Share

KABANATA 5

Author: Meowpyyyyy
last update Huling Na-update: 2022-12-02 10:00:06

Apolonia

Upang palubagin kahit papaano ang loob ko at upang makapag-concentrate ay isiniksik ko na lang sa isip ko na may pagkakataon pa naman ako mamaya, bukas o kaya ay sa mga susunod pang araw upang daldalin ito at tanungin, tutal naman ay nasa iisang kompanya kami at paniguradong magkikita at magkikita kami rito sa opisina since pinsan naman nito ang boss ko, saka mukha rin naman itong friendly, hindi supladito at mukhang madaling lapitan.

Ganadong nakinig na lang ako at isinulat sa maliit na notebook na dala ko ang bawat sabihin nito sa mga sumunod na sandali.

"I think that would be all. Naisulat at nakuha mo ba lahat noong sinabi ko?" nakangiting sabi nito sa akin nang matapos na ito.

Tumango ako. "Yes, Sir."

Lumawak ang ngiti nito na nagpatingkad lalo sa pisikal na hitsura nito.

"Good. Anyway, I hope na mag-enjoy, mag-grow at magtagal ka sa pananatili mo rito sa kompanya, Ms. Marquez. Always give and do your best in everything that you do, okay?" bilin pa nito.

"Sige po, Sir..." sagot ko bago ito tinapunan ng tingin na nananantiya.

Nagdadalawang-isip kasi ako kung puwede ko na kaya ngayon mismo na itanong ang pangalan nito.

Natapos na kasi at lahat ang pagdi-discuss nito pero hindi talaga ako mapakali dahil hindi ko pa rin alam ang pangalan nito.

Mataman naman ako nitong pinagmasdan. "Mayroon ka pa bang ibang katanungan at gustong malaman?"

Actually, mayroon po, ang pangalan mo, Sir.

"Uh..." tanging nasabi ko, atubili at hindi maituloy na sabihin ang nasa isip ko mismo.

"Kung wala na, iiwanan na muna kita rito, hintayin mo rito si Druskelle at tawagan mo ako kaagad sa local number na sinabi ko sa iyo kapag nandito na siya, okay? Paparating na rin siguro iyon, medyo na-late lang at tinanghali dahil may in-attend-an na conference kagabi," paalam nito at akmang aalis na nga.

Nakagat ko ang labi ko bago lakas loob na kumilos at mabilis na pinigilan ito sa braso. "S-Sir..." mahinang tawag ko rito.

Gulat naman na huminto ito at tiningnan ako, pati na ang kamay kong nakakapit mismo rito.

Dahil doon ay parang napapaso na agad kong inalis ang pagkakahawak dito. "S-Sorry, Sir," hinging paumanhin ko.

Napalitan naman din kaagad ng ngiti ang gulat na ekspresyon nito.

Fck. Gusto ko na naman tuloy mag-daydream, titigan na lang ito at huwag munang pagtuunan ng pansin ang misyon ko.

Nyetang ngiti iyan! Ang lakas talaga ng hatak sa akin!

"It's okay. What is it?"

"Uh, ano po k-kasi..." hindi ko naman maituloy na sabihin dahil sa nadaramang hiya ako.

"Ano iyon? You look tense again. Kung kinakabahan ka dahil sa magiging boss mo, ako na mismo ang mag-a-assure sa iyo na mabait iyon, sadyang may pagkaistrikto lang talaga. Saka, huwag kang masyadong mag-alala, if may hindi ka alam, I'm just here to help. Hindi kita pababayaan, ibinilin ka sa akin ni mommy. So, stop stressing yourself, okay?"

Ang gara pala ni madam, ibinilin ako sa anak nitong guwapo, charming at mabait nang wala akong kaalam-alam.

Napanguso ako. "H-Hindi naman po iyon..."

"Huh?"

Fck. Sasabihin ko ba?

Binasa ko ang labi ko at humugot muna ng hangin bago napakamot sa pisngi ko. "A-Ano... hindi ko pa po kasi alam ang pangalan mo hanggang ngayon, Sir," mahina kong sabi.

