ng sarili niyang kumpanya at nag-iisang tagapagmana ng multi billionaire na sina Cecilia at Santiago Valle. Patay na ang mommy niya, nagpakama
Trigger warning: Violence, death. ARCHER'S POVI put the cigarette between my lips before lighting it. I huffed and puffed the smoke as I boredly look at the unconscious man who's tied up in a chair. Kyle was back in the company. I let him in charge while I was gone for awhile. I want to take care of this guy on my own. Tsk, I'm getting bored. If I wait for this guy to wake up, it might take me a day. I don't have such precious time to waste. I stood up and marched to his direction. I held the cigarette with my thumb and index finger and pressed its tip to the guy's face. I watched as it slightly burned his flesh. Manuel screamed as he regain his consciousness. "Rise and shine fuckin' asshole," I sarcastically said. Masama ang tingin niya sa akin na agad ding nalusaw nang makita kung sino ako. Masamang tingin na napalitan ng pagtataka, at takot. That's it, he should be scared. "A-anong– anong ibig sabihin nito?" He tried to sound mad but his voice betrayed him. He's literally
Walang permanente sa mundo. Lahat ng bagay lumilipas, umaalis, namamatay. Kaya naman aligaga ang mga tao na gawin ang mga bagay na gusto nila hangga't mayroon pang oras. 'You only live once', yan ang madalas kong marinig sa kahit na sino. Karamihan sa mga tao health conscious, maalaga para humaba pa ang buhay. Pero kahit anong pilit nating iwasan, darating pa rin ang araw na tuluyan na tayong mawawala. Tuluyan na tayong lilisan na para bang araw sa kanluran na tuluyan nang lumubog kasunod ng pagsapit ng dilim. Kaya naman habang nabubuhay ay ginagawa na natin ang mga dapat, kailangan, at gusto nating gawin. Kagaya ng pagbilin sa mga taong mahahalaga sa atin. Pero ang kadalasang pinagbibilinan ay ang taong malapit sa'yo o di kaya nama'y kapamilya, kaya hindi ko mawari bakit sa akin pinapaubaya ni Madam ang apo niya. Magkahalong gulat at pagtataka ko siyang tiningnan. "Ho?" Gusto kong linawin kung tama ba ang narinig ko. "Ipapaubaya niyo sa'kin ang apo ninyo? Eh sarili ko ngang mga ka
Warning: This chapter contains violence that readers might find disturbing and upsetting. Read at your own risk. Kung papipiliin ako kung paniniwalaan ba ang sinabi ni madam o mas dinggin ang pangangailangan ko, siyempre mas pipiliin ko ang huli. Hindi mababayaran ang mga utang ni nanay kung mas maniniwala ako sa mga sabi-sabi. Maganda ang offer ni madam pero kailangan ko ang pera sa loob ng tatlumpung araw, at ito na 'yon. Hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal, o maghanap ng dagdag na trabaho, o mangutang para lang makabayad ng isa't kalahating milyon sa taong ahas na 'yon. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin kung sakaling hindi ako sumunod sa usapan, at ayoko nang malaman. Tumayo ako at hinarap si Archer. Hindi ko na inda ang sakit sa kanang paa. "Deal."This time, ang ngisi naman ni Archer ang lumawak. "Well, that was easy. I thought I need to convince you enough to accept my offer." Nilagay niya ang dalawang kamay sa likuran habang nakatingin sa akin. "I tol
Warning: This chapter depicts killings and violence that readers might find upsetting and disturbing. Read at your own risk. ARCHER'S POVI retrieved my phone from my pocket and dialed a number. Just one ring and the person answered. "Humanda na kayo," I said full of authority. They're not my men. But I pay them whenever I need some cleaning that aren't worth for me to do personally. ["Yes, boss."] Binaba ko kaagad ang tawag pagkatapos marinig ang sagot niya. Tanaw ko mula rito sa pintuan ang papalayong bulto ng babae na may apat na bag na dala. That woman, it's funny that she thought I'll easily let her get away with the money. She's so gullible. I thought I will have a hard time to persuade her to leave, but turns out it was so easy. Now, all I have to do is wait.Nabali ang tingin ko sa babae nang mag-ring ang cellphone ko sa bulsa. I checked who's the caller and immediately answered it when I saw it was. "What do you want?" bungad ko dito. The person on the other line chuck
