"OH, NICKO? Ano'ng ginagawa mo rito?" bulalas ko nang makita ko si Nicko sa labas ng bahay. Narinig ko kasing may tumigil na sasakyan kaya lumabas ako. Akala ko nga si Kevyn iyon pero bakit nga naman siya babalik?"Wala, gusto lang kitang dalawin. I can't wait in the mansion, kaya pumunta ako rito. I miss you, Mara." nakangiti niyang pakli at tumingin sa paligid para suriin iyon.Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Paano naman kaya niya nahanap ang bahay ko? Nagtataka ko siyang tiningnan. "Paano mo naman nahanap ang bahay namin?" seryoso kong tanong at hindi pinansin ang huli niyang sinabi. Hindi pa rin ako sanay. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Nakasuot lang siya ng simpleng short at saka t-shirt. Tiningnan ko siya habang naghihintay ng sagot niya. "If you really want something, you will make a way to get this kay nagtanong ako diyan sa labasan at tinuro nila ako rito," sagot niya at ngumiti na parang proud na proud dahil sa ginawa niya.Amimin ko man o hindi, natuwa ako sa ginawa ni
TAHIMIK LANG ako na sumakay sa kotse ni Kevyn. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Nakakapanibago ang pagiging tahimik niyan at hindi man lang niya ako tinitingnan. Umiiwas siya at hindi ko alam kung bakit. May nangyari ba kaya hindi niya ako pinapansin? Ok naman kami bago siya umalis nang bahay noong nagdaang araw.Tiningnan ko siya. Tahimik lang siya at bahagyang nakatagilid ang mukha. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nabigo ako nang wala akong marinig na kahit ano mula sa kaniya hanggang sa pinaandar na niya ang kotse. Ano na naman kayang problema niya? No'ng isang araw lang ay ang saya-saya niya at halos ayaw nang umalis sa bahay, tapos ngayon ganito siya?"Hoy, hindi mo ba ako papansinin?" basag ko sa katahimikan dahil hindi ako makatiis na hindi siya komprontahin. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Excited pa naman akong makita siya ulit tapos ito ang sasalubing sa akin? Hindi niya ako papansin. Nakakainis!Lalo akong nainis ng hindi niya a
"HA?! NAG-AWAY sila dahil sa akin, bakit?" gulat kong tanong ng sabihin ni Ate Mil na ako ang dahilan nang pag-aaway ni Kevyn at Nicko habang wala ako sa mansyon. Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit ako ang dahilan nang pag-aaway nila. Ano'ng mayroon sa akin para pag-awayan nilang dalawa?"Narinig lang namin na binabanggit nila ang pangalan mo habang nag-aaway. Nahirapan nga kaming awatin silang dalawa, e," ani Ate Clara."Sabi pa ni Sir Kevyn, na huwag ka daw paglaruan ni Sir Nicko," segunda naman ni Andrea, habang ako ay nakatulala pa rin at pilit iniintindi ang mga sinabi nila. Hindi ako makapaniwala na ako ang dahilan ng pag-aaway nila.'Wag akong paglaruan? Iniisip pa rin ba ni Kevyn na hindi seryoso si Nicko akin at baka paglaruan lang ako nito.Hindi ko na sila sinagot at agad akong naglakad paakyat sa second floor. Kakausapin ko si Kevyn para malinawan ako sa nangyari. Ni sa hinagap ko hindi ko inisip na ako ang pinag-awayan nila. Anong dahilan nila? Sumasakit ang ulo ko sa
LUMABAS AKO ng silid pagkatapos kong maligo. Hindi naman kasi maaari na lagi na lang akong nasa kwarto dahil hindi naman ako ang may-ari ng bahay. Katulong pa rin ako at kung may kailangan gawin, kailangan kong magkusa para roon."Mara."Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Nicko. Lumapit siya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil tila ayaw niyang alisin ang tingin sa akin habang bakas ang kakaibang saya sa mukha nito. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. "B-bakit?" tanong ko at tumalikod sa kaniya. Humakbang ako. Narinig ko rin ang paghakbang niya senyales na sumusunod siya sa akin."Date tayo, pwede?" Napahinto ako sa narinig ko at lumingon kay Nicko. Nakita ko ang pagkaseryoso sa mukha nito, 'di ko iyon mabakasan ng pag-aalinlangan."Date? Gusto mong mag-date tayo?" gulat kong sabi habang nakatingin lang sa kaniya."Yes, kung papayag ka," anito pa, saka ngumiti sa akin. Alam kong seryoso siya roon kaya bakit hindi na lang ako pu
IPINIKIT KO ang aking nga mata kasabay ng pagdipa ng mga braso ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin na tila yumayakap sa akin ngayon. Sa tuwing nandito ako sa bukid na ito, kaginhawahan ang palagi kong nararamdaman. Iba kasi ang ambiance ng lugar dahil sa nakapalibot na puno at sariwang hangin doon na parang inaalis ang paningin ko at kino-comfort ako."Everytime I'm here, I feel free. Gumiginhawa ang pakiramdam ko. Kaya pala gustong gusto mo ang lugar na ito," simula ni Nicko. Lumingon ako sa kaniya na nakatingin sa berdeng bundok. Halata sa mukha niya ang saya.Bumaling ako sa bundok kung saan siya nakatingin. "Simula noon, gusto ko na talaga ang lugar na ito dahil kapag nandito ako, gumagaan ang lahat. Maganda rin ang tanawin rito at sariwang hangin ang malalasap mo," ani ko at ngumiti na magkadikit ang mga labi."Memorable na rin ang lugar na ito sa akin dahil dito tayo unang nagtagpo. Pinagkamalan mo pa akong masamang tao noon," tatawang sabi niya.Napakunot ang noo ko at lumingo
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang maaliwalas na gabi habang nakatayo sa gilid ng terrace. Medyo napagod din ako sa ginawa namin ni Nicko sa bukid. Naging maayos naman ang pagpunta namin doon at alam kong naging masaya rin si Nicko at panandalian kong nakalimutan si Kevyn.Pero ngayon na nandito na naman ako sa mansyon, si Kevyn na naman ang laman ng isip ko. Nakaka-miss 'yong dati. 'Yong dati na magkaibigan kami ni Kevyn. Nagpapansinan, nagngingitian, nagtatawanan, at nag-uusap. Ilang araw na ba niya akong hindi pinapansin? Para kasing pakiramdam ko buwan na ang nakaraan."Hindi ka pa ba inaantok?"Mabilis akong lumingon nang marinig ko ang boses na iyon na gusto ko palaging marinig. Tumambad sa akin si Kevyn. Ang sarap pakinggan ng boses niya na parang ngayon ko lang ulit narinig sa loob ng mahabang panahon. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip. Umiwas ako sa kaniya ng tingin."Bakit ikaw, hindi ka pa natutulog?" balik kong tanong na halata doon ang inis. Tumalik
"SABIHIN MO na kasi Sir, ang dahilan mo kung bakit kailangan mo akon iwasan at yong sinabi mong may k-kailangan kang linawin?" pamimilit ko kay Kevyn. Ayaw kasi niyang sabihin sa akin kung ano ang totoong dahilan niya kaya hindi niya ako pinansin nitong mga nakaraang araw. Halos hindi na ako makatulog kakaisip doon at sa sinabi niya sa akin nang yakapin niya ako. Alam kong mahalaga iyon dahil kung hindi bakit pa niya ako kailangang iwasan?Umismid siya at kumunot ang noo. "Kahit kailan ang kulit mo talaga, Mara. Just don't ask ok?" naiiling na sagot niya kaya sumimangot ako. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi mo na kailangang malaman iyon, Mara ang importante naman sa akin, ok tayo." Kita kong ngumiti siya kahit naka-sideview siya. Ngumuso ako at umirap. "Ok, sabi mo, eh. Bahala ka na nga!" sabi mo kahit hindi ako kontento sa sagot niya. Tumalikod ako at naglakad pababa ng terrace habang nakasimangot at bumubulong-bulong.Kasalukuyan akong naglalakad pababa ng hagdan ng marinig ko
NAIINIS AKO! Naiinis ako dahil kay Jenicka dahil kasama niya ngayon si Kevyn sa farm. Naiinis ako at hindi mapakali. Mababaliw na ata ako kakaisip kung ano'ng ginagawa nila roon. Halos ayaw na ngang bumitaw ni Jenicka kay Kevyn. May payakap-yakap pang nalalaman at kulang na lang ata ay maghubad ito sa harap niya."Bakit simangot na simangot ka?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko Nicko. Tumabi siya sa akin habang nasa gilid ako ng terrace. Inalis ko rin agad ang tingin ko sa kaniya. Kanina pa siyang nakabalik galing sa paghatid kila Mama tapos si Kevyn at Jenicka wala pa rin hanggang ngayon. Nakain na nga rin niya ang nilagang saging na dala ni Mama. Natatawa nga ako habang pinapanood siyang kumakain dahil halatang sarap na sarap siya sa kinakain."Kapag ba gusto mo ang isang tao, ayaw mong may kasama siyang iba? 'Yong gusto mo ikaw lang ang kasama niya at gusto mong lagi ka niyang pinapansin?" kapagkuwa'y seryoso kong tanong. Bahagya ko lang siyang nilingon at bumaling muli sa
Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya
Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'
Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako
Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi
(Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h
Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag
DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy
NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman