ApoloniaSa halip na pansinin ang sinabi ko ay tumalikod ito at nag-umpisang maglakad.Killjoy talaga, hays.Kaagad naman akong sumunod upang makaagapay rito. "Boss, nag-smile ka talaga. Hindi ako namalikmata lang, 'di ba? 'Di ba?" kulit ko bago sinilip ang mukha nito."No, I didn't," tanggi naman kaagad nito."Nag-smile ka, eh. Kitang-kita ko kaya!" pagpipilit ko."Guni-guni mo lang 'yon," pabalewalang sagot nito."Hindi, eh! Patingin nga, smile ka nga ulit, Boss.""Pinaglalaruan ka lang ng sarili mong imahinasyon, o baka pansamantalang nakatulog na naman 'yang utak mo."Hala, grabe talaga siya sa akin."Hindi, Boss! Nag-smile ka talaga, eh.""Hindi nga sabi, eh.""Nag-smile ka kaya!""Hindi nga, you're just imagining things. Anyway, where do you plan to go next?" pag-iiba nito ng usapan.Parang shunga na napangiti na lang ako.Ah, basta nakita ko itong nakangiti. Kahit na anong tanggi pa ang sabihin nito, alam ko na hindi ako nag-i-imagine lang at masaya ako na nakita ko ang ngiti n
Huling Na-update : 2024-08-18 Magbasa pa