🫶
[Samantha] Hindi siya sumuko. Hinanap niya si Zandro pero tatlong araw na pero hindi niya ito nakita. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya nang ulo. Naninikip ang dibdib niya sa sakit parang pinapatay ang puso niya. “Anak, kumain ka na. Kailangan may lakas ka para sa pagharap mo sa bukas. May dahilan si Zandro kaya ginawa niya ito—“ “Dahilan?” Humihikbing tumingin siya sa ina. “Ma, naman… hindi pa naman tapos ang kaso ko. May laban pa ako pero hindi niya hinintay ‘yon.” Pinahid niya ang luha at pumasok sa kwarto niya. Nangako ito sa kanya na hindi aalis sa tabi niya. Na hindi siya nito iiwan. Pero nasaan ito ngayon? Oo, ayaw niyang makulong. Inaamin niya na natatakot siya. Pero hindi niya hiniling na ipamigay siya nito sa iba kapalit ng kalayaan niya. Mas nanaisin niyang magtiis muna sa loob ng kulungan at maghintay na lumabas ang katotohanan kaysa ang mawala ito sa kanya. Lalo siyang naluha sa singsing na nasa ibabaw ng tokador niya. Bago umalis si Troy ay sapilitan nitong i
[Samantha] Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ina na para bang kanina pa siya hinihintay. Umiiyak na yumakap siya rito. Hindi ito nagtanong, o nagsalita, hinayaan lang siya ng ina na umiiyak na parang bata sa dibdib nito. Lahat nalang ng lalaking minahal niya ay sinasaktan siya. Sana pala ay hindi nalang niya ulit pinapasok si Zandro sa buhay niya kung alam lang niya na sasaktan siya ulit nito. Lalong nadagdagan ang bigat ng kalooban niya ng kinagabihan ay dumating si Troy para dalawin siya. Nakangiting hinarap ito ng mama niya. Alam niya na napipilitan lang ito na ngitian ang binata. Nakakabwisit naman kasi ang ugali ni Troy. Malayong-malayo dati. Kung dati ay parang gentleman pa, ngayon ay wala na itong kagalang-galang. Mayabang na pinatong ni Troy ang paa sa maliit nilang mesa at saka sumenyas. “Hindi ikaw,” Sabi nito sa kanyang ina ng lumapit ito. “Si Samantha ang pinapalapit ko.” Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. ‘Bahala ka sa buhay mo.’ Isip-isip niya. “I’m callin
[Samantha] Walang kabuhay-buhay na nakatingin siya sa wedding dress na nasa kahon. Kung kay Zandro ito galing ay baka nagtatalon pa siya sa tuwa habang isinusukat ito. Kaso galing ito sa demonyóng si Troy. Lumabas siya ng bahay para magpahangin at para gumaan sana ang bigat ng dibdib niya. Pero nakita niya si Mila kaya mas lalo lang siyang naimbyerna. Kasama ito ni Troy habang todo ngising nakatingin sa kanya na tila inaasar siya. Kung wala lang si Troy ay baka nasapak niya ito sa mukha. Gusto niyang iiwas ang mukha nang hahalikan siya ni Troy, pero hinawakan nito ang pisngi niya ng madiin at tumingin sa kanya ng may pagbabanta, kaya naman si Mila ay lalong napangisi. Parang tuwang-tuwa pa ito sa ginagawa sa kanya ni Troy! Nakakakilabot ang dalawang ‘to. May relasyon ang mga ‘to pero ayos lang sa kanila na makitang may kinakalantari ang isa’t isa. Ano bang klaseng pag iisip ang mayro’n ang dalawang ‘to? Nagtataka siya dahil kahit ikakasal na sila ay walang pamilya ni Troy mal
[Samantha] Dama niya ang kilabot sa buo niyang katawan. Sa tuwing tatawagin siya nitong ‘Love’ ay kinikilabutan talaga siya sa hindi malamang dahilan. O baka dahil iyon ang tawag sa kanya noon ni Jc, at magkaboses na silang dalawa. Tumingin sa mukha niya ang binata habang inilalagay sa likod ng tenga niya ang buhok niya. “Nakakatuwa namang marinig na bukal na sa loob mo ngayon ang pagsilbihan ako. I like that, Samantha, natututo ka na at alam mo na ang dapat mong gawin para mapabuti ka.” Bumulong ito sa tenga niya sa nakakatakot na paraan. “Dahil sa suwayin mo ako ay hindi na ako mangingiming gawin ang plano ko sa’yo… Oo, baliw ako sa’yo pero mas baliw ako sa pera.” Anito sabay halakhak ng malakas. Sumenyas ito sa tauhan na bitiwan na si Pablo. Nahintakutan siya ng isakay siya ni Troy sa sasakyan nito. “Saan mo ako dadalhin?” “Sasamahan kitang mamili. Hindi ba’t ginagawa mo ‘yan para sa akin?” Nginisihan siya nito ng makitang natigilan siya. Mukhang hindi nito kinagat ang sinabi
[Samantha] Akala niya ay wala na siyang makikilalang kasing sama ni Jc, pero mayro’n pa pala. Si Troy. Napakasama nito. Paano nito nagagawang bantaan siya ng gano’n sa mismong harapan niya. Agad na pinahid niya ang luha ng makitang palapit ang mama niya. “Ma, bakit gising pa kayo? Magpahinga ka na, baka mamaya ay sumakit na naman ang likod mo.” Aniya. Kanina lang pag uwi ay nagpalagay ito ng paghaplas sa likod dahil nananakit ang likod nito. “Ayos lang ako, anak. Ikaw ang dapat kong tanungin. Ayos ka na ba? Nabawasan na ba ang bigat ng dibdib mo?” Natigilan siya. Bigla ay naalala niya ang nakakabiglang bagay na nadiskubre niya ngayong araw. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Kahit paano ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya ng malamang buhay si Shiela. “Opo, ma. May nalaman kasi akong magandang balita ngayong araw.” Tumango-tango ang mama niya ng nakangiti. “Oh siya, makakatulog na ako dahil alam kong gumaan na ang dibdib mo.” Turan ng kanyang ina bago umalis. Bumuga siya ng ha
Samantala… Inayos ni Spo3 Sulinap ang suot bago lumabas ng kusina— Nakasuot ito katulad ng mga uniform ng naturang restaurant. Hawak ang isang bote ng wine ay dumiretso ito kung saan naroon sina Troy at Mr. Shin. Dahan-dahan yumuko si Spo3 bilang pagbigay galang sa dalawa bago nagsalin ng wine sa tatlong wine glass na naroon. Nilapag ng pulis— na naka-disguise, ang bote ng wine, sa ilalim nito ay mayro’ng napakaliit na chip kung saan ay maririnig ang usapan ng dalawa. “Wait,” Tumaas ang kamay ni Troy dahilan para lumapit ang isang tauhan nito. Tila huminto naman sa kaba ang dibdib ni Spo3, kulang nalang ay maihi ito sa takot. “Kumuha ka pa ng wine.” Utos ni Troy. Nakahinga ng maluwag ang undercover na Pulis. Sinunod nito ang utos ni Troy. Sa nakasalubong ay kumurap siya ng dalawang beses na magkasunod— Tanda na tagumpay siya sa misyon. Agad naman na lumihis ng daan ang lalaking may balbas ay mataba na may nakasuot din ng uniforme katulad ng sa waiter. Dumiretso ito sa restroom at
[Samantha] Natigil sa paghalik sa leeg niya si Troy ng dumating si Mila. Kahit galit siya rito, ngayon ay gusto niyang magpasalamat dito ngayon dahil dumating ito. Dahil kung hindi ay baka saan pa umabot ang ginagawa ni Troy sa katawan niya. “Ano ang ginagawa mo dito?” Iritang tanong ni Troy sa dalaga. “I told you to keep your eyes on that man—“ “Pwede ba, ibigay mo muna sa akin ang usapan natin. Saka saan mo siya dinala? Baka sinaktan mo siya, ha!” Saglit na tumingin si Mila sa kanya. “Makukuha mo na ang lahat ng gusto mo. Tinulungan ka namin na magawa ang lahat ng plano mo. Wala ka naman sigurong balak na itapon agad kami pagkatapos mo kaming pakinabangan.” Umupo si Troy at masamang tiningnan si Mila. “Tumahimik ka. Naririndi na ako sa bunganga mo. Ano ang tingin mo sa akin? Walang isang salita? Wag kang mag alala dahil ibibigay ko ang napag usapan.” Naglabas ng baril ang lalaki at saka itinutok sa kaharap. “Kaya gawin mo ang trabaho mo kung ayaw mong patayin ko kayong dalawa.”
[Samantha] Handa na siyang pumalag ng matigilan siya— Pamilyar ang yakap nito, ang amoy, at ang laki ng katawan. “I missed you damn much, Sam.” Awtomatikong tumulo ang luha niya nang marinig ang baritonong tinig ni Zandro. “Z-Zandro…” Tanging sambit niya sa pagitan ng pag iyak. Oh god! She missed him too much. Walang paglagyan ang kasiyahan niya ngayon na muli niya itong nayakap. “I-I’m sorry for doubting you.” Patuloy siya sa pagluha. “S-Sorry kasi pinagdudahan ko ang pagmamahal mo… huli na nang marealized ko ang lahat…” Umalis sa pagkakayakap ang binata sa kanya. Nakatukod ang dalawa nitong kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya ngayon habang nakatunghay sa kanya ang kulag asul nitong mga mata. Puno ng pangungulila ang mata nito, bakas ang samo’t saring emosyon sa napakaganda nitong mata. “I’m the one who should apologizing, darling. Mali ako nang ilihim ko sayo ang tungkol sa bagay na ‘yon. Pero ‘yon nalang ang naisip kong paraan para protektahan ka. Naisip ko na mas mabut