Home / Romance / I'm His Personal Maid / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of I'm His Personal Maid : Chapter 31 - Chapter 40

76 Chapters

Kabanata 26

DAHANG-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko kasabay niyon ay ang pagtama ng sikat ng araw doon. Muli akong napapapikit at uminat habang humihikab dahil gusto pang muling matulog ng diwa ko. Iminulat ko mula ang mga mata ko at tumingin sa kulay puting kisame.Bigla akong natulala nang maalala ko ang lahat ng nangyari nang nagdaang gabi, pagkatapos ay puminta ang ngiti sa mga labi ko dulot ng sayang bumalik sa puso ko na naramdaman ko rin nang gabing iyon. Dahil sa labis na galak, nagpagulong-gulong ako sa kama habang inaalala ang magagandang tagpong nangyari sa party na iyon. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Para akong temang.Tumigil ako sa ginagawa ko, saka natahimik ulit. Bakit ganito ang reaction ko? Kinikilig ba ako o natutuwa lang? Natutuwa lang siguro ako kaya ganito ako. Unang beses kasi na may nagtanggol sa akin sa harap ng maraming tao at si Kevyn pa ang lalaking iyon.Bumangon ako sa kama na dala ang sayang iyon. Sayang matagal ko ng hindi nararamdaman. Nagbihis ako ng damit
last updateLast Updated : 2022-11-04
Read more

Kabanata 27

WEEKEND KAYA naman nandito ako ngayon sa bahay para magpahinga...sana. Kaya lang hindi rin naman ako makapagpahinga dahil sa dalawang pasaway kong kapatid."Ate naman, mapasukan na kaya, Ate!" maktol ni Melay habang nakakapit sa braso ko."Malayo pa ang pasukan Melay, saka na lang kita bibilhan. Okay?" sabi ko. Lalong sumimangot ang niya na nakatingin sa akin at maya-maya ay nagpapadyak siya na parang bata."Ate naman, kailangan ko kaya ng cellphone sa school," patuloy niya sa pagmamaktol na parang bata. Gusto kasi niya na bilhan ko siya ng bagong cellphone, nasira na kasi ang lumang cellphone niya. Natuwa pa nga ako ng nalaman ko 'yon."Ayaw!" Umiling-iling pa ako habang hindi tumitingin sa kaniya. "Saka na kita bibilhan kapag mapasukan na," dagdag ko pa. Akala naman nitong si Melay 'di ko alam ang karakas niya, kaya lang naman gusto niyang bilhan ko siya agad ng bagong cellphone para makapag-social media na naman siya. Ako nga nagtiya-tiyaga sa de-keypad na cellphone."Ate!" Hindi p
last updateLast Updated : 2022-11-06
Read more

Kabanata 28

Kevyn's POVNAKAHALUKIPKIP akong nakatayo sa gilid ng main door ng mansyon. Anong oras na ba? Bakit wala pa si Mara? Sinabi kasi niyang 'wag ko na daw siyang sunduin dahil mag-ta-tricycle na lang daw siya at baka maabala pa niya ako. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitag pasado alas-nuebe na ng umaga. Bumaling ako sa gate ngunit hindi pa iyon bukas hudyat na wala pang tao sa labas. Napailing na lang ako. Tinungo ko na lang ang kusina para uminom ng tubig. Bakit ko nga ba siya hinihintay?"Himala, parang ang aga atang gumising ng mahal kong pinsan."Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko ang lalaking hindi ko gustong makita at makasama. Bakit ba kasi dito pa pinagbakasyon ni Dad ang bwesit na lalaking 'yan? Sinulyapan ko lang siya at naglakad na palayo sa kaniya. Pakiramdam ko'y sinira na naman niya ang araw ko. He's so annoying. Hangga't maaari iiwasan ko na lang siya para walang gulo at para hindi na rin masira ang mood ko."Good morning, Anak," bati ni Mommy ng marating ko ang s
last updateLast Updated : 2022-11-07
Read more

Kabanata 29

Mara's POV "NASAAN NA kaya 'yong lalaking 'yon?" bulong ko habang palinga-linga. Kanina ko pang tinatanaw ang gate mula sa terrace para makita kung dumating na ba siya o hindi pa. Bakit kasi bigla na lang umalis 'yong Kevyn na 'yon. Natapos ko na't lahat ng mga gawain ko wala pa rin siya. Wala tuloy maingay. Nakakapanibago.Si Nicko naman may pinuntahan. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na si Nicko pala ang pinsan ni Kevyn. Iniisip ko pa lang na magkasama sila sa iisang bahay, nababaliw na ako. Alam ko kasing galit si Kevyn sa pinsan niya dahil sa alitan nila noon pa man. Hindi ko naman makita ang dahilan para magalit si Kevyn sa binata dahil mukha naman itong mabait.Muli akong tumingin sa gate at bigo pa rin ako sa inaasahan kong makikita ko si Kevyn papasok ng mansyon. Walang ganang umupo ako sa couch doon. Bakit ko nga ba hinihintay ang mokong na 'yon? Tatayo na sana ako ng marinig ko ang makina ng kotse. Hindi ko alam pero parang ilang saglit lang ay narating ko
last updateLast Updated : 2022-11-07
Read more

Kabanata 30

MAAGA NAMING narating ni Nicko ang farm dahil masyado siyang excited na muli itong makita. Napag-alaman kong siya rin pala ang namamahala nito dati kaya lang ibibigay na daw ito ng Daddy ni Kevyn sa binata. Marami daw kasing ginagawa si Nicko sa Maynila na kailangan nitong pagtuunan ng pansin kaysa sa Farm kaya marahil ibinigay na lang ito kay Kevyn.Samantala, naiwan naman si Kevyn sa mansyon na parang may menstruation na naman dahil sa pabago-bago nitong ugali. Ewan ba do'n, simula ng dumating si Nicko nag-iba siya at hindi ko maintindihan. Tututol pa sana ito na sumama ako kaya lang wala na siyang nagawa dahil si Donya Melissa na ang nagpasiya. Pinandilatan nga siya ng Donya kanina dahil ayaw na ayaw nitong sumama ako dahil siya raw ang amo ko at hindi si Nicko. Napapailing na lang talaga ako sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan."Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito." Hindi ko alam kung mangha ba siya o dismayado dahil sa nakita niyang kalagayan ng farm."Sobrang ganda pa rin
last updateLast Updated : 2022-11-08
Read more

Kabanata 31

Kevyn's POV UMAKYAT ako sa aking kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Ipinatong ko sa noo ko ang aking kamay, saka tumingin sa kisame. Bakit nga ba ako nakarating sa farm? 'Yan tuloy napag-isipan ako ni Mommy ng kakaiba, pati si Mara nagtaka kung bakit ako nadoon. Haist! Hindi kasi ako mapakali na kasama ni Mara ang pinsan ko.Kilala ko kasi si Nicko at hindi ito pwedeng pagkatiwalaan. Babaero iyon at baka isama pa niya sa listahanan niya ang pangalan ni Mara. Kilala ko si Mara at sigurado akong hindi naman siya agad-agad papatol sa pinsan ko, pero kilala ko rin ang pinsan ko na talagang matinik sa babae. Hindi lang ata tatlo ang babae niya sa isang linggo at kaya niyang pagsabay-sabayin ang mga iyon. Ganoon siya katinik sa mga babae.Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Sana man lang mapansin ni Mara na hindi si Nicko ang batang masungit noon. Mapansin sana niya na ako ang batang iyon, ang batang maraming natutunan sa kaniya na hanggang ngayon, dala-dala ko.Hindi ko namalay
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Kabanata 32

Mara's POVMAAGA AKONG nagising kahit halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi. Halos buong gabi kasi na iniisip ko si Kevyn. 'Yong kakaibang kilos at titig niya kagabi at 'yong naging karanasan niya noon. Hindi ko inakalang ganoon pala kalungkot ang naging parteng iyon ng buhay niya. Hindi siya malaya sa kabila ng karangyaang tinatamasa niya, na mali sa lahat ng akala ko na kabaligtaran sa totoong siya."Oh! Mara, naunahan ka ata ni Sir Kevyn na magising, ah?" bungad ni Ate Mil nang makarating ako sa kusina. Nandoon siya at naglilinis."Gising na po ba siya?" tanong ko at kumuha ng baso at sinalinan ng tubig. Tinungga ko iyon at muling bumaling kay Ate Mil."Oo, kanina pa.""Saan po siya?""Nasa garden, nagkakape." Itinuro pa niya kung saan ang garden. Ngumiti muna ako kay Ate Mil bago nag-martsa palayo sa kaniya.Seryoso lang ang mukha ko nang tinungo ang hardin. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita agad. Nadatnan ko si Kevyn na tahimik na nakaupo habang kaharap ang isang d
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Kabanata 33

LUMIPAS ANG maghapon na hindi kami nagpapansinan ni Kevyn. Nagtataka na nga sa amin sila Ate Mil maging si Donya Melissa."Bakit parang magkaaway ata kayo ni Kevyn, Mara? Lately, para napapansin kong hindi kayo nag-uusap at nag-iiwasan lang," nagtatakang tanong ni Donya Melissa habang nakatingin sa akin. Tahimik lang si Kevyn na nakaupo sa sofa habang nagtitipa ng cellphone nito."A-ah! H-hindi po kami magkaaway," agad kong tanggi habang alangang Nakangiti. Bahagya ko pang tiningnan si Kevyn na parang walang naririnig. Hindi man lang ako tulungang magpaliwanag sa Mama niya."Bakit parang nag-iiwasan kayo?" usisa nito."H-hindi naman po, Donya, medyo abala lang po ako sa gawaing bahay at hindi naman po talaga kami palaging nag-uusap ni Sir Kevyn," palusot ko at nag-aalangang umiwas kay Donya Melissa baka kasi mahalata nito na nagsisinungalin lang ako.Kapani-paniwala naman ata ang palusot ko. Alam naman kasi ni Donya Melissa na hindi naging maganda ang una pagkikita namin ni Kevyn at l
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more

Kabanata 34

MULI AKONG tumingin sa magarang mansyon. Hindi ko alam pero may pumipigil sa akin na lisanin ang bahay na iyon. Ilang buwan na akong nagtatrabaho doon kaya naman mahirap para sa akin na lisanin ang lugar na na naging tahanan ko sa loob ng maikling panahon. Marami na rin kasi akong alaala dito.Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng sumagi sa isip ko si Kevyn. Agad akong nakadama ng lungkot dahil sa baka hindi ko na siya makita ulit. May bahagi pa rin sa isip ko na pumipigil sa akin. Gusto ko mang manatili sa mansyon, ngunit hindi na maaari. Nakaramdam ako ng kirot ng maalala ko ang sakit na naramdaman ko.Tumalikod na ako at hinila ang maleta ko palayo sa lugar kung saan natuto muli akong umibig. Sa lugar kung saan ko natagpuan ang lalaking akala ko'y siya na talaga. Mabigat ang mga paa kong nilalandas ang hardin palabas ng mansyon. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad ko iyong pinahid at mas binilisan pa ang paglalakad."Anna Marie Castillo!"Napahinto
last updateLast Updated : 2022-11-11
Read more

Kabanata 35

KATAHIMIKAN ang namamayani sa amin ni Kevyn habang lulan ako ng kotse niya para ihatid sa bahay. Ewan ko sa lalaking 'to, pabago-bago ng mood. Hindi ko talaga siya maintindihan. Masyado siyang tahimik at hindi ko mahulaan ang iniisip niya. Napaka-moody niya talaga kahit kailan. Humalukipkip ako at nakasimangot na tumingin sa labas ng kotse. Berdeng mga puno ang bumungad sa akin at iilang bahay na simple lang at gawa sa kahoy at kawayan.Hindi ako nakatiis kaya nilingon ko ulit siya. "Bakit masyado ka atang tahimik, Sir?" basag ko sa katahimikang nakakabingi. Hindi lang kasi talaga ako sanay na hindi siya umiimik na para bang galit siya."It's none of your business, Mara," masungit niyang sagot. Ito na naman siya, nagsusungit. Tsk! Palihim ko na lang siyang inirapan at muling bumaling sa labas ng kotse."It's none of your business, Mara," pabulong kong ulit sa kaninang sinabi niya habang nakasimangot. Nakakainis 'tong mokong na 'to, inaano ko ba siya? Nasisiraan na naman ng bait."May
last updateLast Updated : 2022-11-11
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status