AYEISHA - “HUH?” Pakiramdam ko nabibingi na ako. Hindi na mawala sa isip ko ang asawa ni King. Nasa Maynila na pala, at ayon nag-uusap ang mag-ama na uuwi yata bago ang pasko. “Kanina ka pa wala sa sarili. May problema ba?” tanong ni Nenita sa akin. Tinutulungan ko siya noon maghiwa ng mga gulay na gagamitin sa pagluto ngayong gabi. Tapos ko na kasing bihisan si Kalei at Halina. Nadumihan ang mga damit nila nang maglaro sa labas ng bahay. “W-wala, naalala ko lang si Aling Precing, malapit na ang pasko tapos hindi namin siya kasama. Ngayon pa lang nalulungkot ako,” palusot ko. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol sa asawa ni King. “Oo nga pala, noh? Unang pasko na hindi niyo kasama si Aling Precing.” “Ano pang hihiwain?” “‘Yang carrots, Asha. ‘Yong sakto lang, huh?” “Sige.” Kinuha ko ang dalawang carrots at binalatan muna bago hinugasan. Kakatapos ko lang hiwain ang carrots nang pumasok si King. “Asha, follow me.” “Sige po,” ani ko at tumingin kay Nenita. Tumango siya sa
AYEISHA-“MISS ASHA!” dinig kong sigaw ni Kalei.Palabas ako noon ng bahay.“Ayoko, Mommy! Gusto ko si Miss Asha po!”Nilingon ko na ang taas nang marinig ko ulit ang boses ni Kalei. Ako nga talaga ang tinatawag niya.Nakita ko si Kalei na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng ina niya hanggang sa makawala siya."Ano ba, Kalei! Ako na nga ang magbibihis sa 'yo!" habol ni Jena sa anak."Miss Asha!" tawag sa akin ng bata."Kalei," ani ko at lumapit sa hagdan para salubungin siya. "Dahan-dahan naman baka madapa ka!" ani ko."Bumalik ka na dito, Kalei, para makaalis na tayo!" sigaw ni Jena mula sa pintuan ng silid ni Kalei. Tumingin pa siya sa akin at bahagyang kumunot ang noo. Ngayon pa lang niya ako nakita mula nang dumating siya."Ikaw si Asha?" tanong niya sa akin."Opo," sagot ko."Ah, okay. Aalis kasi kami mayamaya. Pakibihisan naman siya, ikaw daw ang gusto niyang magbihis sa kan'ya, e.""Sige po," ani at yumuko. Pag-angat ko ng tingin, tumalikod na siya, papunta siya sa silid ni King
KING’S POV-Napangiti ako nang patayin ang linya. Akala ko, magiging malungkot na ang pasko ko. Hindi pala, dahil nandito lang pala si Asha sa Manila.Pero teka, saan nga pala kami p’wedeng magkita? Hindi p’wede dito sa bahay, siguradong magugulat sila Nanay dahil nandito si Jena sa Maynila, at ang alam nila ay umuwi para sa amin ni Kalei.Lumagok muna ako ng alak bago tumingin sa labas. Ang masasabi ko lang, nasa huli talaga ang pagsisisi. Nagpadala ako sa bugso nang damdamin ko noon, na ngayon ay pinagsisisihan ko. Kung alam ko lang…Napakuyom ako ng kamao ko nang maalala ang nakaraan.Akmang lalagok ako nang makatanggap nang tawag mula kay Nanay.“Hindi ka ba dadalaw kila Tatay Thunder mo? Balita ko bumalik na si Ayeisha at ang anak niya.”Natigilan ako sa narinig. “K-kailan po dumating?”“Kanina lang yata.”“K-kasama po ba ang asawa niya?”“Ay, hindi nabanggit ni Majo. Ang katapat lang nila ang nagsabi sa akin ngayon lang sa text. Alam mo na, friend ko sa social media,”“Ah, okay
KING-MABILIS na nagbihis ako sa aking silid habang masuyong nahihintay sa akin sa sala si Asha.Napailing ako nang maalala ang sinabi niya kanina.***“Ngayong umuwi na ang asawa mo saka ka maggaganyan? Ang ganda-ganda niya para ipagpalit mo lang sa akin. Masyadong nakakainsulto.”“Asha, hindi naman ako nakatingin sa panlabas mong kaanyuan.” Tinampal ko ang puso ko nang dalawang beses. “Dito, Asha. Sa isipan ko rin, ikaw ang tumatakbo dito.” Sabay turo ko sa aking sintido. “Hindi ba sapat, Asha?”“K-King,”“Kung si Jena ang iniisip mo, naibigay ko na sa kan’ya ang annulment paper na napagkasunduan namin. Kung ayaw mong maniwala may copy ako sa kuwarto. Ayoko rin namang ipasok ka sa gulo kaya sinisiguro kong seryoso ako. Hindi kita lolokohin o gagamitin, Asha. At kung pinoproblema mo ang mukha mo, kaya kong ipaayos ‘yan kung pahihintulutan mo.”Hindi siya nakaimik sa mga sinabi ko kaya iniwan ko muna siya saglit. Pero bago ako pumasok ay nakita ko siyang umupo.***LUMAPIT ako sa me
AYEISHA*KAKABABA ko lang ng telepono nang pumasok si Halina sa kuwarto namin.“Ayoko pa apong umuwi, Ate.”“Pero may work pa si Ate sa San Remigio.” Humaba ang nguso ni Halina kaya napailing ako.Kailangan ko kasing samahan si King sa San Remigio dahil nagkaroon ng problema sa construction site ng building. ‘Yon ang tawag na natanggap nito nang madaling araw na iyon. Nahiya na rin kasi siya sabihan si Nenita na pumasok dahil wala nga siyang kasama. Kaya nag prisinta na lang ako. Tutal pinagbakasyon na niya ang iba ko pang kasamahan.“Anak, iwan mo muna ang apo namin dito, saka mo na lang sunduin kapag pasukan na ulit.” Napatingin ako sa aking ina nang pumasok siya.“P’wede naman po, pero hindi ba makakaabala siya sa inyo?”“Of course not! Para umingay naman ang bahay namin, anak.”“Sige na, Ate, please,” matinding pakiusap ni Halina sa akin.“Sige, payag ako. Pero ‘wag pasaway dito, huh? ‘Wag stressin sila Lola. Okay ba ‘yon?”“Opo, Ate! Salamat po.” Niyakap niya ako kapagkuwan at s
AYEISHA "K-KANINA ka pa ba?" Napabangon ako nang mamulatan si King na nakaluhod sa gilid ko habang nakatunghay sa akin. "Ano bang nangyari? Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot, napasugod tuloy ako dito." Halata sa mukha nito ang pag-aalala. "S-sumakit bigla ang ulo ko, King." "Gano'n ba. Kailangan mo ba ng gamot?" "Hindi na siguro. Okay naman na ako ngayon." Nang maalala ang trabahong pinunta niya dito sa isla ay napaayos ako nang upo. "Kung marami ka pang gagawin, p'wede ka nang bumalik." "I can't. Baka hindi lang basta-basta ang naramdaman mo. Paano kung mahilo ka na naman? " “P-pero, King… Paano ang trabaho mo?” “We will then extend our stay here.” “P-paano si K-Kalei? Baka hanapin ka?” “Bukas ang dating nila, kaya ‘wag mo ng iniisip ang anak ko. Alright?” Bahagya akong nalungkot nang maalala si Halina. Masaya siguro ang batang iyon kapag kasama namin. “S-sige. Gutom ka na ba? Gusto mo ipaghanda–” “Don't. Gusto kong magpahinga ka na lang. Tumawag na ako sa h
AYEISHA"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, King. Si Asha ako, hindi ang babaeng nasa isipan mo. Kaya anong sinasabi mong nagparaya ka? Kailan lang tayo nagkakilala, King. Baka ibang babae ang tinutukoy mo.""A-Asha." Biglang naurong dila niya sa sinabi ko.“A-at ang endearment mo, para ba talaga sa akin 'yan, o para sa kan’ya?” Hindi nakasagot si King kaya nainis ako lalo.“See? Hindi mo alam kung para kanino!”Tinulak ko siya sa sobrang inis ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya naninigaw pagkatapos niya akong halikan basta-basta.Binuksan ko ang ilaw dahil sobrang dilim pagkuwa’y nilingon siya. "Hindi yata tama na nandito ako, King. Hindi ako ang kailangan mo, siya. Kailangan ko nang bumalik, hinahanap na rin ako ni Halina. Nagsasayang lang ako nang panahon dito."Tinalikuran ko siya at pumasok sa silid na inukopa namin.Hinigit ko ang maleta ko at nilagay sa kama. Kinuha ko ang ilan sa gamit ko na nakalabas."Labs."Napatigil ako sa pagkuha ng suklay ko nang marinig ang bo
AYEISHA HINDI ko maiwasang mapatingin na naman sa ama ni King. Kausap siya ngayon ni King sa may sofa. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero paminsan-minsan napapatingin sa akin ang ama niya. Familiar din sa akin ang mukha niya. Pero baka dahil sa frame na nakita ko dito. Sa Nanay lang talaga ako ni King nakaramdam nang kakaiba. “Bakit po hindi mo kasama si Halina, Miss Asha? Akala ko pa naman po kasama siya kasi nandito ka rin po.” “Kasama siya ngayon nang Lolo at Lola niya, e. Pero ‘wag kang mag-alaala, pagbalik natin ng San Remigio, araw-araw mo siya ulit makakasama.” Umingos si Kalei sa akin kaya niyakap ko na lang siya. “Tayo na lang na dalawa ang maglalaro, gusto mo ba ‘yon?” ani ko. “Sige po.” Lumapit ako sa mag-ama kaya natigil ang kuwentuhan nila. Sabi ko, isasama ko sa labas si Kalei, tumango naman si King kaya niyakag ko na ang bata. Imbes na maglaro sa dalampasigan, nauwi sa paliligo. Paano, sumaluk-salok pa si Kalei gamit ang bao ng niyog na nakita. Basta na
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth