"Nahihibang ka na ba Diego?!" Napataas ang boses ko, ngunit hindi ko naman maiwasan ang mag-alaala. Naalala ko 'yong gabing naglasing siya. Paano kung gawin niya ulit iyon. "Matagal na akong, hibang!" tugon niya at napahilamos ng mukha. "Nakakapagod na kasi, Vi! Sagad na sagad na ako. Wala akong ibang ginawa kun'di ang mahalin ka. Ginawa ko na kasi ang lahat. Pero wala pa rin. Ang sakit-sakit na. Kahit ang maging kaibigan ako, ayaw mo na!""Diego... hindi ko naman sinasabi na ayaw na kitang maging kaibigan! Ayaw ko lang talaga na mapaha...""Tama na, Vi, tumigil ka na!" Napakagat labi ako nang pinutol niya ang pagsasalita ko. "Isa lang naman ang patutunguhan ng sinasabi mo, iyon ay ang ipagtutulakan ako!"I sighed and took a step closer, gripped his arm, and fixed my gaze on him. Pero ayaw niyang salubungin ang mga tingin ko. "Diego, makinig ka na lang kasi. Umalis ka na, please!"He glanced at me and nodded, then headed for the door and walked out. Hindi man lang siya nagpaalam. Nap
Malakas na tili ang gumising sa akin kasabay ang pagbasak ko sa sahig. Parang saglit na humiwalay ang kaluluwa ko sa malakas na pagsipa sa akin ni Vianna May."Aray...." d***g ko, kasabay ang pagkapa sa balakang ko. Nabalian yata ako. "Vi, naman kababae mong tao ang hilig mong manakit!" Hindi kaagad ako nakatayo, ngunit nang makita ang matalim na tingin ni Vianna May, na gusto na naman yata ako hampasin ay dahan-dahan akong tumayo. "Hilig manakit! E, gago ka! Nagtiwala ako na wala kang kagaguhan na gagawin!" Duro niya ako. Parang gusto niya rin yatang tusukin ang mga mata ko.I rubbed my eyes. Oo gago nga ako. I took advantage of her deep sleep and did what I wanted."Anong ginawa mo sa akin kagabi?!" Nanggagalaiti niyang tanong, halos bumuga na ng apoy. May kasama pang talsik ng laway.Hinayaan ko lang siya na duru-duruin ako at talsikan ng laway."Grabe ka naman, Vi! Anong akala mo sa akin, hayok sa laman?! Wala akong ginawa sa'yo! Ikaw pa nga ang may ginawa sa akin!" Halos pabulong
VIANNA MAY POV"Mia, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dorry. Tinapik nito ang likod ko."Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay?!" patay malisya kong tanong. May patawa-tawa pa akong nalalaman. Labas naman sa ilong."Kasi bigla ka na lang umalis nang makita mo 'yong kanina. Talaga ba, na okay ka lang?" "Dorry, paulit-ulit talaga?! "Hindi naman ako umalis do'n dahil sa nakita natin. Umalis ako dahil ayokong maisturbo ang moment ng dalawa." Todo tanggi ko! Pero nag-iinit na ang singit ko sa inis."Sana hindi na lang tayo nagpunta rito! Hindi sana natin nakita 'yon! Kakainis ang Diego na 'yon. Mahal ka raw pero may kayakap namang iba!" pamaktol na sabi nito. "Talaga ba, na wala lang sa'yo ang nakita nating 'yon, Mia? Ako nga, gusto kong sugurin ang babaeng 'yon at isasaw sa dagat!" "Dorry, kalma! Binata ang kaibigan natin. Syempre hindi bawal sa kan'ya ang lumandi!"Talagang malandi. Loko-lokong 'yon! May paiyak-iyak pang nalalaman ang gago. Tapos lumandi naman pala sa iba.
