Share

Kabanata 32

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Mara's POV

MAAGA AKONG nagising kahit halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi. Halos buong gabi kasi na iniisip ko si Kevyn. 'Yong kakaibang kilos at titig niya kagabi at 'yong naging karanasan niya noon. Hindi ko inakalang ganoon pala kalungkot ang naging parteng iyon ng buhay niya. Hindi siya malaya sa kabila ng karangyaang tinatamasa niya, na mali sa lahat ng akala ko na kabaligtaran sa totoong siya.

"Oh! Mara, naunahan ka ata ni Sir Kevyn na magising, ah?" bungad ni Ate Mil nang makarating ako sa kusina. Nandoon siya at naglilinis.

"Gising na po ba siya?" tanong ko at kumuha ng baso at sinalinan ng tubig. Tinungga ko iyon at muling bumaling kay Ate Mil.

"Oo, kanina pa."

"Saan po siya?"

"Nasa garden, nagkakape." Itinuro pa niya kung saan ang garden. Ngumiti muna ako kay Ate Mil bago nag-martsa palayo sa kaniya.

Seryoso lang ang mukha ko nang tinungo ang hardin. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita agad. Nadatnan ko si Kevyn na tahimik na nakaupo habang kaharap ang isang d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 33

    LUMIPAS ANG maghapon na hindi kami nagpapansinan ni Kevyn. Nagtataka na nga sa amin sila Ate Mil maging si Donya Melissa."Bakit parang magkaaway ata kayo ni Kevyn, Mara? Lately, para napapansin kong hindi kayo nag-uusap at nag-iiwasan lang," nagtatakang tanong ni Donya Melissa habang nakatingin sa akin. Tahimik lang si Kevyn na nakaupo sa sofa habang nagtitipa ng cellphone nito."A-ah! H-hindi po kami magkaaway," agad kong tanggi habang alangang Nakangiti. Bahagya ko pang tiningnan si Kevyn na parang walang naririnig. Hindi man lang ako tulungang magpaliwanag sa Mama niya."Bakit parang nag-iiwasan kayo?" usisa nito."H-hindi naman po, Donya, medyo abala lang po ako sa gawaing bahay at hindi naman po talaga kami palaging nag-uusap ni Sir Kevyn," palusot ko at nag-aalangang umiwas kay Donya Melissa baka kasi mahalata nito na nagsisinungalin lang ako.Kapani-paniwala naman ata ang palusot ko. Alam naman kasi ni Donya Melissa na hindi naging maganda ang una pagkikita namin ni Kevyn at l

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 34

    MULI AKONG tumingin sa magarang mansyon. Hindi ko alam pero may pumipigil sa akin na lisanin ang bahay na iyon. Ilang buwan na akong nagtatrabaho doon kaya naman mahirap para sa akin na lisanin ang lugar na na naging tahanan ko sa loob ng maikling panahon. Marami na rin kasi akong alaala dito.Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng sumagi sa isip ko si Kevyn. Agad akong nakadama ng lungkot dahil sa baka hindi ko na siya makita ulit. May bahagi pa rin sa isip ko na pumipigil sa akin. Gusto ko mang manatili sa mansyon, ngunit hindi na maaari. Nakaramdam ako ng kirot ng maalala ko ang sakit na naramdaman ko.Tumalikod na ako at hinila ang maleta ko palayo sa lugar kung saan natuto muli akong umibig. Sa lugar kung saan ko natagpuan ang lalaking akala ko'y siya na talaga. Mabigat ang mga paa kong nilalandas ang hardin palabas ng mansyon. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad ko iyong pinahid at mas binilisan pa ang paglalakad."Anna Marie Castillo!"Napahinto

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 35

    KATAHIMIKAN ang namamayani sa amin ni Kevyn habang lulan ako ng kotse niya para ihatid sa bahay. Ewan ko sa lalaking 'to, pabago-bago ng mood. Hindi ko talaga siya maintindihan. Masyado siyang tahimik at hindi ko mahulaan ang iniisip niya. Napaka-moody niya talaga kahit kailan. Humalukipkip ako at nakasimangot na tumingin sa labas ng kotse. Berdeng mga puno ang bumungad sa akin at iilang bahay na simple lang at gawa sa kahoy at kawayan.Hindi ako nakatiis kaya nilingon ko ulit siya. "Bakit masyado ka atang tahimik, Sir?" basag ko sa katahimikang nakakabingi. Hindi lang kasi talaga ako sanay na hindi siya umiimik na para bang galit siya."It's none of your business, Mara," masungit niyang sagot. Ito na naman siya, nagsusungit. Tsk! Palihim ko na lang siyang inirapan at muling bumaling sa labas ng kotse."It's none of your business, Mara," pabulong kong ulit sa kaninang sinabi niya habang nakasimangot. Nakakainis 'tong mokong na 'to, inaano ko ba siya? Nasisiraan na naman ng bait."May

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 36

    HABANG nasa loob ako ng silid, naalala ko ang nangyayari nang nagdaang araw bago ako umuwi at ang mga sinabi ni Kevyn tungkol kay Nicko.[Flashback]"Grabi, ang swerte mo talaga Mara!" bulalas ni Andrea habang nakatingin sa akin. Nandito kami ngayon sa sala at naglilinis doon. Tinutulungan ko kasi silang maglinis kapag tapos na ako ng gawain ko sa taas at sa pag-aasikaso ko kay Kevyn. Hindi hamak na malaki ang sala at mas mainam kung tutulungan ko siya para mabilis matapos sa gawain.Lagi ko na lang iyon naririnig kay Andrea. Ang swerte-swerte ko raw kasi magkaibigan kami ni Nicko tapos mabait sa akin si Kevyn. Sa totoo lang, gusto kong tumawa sa sinabi niya dahil hindi naman totoo na swerte siya. Sobrang sakit kaya sa ulo ng dalawang iyon."Anong swerte do'n, Andrea? E, mabait din naman sa inyo si Sir Kevyn, ah," sabi ko habang nagpupunas ng mga furniture doon. "Alam mo Andrea, iba kasi ang charisma niyang si Mara. Tingnan mo naman, kahit taga-probinsya may angking ganda," puna nama

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 37 (Part 1)

    "ANO BA ANG naisip mo at sa bahay ka mananaghalian?" nakahalukipkip kong tanong kay Kevyn habang lulan kami ng kotse niya patungo sa palengke. Si Mama sana ang mamimili kaya lang nagprisinta si Kevyn na kami na lang daw dalawa ang mamimili. Nahihiya man si Mama pero mapilit talaga siya. Naiinis nga ako dahil imbis na nagpapahinga ako sa bahay, nagpresinta pa siya na akala mo nama'y marunong sa pamimili sa palengke. Eh, ang alam naman niyang bilihan sumpermarket sa mall. "Gusto ko, e," aniya na hindi man lang lumilingon sa akin. Gusto niya? Bakit niya gusto? Anong klaseng sagot daw 'yon? Lumingon siya sa akin at ngumiti. "I want to try something new," pakli nito."Ewan sa'yo!" inis kong sagot at humarap sa bintana. Mas maigi pang pagmasdan ang paligid kaysa kausapin ang lalaking 'to. Nakakainis! Parang kanina lang habang pauwi kami sa bahay ang tahi-tahimik niya tapos ngayon bigla gusto niyang sumubok ng kakaiba. Magulo rin talaga 'tong si Kevyn.Ilang saglit pa at narating namin ang

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 37 (Part 2)

    "WHY? I'm just being kind to her. Bakit parang nagseselos ka?""A-ako nagseselos? A-ang kapal naman ng mukha mong! B-bakit naman ako magseselos?" depensa ko at agad nag-iwas nang tingin sa kaniya. Nakakainis! Nauutal na naman ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. "Bakit ganiyan ang reaksiyon mo kung hindi ka nagseselos?" Napapikit ako ng marahan. Bakit nga ba ganito ang reaksiyon ko? "Nakakainis ka kasi!" sabi ko na bahagya lang siyang hinarap at muling naglakad. Nagtungo ako sa tindahan ng mga gulay at tumingin doon ng sariwang mga gulay para hindi na rin umimik si Kevyn."Ate, repolyo po," pukaw ko sa babaeng busy sa isang costumer. Hinarap ako nito at ibinigay ko sa kaniya ang dalawang bilog na repolyo. Hindi na ako hihingi ng tawad at baka makasapak lang ako kapag hindi ako pinagbigayan 'tapos si Kevyn, pagbibigyan nila."K-kevyn!" Napapitlag ako ng marinig ang sigaw na iyon. Lumingon ako sa babaeng pinagmulan ng tinig at nakita ko ang tindera na nakatingin kay Kevyn na nakat

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 37 (Part 3)

    "ATE, naistatwa ka na diyan." Nagbalik ako sa huwisyo dahil nang marinig ko si Jastro. Napakurap ko ako at binalingan ang kaibigan ko. Nakita kong papasok na ito ng bahay. Napalunok ako nang makita ko si Kevyn na seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong simpleng ngiti na nakita ko sa labi niya. Inayos ko muna ang sarili ko bago naglakad para sundan sila.Dahil nabasa ng pawis si Kevyn, pinahiram siya ni Jastro ng jersey nito. Pumwesto na ako sa bakanteng upuan habang nagbibihis si Kevyn. Hindi naman kasi pwedeng hindi siya magpalit dahil baka magkasakit siya kapag natuyuan ng pawis.Mayamaya'y lumabas na ng banyo si Kevyn. Napatingin ako sa kaniya at agad ding umiwas. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil baka nakita niyang natulala ako sa kaniya kanina. Umupo siya sa katabi kong upuan dahil iyon na lang ang bakante. Nakaramdam ako ng kakaibang pagkailang."Kain na tayo," deklara ni Mama ng makaupo na si Kevyn. Binalingan nito si Kevyn. "Ito, Sir

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 38

    "OH, NICKO? Ano'ng ginagawa mo rito?" bulalas ko nang makita ko si Nicko sa labas ng bahay. Narinig ko kasing may tumigil na sasakyan kaya lumabas ako. Akala ko nga si Kevyn iyon pero bakit nga naman siya babalik?"Wala, gusto lang kitang dalawin. I can't wait in the mansion, kaya pumunta ako rito. I miss you, Mara." nakangiti niyang pakli at tumingin sa paligid para suriin iyon.Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Paano naman kaya niya nahanap ang bahay ko? Nagtataka ko siyang tiningnan. "Paano mo naman nahanap ang bahay namin?" seryoso kong tanong at hindi pinansin ang huli niyang sinabi. Hindi pa rin ako sanay. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Nakasuot lang siya ng simpleng short at saka t-shirt. Tiningnan ko siya habang naghihintay ng sagot niya. "If you really want something, you will make a way to get this kay nagtanong ako diyan sa labasan at tinuro nila ako rito," sagot niya at ngumiti na parang proud na proud dahil sa ginawa niya.Amimin ko man o hindi, natuwa ako sa ginawa ni

Pinakabagong kabanata

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 5

    Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 4

    Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 3

    Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 2

    Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 1

    (Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 64

    Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 63

    DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 62

    NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 61

    TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman

DMCA.com Protection Status