🫶💎
Samantala… Inayos ni Spo3 Sulinap ang suot bago lumabas ng kusina— Nakasuot ito katulad ng mga uniform ng naturang restaurant. Hawak ang isang bote ng wine ay dumiretso ito kung saan naroon sina Troy at Mr. Shin. Dahan-dahan yumuko si Spo3 bilang pagbigay galang sa dalawa bago nagsalin ng wine sa tatlong wine glass na naroon. Nilapag ng pulis— na naka-disguise, ang bote ng wine, sa ilalim nito ay mayro’ng napakaliit na chip kung saan ay maririnig ang usapan ng dalawa. “Wait,” Tumaas ang kamay ni Troy dahilan para lumapit ang isang tauhan nito. Tila huminto naman sa kaba ang dibdib ni Spo3, kulang nalang ay maihi ito sa takot. “Kumuha ka pa ng wine.” Utos ni Troy. Nakahinga ng maluwag ang undercover na Pulis. Sinunod nito ang utos ni Troy. Sa nakasalubong ay kumurap siya ng dalawang beses na magkasunod— Tanda na tagumpay siya sa misyon. Agad naman na lumihis ng daan ang lalaking may balbas ay mataba na may nakasuot din ng uniforme katulad ng sa waiter. Dumiretso ito sa restroom at
[Samantha] Natigil sa paghalik sa leeg niya si Troy ng dumating si Mila. Kahit galit siya rito, ngayon ay gusto niyang magpasalamat dito ngayon dahil dumating ito. Dahil kung hindi ay baka saan pa umabot ang ginagawa ni Troy sa katawan niya. “Ano ang ginagawa mo dito?” Iritang tanong ni Troy sa dalaga. “I told you to keep your eyes on that man—“ “Pwede ba, ibigay mo muna sa akin ang usapan natin. Saka saan mo siya dinala? Baka sinaktan mo siya, ha!” Saglit na tumingin si Mila sa kanya. “Makukuha mo na ang lahat ng gusto mo. Tinulungan ka namin na magawa ang lahat ng plano mo. Wala ka naman sigurong balak na itapon agad kami pagkatapos mo kaming pakinabangan.” Umupo si Troy at masamang tiningnan si Mila. “Tumahimik ka. Naririndi na ako sa bunganga mo. Ano ang tingin mo sa akin? Walang isang salita? Wag kang mag alala dahil ibibigay ko ang napag usapan.” Naglabas ng baril ang lalaki at saka itinutok sa kaharap. “Kaya gawin mo ang trabaho mo kung ayaw mong patayin ko kayong dalawa.”
[Samantha] Handa na siyang pumalag ng matigilan siya— Pamilyar ang yakap nito, ang amoy, at ang laki ng katawan. “I missed you damn much, Sam.” Awtomatikong tumulo ang luha niya nang marinig ang baritonong tinig ni Zandro. “Z-Zandro…” Tanging sambit niya sa pagitan ng pag iyak. Oh god! She missed him too much. Walang paglagyan ang kasiyahan niya ngayon na muli niya itong nayakap. “I-I’m sorry for doubting you.” Patuloy siya sa pagluha. “S-Sorry kasi pinagdudahan ko ang pagmamahal mo… huli na nang marealized ko ang lahat…” Umalis sa pagkakayakap ang binata sa kanya. Nakatukod ang dalawa nitong kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya ngayon habang nakatunghay sa kanya ang kulag asul nitong mga mata. Puno ng pangungulila ang mata nito, bakas ang samo’t saring emosyon sa napakaganda nitong mata. “I’m the one who should apologizing, darling. Mali ako nang ilihim ko sayo ang tungkol sa bagay na ‘yon. Pero ‘yon nalang ang naisip kong paraan para protektahan ka. Naisip ko na mas mabut
[Samantha] “Nasaan ang mama mo, huh?!” Nanlilisik ang mata na tanong ni Troy kinabukasan. Halata na galit na galit ito habang nakahawak ng madiin ang kamay sa leeg niya. “B-Bitiwan mo ako, n-nasasaktan ako!” Aniya na halos hindi na makahinga. Kanda-ubo siya ng bitiwan nito ang leeg niya. Napaluhod siya sa harapan nito habang umiiyak at takot na takot na nakatingin rito. “K-Kasalanan mo kung bakit ako iniwan ni mama!” Tumayo siya at pinagsusuntok ito sa dibdib. Nakita niya kung paano ito natigilan sa narinig. “H-Hayòp ka! S-Sana ikaw nalang ang lumayas sa buhay ko! Mamataý ka na!” Katulad ng inaasahan niya ay malakas itong humalakhak matapos marinig ang sinabi niya. Para itong demonyóng tuwang-tuwa sa narinig. Mas lalo niyang ginalingan ang pag arte— Dahil kung hindi ay tiyak na masasaktan siya at mapapahamak sa kamay nito, o baka mas malala pa ang abutin niya rito. Hinawakan ni Troy ang dalawa niyang kamay. “Paano ba ‘yan, Samantha, pati ang ina mo ay iniwan ka na. Wala nang n