The laughter of the two echoed while they followed me. Hindi na rin takot si Diego sa mga sea squirts; he couldn't even stop giggling as he looked at them."Vi, hintayin mo kami!" Tawang-tawa pa rin na tawag ni Diego. Hindi ko nga siya pinansin. Lalandi-landi sa iba, tapos ngayon bubuntot-buntot. "Ano ba, Diego!" singhal ko, kasabay ang pagtama ng siko ko sa sikmura niya. Bigla ba namang umakbay."Bakit ba ang sungit mo, Vi?" Padaing ngunit, may lambing na tanong nito. Kapa niya ang simukra. Kahit nasaktan na nga nakuha pang ngumiti. Pinisil pa nito ang pisngi ko."Gusto mo ng isa pang siko?!" Umiling siya. " 'Yong pinagawa ko sa'yo ang asikasohin mo!" Tumango-tango siya at walang humpay ang ngiti, walang humpay naman ang pagtataray ko."Oh... Mia, sumisid ka pala 'di ka man lang nag-aya!" salabuong ni Dorry."Hi, Dorry!" Biglang singit ni Diego. Ngising-ngisi pa rin. Mukha na tuloy siyang baliw. "Anong ginagawa mo rito?! Nasaan na 'yong kahabhaban mo ng nguso!" inis na tanong ni Do
Kasabay ng malambing na tawag sa pangalan ko ang yakap mula sa likod. Yakap na napakahigpit. Yakap na naramdaman ko noon mula kay Diego. Ito 'yong naramdaman ko noong high school kami. Ang yakap na nagsasabing ito na ang huli, hindi mo na ako makikitang muli. Talaga bang iiwan na niya ako? Talagang susundin niya ang sinasabi ko, at tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko."Diego... " Sinubukan kong baklasin ang mga kamay niyang nakahawak sa tiyan ko, ngunit lalo lang iyong humigpit."Vi, talaga ba na hindi mo ako mahal, hindi mo ako gusto. Kaya mo ba talagang hindi na ako makita kahit kailan, " sabi niya sa garalgal na boses.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alam ko, at ramdam ko, na gusto ko na ulit siya. Mahal ko na ulit siya. Hindi ko alam kung paano. Kung bakit napakabilis nanumbalik ang damdamin ko para sa kan'ya. Siguro, talagang hindi iyon nawala, natatakpan lang dahil kay Romeo. Natatakpan lang ng inis at hinanakit dahil sa bigla niyang pagkawala.Naipikit ko ang mga ma
Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa mukha ni Diego. Nanginginig habang nakatitig na lang sa akin at animo'y nakagat ang dila at hindi na magawang magsalita.Hindi ko alam, ginawin pala itong si Diego. Oo nga pala mayaman siya at sigurado akong may heater ang shower nila. Kaya pati ang fresh talong niya na tayong-tayo kanina ay kaagad na tuyot. Lamig lang pala ang kailangan nang mahimasmasan ang kahayukan."Bilisan mo na nga d'yan nang makauwi ka na sa resort." Kaagad ko na siyang iniwan matapos maligo."Vianna May... ang lupit mo!" Nanginginig pa rin na reklamo niya habang takip na ang mga palad sa nalanta nitong talong at kuyupos na itlog.I can't stop laughing every time I hear him yell, sa kada buhos niya ng tubig. Talaga kasing sobrang ginaw ang imbak na tubig ulan sa drum. Kapag hindi ka sanay, parang naliligo ka sa ice tubig.Bihis na ako nang matapos siya. His eyes were piercing, and his quivering lips turned purple. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa sa hitsura n
Hindi ko na mapigil ang mga kamay kong humagod na rin sa likod niya, eyes closed, along with a soft moan. I am ready to give him everything tonight. Pero habang patuloy sa pag-igting ang init sa aking katawan, bumagal naman ang paggalaw niya. He gently pressed his face against my neck and a soft snoring followed.Hindi ko mapigil ang mapamura. Bakit naman ganito?! "Diego, naman, e!" Wala na talaga siyang kagalaw-galaw. Ginawin na nga. Antukin pa. "Diego..." Sinubukan ko pa siyang gisingin. Pero wala na talaga, tulog na lahat ng parte ng katawan niya.Pinagsawa ko na lang ang mga mata ko sa kakatitig sa guwapo niyang mukha na ngayon ay nakanganga na. Kaagad din naman akong napapangiti, at napayakap na lang sa kaniya.Ang saya ko. Sa kabila ng mga nangyaring hindi maganda sa buhay ko, hindi ko inaasahan na mangyayari pa ang ganito—ang sumaya, kapiling ang lalaking tunay na mahal ako. Ngayon ang unang gabi na matutulog akong panatag ang loob at may ngiti sa labi. ***Sabay kaming napab
He gave me a sharp stare, showing his obvious displeasure."Vi, 'di ba pwedeng ipagpaliban mo na lang 'yang gagawin mo," atungql niya. Lukot din ang mukha at napakagat-labi pa. "Vi, naman, e! " atungal niya pa na parang bata.Kagat' labi akong umiling at iniwan siyang nakatayo pa rin sa may pinto. Kaagad akong pumasok sa banyo. First time ko 'to, kaya kailangan kong maghanda. Ayoko na kayang masabihan na lasang sea squirt. Napatagal ako sa banyo, suot ko na ang bathrobe nang lumabas. Pero laking dismaya ko nang makitang tulog na naman si Diego.Napabuntong-hininga ako, habang pinagmasdan siya. Sarap tampalin, e! Tulugan ba ulit ako. Nakasimangot ako at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. Tinuyo ko na lang ang buhok ko."Babawi ha!" pabulong kong sabi. Hindi ko maalis ang tingin sa guwapo niyang mukha. Napangiti na lang ako at nawala na rin ang inis. Habang pinagmamasdan siya, hindi ko naawat ang sarili na hawakan ang mukha niya. Binaybay ng daliri ko ang matangos niyang ilong, pap
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango
DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw
Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g
Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang
Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie