Druskelle"Good morning and happy Monday, Boss!" puno nang sigla na pagbati at bungad sa akin ni Apolonia nang tuluyan na akong makapasok ng opisina.Kaagad na nakaramdam naman ako nang tuwa nang masilayan ko ang nakangiti at kay aliwalas nitong mukha."Good morning din, Ms. Marquez," ganting pagbati ko naman dito.Napansin ko ang tila pagkagulat nito, marahil ay hindi inaasahan ang naging pagtugon ko, sa tuwina kasi ay tango lang palagi ang sagot ko sa pagbati nito.Nang makabawi ay lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.Fck that smile of hers. Ang hirap mang aminin pero bakit nakakaengganyo at gusto ko yatang mahawa?Tumikhim ako upang pigilan ang aking sarili."Boss, may nalilimutan ka yata?"Nangunot ang noo ko at napaisip.Pumalatak ito. "Ay, nako naman. Lunes at kay aga-aga namang magkasalubong ng kilay mo. Smile, Boss. Smile. Aahitin ko 'yang kilay mo, 'pag di ka nag-smile, sige ka," banta nito, kasabay nang pagmuwestra ng dalawang daliri nito sa tapat ng labi nito at ngumiti.
DruskellePinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng labi ko nang magtagumpay ako sa nais kong mangyari, makaraan na magulat kasi ay naalis ang masakit sa matang tanawin sa aking harapan, pagkatapos ay automatic na napabaling ang atensyon ng dalawa sa akin.Mabilis na inalis ko naman ang pagkakakunot ng noo ko, maging ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Oh, sorry. May pumasok kasing langaw, umaaligid sa pagkain ko, binugaw ko lang," painosente kong dahilan.Nagkatinginan ang dalawa, hindi ko sigurado kung naniwala ba sa sinabi ko, sa halip na magsalita kasi ay nagkibit lamang ng balikat si Draken, umayos ito ng tayo pagkatapos ay tila balewalang ibinaling muli ang tingin kay Apolonia na parang walang nangyari.Pigil ang sarili ko na hampasin na naman ang lamesa nang makita kong tumaas ang kamay ng pinsan ko, hinaplos-haplos nito nang magaan ang buhok ni Apolonia, pagkatapos ay masuyo nitong tinitigan ang sekretarya ko habang may ngiti sa mga labi. "Na-miss kita, Apol."Nakaramdam ako ng inis.H
ApoloniaNakatulala ako habang nakaupo sa mahabang silya sa labas ng ICU, kakalabas ko lang mula roon, kasalukuyan kasing nasa loob ang aking ama dahil sa biglaang paninikip ng dibdib at nahirapang huminga kaya itinakbo namin kaagad ito rito sa ospital. Mabuti na nga lang at nasa bahay ako noong mangyari iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano na ang nangyari rito kung wala ako, kaming dalawa lang naman kasi ang magkasama sa bahay.Noong isang araw pa kami narito, ngunit hindi pa kami hinahayaan na makalabas ng ospital dahil nanghihina pa ito at patuloy na inoobserbahan.Kulang na kulang ako sa tulog at hindi gaanong nakakakain nitong nakaraang dalawang araw, gulong-gulo na kasi ang utak ko, hindi ko na alam kung ano ang unang iisipin ko. Kung kailan kasi nag-uumpisa pa lang kaming bumangon at nagbabayad ng mga utang ay saka naman may dumating na pagsubok.Bukod sa pag-aalala ko sa kalagayan ng aking ama, ang isa ko pang inaalala ay ang gastusin namin dito sa ospital na sa bawat araw ay
ApoloniaLumunok muna ako bago sumagot, kung hindi ko kasi gagawin iyon ay baka hindi na ako makapagsalita pa dahil parang may nakabara sa lalamunan ko dahil sa kaba. "A-Ano po iyon? M-May problema po ba? Kumusta po ang l-lagay ni Popsy, Doc?" magkakasunod na tanong ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang doktor sa harapan ko.Huminga nang malalim ang cardiologist na si Doc Araneta. "I'm afraid that, after various tests and examinations, your father needs to go through bypass surgery immediately," wala nang pasakalye pa nitong sabi.Surgery? Immediately?Napalunok akong muli dahil sa narinig, lalong tumindi ang kaba ko.Ibig lang sabihin niyon ay hindi bumubuti ang lagay ni Popsy."B-Baka naman po may iba pa pong paraan puwera sa sinasabi ninyo, Doc?" usisa ko, umaasa na mayroon pa dahil sa takot na nadarama para sa buhay ng aking ama."Your father is experiencing serious chest pain and shortness of breath, paulit-ulit, dahil iyon sa naba-block ang mga arteries na nagsu-supply n