Adelaide's POVMaingay. I can hear muffled voices. Hindi ko sila maintindihan hanggang sa unti-unti itong luminaw sa pandinig ko. "I know her! I knew it was her! Grabe, what a small world!" literal na sumisigaw siya."Shh! Keep your voice down! Kita mong nagpapahinga ang tao, eh!" pasigaw na sagot ng isa. "Eh ano 'yang ginagawa mo? Sumisigaw ka din!""Ang ingay mo kasi, kapag 'yan nagising matatagalan siya maka-recover. Kapag matagal siya maka-recover, matagal siyang pagtatakpan ni Archer. Pag nalaman ni Madam Cecil na may nangyaring masama sa babae, mananagot ka."Ang ingay. Gusto ko silang patigilin. Gusto kong takpan ang tainga ko pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong magsalita pero namamalat ang lalamunan ko. Pakiramdam ko hindi sa akin ang katawang 'to, pakiramdam ko nawalan ako ng control sa sarili kong katawan."Aba, bakit ako?!""Kasi mananagot ka kay Archer kapag tinanggalan siya ng mana!""Anong ako lang ang manana–?!""Shut up, will you?!" Natigilan ang dalawa
Gaya ng sinabi si Veiro, bumalik siya para linisin ang mga sugat ko. Kahit pa masakit at mahapdi ay tinitiis ko kasi gusto ko na ding gumaling agad ang mga sugat ko. Bumalik din sina Clark at Veigo kinagabihan para asarin si Archer at bisitahin ako. Wala akong nakikitang rason bakit nila ako binibisita, hindi ko naman sila kaano-ano. Hindi ko sila mga kaibigan at mas lalong hindi kami close. "Kaya mo bang kumain mag-isa? O mas gusto mong subuan kita? Ayos lang naman sa'kin. Oh, baby, here's comes the airplane." Tinaas ni Veigo ang kutsarang may lamang pagkain at pinagewang-gewang pababa papunta sa akin. Tinawanan siya ni Clark habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tss, hindi ako baldado," inis kong sambit habang iniwasan ang balak niyang isubo sa'kin. Tinulungan ako ng dalawa na maupo nang maayos kasi sumasakit ang sugat ko sa tagiliran at sa balikat. Nakakagalaw naman ako nang maayos pero maingat at dahan-dahan lang.Kinuha ko kay Veigo ang kutsara at sumandok ng soup. Tinitig
Habang nasa ilalim ng shower ay hindi ko mapigilang hindi maalala ang nangyari kanina. Kahit ilang kuskos at ilang hilod ay hindi pa din naaalis ang mainit na pakiramdam ng suka ni Archer sa katawan ko. Feeling ko masusuka din ako kapag naaalala ang nangyari kanina. Hinalikan niya nga ako, sinukahan naman pagkatapos. Yuck! Speaking of halik, nakuha niya na pala ang first kiss ko. Napatigil ako sa pagkuskos ng katawan habang nilalamon ako ng pagsisisi. "HAAA!" Sinampal-sampal ko ang magkabilang pisngi dahil sa magkahalong pagsisisi at hiyang nararamdaman. "Paano ko na haharapin si Archer nito? At most importantly, paano na ang first kiss ko?!" mangiyak-ngiyak kong turan. Hindi naman sa napakaimportante ng first kiss para sa'kin, sadyang hindi ko lang matanggap na sa napakadali niya lang nakuha 'yon sa'kin. Pero sa kabilang banda hindi na din ako lugi. Gwapo naman si Archer kahit papa'no, iniligtas niya din ang buhay ko, at pinalasap niya sa akin ang langit gamit ang mga labi at dil
Nakarating na kami sa San Rafael. Paano ako nakakasiguro? Nakita ko ang malaking arko na gitna ng kalsada na may nakasulat na "Welcome to San Rafael" sa taas nito. Unlike sa siyudad kung saan kami nanggaling na matataas at moderno ang mga gusali, iilan lang ang nakikita kong commercial buildings dito. Karamihan ay palayan, kabahayan, at iilang mga maliliit na establisyemento. Ang pinakataas na nakita ko pa lang ay limang palapag na gusali. Magaganda at sementado naman ang ibang mga bahay na nakikita ko, pero hindi pa talaga ganoon ka sibilisado ang buong bayan. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa harap ng isang gusaling under construction. Ito na yata ang site na sinasabi ni Archer. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid saka pinatay ang makina nito. Nauna akong bumaba sa kaniya at hinintay siyang makalabas. Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papasok sa site. Mayroong pader na sinadyang ginawa para ipangharang sa harap ng ginagawang gusali. Sa labas nito ay nakapa
"Nasa biyahe pa po ako, kasama ko po ngayon si Archer," mahina kong sagot sa tawag. Alam kong naririnig ako ni Archer pero mas pinili niyang magkunyari na wala siyang naririnig at nag-focus lang sa pagmamaneho. "At saan naman kayo pupunta?" May halong pagdududa sa boses niya. "Hindi ko po alam." Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Baka nawalan na ng tiwala sa akin si Madam at isipin niya na iba akong pagnanasa sa apo niya. Mas mabuting ipaliwanag ko na lang sa kaniya sa personal kaysa sa telepono. "Hm. Bibisita ako sa bahay ni Archer mamaya for dinner. We'll talk later. For now, give Archer the phone." Tumango ako na para bang kaharap ko ang kausap. Lumingon ako kay Archer saka inabot ang telepono. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin kahit hindi ako nagsalita saka kinuha sa kamay ko ang cellphone. "Yes, La?" Kanang kamay niya ang may hawak ng cellphone habang ang kaliwa ay nasa manibela. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang kinakausap si Madam sa cellphone. "Sa site in San
Bigla akong nagising sa malakas na pagtunog ng aking telepono. Nakapikit ang matang inabot ko sa bedside table ang cellphone kong tunog nang tunog. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong makaramdam ng sakit kasabay ng pagsagot ko sa tawag. Hindi ko na nagawang tingnan ang naka-register na caller.["Hoy, gagita ka! Hindi mo naman sinabi na may something pala kayo ni Archer Valle!"] malakas na bungad ng nasa kabilang linya. Kailangan ko pang ilayo ang telepono sa tainga ko para hindi mabasag ang eardrums ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" Kagigising ko lang tapos ganito agad ang bungad ni Kath. "Anong something something ang pinagsasabi mo?"["Girl, kalat na kalat sa social media ang picture niyo si Archer! Hindi ko masyado makita ang mukha mo pero alam kong ikaw 'yon! Bakit niyo naman kasi piniling magmilagro sa sasakyan? Gaga, andaming umaalam sa identity mo. Kesyo kung sino ka daw, kaano-ano mo si Archer, kung girlfriend ka ba, o secret na asawa."] may halong pag-aalala
Wala akong dalang cellphone, o bag, o kahit pera. Lintik na buhay. Dapat talaga paalalahanan ko ang sarili kong magdala ng bag. Pero sa kabilang banda, hindi ko pa rin naman matatawagan si Archer kahit pa dala ko ang cellphone ko kasi wala akong number niya. And if mayroon man, I doubt na sasagutin niya ang tawag ko. Inis akong nagmarcha palapit sa gusali. Bahala na, basta dadaan na lang ako sa makita kong pintuan. May nakita akong pintong gawa sa salamin hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Naglakad ako papalapit sa glass door saka sumilip sa loob. Walang tao. May malapad na space sa loob bago makikita ang mahabang hallway. Kahit nagdadalawang-isip ay binuksan ko ito at pumasok sa loob. Sinundan ko lang ang mahabang hallway na nasa unahan ko kahit pa hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Ilang sandali akong naglakad bago narating ang isa na namang hallway. Seriously? Hindi ko alam kung sa kanan o sa kaliwa ako dapat pumunta. Saan ba dapat? Aish bahala na nga! Lumiko ako paka
Inayos ko muna ang gown na suot bago pagalit na nag-marcha palabas ng mansyon. Pero dahil nga hindi ako sanay mag-heels ay mabagal at maingat pa rin akong naglakad. "Wala ka bang mas maibabagal pa d'yan?" sarkastikong tanong ni Archer. Masama ko siyang tiningnan habang naglalakad papalapit sa limousine. "Maghintay ka, gago! Kung tinulungan mo ako kanina eh di sana mas mabilis akong makakapunta diyan!""Kung hindi ka ba naman tanga eh di sana hindi ka nadapa. Bilisan mo na diyan at anong oras na. Tsk. Hindi ka VIP para hintayin." Nauna ulit siyang sumakay sa sasakyan. Nang makapasok na ako sa wakas sa limousine ay padarag kong sinara ang pintuan. "Hindi mo man lang ako pinagbuksan ng pinto," mahina pero pagalit kong sabi. Sakto lang para marinig niya. Agad akong napatigil nang makita ang loob ng limousine. Oo nakasakay na ako sa limousine ni Madam, pero itong limousine na 'to ay higit na mas magara ang interior kaysa sa nauna kong nasakyan. Muntik na akong mawalan ng balanse nang
