[Samantha] Akala niya ay wala na siyang makikilalang kasing sama ni Jc, pero mayro’n pa pala. Si Troy. Napakasama nito. Paano nito nagagawang bantaan siya ng gano’n sa mismong harapan niya. Agad na pinahid niya ang luha ng makitang palapit ang mama niya. “Ma, bakit gising pa kayo? Magpahinga ka na, baka mamaya ay sumakit na naman ang likod mo.” Aniya. Kanina lang pag uwi ay nagpalagay ito ng paghaplas sa likod dahil nananakit ang likod nito. “Ayos lang ako, anak. Ikaw ang dapat kong tanungin. Ayos ka na ba? Nabawasan na ba ang bigat ng dibdib mo?” Natigilan siya. Bigla ay naalala niya ang nakakabiglang bagay na nadiskubre niya ngayong araw. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Kahit paano ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya ng malamang buhay si Shiela. “Opo, ma. May nalaman kasi akong magandang balita ngayong araw.” Tumango-tango ang mama niya ng nakangiti. “Oh siya, makakatulog na ako dahil alam kong gumaan na ang dibdib mo.” Turan ng kanyang ina bago umalis. Bumuga siya ng ha
Magbasa pa