MULING dinalaw ni Oliver si Aling Lagring na tulad ng dati ay tuwang-tuwa tuwing dumarating siya. Naroroon rin si Eliza at tulad ng dati ay may dala itong mga kakanin. Masayang masaya ang matanda habang naghahain ng tinolang native chicken.“Alam nyo sir, talagang masayang masaya ako kapag dumadalaw ka.” Walang pagsidlan sa tuwang sabi ng matanda. “Sana po ay madalas kayong dumalaw.”“Pasensiya na po kung paminsan-minsan lang akong pumarito. Sobrang busy po kasi.”“Oo nga po sir.” Sabat naman ni Eliza. “Palagi ka po niyang hinihintay. Kapag naririto ka po kasi, nalilibang siya at nakakalimutan niya ang kanyng anak na si Banjo.”May hapding nadama si Oliver sa narinig. Kung puwede nga lang sana ay ipagtapat na niya ang totoo na siya naman talaga si Banjo. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Naisip niyang hindi pa panahon.“Hayaan nyo po, baka madadalas ang pagdalaw ko sa inyo kapag nasimulan ang iniisip kong project dito sa lugar nyo.”“Talaga sir.” Gumuhit ang tuwa sa mukha ni Aling Lagr
Huling Na-update : 2023-01-12 Magbasa pa