Mukhang nagulat naman ito sa sentimyento ko.

Gusto ko namang i-congrats ang sarili ko dahil sa wakas ay nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin kanina pa.

Ngunit makalipas ako nitong batuhin nang namamanghang tingin ay bigla na lamang itong tumawa nang malakas.

Ako naman tuloy ang napatitig dito at namamangha itong pinagmamasdan habang tila ba sarap na sarap ito sa pagtawa.

Hala, ang charming talaga...

Tumigil din naman ito kapagkwan, ngunit kita ko pa rin ang katuwaan na nagsasayaw sa mata nito kahit na pilit na itinatago pa nito iyon. "Sorry. Masyado yata akong nadala," hinging paumanhin nito.

Nanatili naman akong tahimik habang nakatingin dito, naghihintay na sabihin na nito ang gusto kong marinig.

"Pambihira, hindi yata ako makaka-get over na hindi mo pa pala ako kilala at ni hindi mo pa alam kahit na ang pangalan ko lang. Hindi man lang ba ako nabanggit ni mommy sa iyo?" natatawa pa ring tanong nito habang naiiling pa.

Hindi. Puro ang tungkol lang sa pinsan mo at sa misyon ko ang pinag-uusapan namin.

Ngumiti ako rito nang pilit. "Ah, baka po nabanggit niya, nalimutan ko lang po siguro sa sobrang dami ng iniisip at sa excitement, Sir," sa halip ay palusot ko.

Umakto itong tila nasaktan. "Ouch. Kalimot-limot ba ang pangalan ko? Bakit iyong sa pinsan ko naman ay natandaan mo? Ang unfair naman no'n."

"N-Naku, hindi po sa gano'n. Pasensiya na po, Sir... pero ano na nga po ang pangalan ninyo? Promise, hinding-hindi ko na po kakalimutan," pangako ko.

Aktong sasagot na sana ito nang bigla namang bumukas ang pinto.

Pareho kaming napatingin sa bagong dating na lalaki na natigilan naman sa akmang pagpasok habang nakahawak pa ang kamay sa seradura ng pinto at nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin. 

Kapansin-pansin ang aura at kakisigan din nitong taglay.

Matangkad ito, maputi, medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, mapula ang labi at may kakapalan ang kilay, in short ay guwapo rin!

Sht. Lahat na lang ba ng makikita kong tao rito sa kompanyang ito ay good-looking?

Pero sino naman kaya ito?

Bigla akong binundol ng kakaiba at hindi maipaliwanag na kaba nang magtama ang mata namin.

Pinigilan ko ang mapasinghap dahil sa intensidad kung paano ito tumitig.

Saglit lamang iyon, pagkatapos ay ibinaling na nito kaagad ang tingin sa kasama ko at kunot ang noong tuluyan nang pumasok sa silid.

"Let's go to my office, Draken, may pag-uusapan tayo," maikling sabi nito at nagtuloy nang pumasok sa isa pang opisina na tanaw na tanaw mula rito sa puwesto ko.

Napangiti ako.

Ah, so Draken pala ang pangalan ng poging mabait na sir...

Ngunit unti-unti ring napalis ang ngiti ko nang may mapagtanto.

Sht. Don't tell me, 'yong poging snob na bagong dating ang magiging boss ko mismo?!

Napalunok ako.

"Let's go," narinig ko namang yaya ni Draken.

Napakurap-kurap ako at nabaling ang tingin dito. "P-Po?" disoriented kong tanong.

"Let's go inside. I-introduce na rin tuloy kita kay Druskelle," ulit na pagyaya nito at iminuwestra ang ulo papunta sa pinto na pinasukan noong lalaking bagong dating.

Napalunok akong muli nang makumpirma ang naiisip ko.

"Come on, medyo mainipin pa naman ang isang iyon," anito at nauna nang naglakad.

Dahil mukhang wala itong balak na hintayin ako ay may pagmamadali na tumayo na ako at sumunod dito.

