Share

KABANATA 36

Druskelle

"Good morning and happy Monday, Boss!" puno nang sigla na pagbati at bungad sa akin ni Apolonia nang tuluyan na akong makapasok ng opisina.

Kaagad na nakaramdam naman ako nang tuwa nang masilayan ko ang nakangiti at kay aliwalas nitong mukha.

"Good morning din, Ms. Marquez," ganting pagbati ko naman dito.

Napansin ko ang tila pagkagulat nito, marahil ay hindi inaasahan ang naging pagtugon ko, sa tuwina kasi ay tango lang palagi ang sagot ko sa pagbati nito.

Nang makabawi ay lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.

Fck that smile of hers.

Ang hirap mang aminin pero bakit nakakaengganyo at gusto ko yatang mahawa?

Tumikhim ako upang pigilan ang aking sarili.

"Boss, may nalilimutan ka yata?"

Nangunot ang noo ko at napaisip.

Pumalatak ito. "Ay, nako naman. Lunes at kay aga-aga namang magkasalubong ng kilay mo. Smile, Boss. Smile. Aahitin ko 'yang kilay mo, 'pag di ka nag-smile, sige ka," banta nito, kasabay nang pagmuwestra ng dalawang daliri nito sa tapat ng labi nito at ngumiti.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status