Kabanata 47 : 'Mayari'Mayari (In Kapampangan mythology, Mayari is the goddess of the moon and ruler of the world during nighttime. Mayari/Malayari. Lunar deity. Symbol, Moon.)Hindi ko alam kung anong totoong kwento— Bakit maraming nilalang na sakim parin sa kapangyarihan? Ngunit— Hindi lahat ng bagay libre, bawat nais at gusto laging may kapalit. Ngunit hindi ko naman nilalahat. Iyon ang naging epekto ng sobra— nakakagawa ng mali, nang hindi inaasahan, naaabuso ang bagay na hindi dapat. Nakakagawa ng isang desisyon na hindi napag-iisipan. Bagay na siyang kinakatakot ko, dahil hindi lang naman ngayon ang oras, gumagalaw parin ito.Kagaya na lamang ng kalikasan— kahit pa maraming punong nakikita, hindi iyon rason para mas lalo pang putulin— at hindi palitan. Dahil kagaya ng tao, hindi lamang nag-iisa ang araw, marami pang mga araw ang lilipas, at sa bawat bukas panibagong araw ang dumadating, kaya mas nakakatakot ang magiging balik. Na sa sobrang nakakatakot, kailangan mong alamin mu
Read more