Nang makapasok ay nabungaran ko agad ang magiging boss ko na nakayuko habang may binabasang papeles.

Nagtaas naman ito ng tingin nang marinig marahil ang pagsasarado ko ng pinto.

Ngunit katulad kanina ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba at pagkailang nang sa akin ito diretsong napatingin, walang bakas ni kaunting ngiti man lang ang guwapong mukha nito at ibang-iba ang dating ng aura nito kay Draken.

Nagsalubong ang maganda nitong kilay at ibinaling din kaagad ang tingin kay Draken na nasa aking tabi lamang. "May importante at pribado akong kailangan na i-discuss sa iyo, Draken. Why did you bring your girlfriend? You can tell her to wait for you outside, but not here."

Girlfriend?

Gusto kong sumingit sa usapan at ituro ang sarili ko.

Naks. Kahit supladito, like ko 'yong idea nito na girlfriend ako ng pinsan nito.

Ngunit nalipat ang tingin ko mula rito papunta sa katabi ko nang marinig ko na naman ang aliw na aliw na pagtawa ni Draken.

Teka nga, pansin ko na ang dami na nitong tawa kanina pa, ah. 'Di ko na mabilang. Parang sumobra naman yata ang pagiging masiyahin nito.

At hindi na ako magtataka pa kung magkaroon man ito ng kabag maya-maya at mautot na lang itong bigla.

"Unfortunately, she's not my girl," sagot ni Draken.

Unfortunately raw...

Iba ang naging dating niyon sa akin.

Pigil ko tuloy ang mapangiti at kiligin.

Lalong nangunot naman ang noo ni Druskelle dahil sa naging sagot ng pinsan. "Then what? One of your flings?"

Fling talaga? Pektusan ko kaya 'to. Girlfriend na kanina tapos, na-demote at naging fling na lang ngayon?

"Not either."

"Then send her out. I have so many important things to discuss with you," malupit na sabi nito.

Ay, ang brutal naman pala. Parang wala ako rito, ah!

"I can't do that."

Druskelle's brows arched. "And why is that?"

"Because I want you to meet and get to know her. Anyway, she's Apolonia Marquez," pagpapakilala ni Draken sa akin.

"A-Apol na lang po for short, mga Sir," singit ko sa maliit na tinig.

Nilingon naman ako ni Draken at nginitian.

"So? I don't care what her name is, and I don't know who she is," sagot ni Druskelle at hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Bahagyang natawa ang pinsan nito.

Hays. Siyang-siya talaga ito sa buhay.

"Of course, you don't know her because she is new to our company. By the way, she's your new secretary," anunsiyo ni Draken na nakapagpagulantang sa pinsan nitong kanina pa hindi mangiti kahit kaunti.

"What?!"

Gusto kong matawa.

Gulat yarn?

"You heard me," Draken said casually.

"Paano ko siyang magiging sekretarya gayong hindi pa siya dumadaan sa akin? Wala akong natatandaan na na-interview ko na siya. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap o nakakaharap, ngayon pa lang," Druskelle said before turning his gaze at me.

Dahil sa ginawa nito ay muntik na akong napaatras dahil sa sama ng tingin nito sa akin.

O, ba't ang sama ng tingin at bakit sa akin nagagalit?

"Who hired her without my knowledge and permission?" usisa ni Druskelle.

Draken cocked his head and grinned. "I and my mother did."

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 6

    ApoloniaKaagad na dinampot ko ang telepono kong nasa mesa nang tumunog iyon at nang makita ang pangalan ng tumatawag ay pasimple akong tumingin sa pinto at bintana ng opisina ng boss ko na nakababa sa ngayon ang blinds. Dahil hindi naman ako nito nakikita at 'di ko rin ito nakikita ngayon ay mabilis na akong tumayo at lumabas upang sagutin ang tawag.Nang makalayo na ako at masiguro na walang makakarinig sa pakikipag-usap ko sa caller ay huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "H-Hello po, magandang umaga po, Mrs. San Diego," mahina kong bati."Hello, magandang umaga, my dear. Gusto lang kitang batiin dahil naging successful ang una mong misyon," bungad na bati nito sa akin at narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya.Napangiwi ako. "Uh... thank you po?" hindi sigurado sa isasagot na sabi ko na lang.Hindi naman dapat kasi ako nitong batiin dahil sa totoo lang ay wala pa naman akong ginagawang hakbang, at ang totoo nga ay ang anak nito at ito mismo ang gumawa ng par

