Home / Romance / Nilimot Na Alaala / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Nilimot Na Alaala: Chapter 21 - Chapter 30

82 Chapters

Kabanata 20

"Hindi ka na sana bumalik at nagpakita, Diego. Hindi sana bumalik ang masakit na alaalang 'yon." Para akong tanga na binuhos ang sama ng loob sa dingding na kaharap ko. Hindi ko rin alinta ang malamig na tubig na patuloy na umaagos at bumasa sa katawan ko."Anak, ano ba ang ginawa mo?!" Biglang sulpot ni Mama. In-off niya ang shower, at hinawakan ang mga balikat ko saka pinihit niya ako paharap. Sinalubong ng mga mata ko ang malungkot niyang mga tingin."Alam kong masakit para sa'yo na maalala ang nakaraan. Masakit din sa akin, anak dahil ako ang dahilan kong bakit humantong tayo sa ganoong sitwasyon. Nagpakatanga ako at nagpakabulag sa pagmamahal na hindi na tama!""Sorry, Ma, nang dahil sa akin, bumalik lahat ang alaalang 'yon!" yuko ang kong sabi."Hindi mo kasalanan, Anak, alam natin pareho na darating at darating din ang araw na 'to. Darating ang araw na babalik sa atin ang masakit na alaalang 'yon. Kahit ano pa ang limot na gawin natin," may ngiti sa labi niya, ngunit may luha pa
last updateLast Updated : 2022-12-02
Read more

Kabanata 21

"Sir Romeo!" atungal ng babaing lasing ang narinig ko, na sumisinok pa. Si Roselyn. Alam kong si Roselyn ang babaing 'yon dahil kahit lasing ay malambing pa rin ang boses. Kaagad akong lumabas mula sa pagkakakubli."Roselyn, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi ko nagustuhan ang biglang pagsulpot niya rito, lalo't lasing pa siya. Pero hindi ko ipagkakaila na bahagya akong natuwa dahil sakto lang ang pagdating niya. Kung hindi kasi siya dumating ay baka kung saan na humantong ang kapusukan ni Romeo kanina."Via-Vianna May!" atungal na tawag niya sa pangalan ko at niyakap akong bigla."I-iniwan ako ng mga kaibigan ko. Wala akong pera!" kanda-buhol ang dila na sabi niya habang nasa balikat ko ang buong bigat ng niya. "Umayos ka nga, Roselyn!" saway ko.Hindi kasi siya maperme sa pagtayo. Amoy bulok na bayabas pa ang hininga. Kagandang babae, lasingga pala."Kung umuwi ka na sana kanina pa! Hindi mo sana kami na disturbo ng ganito!" singhal ni Romeo, saka dinukot ang cellphone sa b
last updateLast Updated : 2022-12-03
Read more

Kabanata 22

Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, hanggang sa tumigil nga ito. Romeo couldn't stop cursing and repeatedly punched the steering wheel. "Baliw ka na ba?! Bakit mo inalis ang safety belt mo?!" Isang suntok pa ang ginawa niya at nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin. "Oo, baliw na nga ako! Baliw na ako kakaintindi sa'yo!" Agad na akong lumabas ng kotse at pabagsak na sinara ang pinto. Malaki ang mga hakbang, makalayo lang kay Romeo. Hindi ko na rin alintana ang med'yo madalim na kalsadang tinatahak ko. Gusto ko munang makapag-isip. Ipahinga itong puso ko na wala nang ginawa kung hindi ang magdamdam kay Romeo. Mahal ko siya pero hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko na alam kong anong nangyayari sa kan'ya. Sa bilis at laki ng mga hakbang ko, natapilok pa ako. But I ignored the pain. I took off my shoes and continued walking, kasabay ang panakanakang paglingon, baka sakaling may dumaan na taxi o tricycle at makasakay ako. Pero talagang wala. Malayo-layo na ang nalakbay ko
last updateLast Updated : 2022-12-04
Read more

