Alana Amoire's Point of View "I will fetch you later, baby. May meeting lang si mommy this morning kaya hindi ka pwedeng sumama." Tahimik na nakatingin sa akin ang anak ko habang humihikbi pa din. Mula kaninang pagkagising ko ay wala siyang mukhang bibig kung hindi ang gusto niyang sumama. Kahit gusto ko ay hindi pwede dahil mahalaga ang pag-uusapan namin ni Ms. Consuelo. Ang ikinatatakot ay baka hindi ko siya mabantayan ng mabuti. "I just wanna come with you. I promise, I will behave!" she said, nakanguso ang labi niya habang pulang-pula naman ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. "Sama na kasi ako, Mommy. Sige na!" I sighed, "Ganito na lang... How about after the meeting, I will fetch you and then we will go to the mall?" Her eyes widened, "Really? We will go to the mall?""Yes, basta hindi ka magiging makulit. Hindi ka iiyak after umalis ni Mommy." I answered and then nodded. Mixi happily claps her hands. Tumayo siya at tumakbo sa akin para yakapin ako. "Okay! I'll promise!"
Last Updated : 2022-11-11 Read more