Nu'ng sinabi ni Madam na maghahanda kami para sa party, I didn't actually expected na total makeover pala ang gagawin namin– or should I say, gagawin niya sa akin. Pagkatapos namin doon sa Nail Salon ay dito naman kami sa mall dumiretso at pumasok sa isang boutique. Transwoman ang may-ari ng boutique na kaibigan din ni Madam. Skye Alcantara ang pangalan niya at isa siyang kilalang designer ng mga damit. Nakapag-design na siya para sa mga sikat at kilalang personalidad hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa."Marami kami ditong pagpipilian, or if you want we can make your dress based on your taste. We could design it for you, or you can tell us what type, kind, and design of dress you want." Kagaya ni Carol, mabait din si Skye. Though ang first impression ko sa kaniya ay hindi maganda dahil na din sa paraan ng kaniyang pagtitig. Skye has fierce cat eyes na nagbigay ng impression na parang palaging masama ang tingin niya. Halos katulad ng mga mata ni Amber, kaya lang m
"Party?" Hindi ko mapigilang magtanong. "Charity Ball, to be precise. Mr. Gallano, a very good friend of mine, hosted a Charity Ball for children with cancer. We were invited so–""I wasn't invited," Archer said emphasizing the word 'wasn't' as if to tell his Lola that he has a choice not to go since he wasn't given an invitation."Oh no, you are invited. Didn't either of the Marsh twins gave you the invitation? I bet it was Veigo. He didn't give you anything? Sobre? Wala? O sadyang tinapon mo na naman nang hindi mo pa nababasa, or nabasa mo na pero ayaw mo pumunta kaya tinapon mo?"Sobre? Iyon bang inabot ni Veigo kay Archer noong nakaraan? I heard Archer cussed under his breath. "Kailan nating umattend sa Ball kasi si Stefano mismo ang nag-invite sa atin. Kapag hindi ka pumunta, pipilitin pa rin kita kaya wala ka paring pagpipilian. And besides, don't you want to help those children with cancer?"Archer scoffed, pero hindi siya nagsalita. "You'll bring Adelaide with you.""Ako p
Malawak ang ngiti na naglakad ako palapit sa sasakyan. "Madam!" Kakapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kong maghintay dito nang matagal at mas lalong ayaw kong maglakad pabalik. Gulat na napalingon sa akin ang driver samantalang hindi man lang nagulat si Madam. Parang inaasahan niya nang lalapitan ko siya. Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. "Madam, long time! Kumusta ka na po?" bati ko na para bang matalik kaming magkaibigan na matagal nang hindi nakita. Sadya ngang nagbabago ang ugali ng isang tao kapag nahaharap sa isang sitwasyon kung saan desperado ka na. Ngumiti pabalik sa akin si Madam, "Heto't sumasakit ang balakang sa biyahe. Ikaw bakit nandito ka pa sa labas? Asan si Achie?" Lumingon siya sa likod ko na para bang may hinahanap. "Iniwan lang naman po ako ng magaling niyong apo. Hindi din ako makapasok kasi wala akong ID." Humigpit ang hawak ko sa lunchbox na dala dahil sa inis at galit na nararamdaman sa ginawa ni Archer. Talagang sinadya niya akong iwanan dito sa labas, a
"Alam mo, CJ, kinakabahan na ako kay Miss Green. Baka mamaya iba na magawa niya dahil sa selos. Akalain mo ba namang tinarayan ang dalawang magandang babae kanina?!""Tsk!""Oh, see? Nagselos na naman siya kasi sinabi kong 'maganda'." Pinaparinggan ako ni Veigo na nasa passenger seat katabi ni Clark na nagda-drive. "Pwede niya naman sanang sabihin na ayaw niya, edi sana hindi na lang ako pumayag na maki-picture doon sa kanila. Siyempre mas susundin ko pa rin siya kasi siya si Miss Green." "Ewan ko sa'yo, Veigo."Nilingon niya ako. "Sabihin mo na lang kasi, may pagnanasa ka sa'kin kaya ka nagselos," kampante niyang sabi. "At sinong may sabing nagselos ako?" tinaasan ko siya ng kilay. Pauwi na kami ngayon matapos naming mamili. Simula nang sinabi ko 'yon sa mga babae ay hindi na magkamayaw si Veigo sa kaaasar sa akin na nagseselos daw ako. Si Clark naman sinasabayan pa ang asar ng kaibigan.Hindi. Ako. Nagselos. Wala akong rason para magselos. Sadyang mataas lang ang tingin ni Veigo s