Home / Romance / Hiding the Idol's Baby / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Hiding the Idol's Baby : Chapter 1 - Chapter 10

40 Chapters

Prologue

Prologue"OMG! Ang gwapo niya talaga! Anaia, tingnan mo oh." Hinatak ako nito bigla paharap sa TV na nandirito sa Coffee Shop kung saan ako nagtatrabaho. "Ano ba 'yan?" kunot noo kong tanong nang makita ang mga nagkakagulong press at mga taong tumitili."Ito naman oh. Tingnan mo kayang mabuti nang makita mo asawa ko." "Asawa? Boyfriend nga wa—""Pasmado bibig mo, 'te. Tingnan mo na lang kasi dami mong sinasabi eh. Kita mo iyang lalakeng pinagkakaguluhan ng media? Si Kheious 'yan. Hindi mo ba siya kilala?" Napalunok ako nang ma-recognized ang mukha nito. Hindi ako kaagad nakaimik at nanatiling nakatingin lang sa screen dahil sa pagragasa ng mga alaala. Ang layo na talaga ng narating niya. "Natulala ka na d'yan, Ate Girl? Crush mo na kaagad? Hoy 'wag ah. Asawa ko na 'yan. Hanap ka na lang ibang bias mo. Pinakita ko lang hindi ko sinabing angkinin mo, 'te.""Wala naman akong sinabing aangkinin ko.""Sus naninigurado lang ako. So ano 'di mo talaga kilala? Sobrang famous kaya niyan."
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more

Chapter 1

Chapter 1"Ninety-four lang? Kheious, ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" disappointed na tanong nito sa akin."Pasado naman po, Aun—""Jusko naman! Tingnan mo nga ninety-four lang general average mo this sem. Dati naman hindi ka bumababa ng ninety-five. With Highest Honor ka pa nga noong Junior High. Akala ko ba gusto mong makapasok sa magandang University?" "Gusto ko nga po," nakayuko kong tugon."Iyon naman pala edi mas pagbutihin mo. Kinausap na ako ng teacher mo noong meeting at ang sabi posibleng maging Valedictorian ka this school year. Kaya ayusin mo naman sana. Alam mo simula noong sumali ka sa grupo na 'yan nagkaganiyan na mga grado mo. Tigilan mo na kasi iyang pagsayaw at pagkanta na iyan. Distraction lang iyan sa pag-aaral mo. Hindi ka naman magkakapera d'yan." "Magkakapera pa rin naman po, Tita, kapag nanalo kami sa con—""Iyon na nga eh kapag nanalo. Kapag nanalo lang! Eh ang masama nga d'yan madalas kayong talo. Ilan ba kayo sa grupo? Sampu? Kinse? Tapos ang premyo
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more

Chapter 2

Chapter 2[Kheious' POV]Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin sa likidong bumasa sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na tumutulo na ang laway niya sa damit ko. Gusto ko siyang alisin sa balikat ko pero nagwo-worry naman ako na magising siya. Ayaw ko na magising siya at makita ito dahil ayoko naman na mapahiya siya dahil dito. Hindi naman ako maarteng tao pero nag-aalala ako para sa suot ko ngayong damit pantrabaho. Baka basa na rin iyon ng laway. Jusko po huwag naman sana. Maingat kong tinuyo ng tissue ang parteng bibig niya. Inilabas ko ang panyo sa bag at itinakip iyon sa mukha ng babae upang hindi makita ng ibang commuters na naglalaway itong matulog. Tangina, hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan itong uniform ko. Bahala na. [Anaia's POV]Naalimpungatan ako nang marinig ang mga yabag ng paa. Inalis ko ang kung anong nakatakip sa mukha ko. Panyo? Kanino
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more

Chapter 3

Chapter 3Ibinuhos ko ang isang tabong tubig sa katawan ko. May klase ako ngayong alas sais kaya gumising ako ng maaga. Terror iyong professor namin para sa period na ito kaya hindi ako pwedeng mahuli sa klase. Alas cuatro pa lang kaya tulugan pa ang mga kasama ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng leeg nang biglang bumukas ang pinto."Bastos!""Hala sorry!" Mabilis nitong isinarado iyon. Niyakap ko ang sarili at ramdam ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pilit kong iwinaksi iyon sa aking isipan at ipinagpatuloy na lang ang paliligo. Natapos na ako pero hindi ko alam kung paano lalabas. Sobra akong nahihiyang humarap sa kaniya. Alam ko naman na wala akong dapat ikahiya pero ang awkward lang kasi sa pakiramdam. Nakita niya lahat bhe. Sino ba naman ang hindi mahihiya roon?Huminga ako nang malalim bago pinihit pabukas ang doorknob. Lumabas na ako dahil hindi naman ako pwedeng tumira rito sa banyo. Dumiretso ako sa taas upang makapagbihis. Tulog pa rin ang magaling kong kaibigan na p
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more

Chapter 4

Chapter 4"A-Ano? Sorry slow." Napakamot siya sa batok."Ang ibig kong sabihin kaya kong pumunta ng restroom ng mag-isa, hindi ako tulad ng iba na pupunta lang ng restroom kailangan pa ng kasama.""Ahh, okay, gets ko na. Tapos pagbalik may dala ng turon, ano?"Natawa ako bigla sa sinabi niya. Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Matapos kumain ay tinanong niya ako kung babalik na ba ako sa classroom. Noong sinabi kong "oo", nag-offer siya na ihatid ako. "Bakit nga pala sinunod mo mama mo kaysa kuhain ang course na gusto mo?""Walang pera eh.""H-Huh? Ang mahal kaya ng nursing." "Alam ko pero sabi kasi niya wala raw kasiguraduhan iyong pangarap ko. At least sa nursing daw, pagka-graduate at naipasa ko ang exam, makakapagtrabaho raw ako sa ibang bansa. Sure na raw ang kita.""Pero gusto mo talagang maging professional performer?""Oo." Yumuko ito habang pinaglalaruan ang strap ng backpack. "Pero kapag mahirap ka kasi hindi pwedeng unahin ang sarili. Kahit gaano mo pa kagusto ang
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more

Chapter 5

"Galingan mo, Kheious!"Nabuhayan ako ng loob nang marinig iyon lalo na nang makita si Anaia na may hawak na banner. Pumalakpak siya nang malakas kaya nakisabay na rin ang ibang audience. Muli akong kumanta at sa pagkakataong ito ay may kumpyansa na sa sarili. Ibinigay ko lahat ng aking makakaya dahil ayokong bumaba ng entablado ng may pagsisisi."Ang galing-galing mo," salubong nito sa akin pagkababa ko ng stage."Salamat." Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Kung sakaling hindi siya dumating kanina baka natulala na lang ako sa unahan. Nakalimutan ko na nga ang lyrics kanina sa sobrang kaba. Sana lang ay hindi iyon makaapekto sa resulta ng evaluation. Lumabas na kami dahil masyado ng maraming tao at maingay sa loob."Mabuti naman at naisipan mong mag-audition?""Naisip ko rin na sayang din kung palalampasin ko. Next year na ang sunod na pa-audition. At saka nakakapanibago kasi kapag hindi mo na nagagawa iyong mga bagay na normal mong ginagawa dati.""Ang galing mo kanina," ani nito
last updateLast Updated : 2022-11-14
Read more

Chapter 6

Natulala siya sa akin pagkalas ko ganoon din ako. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin. Bago pa man siya magsalita ay tumakbo na ako palayo. Dumiretso ako sa restroom at napasandal sa likod ng pinto. Nasapo ko ang dibdib na dumadagundong."Anong kagagahan naisip mo at hinalikan mo siya, Anaia?" May estudyanteng lumabas sa cubicle kaya naman napaayos ako ng tayo. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kinapa ko ang labi na dumampi sa kaniya kanina. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kapag nagkaharap kami. Para bang gusto ko na lang iuntog ang sarili o mag-magic na magkaka-amnesia si Kheious para makalimutan niya.Nagbihis lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Kheious. Dapat kasi ay sabay kami, kaya lang ay hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Dumiretso ako sa trabaho at sinubukang libangin ang sarili. Ngunit hindi talaga iyon mawaglit sa aking isipan. Hanggang sa pag-uwi nga ay dala-dala
last updateLast Updated : 2023-01-08
Read more

Chapter 7

Chapter 7"Ang bilis mo. Para kang walang kasabay," reklamo ko nang abutan siya."Mabagal ka lang talaga.""Hindi kaya. Mabilis ka lang masyado.""Samahan mo ako sa palengke. Mamimili ako ng para sa lulutuin mamayang gabi.""Ikaw ang toka?""Um." Namulsa siya at nagpatiuna na sa paglakad.Pumasok kami sa pamilihang bayan at nagtingin-tingin kahit hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin."Ano bang lulutuin mo para sa hapunan?""Ginataang alimango na may kalabasa.""Wow! Sarap naman. Laki ng budget ah.""Nagki-crave kasi si Madame sa ginataang alimango kaya binigyan niya ako ng pera kaninang umaga para ipagluto siya.""Sana palaging mag-crave ng masarap si Madame para damay tayo."Naglakad-lakad kami, naghahanap ng mga sangkap na gagamitin para mamaya. Mabuti na lang at kabisado na namin ang lugar kaya hindi na kami nahirapan. Bawas oras tuloy sa paghahanap ng magandang bibilhan. Umuwi na rin kami agad pagkatapos mamili para makapagluto na ng hapunan."Ang bango," sambit ko.Pagbaba k
last updateLast Updated : 2023-02-13
Read more

Chapter 8

Chapter 8Nanatili akong walang ibo, nakatayo lang sa kung saan ako iniwan ni Kheious. Pilit kong ina-absorb ang ipinagtapat niya, ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tuluyang nagsi-sink in sa akin.Nagseselos siya? Gusto niya ako? Seryoso?"Anaia!" Hinihingal na tumakbo si Syn palapit sa akin. "Nand'yan ka lang pala. Ano? Uwi na tayo?""S-Sige..." wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin sa nilakaran ni Kheious."Hoy! Ayos ka lang? Bakit parang lutang ka?""N-Na-drain lang siguro utak ko dahil sa exam kanina. Tara, uwi na tayo." Hinatak ko na siya paalis.Simula nang hapun na iyon ay pansin ko ang pag-iwas ni Kheious. Maging sa bahay nga ay hindi kami nagpapansinan. Iniwasan ko na lang din siya, baka sakaling mawala ang pagkagusto niya sa akin. Ayoko rin kasi na kapag sinuyo ko siya ay ma-misinterpret niya iyon— baka isipin niya na may nararamdaman din ako... baka mas mahulog siya kapag c-in-omfort ko. Ayoko ko naman ng ganoon.Sa totoo lang ay hindi ko rin ala
last updateLast Updated : 2023-02-13
Read more

Chapter 9

Chapter 9Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo na sa lugar na iyon. Hindi naman ako nagseselos, 'di ba? Wala namang dahilan para magselos ako.Dumiretso ako sa rest room ng mga babae upang pakalmahin ang sarili. Ito na nga ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing kailangan kong huminga at pag-isipan ang mga bagay-bagay."Hindi ka nagseselos," pangungumbinsi ko sa sarili. "Naiirita ka lang kaya ka umalis... kaya hindi mo tinapos.""Grabeng pangga-gaslight naman sa sarili iyan, beh."Nagitla ako nang makita si Syn na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto."K-Kanina ka pa ba d'yan?" utal-utal kong tanong."Sakto lang para marinig ko ang mga sianbi mo." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi raw nagseselos oh.""Hindi naman talaga!""Eh ba't ka defensive?""Malamang magiging defensive ako. Ikaw ba namang paratangan ng hindi totoo kung hindi ka---""Hindi ba talaga totoo?"Napaiwas ako ng tingin."Oh bakit hi
last updateLast Updated : 2023-02-13
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status