ApoloniaBahagyang umawang ang labi ko dahil sa pahayag ng boss ko.Kung ako ay nagulat, mukhang mas nagulat pa ang babaeng kaharap namin sa sinabi at kilos ni Druskelle, tumuon kalaunan ang mata nito sa kamay ng lalaki na nanatiling nakahawak sa beywang ko."What now? Fix your eyes on her instead of focusing them on me. And say the apology that you owe to her now, miss," untag ni Druskelle sa babaeng tila napipilan sa mga nangyayari at sa pagiging prangka nito.Pero fck. Focus? Seryoso ba ito?Paano nga ba akong titingnan ng babae at paano itong magpo-focus sa akin kung ganito nakakahalina ang tanawin na nakahain sa harapan nito mismo? Kahit nga ako, aminado ako sa sarili ko na nawawala ako sa huwisyo kapag kaharap ako ng boss ko, lalo na kapag nakatuon sa akin ang singkitin nitong mga mata."She deserves to hear your apology the most. In case you forgot, she is the one you insulted when we were waiting for our turn a while ago," dugtong na sabi pa ni Druskelle, mukhang hindi ito pa
ApoloniaSa halip na pansinin ang sinabi ko ay tumalikod ito at nag-umpisang maglakad.Killjoy talaga, hays.Kaagad naman akong sumunod upang makaagapay rito. "Boss, nag-smile ka talaga. Hindi ako namalikmata lang, 'di ba? 'Di ba?" kulit ko bago sinilip ang mukha nito."No, I didn't," tanggi naman kaagad nito."Nag-smile ka, eh. Kitang-kita ko kaya!" pagpipilit ko."Guni-guni mo lang 'yon," pabalewalang sagot nito."Hindi, eh! Patingin nga, smile ka nga ulit, Boss.""Pinaglalaruan ka lang ng sarili mong imahinasyon, o baka pansamantalang nakatulog na naman 'yang utak mo."Hala, grabe talaga siya sa akin."Hindi, Boss! Nag-smile ka talaga, eh.""Hindi nga sabi, eh.""Nag-smile ka kaya!""Hindi nga, you're just imagining things. Anyway, where do you plan to go next?" pag-iiba nito ng usapan.Parang shunga na napangiti na lang ako.Ah, basta nakita ko itong nakangiti. Kahit na anong tanggi pa ang sabihin nito, alam ko na hindi ako nag-i-imagine lang at masaya ako na nakita ko ang ngiti n
Druskelle"Good morning and happy Monday, Boss!" puno nang sigla na pagbati at bungad sa akin ni Apolonia nang tuluyan na akong makapasok ng opisina.Kaagad na nakaramdam naman ako nang tuwa nang masilayan ko ang nakangiti at kay aliwalas nitong mukha."Good morning din, Ms. Marquez," ganting pagbati ko naman dito.Napansin ko ang tila pagkagulat nito, marahil ay hindi inaasahan ang naging pagtugon ko, sa tuwina kasi ay tango lang palagi ang sagot ko sa pagbati nito.Nang makabawi ay lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.Fck that smile of hers. Ang hirap mang aminin pero bakit nakakaengganyo at gusto ko yatang mahawa?Tumikhim ako upang pigilan ang aking sarili."Boss, may nalilimutan ka yata?"Nangunot ang noo ko at napaisip.Pumalatak ito. "Ay, nako naman. Lunes at kay aga-aga namang magkasalubong ng kilay mo. Smile, Boss. Smile. Aahitin ko 'yang kilay mo, 'pag di ka nag-smile, sige ka," banta nito, kasabay nang pagmuwestra ng dalawang daliri nito sa tapat ng labi nito at ngumiti.
DruskellePinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng labi ko nang magtagumpay ako sa nais kong mangyari, makaraan na magulat kasi ay naalis ang masakit sa matang tanawin sa aking harapan, pagkatapos ay automatic na napabaling ang atensyon ng dalawa sa akin.Mabilis na inalis ko naman ang pagkakakunot ng noo ko, maging ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Oh, sorry. May pumasok kasing langaw, umaaligid sa pagkain ko, binugaw ko lang," painosente kong dahilan.Nagkatinginan ang dalawa, hindi ko sigurado kung naniwala ba sa sinabi ko, sa halip na magsalita kasi ay nagkibit lamang ng balikat si Draken, umayos ito ng tayo pagkatapos ay tila balewalang ibinaling muli ang tingin kay Apolonia na parang walang nangyari.Pigil ang sarili ko na hampasin na naman ang lamesa nang makita kong tumaas ang kamay ng pinsan ko, hinaplos-haplos nito nang magaan ang buhok ni Apolonia, pagkatapos ay masuyo nitong tinitigan ang sekretarya ko habang may ngiti sa mga labi. "Na-miss kita, Apol."Nakaramdam ako ng inis.H
ApoloniaNakatulala ako habang nakaupo sa mahabang silya sa labas ng ICU, kakalabas ko lang mula roon, kasalukuyan kasing nasa loob ang aking ama dahil sa biglaang paninikip ng dibdib at nahirapang huminga kaya itinakbo namin kaagad ito rito sa ospital. Mabuti na nga lang at nasa bahay ako noong mangyari iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano na ang nangyari rito kung wala ako, kaming dalawa lang naman kasi ang magkasama sa bahay.Noong isang araw pa kami narito, ngunit hindi pa kami hinahayaan na makalabas ng ospital dahil nanghihina pa ito at patuloy na inoobserbahan.Kulang na kulang ako sa tulog at hindi gaanong nakakakain nitong nakaraang dalawang araw, gulong-gulo na kasi ang utak ko, hindi ko na alam kung ano ang unang iisipin ko. Kung kailan kasi nag-uumpisa pa lang kaming bumangon at nagbabayad ng mga utang ay saka naman may dumating na pagsubok.Bukod sa pag-aalala ko sa kalagayan ng aking ama, ang isa ko pang inaalala ay ang gastusin namin dito sa ospital na sa bawat araw ay
ApoloniaLumunok muna ako bago sumagot, kung hindi ko kasi gagawin iyon ay baka hindi na ako makapagsalita pa dahil parang may nakabara sa lalamunan ko dahil sa kaba. "A-Ano po iyon? M-May problema po ba? Kumusta po ang l-lagay ni Popsy, Doc?" magkakasunod na tanong ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang doktor sa harapan ko.Huminga nang malalim ang cardiologist na si Doc Araneta. "I'm afraid that, after various tests and examinations, your father needs to go through bypass surgery immediately," wala nang pasakalye pa nitong sabi.Surgery? Immediately?Napalunok akong muli dahil sa narinig, lalong tumindi ang kaba ko.Ibig lang sabihin niyon ay hindi bumubuti ang lagay ni Popsy."B-Baka naman po may iba pa pong paraan puwera sa sinasabi ninyo, Doc?" usisa ko, umaasa na mayroon pa dahil sa takot na nadarama para sa buhay ng aking ama."Your father is experiencing serious chest pain and shortness of breath, paulit-ulit, dahil iyon sa naba-block ang mga arteries na nagsu-supply n
Apolonia"Sure ka ba riyan, my loves? Hindi ba iyon scammer?" nag-aalalang tanong ni Vi sa akin nang sabihin ko ritong kinontak ko ang ginang na nangako kahapon na handa raw na tumulong sa akin at nakikipagkita ito sa akin ngayon."Hindi naman siguro...""Naku ka naman, my loves! Baka mapahamak ka riyan, ah.""Mukha naman siyang mabait, ang ganda nga niya, saka mukhang mayaman talaga.""Jusme. Hindi ka ba nanunuod ng balita? Sa panahon ngayon kahit na gaano pa kaganda o kaamo ang mukha ng tao, minsan sa likod niyon ay manloloko, scammer at demonyo pala.""Huwag ka namang manakot."Huminga ito nang malalim. "Hindi ako nananakot, nagsasabi lang ako ng totoo at nagpapaalala lang ako. Kaibigan kita at mahal kita, Apol. Ayoko lang na mapahamak ka o may mangyaring masama sa iyo."Niyakap ko ito. "I know. Thank you, my loves."Tinapik-tapik nito ang likod ko. "Hay, nako. Bahala ka na nga, sana lang talaga ay tama ka sa hinuha mo sa pagkatao ng taong iyon.""Ikaw na muna ang bahala kay Popsy
ApoloniaHindi ko mapigilang ma-distract sa mismong tao na nagtuturo at nag-e-explain sa akin sa mga dapat kong gawin lalo pa at ang lapit lang nito sa akin, amoy na amoy ko tuloy ang nanunuot sa ilong na nakakahalinang bango nito at natititigan ko ang mukha nitong kay sarap pagmasdan.Oh, Lord. Kung ganito ang pagsisilbihan ko everyday, panigurado na inspired at willing na willing akong pumasok at magtrabaho mula umaga hanggang sa mag-uwian, kahit na mag-overtime pa nga.Kainis. Bakit naman hindi kasama sa mga sinabi sa akin ni Mrs. San Diego na hindi lang mayaman, kundi mabango, mabait at ganito pala kaguwapo ang pamangkin nito?"Hey, are you still listening to me?"Napakurap ako at natauhan.Naabutan ko naman ang lalaki sa harap ko na nakatitig na pala ngayon sa akin.Para akong estudyante na nahuli ng titser na hindi pala nakikinig at kung saang lupalop na naglalakbay ang isipan!Oh, fck! Agad akong napaayos ng upo at umalis sa pagkakapangalumbaba, kulang na lang ay magpalamon ako