Kabanata 23

I can't get Romeo out of my mind. I did nothing but lie down all day, ngunit hindi naman ako makatulog. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Ang sikip ng dibdib ko. Feeling ko nga mauubusan na ako ng hininga.It was late afternoon when I decided to go down. My feet are no longer in pain. I need to get some fresh air. Gusto kong mag-isip. Gusto kong maibsan kahit kaunti man lang ang bigat na nararamdaman ko."Anak, bakit ka nagpilit na bumaba?!" Napasinghal si Mama nang makita akong pababa ng hagdan."Ma, 'wag na po kayong magalit ayos na po ako. Kakabagot na po sa loob ng k'warto," malambing kong sabi." 'Yong paa mo kasi, Anak!" nag-aalala nitong sabi."Ma, nagamot ko na po 'to, napalitan ko na nga ng benda." Pinakita ko pa ang paa ko. "Hayaan niyo na po akong umalis, Ma, please!" paki-usap ko habang yakap siya."Sige na nga, ang kulit mo. Pero tatawag ka agad ha. Para hindi ako kabahan, Anak," bilin niya, habang yakap ko pa rin siya."Opo, Ma, tatawag po ako agad." Isang malutong na hali
last updateLast Updated : 2022-12-05
Read more

Kabanata 24

Rinig ko pa rin ang sigaw ni Romeo, bago ako tumalon sa bintana. Padaing akong napasigaw nang tumama ang likod ko sa matigas na bagay na nasa tumpok ng basurang binagsakan ko.Sa kabila ng pamimilipit sa sakit dahil sa mga sugat at pasa na natamo, pinilit ko pa rin ang gumalaw. Pikit-mata at pagapang na umalis sa tumpok ng mga basura.Naghalo na ang luha, sipon, pawis sa mukha, at nalasahan ko pa ang sariling dugo sa bibig. Humahagulgol at halos hindi na makatayo ng maayos, ngunit pinilit kong maglakad.Gusto ko sanang pumunta sa cafe' at humingi ng tulong doon pero ayoko namang madamay ang mga kaibigan ko at baka maabutan pa ako ni Romeo kapag nagpunta pa ako sa harap ng gusali.Walang lingon akong naglakad habang iniinda ang pananakit ng katawan. Parang baliw na tumawa nang makita ang taxi na paparating."Manong, Police Station, po!" padaing kong sabi, kasabay ang mabilis na pagsakay. Walang tanong na agad pinatakbo ng driver ang sasakyan.Tuluyan na akong humahagulgol habang sapo an
last updateLast Updated : 2022-12-06
Read more

Kabanata 25

Napigil ko ang paghinga nang marinig ang pangalang sinambit ni Dorry. Para akong natuod sa kinauupuan ko, ni ang lumingon hindi ko magawa. Binababa ko pa lalo ang suot na sombrero at yumuko ng todo.Kita ko pa rin ang pagtayo ni Dorry, at masayang binati ang kaibigan. "Upo ka Danica," bakas ang sigla sa boses nito."Salamat, Dorry. Pasen'sya na, naglambing pa kasi ang asawa ko," bakas din ang tuwa sa boses niya. "Okay lang, siya nga pala kaibigan ko, si Mia."Kita ko ang paglahad ng kamay ni Danica, na agad ko namang tinanggap pero hindi ako nagtaas ng tingin. Natatakot ako na baka siya nga ang Danica na pinsan ni Diego."Mia, talagang gutom na gutom ka na ba, at hindi na maalis ang tingin mo r'yan sa pagkain?" puna sa akin ni Dorry.Hindi ko pansin, nasa pagkain pala ang tingin ko."Oo, kanina pa nga ako gutom..." tugon ko na lang nang matapos ang usapan."Sorry, Mia... Kain ka na..." malumanay na wika ni Danica.Walang salita na agad kong pinapak ang shrimp."Ayaw mo man lang bang a
last updateLast Updated : 2022-12-06
Read more