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 7

    ApoloniaNaramdaman ko naman kaagad ang kamay ng boss ko na sumapo sa likod ko upang suportahan marahil ako at hindi malaglag, kasunod naman niyon ay naramdaman ko naman ang paninigas at tila pagka-tense nito ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin, sa halip ay nilingon ko nang may takot ang table nito habang nakayakap pa rin ang mga braso ko sa leeg nito at ang mga binti ko naman sa beywang nito.Fck.Hanggang ngayon ay abot-abot pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot at kabang nadarama.Daga at ahas pa man din talaga kasi ang kinatatakutan ko sa lahat ng hayop.Makalipas ang ilang sandali ay narinig ko na tumikhim ang amo ko.Ito naman ang nilingon ko upang usisain sana at kumpirmahin kung ano ba ang mayroon sa table nito, ngunit natigil sa pagbuka ang bibig ko at tila nalulon ko na ang mga salitang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung gaano pala kalapit ang mukha namin sa isa't isa, lalo pa at inalis na nito ang pagkakatakip ng panyo sa gawing bibig at ilong nito dah

    Huling Na-update : 2022-12-04
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 8

    ApoloniaInalis ko na ang face mask na suot ko kanina pa habang naglilinis ako upang hindi ko masinghot ang mga alikabok at baka ako naman ang sumunod na atakihin nang malala at sunod-sunod na pagbahing katulad nang nangyari sa boss ko kahapon.Nakahinga ako nang maluwag at napangiti ako nang masigurado na natapos ko na sa wakas ang paglilinis ng area at mga gamit nito.Sinadya kong agahan ang aking pagpasok upang makapaglinis nang bongga at makabawi man lang ako sa kapalpakan na nagawa ko kahapon.I made sure na hindi na muling aatakihin pa ng allergic rhinitis nito si Sir Druskelle. Napipilitan man at labag man sa loob ko ay kailangan kong manatili, hindi dapat ako masesante, lalo pa at hindi pa nga ako nakaka-first base man lang para kuhanin ang loob nito.Kasalukuyang inililibot ko ang tingin sa silid nang may marinig akong pagkatok, agad naman akong napalingon sa pinto ng opisina ng boss ko na nakabukas. Ang naabutan ng mata kong naroon ay ang pinsan nito na si Draken.As usual a

    Huling Na-update : 2022-12-08
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 9

    Apolonia"Nai-take down mo ba ang lahat ng mga importanteng napag-usapan sa meeting?" usisa sa akin ni Druskelle na hindi man lang ako nilingon dahil diretso lang sa harapan ang tingin nito mula pa kanina nang makalabas kami ng boardroom pagkatapos ng meeting.Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad ngayon dito sa mahaba at malinis na hallway, walang makikitang taong nagkalat dahil abala ang lahat sa kanya-kanyang trabaho.Hindi naman ako bansutin pero dahil sa laking tao at ang haba ng mga binti ng kasama ko compare sa akin ay halos lakad-takbo na ang ginagawa ko para lang makaagapay at makaabot sa paglalakad na ginagawa nito.Wala naman sanang humahabol ditong sampung aso pero kung makalakad ito ay wagas na wagas. Ganado yatang masyado!Sumagap muna ako ng hangin. "Yes po, Sir..." hinihingal kong sagot makalipas ang ilang sandali.Baka kasi kapag hindi pa ako sumagot ay ma-warning-an na naman ako nito.Bigla na lamang itong huminto sa paglakad at nilingon ako, dahil nagmamadali ako sa

    Huling Na-update : 2022-12-10
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 10