Apolonia"Sure ka ba riyan, my loves? Hindi ba iyon scammer?" nag-aalalang tanong ni Vi sa akin nang sabihin ko ritong kinontak ko ang ginang na nangako kahapon na handa raw na tumulong sa akin at nakikipagkita ito sa akin ngayon."Hindi naman siguro...""Naku ka naman, my loves! Baka mapahamak ka riyan, ah.""Mukha naman siyang mabait, ang ganda nga niya, saka mukhang mayaman talaga.""Jusme. Hindi ka ba nanunuod ng balita? Sa panahon ngayon kahit na gaano pa kaganda o kaamo ang mukha ng tao, minsan sa likod niyon ay manloloko, scammer at demonyo pala.""Huwag ka namang manakot."Huminga ito nang malalim. "Hindi ako nananakot, nagsasabi lang ako ng totoo at nagpapaalala lang ako. Kaibigan kita at mahal kita, Apol. Ayoko lang na mapahamak ka o may mangyaring masama sa iyo."Niyakap ko ito. "I know. Thank you, my loves."Tinapik-tapik nito ang likod ko. "Hay, nako. Bahala ka na nga, sana lang talaga ay tama ka sa hinuha mo sa pagkatao ng taong iyon.""Ikaw na muna ang bahala kay Popsy
ApoloniaHindi ko mapigilang ma-distract sa mismong tao na nagtuturo at nag-e-explain sa akin sa mga dapat kong gawin lalo pa at ang lapit lang nito sa akin, amoy na amoy ko tuloy ang nanunuot sa ilong na nakakahalinang bango nito at natititigan ko ang mukha nitong kay sarap pagmasdan.Oh, Lord. Kung ganito ang pagsisilbihan ko everyday, panigurado na inspired at willing na willing akong pumasok at magtrabaho mula umaga hanggang sa mag-uwian, kahit na mag-overtime pa nga.Kainis. Bakit naman hindi kasama sa mga sinabi sa akin ni Mrs. San Diego na hindi lang mayaman, kundi mabango, mabait at ganito pala kaguwapo ang pamangkin nito?"Hey, are you still listening to me?"Napakurap ako at natauhan.Naabutan ko naman ang lalaki sa harap ko na nakatitig na pala ngayon sa akin.Para akong estudyante na nahuli ng titser na hindi pala nakikinig at kung saang lupalop na naglalakbay ang isipan!Oh, fck! Agad akong napaayos ng upo at umalis sa pagkakapangalumbaba, kulang na lang ay magpalamon ako
ApoloniaUpang palubagin kahit papaano ang loob ko at upang makapag-concentrate ay isiniksik ko na lang sa isip ko na may pagkakataon pa naman ako mamaya, bukas o kaya ay sa mga susunod pang araw upang daldalin ito at tanungin, tutal naman ay nasa iisang kompanya kami at paniguradong magkikita at magkikita kami rito sa opisina since pinsan naman nito ang boss ko, saka mukha rin naman itong friendly, hindi supladito at mukhang madaling lapitan.Ganadong nakinig na lang ako at isinulat sa maliit na notebook na dala ko ang bawat sabihin nito sa mga sumunod na sandali."I think that would be all. Naisulat at nakuha mo ba lahat noong sinabi ko?" nakangiting sabi nito sa akin nang matapos na ito.Tumango ako. "Yes, Sir."Lumawak ang ngiti nito na nagpatingkad lalo sa pisikal na hitsura nito. "Good. Anyway, I hope na mag-enjoy, mag-grow at magtagal ka sa pananatili mo rito sa kompanya, Ms. Marquez. Always give and do your best in every
ApoloniaKaagad na dinampot ko ang telepono kong nasa mesa nang tumunog iyon at nang makita ang pangalan ng tumatawag ay pasimple akong tumingin sa pinto at bintana ng opisina ng boss ko na nakababa sa ngayon ang blinds. Dahil hindi naman ako nito nakikita at 'di ko rin ito nakikita ngayon ay mabilis na akong tumayo at lumabas upang sagutin ang tawag.Nang makalayo na ako at masiguro na walang makakarinig sa pakikipag-usap ko sa caller ay huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "H-Hello po, magandang umaga po, Mrs. San Diego," mahina kong bati."Hello, magandang umaga, my dear. Gusto lang kitang batiin dahil naging successful ang una mong misyon," bungad na bati nito sa akin at narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya.Napangiwi ako. "Uh... thank you po?" hindi sigurado sa isasagot na sabi ko na lang.Hindi naman dapat kasi ako nitong batiin dahil sa totoo lang ay wala pa naman akong ginagawang hakbang, at ang totoo nga ay ang anak nito at ito mismo ang gumawa ng par