DIEGO POVI decided to leave the country six months ago. I left with the intent of forgetting everything and never coming back, but I failed. Hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko sa aking sarili. Para sa iba, six months is not that long, but for me it's equivalent to six years and more. Gan'on ka tagal, kasi gano'n din kabigat ang nararamdaman ko na hanggang ngayon ay patuloy akong binabaon at nilulugmok.I tried to stand up multiple times and start over, but sa kada subok ko ay bigo ako. Whatever I do, I'm still a wreck, and worse I don't know how to fix myself. Hindi ko alam kung paano mabuo ang nagkapera-peraso kong puso. I sighed and smiled bitterly. Now I'm back. Pero bakit pa ako nagbalik? What will I do here? Ang totoo ay hindi ko rin alam. My head is completely blank; I'm not sure of what I should do here. Basta naisip ko lang bigla na kailangan kong bumalik. I closed my eyes for a second before stepping off the plane, sinundan ang mga taong galing din sa eroplanong sina
DIEGO POVI stood up even though the boat I was on hadn't docked yet. I'm excited to see Dorry again; the girl I was meant to marry four years ago but she never showed up.Matapos ang mahabang panahon, makikita ko na ulit siya. Hindi na ako makapaghintay na matakay siya at gawing inihaw na isda. Kaagad akong bumaba pagdaong ng bangka. My eyes wandered, hinahanap ng paningin ko si Dorry. Pero ngayong nakababa na ako ng bangka, naisip ko naman, that I should find a place to stay first. I felt exhausted, kararating ko lang mula Canada, at heto, bumbyahe na naman. Ilang oras din ang byahe ng bus papunta sa port, at halos isang oras sa bangka papunta rito sa isla. Nakakakahilo pa ang malalaking alon."Manang, maari po ba'ng mag-tanong?" kausap ko sa matandang nakasalubong ko. Hindi ito kaagad nagsalita. Hinagod muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Naghahanap ka ng matutuluyan?" tanong nito, matapos ang nakakailang na hagod-tingin."Opo, Manang," tugon ko, saka nilibot ang paningin sa
DIEGO POVI've been on the island for a few days. But I still haven't met Dorry's friend Mia. Tumanggi kasi si Dorry na bumalik sa kubo noong nag-aya ako. She said that we should give her friend some time alone to think.Si Dorry naman, minsan lang din kami magkita, ang dami raw kasi naka-booking na turista, kaya madalas pa rin akong mag-isa. Madalas pa ring malungkot at tulala.Dapit-hapon. I took my time walking on the beach. What Anthony says is right; maganda nga rito. It's only that this beautiful place can't mend my broken heart. It can't make my pain go away. Kahit saan ako magpunta, dala-dala ko pa rin itong bigat sa loob ko.I stopped as I saw Nelson at the distance. Nakangiti at nakalahad ang mga kamay habang nakasunod sa babaeng paatras na naglakad. Tingin ko nga, naiirita ang babae dahil tinutok niya pa ang hawak na sombrero sa sira-ulong si Nelson. I shook my head and gazed at the vast ocean. "Diego!" Kasabay ng narinig kong pagtawag sa pangalan ko, ang pag-apak ng babaen
"Vianna May!" sigaw ko, kasabay ang pabalikwas na pagbangon. Kaagad kong nasapo ang noo ko at napapapikit pa. Mukha ni Vianna May ang gumising sa mahimbing kong tulog. Masakit ang ulo ko pero magaan pa rin ang pakiramdam ko. "Kaibigan kong lasinggo! Buti naman at gising kana, ganda ng tulog ah. Talagang inabot ng hapon?!" Bakas ang irita sa mukha at nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto si Dorry.Imbes na salubungin ang matalim na tingin nito ay ginala ko ang paningin sa maliit na silid na kinaroroonan ko ngayon. "Kaninong silid 'to?" tanong ko kalaunan."Hindi mo naalala ang kabaliwan na ginawa mo kagabi?!" seryoso, at may diin niyang tanong.Sandali akong nag-isip, alam kong nagpakalasing ako kagabi, ngunit bukod do'n wala na naman akong naisip na ginawa ko. Sinalubong ko ang matalim na titig ni Dorry.Napabuga na lamang siya ng hangin at nailing ng paulit-ulit."Ewan ko sa'yo, Diego! Iinum-inum ka 'di mo naman pala kaya. Mabuti na lamang at gising pa si Mia kagabi at a
