Home / Romance / Ayeisha : Her Broken Piece / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Ayeisha : Her Broken Piece : Chapter 11 - Chapter 20

131 Chapters

Chapter 11: Kiss me back

AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more

Chapter 12: Where is She?

AYEISHA - KASALUKUYAN AKONG NAGHUHUGAS noon nang may humawak sa beywang ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa init ng kamay niya. “K-King,” ani ko nang malingunan siya. “Yeah, it’s me. May iba pa ba?” Sabagay, uwian na ng dalawang kasamahan ko pa. Tapos nagpapahinga na ang driver namin. Hinugasan ko lang ang ginamit ni Halina at Kalei na naiwan sa silid ng huli. “Saka tulog na ang mga bata,” dugtong niya. “M-may kailangan po ba kayo?” ani ko imbes na magkomento sa sasabihin niya. “Po na naman?” “I’m sorry. Hindi ko lang maiwasang sabihin, nasanay kasi ako dahil sa trabaho ko noon.” “Okay.” “May kailangan ka ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. “Hindi ako makatulog, e.” Bumaling ako sa kan’ya. Nakasandal na siya sa lababo. “Ipagtimpla kita ng gatas, gusto mo?” alok ko. “Sige. Pakidala na lang sa kwarto.” Sabay talikod niya. Hindi ko maiwasang magsalubong ng kilay. Nandito na, e ipapaakyat pa? Napailing tuloy ako. Binilisan ko ang paghugas at nagtimpla ng gata
last updateLast Updated : 2022-12-11
Read more

Chapter 13: Confession

AYEISHA - “GOOD EVENING PO,” bati ko kay King nang bumaba siya sa sasakyan. Alas diyes na ng gabi nang mga sandaling iyon. Sabi niya, pipilitin niyang maaga umuwi kaya ‘yon din ang sinabi ko kay Kalei. Nakatulugan na nga niya ang paghihintay sa ama niya. “Si Kalei?” “Nakatulog kakahintay sa ‘yo.” “Gano’n ba.” Tumalikod na siya sa akin at pumasok na sa loob. Seryoso siya at namumula ang mukha. Parang nakainom yata siya ngayon. Buti na lang safe siyang nakauwi. Pero bakit kaya siya uminom? Dahil sa problema nito sa kompanya? ‘Yon lang ang natatandaan ko sa sinabi niya kanina. Nakakapagtaka din, parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Baka pagod lang siya. Naabutan ko si King na papasok sa silid ni Kalei kaya napangiti ako. Mahal na mahal niya talaga ang anak niya. Buti naman, kasi kailangan siya ng bata. Na-open niya sa akin ang tungkol sa ina niya. Bihira lang pala makita ni Kalei ang ina dahil nagtatrabaho nga sa ibang bansa. Ramdam ko na nangungulila siya dito. Naatim
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more

Chapter 14: Alone

AYEISHA-“BITAWAN MO NGA ako, King! Baka may makakita sa atin dito.”“Ayoko,” giit niya sabay dikit lalo ng katawan niya sa akin.“K-King,” ani ko at iniwas ang mukha ko sa kan’ya. “M-Mali ito, okay? May asawa’t anak ka na, kaya maling-mali.”“Kailan naging mali ang magkagusto sa ‘yo, Asha? Kakaiba ka, okay?” “Kakaiba dahil sa pagmumukha ko, gano’n ba ‘yon?”“No,” mabilis na sagot niya. “Na sa ‘yo ang hinahanap ko, Asha, napakaresponsable pagdating sa pamilya. At nakita ko iyon, kaya paano ko mapipigilan ang aking sarili na hindi ka gustuhin? Ramdam ko rin na may pagtingin ka sa akin, hindi ako manhid.”“P-pero may asawa ka nga. Kasal ka.”Napabuntonghininga siya. “M-matagal na kaming walang komunikasyon, Asha. Matagal nang wala. Okay?”“Paano kung bumalik siya, King? Paano ako kung sakali? Ayoko magdesisyon nang padalos-dalos. Sa totoo lang, hindi ako p’wedeng ma-inlove kahit kanino sa estado ko ngayon.” Ayoko, ‘yon lang. Dahil napakahina ko pagdating dito. Tingnan mo ang nagyari
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

Chapter 15: Agreement

AYEISHA-NAPAILING ako nang lingunin si King sa aking tabi. Sabi niya, mag-uusap kami, pero heto, tinulugan niya ako. At mahigit kalahating oras na siyang tulog.Humarap ako sa kan'ya nang maayos, pagkuwa'y tinitigan ko ang mapayapang mukha niya mayamaya.Bakit nga kaya wala nang komunikasyon ito sa asawa niya? Hindi kaya nagloko na? Kawawa naman si King kung gano'n.Pero mayaman naman si King, bakit pa kailangan na magtrabaho ng asawa niya? Kaya siguro nakahanap ng iba sa malayo.Napatampal ako sa noo ko. Parang ako din ang asawa niya, bakit kailangan kong magpakahirap na magtrabaho dito kung mayaman naman ako? Isa akong CEO ng isang sikat na clothing line dito sa Pilipinas, pero heto, nagpapakahirap at nagpapaka-ulirang Tita ni Halina. Marahil may rason din ang asawa ni kung bakit kailangan niyang lumayo.Naupo ako sa kama at iginala ang paningin. Kaming dalawa na lang pala ni King dito.Ano naman ang gagawin namin dito? Matutulog na lang? Hay, walang kasama ang dalawang bata ngayo
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more

Chapter 16: I'm Okay

AYEISHA-"PATINGIN nga ako ng notebook mo, Halina.""Ito po, Ate."Kinuha ko ang notebook niyang may laman na note para sa christmas party. Hindi kasi ako naka-attend dahil nagkasakit si Kalei nang araw na iyon. Nang mabasa at makita ang amount ng babayaran ay ibinalik niya kay Halina.“Bukas, bibili tayo ng damit at pangregalo mo sa bayan pag-uwi galing school. Kaya matulog ka na ng maaga, huh?” ani ko sa kan’ya.“Yehey! May bago na naman akong damit. Thank you, Ate Asha! I love you,” masayang sigaw ni Halina sa loob ng silid namin. Buti na lang nakasara.“Ay, sus, inuuto mo yata ako?”“Love naman talaga kita kasi parang Mama na kita sabi ni Lola. Kaya sana, hindi mo ako iwan gaya nila.” Bahagyang nalungkot si Halina matapos iyon sabihin. Marahil, naalala nito ang ina nito at si Aling Precing.Kinabig niya ito at hinalikan sa ulo. “Salamat, Halina. Lagi mong tatandaan, Lahat gagawin ni Ate Asha para sa ‘yo. Ako na lang ang meron ka kaya hindi ako mawawala sa ‘yo. Okay?”Niyakap niya
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more

Chapter 17: His Wife

AYEISHA - “HUH?” Pakiramdam ko nabibingi na ako. Hindi na mawala sa isip ko ang asawa ni King. Nasa Maynila na pala, at ayon nag-uusap ang mag-ama na uuwi yata bago ang pasko. “Kanina ka pa wala sa sarili. May problema ba?” tanong ni Nenita sa akin. Tinutulungan ko siya noon maghiwa ng mga gulay na gagamitin sa pagluto ngayong gabi. Tapos ko na kasing bihisan si Kalei at Halina. Nadumihan ang mga damit nila nang maglaro sa labas ng bahay. “W-wala, naalala ko lang si Aling Precing, malapit na ang pasko tapos hindi namin siya kasama. Ngayon pa lang nalulungkot ako,” palusot ko. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol sa asawa ni King. “Oo nga pala, noh? Unang pasko na hindi niyo kasama si Aling Precing.” “Ano pang hihiwain?” “‘Yang carrots, Asha. ‘Yong sakto lang, huh?” “Sige.” Kinuha ko ang dalawang carrots at binalatan muna bago hinugasan. Kakatapos ko lang hiwain ang carrots nang pumasok si King. “Asha, follow me.” “Sige po,” ani ko at tumingin kay Nenita. Tumango siya sa
last updateLast Updated : 2022-12-16
Read more

Chapter 18: Where are you?

AYEISHA-“MISS ASHA!” dinig kong sigaw ni Kalei.Palabas ako noon ng bahay.“Ayoko, Mommy! Gusto ko si Miss Asha po!”Nilingon ko na ang taas nang marinig ko ulit ang boses ni Kalei. Ako nga talaga ang tinatawag niya.Nakita ko si Kalei na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng ina niya hanggang sa makawala siya."Ano ba, Kalei! Ako na nga ang magbibihis sa 'yo!" habol ni Jena sa anak."Miss Asha!" tawag sa akin ng bata."Kalei," ani ko at lumapit sa hagdan para salubungin siya. "Dahan-dahan naman baka madapa ka!" ani ko."Bumalik ka na dito, Kalei, para makaalis na tayo!" sigaw ni Jena mula sa pintuan ng silid ni Kalei. Tumingin pa siya sa akin at bahagyang kumunot ang noo. Ngayon pa lang niya ako nakita mula nang dumating siya."Ikaw si Asha?" tanong niya sa akin."Opo," sagot ko."Ah, okay. Aalis kasi kami mayamaya. Pakibihisan naman siya, ikaw daw ang gusto niyang magbihis sa kan'ya, e.""Sige po," ani at yumuko. Pag-angat ko ng tingin, tumalikod na siya, papunta siya sa silid ni King
last updateLast Updated : 2022-12-18
Read more

Chapter 19: Be my girlfriend

KING’S POV-Napangiti ako nang patayin ang linya. Akala ko, magiging malungkot na ang pasko ko. Hindi pala, dahil nandito lang pala si Asha sa Manila.Pero teka, saan nga pala kami p’wedeng magkita? Hindi p’wede dito sa bahay, siguradong magugulat sila Nanay dahil nandito si Jena sa Maynila, at ang alam nila ay umuwi para sa amin ni Kalei.Lumagok muna ako ng alak bago tumingin sa labas. Ang masasabi ko lang, nasa huli talaga ang pagsisisi. Nagpadala ako sa bugso nang damdamin ko noon, na ngayon ay pinagsisisihan ko. Kung alam ko lang…Napakuyom ako ng kamao ko nang maalala ang nakaraan.Akmang lalagok ako nang makatanggap nang tawag mula kay Nanay.“Hindi ka ba dadalaw kila Tatay Thunder mo? Balita ko bumalik na si Ayeisha at ang anak niya.”Natigilan ako sa narinig. “K-kailan po dumating?”“Kanina lang yata.”“K-kasama po ba ang asawa niya?”“Ay, hindi nabanggit ni Majo. Ang katapat lang nila ang nagsabi sa akin ngayon lang sa text. Alam mo na, friend ko sa social media,”“Ah, okay
last updateLast Updated : 2022-12-19
Read more

Chapter 20: Merry Christmas

KING-MABILIS na nagbihis ako sa aking silid habang masuyong nahihintay sa akin sa sala si Asha.Napailing ako nang maalala ang sinabi niya kanina.***“Ngayong umuwi na ang asawa mo saka ka maggaganyan? Ang ganda-ganda niya para ipagpalit mo lang sa akin. Masyadong nakakainsulto.”“Asha, hindi naman ako nakatingin sa panlabas mong kaanyuan.” Tinampal ko ang puso ko nang dalawang beses. “Dito, Asha. Sa isipan ko rin, ikaw ang tumatakbo dito.” Sabay turo ko sa aking sintido. “Hindi ba sapat, Asha?”“K-King,”“Kung si Jena ang iniisip mo, naibigay ko na sa kan’ya ang annulment paper na napagkasunduan namin. Kung ayaw mong maniwala may copy ako sa kuwarto. Ayoko rin namang ipasok ka sa gulo kaya sinisiguro kong seryoso ako. Hindi kita lolokohin o gagamitin, Asha. At kung pinoproblema mo ang mukha mo, kaya kong ipaayos ‘yan kung pahihintulutan mo.”Hindi siya nakaimik sa mga sinabi ko kaya iniwan ko muna siya saglit. Pero bago ako pumasok ay nakita ko siyang umupo.***LUMAPIT ako sa me
last updateLast Updated : 2022-12-20
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status