Apolonia"Sure ka ba riyan, my loves? Hindi ba iyon scammer?" nag-aalalang tanong ni Vi sa akin nang sabihin ko ritong kinontak ko ang ginang na nangako kahapon na handa raw na tumulong sa akin at nakikipagkita ito sa akin ngayon."Hindi naman siguro...""Naku ka naman, my loves! Baka mapahamak ka riyan, ah.""Mukha naman siyang mabait, ang ganda nga niya, saka mukhang mayaman talaga.""Jusme. Hindi ka ba nanunuod ng balita? Sa panahon ngayon kahit na gaano pa kaganda o kaamo ang mukha ng tao, minsan sa likod niyon ay manloloko, scammer at demonyo pala.""Huwag ka namang manakot."Huminga ito nang malalim. "Hindi ako nananakot, nagsasabi lang ako ng totoo at nagpapaalala lang ako. Kaibigan kita at mahal kita, Apol. Ayoko lang na mapahamak ka o may mangyaring masama sa iyo."Niyakap ko ito. "I know. Thank you, my loves."Tinapik-tapik nito ang likod ko. "Hay, nako. Bahala ka na nga, sana lang talaga ay tama ka sa hinuha mo sa pagkatao ng taong iyon.""Ikaw na muna ang bahala kay Popsy
Last Updated : 2022-11-20 Read more