[Samantha] Agad na naalarma siya ng magising sa hindi pamilyar na lugar. Hindi parin inaalis ni Troy ang tape sa bibig niya, mabuti nalang at wala siyang tali sa kamay kaya hindi siya mahihirapan kumilos. Pagkapa niya sa chips na nasa likuran ng ulo niya ay natigilan siya— Mukhang natanggal ito nang mawalan siya ng malay kanina. Dahil hindi naman naka-lock ang pinto ay nakalabas siya. Gano’n nalang ang pandidiri sa mukha niya nang makita si Troy at Mila na nagtatalik. “Ahh, táng ina mo! Si-Sige bayuhin mo pa ako, ohhh!” Ungól ni Mila. “Púta ka! Malandí ka talaga, ito ang sa’yo— Ughhh!!” Pakiramdam niya ay babaliktad ang sikmura niya sa ginagawa ng dalawa. Magkadugo at magkalaman ang mga ito pero ginagawa ang hindi dapat. Sabagay— Ano ba ang aasahan niya sa ganitong klase ng mga tao? Gustuhin man niyang umalis at bumalik sa kwartong pinagkulungan sa kanya ay pinili niyang manatili. Gusto niyang marinig ang usapan ng mga ito, at kung ano ang susunod nitong mga plano. Pagkata
Kinuha ni Zandro ang kanyang HK 416 na baril. He is furious right now because of what he heard. Base sa kanyang hinala ay wala sa paligid si Samantha. Mukhang nalaglag mula rito ang chip device na inilagay sa likuran ng ulo nito. Damn that bastard! Sisiguraduhin niya na mamamatay na ito sa kamay niya sa pagkakataong 'to. "Lieutenant-" Napakamot sa ulo si SPO3 Sulinap. "I'm sorry, sir. Hanggang ngayon ay sanay parin akong tawagin kang Lieutenant." Napakamot sa ulong sabi nito. "Bakit naman kasi nagresign kayo sir. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nakatakas ang kriminal na 'yon." Hindi na lamang kumibo ang binata. Well, he has plan that's why he chose to do that. Mas mabuti nang patayín niya ito nang hindi kinakaladkad ang pagiging pulis niya. Hindi na madadamay pa ang pangalan nang kanyang ama. Dahil sa pagkakataong ‘to ay wala nang batas ang makakapigil sa kanya. Pinilig ni Zandro ang ulo- He couldn't wait to kill that man. Kapag naaalala ng binata kung paano nito hawakan a
[Samantha] Paanong nangyari na si Jc ang puno’t dulo ng gulong nangyayari sa buhay niya gayong si Troy ang lahat nang nagdala ng kamalasan sa kanya. Nabaling ang mukha niya ng iwasiwas ni Mila ang hawak na patalim. Ramdam niya ang paghiwa nito sa kaliwa niyang pisngi. Dama niya ang hapdi. Imposible— Iyon ang sinasabi ng utak niya. Pero hindi naman magsasalita ng ganito si Mila nang walang basehan. “Sabihin mo sa akin. Ano ang ibig mong sabihin kanina?” Gusto niyang malinawan. Ang daming tanong sa utak niya na hindi masagot. “Ang dami mong tanong, Samantha! Mamataý ka nalang!” Inundayan siya ng saksak ni Mila sa tiyan. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata nito ng hawakan niya ang kamay nito bago pa siya nito masaktan ulit. Napangiwi ito ng dumiin ang hawak niya sa kamay nito dahilan para mabitiwan nito ang kutsilyo. Galit na galit siya— At dito marahil nanggaling ang lakas niya ngayon. Tatakbo sana si Mila nang bitiwan niya ito pero mabilis na hinatak niya ang buhok nito. “B-Bi
[Samantha] Sa harapan niya nawalan nang malay si Mila dahil sa pagkakasakal rito ni Troy na ngayon ay namumula sa sobrang galit. Ang janitor naman ay malakas na sinuntok nang tauhan nito nang dalawang beses sa tiyan kaya nalugmok ito sa sobrang sakit. “Itali niyo ang dalawang ‘yan, mga walang kwentang kausap!” Lumapit sa kanya si Troy at binuhat pa siya para ihiga sa kama. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag itong ikutan nang mata. May awa at pag aalala parin pala ang hayòp na lalaking ‘to sa kanya. Ibang klase rin ang lalaking ‘to— Handang patayin si Mila na sarili nitong pinsan para lang sa kanya. Nakakatakot ang ganitong klase nang tao! “Don’t worry, Love. Wala nang makakapanakit sa’yo. Kaya hindi mo na kailangan matakot. Hmm.” Yumakap pa ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo. Halatang tuwang-tuwa ito. “Totoo ba ang sinabi mo kanina? Wala ka nang balak tumakas sa akin?” Sabi na nga ba, iyon ang ikinatutuwa nito ngayon— Ang narinig nito sa kanya kanina. Kunwari ay tumang