Kabanata 26

Nahinto ako sa paghakbang kasabay ang malakas na pagdagundong ng puso at panlalamig ng mga kamay. "D-Dorry, una na ako," utal kong sabi. Takbo-lakad rin ginawa ko, at hindi na naghintay ng sagot. Pawisan at hindi ako mapakali nang dumating sa kubo. Kaagad ko rin na hinubad ang suot na diving suit. Feeling ko kasi mahihimatay na ako sa sikip at init. Idagdag pa ang narinig ko kanina. Bakit ba sa dinami-dami ng tao sa mundo, x-fiancee pa ni Diego, ang naging karamay ko sa islang 'to?Ano na ang gagawin ko? Hindi ako maperme, lakad-tayo ang ginagawa ko. Nagugulo ang isip ko. Paano nga kung mapadpad si Diego, dito at madamay pa sila sa gulo ko?Ayokong mangyari 'yon. Kaya nga napilitan akong lumayo para sa mga taong mahalaga sa akin. Kung kailangan kong iwasan si Dorry, gagawin ko, huwag lang silang mapahamak. Siguro kailangan ko nang umalis sa islang 'to.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila, at bakit hindi sumipot si Dorry sa kasal. Pero hangad ko, sana kung magkita man sila
last updateLast Updated : 2022-12-07
Read more

Kabanata 27

Nanlaki ang mga mata ko. Why do I call out that man's name? He's the reason, kung bakit nagkandaletse ang buhay ko. Regardless of how many times I tell myself that he is not to blame for what happened, I can't get over the notion that he was the reason Romeo turned demon that night because of his misconception. " 'Yon ang dinig ko, Mia. Diego..." ulit niya pa."Hindi... mali ka ng rinig. Ah... 'di ko... oo, 'yon nga ang sinabi ko... 'di... ko marunong lumangoy... " kanda-utal kong palusot. Nelson frowned. He even tilted his head as if trying to process what I said in his mind."Di ko... Diego... katunog nga naman. Mali nga lang siguro ang rinig ko." Nakamot niya ang ulo at nagkibit-balikat pagkatapos. Sekretong nakapa ko ang dibdib ko. Mabuti na lang at lumusot ang palusot ko."Pero, Mia, akala ko ba giniginaw ka? Bakit pinagpapawisan ka ng todo?!" Pinunasan niya ang pawis sa noo ko. "Ha... kasi naman! Ang init na kaya. Tuyo na nga halos ang damit ko. Tara na nga, daldal mo kasi!"
last updateLast Updated : 2022-12-08
Read more

Kabanata 28

DIEGO POVI decided to leave the country six months ago. I left with the intent of forgetting everything and never coming back, but I failed. Hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko sa aking sarili. Para sa iba, six months is not that long, but for me it's equivalent to six years and more. Gan'on ka tagal, kasi gano'n din kabigat ang nararamdaman ko na hanggang ngayon ay patuloy akong binabaon at nilulugmok.I tried to stand up multiple times and start over, but sa kada subok ko ay bigo ako. Whatever I do, I'm still a wreck, and worse I don't know how to fix myself. Hindi ko alam kung paano mabuo ang nagkapera-peraso kong puso. I sighed and smiled bitterly. Now I'm back. Pero bakit pa ako nagbalik? What will I do here? Ang totoo ay hindi ko rin alam. My head is completely blank; I'm not sure of what I should do here. Basta naisip ko lang bigla na kailangan kong bumalik. I closed my eyes for a second before stepping off the plane, sinundan ang mga taong galing din sa eroplanong sina
last updateLast Updated : 2022-12-09
Read more

Kabanata 29

DIEGO POVI stood up even though the boat I was on hadn't docked yet. I'm excited to see Dorry again; the girl I was meant to marry four years ago but she never showed up.Matapos ang mahabang panahon, makikita ko na ulit siya. Hindi na ako makapaghintay na matakay siya at gawing inihaw na isda. Kaagad akong bumaba pagdaong ng bangka. My eyes wandered, hinahanap ng paningin ko si Dorry. Pero ngayong nakababa na ako ng bangka, naisip ko naman, that I should find a place to stay first. I felt exhausted, kararating ko lang mula Canada, at heto, bumbyahe na naman. Ilang oras din ang byahe ng bus papunta sa port, at halos isang oras sa bangka papunta rito sa isla. Nakakakahilo pa ang malalaking alon."Manang, maari po ba'ng mag-tanong?" kausap ko sa matandang nakasalubong ko. Hindi ito kaagad nagsalita. Hinagod muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Naghahanap ka ng matutuluyan?" tanong nito, matapos ang nakakailang na hagod-tingin."Opo, Manang," tugon ko, saka nilibot ang paningin sa
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status