    Apolonia"Pumunta ka rito sa bahay ko ngayon na mismo, Ms. Marquez," walang abog at tila ba nagmamadali na bungad na sabi ng boss ko pagkasagot ko pa lang sa tawag nito.Grabe. Utos agad-agad? Wala man lang pagbati at nakalimot na rin kahit ang mag-good morning?Umagang-umaga, pero nakaka-bad vibes itong boss ko. Wala man lang kasing pakunsuwelo. Ganitong hindi pa ako tapos maglinis ng opisina nito pero kung makapag-request naman ito na pumunta ako sa bahay nito ay parang kay simple lang ng utos nito. Akala yata ng bwisit ay may kakayahan akong mag-teleport kung makapag-demand ito.Hambalusin ko pa ito nitong hawak ko ngayong feather duster, e.Ang yaman-yaman nga, pero wala namang manners ang hanep! Gigil ako nito, kay aga-aga!Napaikot tuloy ang mata ko sa asar. "Ay, hello at good morning din po, Boss," sa halip ay sagot ko, sadyang ipinahalata ang pagiging sarkastiko ng aking tinig.Narinig ko na huminga ito nang malalim bago napatikhim, marahil ay na-realize na rin sa wakas ang na

    Huling Na-update : 2022-12-18
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 11

    Apolonia"A-Ano po ba ang nangyayari, Boss?" pabulong ko ring tanong, naguguluhan sa mga ganap.Maloloka ako sa boss kong ito, kung anu-ano na lang kasi bigla ang sinasabi at ginagawa."Shut up and just hug me back," madiin na utos nito sa akin, may pagkataranta pa at mahina ang tinig.Luh? Baliw ba ito? Ba't ko naman ito yayakapin? Sakalin baka puwede pa. Mas gusto ko iyon.Sa halip na sumunod, mula sa pagkakasandig ng ulo ko sa dibdib nito ay nagtaas ako ng tingin, nasalubong naman agad ng aking mata ang singkitin nitong mata na kanina pa yata nakatuon sa akin.Sht. Bakit ang cutie ng mata nito? Dati sa kilay lang ako nito naku-cute-an tapos ngayon pati na ang mata. Ano pa ang susunod, self? Umayos ka.At dahil hindi ko naman inaasahan na nakatutok sa akin ang mata nitong cutie ay tila ba nalunok ko na ang mga gusto kong sabihin, nalimutan ko na pati na ang pagtutol sa nais nitong ipagawa sa akin at nauntol ang balak sanang paglayo ko rito.Binundol ba naman kasi ng kakaibang kaba a

    Huling Na-update : 2022-12-25
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 12

    Apolonia"Hi, Apol," masigla at nakangiting bati kaagad sa akin ni Draken pagkapasok nito, pagkatapos ay tumingin sa gawi ng opisina ng pinsan nito na kasalukuyang nakasarado ang pinto, maging ang blinds."Hello po, good afternoon po, Sir Draken," magalang na bati ko rito at nahawa sa ngiti nito nang balingan ako nitong muli.Pinagsawa ko ang mata ko sa mukha nitong kay sarap talagang titigan at napakaaliwalas, 'di tulad noong pinsan nitong ang sarap binatin ng mukha."Good afternoon. Is Druskelle in his office now? Kinokontak ko pero hindi sumasagot, dumiretso na ako rito at hindi na kita tinawagan pa, naisip ko kasi na baka wala na naman kayo pareho," usisa nito.Kasalanan po ni Boss, 'di tuloy ako nakasilay sa iyo kahapon."Nandito po si Boss. Kausap lang po niya ngayon 'yong HR Director," nakangiti pa rin na tugon ko."Oh, kaya pala. Tungkol sa naging result ba ng meeting with audit noong nakaraan ang pinag-uusapan nila?" usisa nito."Hindi ko po alam, e. Baka po, Sir. Kanina pa p

    Huling Na-update : 2022-12-30
  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 13