Bigla akong nanghina at nawalan ng balanse. Hindi ko sadyang naitulak ang pinto at nagbukas iyon. "Diego!" Nanlaki ang mga matang bulalas nila. Kaagad pumatak ang mga luha ko nang makita ang babaeng nakatayo sa harapan ko. "V-Vianna May... ikaw nga," "Diego... " Paulit-ulit ang pag-iling niya habang nakatingin lang sa akin. Nakita ko na lang si Dorry sa gilid ng paningin ko na pabagsak na umupo sa silyang kawayan, nangingilid na rin ang mga luhang nakatingin amin ni Vianna May. "Vianna May..." Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kan'ya, at niyakap siya. Ramdam ko ang pag-alog ng mga balikat niya kasabay ang pigil na paghikbi. Gusto kong maramdamdam ang yakap niya, pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya lang ako na yakapin siya. "Anong nangyari sa'yo, Vianna May?"Akala ko, masaya kana sa piling ng lalaking mahal mo. 'Tsaka... Bakit nandito ka? Bakit hindi mo kasama ang Mama mo?" Haplos ko na ang pisngi niya at pinahid ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.Sa dami ng tanong k
DIEGO POV"Mia!" singhal at biglang paghila kay Vianna May ang gumulat sa akin, kasunod ang paglipad ng kamao sa labi ko. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang umilag. Narinig ko na lang ang tili ni Vianna May, sandali kong naipikit ang mga mata at nakapa ang putok na labi, 'tsaka nilingon ang lalaking hindi matigil ang singhal at pang-uuyam.Kaagad umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makitang yakap ni Vianna May, ang h*******k na si Nelson para pigilan ito na sugurin pa ako. Hinila ko si Vianna May, pero kaagad niya rin hinila pabalik sa kan'ya. "Akala ko matino ka, lapastangan ka rin pala!" himutok niya. Nangangaliti sa galit habang hawak na ang braso ni Vianna May. "Gago ka!" Akmang susugurin na naman niya ako pero humarang si Vianna May.Parehong matalim ang tinginan namin sa isa't-isa at nagtiim ang mga bagang."Ikaw ang gago!" tugon ko, kasabay ang paghila kay Vianna May, na bakas na rin ang galit sa mukha dahil sa pamumula nito."Ano ba, bitiwan niyo nga ako!" singal
DIEGO POVI could'nt stop saying sorry to Vianna May. Hindi ko inakala na ang simpleng paglapit sa kan'ya, would cause her so much pain. Ang gusto ko lang naman ay makasama at makausap siya kahit sandali. Kung alam ko lang na iyon ang mangyayari sa huling gabing pagkikita namin, sana ay hindi ko na lang siya nilapitan. Sana hindi na lang ulit ako nagpaalam. Sana naglaho na lang akong bigla gaya noon. "Diego... " I heard Dorry's calm voice, but there were traces of suppressed sobbing. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang niyugyog. Nanatili akong nakayuko at hindi magawang tumingin sa kanya.Bumitiw siya sa paghawak sa balikat ko, at bumaling kay Vianna May. "Tara na, Mia, bumalik na tayo sa kubo," inalalayan niya na tumayo si Vianna May. "Diego, halika na...""Mauna na kayo," matamlay kong tanggi. Pinilit kong ikalma ang sarili, kahit puso ko ay halos bumigay na. Nagpunas ako ng mga luha pero nanatiling nakayuko. I kept my head down even though Dorry and Vianna May had already
"Nahihibang ka na ba Diego?!" Napataas ang boses ko, ngunit hindi ko naman maiwasan ang mag-alaala. Naalala ko 'yong gabing naglasing siya. Paano kung gawin niya ulit iyon. "Matagal na akong, hibang!" tugon niya at napahilamos ng mukha. "Nakakapagod na kasi, Vi! Sagad na sagad na ako. Wala akong ibang ginawa kun'di ang mahalin ka. Ginawa ko na kasi ang lahat. Pero wala pa rin. Ang sakit-sakit na. Kahit ang maging kaibigan ako, ayaw mo na!""Diego... hindi ko naman sinasabi na ayaw na kitang maging kaibigan! Ayaw ko lang talaga na mapaha...""Tama na, Vi, tumigil ka na!" Napakagat labi ako nang pinutol niya ang pagsasalita ko. "Isa lang naman ang patutunguhan ng sinasabi mo, iyon ay ang ipagtutulakan ako!"I sighed and took a step closer, gripped his arm, and fixed my gaze on him. Pero ayaw niyang salubungin ang mga tingin ko. "Diego, makinig ka na lang kasi. Umalis ka na, please!"He glanced at me and nodded, then headed for the door and walked out. Hindi man lang siya nagpaalam. Nap
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango
DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw
Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g
Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang
Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie