"Umalis ka na muna diyan Lei," Sabi sa kanya ni Meredith ng tawagan niya ito. Laking pasasalamat niya na wala ang kaibigan sa kanilang apartment ng pasukin ng masamang loob na iyon. Or else, baka kung ano na ang nangyari rito.Kakatapos lang din ng ginawang ilang katanungan sa kanya ng mga pulis. And right now, si Levin naman ang kausap ng mga ito at iilang kapitbahay.Bagama't nanginginig pa rin ay kahit paano kumalma na siya. "Mahirap na baka balikan ka o may ibang kasama pa ang taong iyan at nag-aabang lang." Dugtong nito.With the police around, alam niyang hindi na muna mangingiming gumawa ng ano mang hakbang ang mga iyon, pero mabuti na rin yung nakakasiguro. Isa pa, matapos ng napagdaanan niya kanina, hindi niya alam kung maaatim niya pang manatili ngayong gabi sa apartment.Pero saan siya pupunta? Tumingin siya sa direksyon ni Levin.Oo nga pala, matapos ang nangyari, she doubt if Levin will let her be alone tonight. Sigurado, hindi nito hahayaan na mapag-isa siya."Ang mab
Last Updated : 2022-11-24 Read more