    Apolonia"Hmm? Ano pa ba ang kulang?" pagkausap ko sa aking sarili habang nakapameywang na nakatingin sa mga putaheng nakalapag sa mesa na ako mismo ang personal na nag-asikaso at nagluto.Kasalukuyan kasi akong narito ngayon sa bahay ni Druskelle, pero wala itong kaalam-alam na narito ako at ipinaghahanda ito ng almusal.Maaga akong gumising upang magpunta lang rito, ilang araw na rin kasi akong nag-iisip kung ano ang puwede kong gawin para rito since naantig ako nang bongga sa kuwento ng pinsan nito tungkol sa masalimuot na bahagi ng buhay nito. Dahil nag-iisa lang din akong anak, iba ang dating sa akin noong mga narinig at nalaman ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at simpatya, lalo na kapag naaalala ko iyong pagsubok na dumating sa buhay ko recently, 'yong panahon na wala akong makaramay na pamilya o kapatid man lang sana na alam kong makakaintindi sa bigat ng dinadala ko. Oo, sinasamahan ako ni Vi at dinadamayan, grateful ako roon, sa mga tulong at presensiya nito. Per

    Huling Na-update : 2023-01-02

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 43

    ApoloniaMarahan na gumalaw ako bago hinatak ang mainit na bagay na hawak ko habang nakapikit at ipinatong doon ang kanan na pisngi ko, dahil sa init na nanggagaling doon at sa masarap na pakiramdam na ibinibigay niyon sa akin ay tila parang ihinehele at hinihila pa ako ng antok upang ipagpatuloy ang pagtulog.Ngunit kung kailan papaidlip na ako ay saka naman ako may narinig na mahinang ungol, kaagad naman na nangunot ang noo ko.Sino ba 'yon? May ibang tao ba sa kuwarto ko?Pero dahil inaantok pa talaga ako, sa halip na pansinin iyon at magdilat ng mga mata ay isiniksik ko ang pisngi ko sa mainit na bagay na hawak ko.Makalipas ang maikling sandali ay nagsimula ko na namang naramdaman ang init na ibinibigay niyon, unti-unti ay nagpalamon akong muli sa antok.Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay bigla namang gumalaw ang mainit na bagay na siyang kinapapatungan ng kanan na pisngi ko.Hindi ko na sana iyon papansinin pa at ipagpapatuloy na ulit ang naudlot na pagtulog ngunit hin

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 42

    Druskelle Nameywang ako habang nag-iisip kung ano ba ang gagawin upang matakpan kahit papaano ang parte ng dibdib nito at ang undergarment na suot ng dalaga, hindi kasi ako mapakali na nakahantád lang iyon kahit pa nga sabihin na hindi naman totally na visible sa paningin ko ang buong dibdib nito. Lalaki pa rin naman ako, ang hirap lang sa part ko na tuwing titingnan ko ito ay hindi ko talaga maiwasan na bumaba roon ang mata ko at hindi makaramdam ng kakaiba, ang malala pa ay ang makapag-isip ng mga bagay na... Pambihirang buhay ito, bakit para kasing may magnet at kusang doon tumutuon ang mga mata ko?! Napasabunot ako sa buhok ko. Pilit kong pinipiga ang utak ko upang ilihis ang atensyon ko, pero napalunok ako nang sunod-sunod nang ang maisip lang na paraan ay ang isarado mismo nang maingat ang mga butones ng suot nitong damit, panigurado kasi na hindi rin uubra kung kumot ang itataklob ko rito o kung itatali ko ang mga kamay nito. Pero kaya ko nga bang isara ang mga butones?

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 41

    DruskelleNapabuga ako ng hangin pagkatapos kong maibaba sa kama ko si Apolonia na hanggang ngayon ay tulog pa rin kahit nakarating na kami rito sa bahay ko.Ngunit nang mapatingin ako sa gawing paa nito ay nailing-iling muna ako bago pumunta roon upang tanggalin ang suot nitong sapatos, pagkatapos ay bumalik din ako sa gilid ng kama nang mapansin naman ang buhok nito na nakatabon sa halos kalahati na yata ng mukha nito. Ang lakas din ng loob maglasing ng isang 'to.Napapalatak ako bago hinawi ang buhok nito, pero nang tumambad na sa akin ang maamo nitong mukha ay parang nahihipnotismo na napatitig ako rito, hinayon ng mata ko ang parte ng mukha nito mula sa kilay nito na mukhang natural pa naman ang kapal, sa ilong nito na may kaliitan tingnan ngunit matangos, hanggang sa bumaba ang mata ko sa labi nito na bahagyang nakaawang at mamula-mula.Kalaunan ay kusang kumilos ang isang kamay ko at maingat na hinaplos ang makinis nitong pisngi.She looks so vulnerable and innocent, very far

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 40

    Druskelle Natigil ako sa balak na pag-inom sana ng tubig nang mag-vibrate ang telepono ko, kaagad na bumaba ang tingin ko roon na nakataob habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa halip na pansinin iyon ay itinuloy ko ang naantalang pag-inom ng tubig, ngunit patuloy pa rin iyon sa pag-vibrate kahit nakatapos na ako sa pag-inom. Nangunot ang noo ko. Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya akong ibaba na ang basong hawak. Since, mukhang persistent talaga ang caller ay dinampot ko na ang teleponong hindi pa rin tumitigil sa pag-vibrate. Lalong nangunot ang noo ko nang tuluyang mabistahan ko na ang pangalan ng taong tumatawag. It was Draken. It's past midnight already. What does this jerk want? Sa halip na i-accept ang tawag ay tinitigan ko lang ang telepono hanggang sa tumigil iyon sa pag-vibrate. Wala na naman siguro itong magawa sa buhay kaya pati ako ay idadamay at pepestehin. Napailing-iling ako. Wala akong panahon sa mga kalokohan nito, gusto kong mamahinga, nagising at

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 39

    Apolonia "Good morning po, Boss!" nakangiting bati at bungad ko kay Druskelle pagpasok nito ng opisina. Nagbabaka-sakali na baka lumipas na ang pagiging bad mood nito kahapon sa nagdaang magdamag. Ngunit mukhang mali ako sa naisip ko dahil hindi katulad ng mga nagdaang araw, tila bumabalik na naman ito sa dati, hindi man lang kasi ako nito ginawaran ng ngiti kahit tipid lang, tango lang ang naging tugon nito sa pagbati ko ngayon, tapos sulyap lang ang ginawa nito at tuloy-tuloy nang pumasok sa sarili nitong opisina na para bang napapaso ito na makita lang ako. Katulad kahapon ay nawe-weird-an na nasundan ko na lamang ito ng tingin lalo na noong isinarado nito ang pinto, maging ang blinds sa glass window ay hindi nito binuksan. Dahil hindi ko maintindihan ang inaasta nito ay napatitig na lang tuloy ako sa opisina nito. Ano ba ang nangyayari rito? Ako nga kaya ang salarin kaya ito nagkakaganito? It seems na may nagawa ako na hindi nito nagustuhan, pero kahit anong isip talaga ang

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 38

    Apolonia"Teka nga lang, wait, and stop muna, my loves," pag-antala ni Vi mula sa kabilang linya sa masayang pagkukwento ko.Kanina pa kami nito magkausap sa telepono habang nag-aayos ako ng mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko na kailangan kong papirmahan kay Druskelle mamaya.Napailing na lang ako dahil sa urgency sa tinig nito at tila gustong-gusto akong patigilin sa pagsasalita. "Hmm?""May napapansin lang kasi ako sa iyo.""Nako. Ano naman 'yon?""Huwag kang magagalit, ah? Observation ko lang talaga 'to sa iyo lately.""Sus. Ano ba kasi 'yon, my loves?""Napapansin ko lang na bukambibig mo na 'yang sir bossing mo, ah. I mean, yes, naikukuwento mo naman siya sa akin tuwing nagkakausap tayo. Pero parang may iba ngayon..."Nangunot ang noo ko.Ano ang ibig nitong sabihin?"Dati inis na inis ka kapag nagkukwento ka tungkol sa amo mo, pero nagbago na yata ang ihip ng hangin ngayon. Ilang araw na, pero 'yong usual na reklamo na naririnig ko sa iyo patungkol sa boss mo, nawa

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 37

    DruskellePinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng labi ko nang magtagumpay ako sa nais kong mangyari, makaraan na magulat kasi ay naalis ang masakit sa matang tanawin sa aking harapan, pagkatapos ay automatic na napabaling ang atensyon ng dalawa sa akin.Mabilis na inalis ko naman ang pagkakakunot ng noo ko, maging ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Oh, sorry. May pumasok kasing langaw, umaaligid sa pagkain ko, binugaw ko lang," painosente kong dahilan.Nagkatinginan ang dalawa, hindi ko sigurado kung naniwala ba sa sinabi ko, sa halip na magsalita kasi ay nagkibit lamang ng balikat si Draken, umayos ito ng tayo pagkatapos ay tila balewalang ibinaling muli ang tingin kay Apolonia na parang walang nangyari.Pigil ang sarili ko na hampasin na naman ang lamesa nang makita kong tumaas ang kamay ng pinsan ko, hinaplos-haplos nito nang magaan ang buhok ni Apolonia, pagkatapos ay masuyo nitong tinitigan ang sekretarya ko habang may ngiti sa mga labi. "Na-miss kita, Apol."Nakaramdam ako ng inis.H

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 36

    Druskelle"Good morning and happy Monday, Boss!" puno nang sigla na pagbati at bungad sa akin ni Apolonia nang tuluyan na akong makapasok ng opisina.Kaagad na nakaramdam naman ako nang tuwa nang masilayan ko ang nakangiti at kay aliwalas nitong mukha."Good morning din, Ms. Marquez," ganting pagbati ko naman dito.Napansin ko ang tila pagkagulat nito, marahil ay hindi inaasahan ang naging pagtugon ko, sa tuwina kasi ay tango lang palagi ang sagot ko sa pagbati nito.Nang makabawi ay lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.Fck that smile of hers. Ang hirap mang aminin pero bakit nakakaengganyo at gusto ko yatang mahawa?Tumikhim ako upang pigilan ang aking sarili."Boss, may nalilimutan ka yata?"Nangunot ang noo ko at napaisip.Pumalatak ito. "Ay, nako naman. Lunes at kay aga-aga namang magkasalubong ng kilay mo. Smile, Boss. Smile. Aahitin ko 'yang kilay mo, 'pag di ka nag-smile, sige ka," banta nito, kasabay nang pagmuwestra ng dalawang daliri nito sa tapat ng labi nito at ngumiti.

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 35

    ApoloniaSa halip na pansinin ang sinabi ko ay tumalikod ito at nag-umpisang maglakad.Killjoy talaga, hays.Kaagad naman akong sumunod upang makaagapay rito. "Boss, nag-smile ka talaga. Hindi ako namalikmata lang, 'di ba? 'Di ba?" kulit ko bago sinilip ang mukha nito."No, I didn't," tanggi naman kaagad nito."Nag-smile ka, eh. Kitang-kita ko kaya!" pagpipilit ko."Guni-guni mo lang 'yon," pabalewalang sagot nito."Hindi, eh! Patingin nga, smile ka nga ulit, Boss.""Pinaglalaruan ka lang ng sarili mong imahinasyon, o baka pansamantalang nakatulog na naman 'yang utak mo."Hala, grabe talaga siya sa akin."Hindi, Boss! Nag-smile ka talaga, eh.""Hindi nga sabi, eh.""Nag-smile ka kaya!""Hindi nga, you're just imagining things. Anyway, where do you plan to go next?" pag-iiba nito ng usapan.Parang shunga na napangiti na lang ako.Ah, basta nakita ko itong nakangiti. Kahit na anong tanggi pa ang sabihin nito, alam ko na hindi ako nag-i-imagine lang at masaya ako na nakita ko ang ngiti n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status