"Do you know Aries?" Tanong niya kay Levin habang binabaybay nila ang kahabaan ng highway. Diretso ang tingin nito sa daan habang nagmamaneho. Kung ano ang nasa isip nito ay hindi niya kayang hulaan.Hindi agad ito sumagot. Nanatili ang tingin nito sa daan. Still, with his grimly face."Stay away from him." Maya-maya'y mariin na sabi nito na hindi man lang lumilingon.She smirk, and raised her brows. "I should stay away from the both of you."Saka palang siya nito tinapunan ng tingin. "If you want to stay away from me, bakit ako ang pinili mo?"She smirk more. "I didn't choose you, a-ayoko lang na sumama kay Aries."Hindi niya gustong kalkalin pa, pero tingin niya kailangan niyang ipaliwanag rito ang dahilan kung bakit ito ang pinili niyang samahan. She don't want him to think something else. Ngunit inunahan siya nito."Why? Dahil ex-boyfriend mo siya?" Umangat ang tingin niya rito saka napakunot-noo. "Paano mo nalaman?" And then realization came upon her. "Don't tell me, pinaimbe
"Umalis ka na muna diyan Lei," Sabi sa kanya ni Meredith ng tawagan niya ito. Laking pasasalamat niya na wala ang kaibigan sa kanilang apartment ng pasukin ng masamang loob na iyon. Or else, baka kung ano na ang nangyari rito.Kakatapos lang din ng ginawang ilang katanungan sa kanya ng mga pulis. And right now, si Levin naman ang kausap ng mga ito at iilang kapitbahay.Bagama't nanginginig pa rin ay kahit paano kumalma na siya. "Mahirap na baka balikan ka o may ibang kasama pa ang taong iyan at nag-aabang lang." Dugtong nito.With the police around, alam niyang hindi na muna mangingiming gumawa ng ano mang hakbang ang mga iyon, pero mabuti na rin yung nakakasiguro. Isa pa, matapos ng napagdaanan niya kanina, hindi niya alam kung maaatim niya pang manatili ngayong gabi sa apartment.Pero saan siya pupunta? Tumingin siya sa direksyon ni Levin.Oo nga pala, matapos ang nangyari, she doubt if Levin will let her be alone tonight. Sigurado, hindi nito hahayaan na mapag-isa siya."Ang mab
Napabalikwas siya ng bangon ng makita ang oras sa maliit na orasan na nakapatong sa sidetable ng kama. Mag-aalas nueve na ng umaga. Bahagya pa siyang nagtaka ng makita ang hindi pamilyar na kwarto, ngunit ng maalala ang nangyari kagabi ay napabuntong-hininga na lamang siya.Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Pagkatapos niyon ay minasdan niya ang sarili sa salamin. Dark circles are obviously around her eyes. Bukod sa alas dos na yata siya nakatulog kagabi ay palagi ring masama ang kanyang pakiramdam nitong nakaraan. Kailangan na talaga niyang magpa-check-up. Inayos niya ang robang suot. Hindi siya nakapagdala ng damit kagabi, kaya natulog siya na iyon ang kanyang suot. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya lumabas. Napakatahimik ng buong living room, ngunit may naaamoy siyang mabangong aroma ng pagkain mula sa kusina. She walk towards the kitchen at nadatnan niya si Levin na abala sa kitchen counter at nagluluto. Napatigil siya. Wala sa sariling na
Sa huli, napagtanto niyang tama nga na doon muna sila ni Meredith kay Levin. As of now it was the safest place for them. The penthouse where he is living has a tight security, bantay sarado, at kabi-kabila ang mga CCTV. Wala ring masama sa suhestyon nitong bigyan siya ng bodyguards. It was all for her safety. Dapat magpasalamat siya, pero imbes na gawin iyon ay nakipag-argumento pa siya rito at pinaghinalaan.She bit her lip as she watch him seriously driving. Papunta sila ngayon sa pinagtatrabahuhan niyang mall para ipaalam ang dahilan ng kanyang pagliban.Kagagaling lang nila sa kanilang apartment. And she just pack a few of her things. Kung si Levin nga ang masusunod ay hindi na nito gustong bumalik pa sila doon. Nagsuhestyon itong mamimili nalang sila ng mga bagong gamit niya, which is hindi siya pumayag. Kahit sa puntong iyon lang, gusto niyang siya ang masusunod. Thankfully, nirespeto naman siya nito.She already called Meredith, at pupunta nalang daw ito mamaya sa penthouse
--LEVIN--"Anong gusto mong gawin namin sa kanya Lev?" Mula sa ika tatlumpung palapag ng kanyang penthouse ay idinako niya ang mga mata sa kalsada sa ibaba. Kita niya ang paroo't-parito na mga sasakyan. His eyes were emotionless."Ibigay ninyo sa kanya ang nararapat na leksyon. But you know my rules Nard." Tiim ang mga labing sabi niya kay Meynard.Sa kagustuhan niyang makita agad ang lalakeng nanloob sa apartment nina Aleia, ginamit na niya ang mga tauhan sa organisasyon, and as expected, wala pang beinte kwatro oras nakita na ng mga ito ang taong iyon. Una pa lang hindi na siya naniniwalang pagnanakaw ang motibo ng panloloob na iyon. It was beyond that, at hindi nga siya nagkamali. They are after Aleia. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sino mang mangangahas na saktan ito. He will going to move heaven and earth para lamang mahanap ang taong gumawa non. "Areglado Lev." Iyon lang at ibinaba na ni Meynard ang cellphone nito. --ALEIA--Tatlong araw na buhat ng manirahan sila sa p
"Magpapaalam sana ako sa darating na linggo." Mula sa kinakain ay napa-angat ang tingin ni Levin sa kanya. Kumunot ang noo. "Ahm, may pupuntahan lang ako... Importante." Binigyan diin niya ang huling salita.Ikiniling nito ang ulo. "Saan?" "Bibisitahin ko sana ang bahay ampunan kung saan ako lumaki. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakabisita doon. Nami-miss ko ang mga bata.""Then we will go there on Sunday." He said with emphasis on his words na para bang wala na itong balak bigyan siya ng pagkakataong tumutol. Tumango-tango nalang siya kahit na tutol ang loob niyang kasama ito pupunta doon. Mas okey na rin iyon kaysa sa hindi ito pumayag. Pero teka? Kailan pa niya kinailangan ang pagsang-ayon nito? Hindi naman niya ito asawa para magpaalam pa sa lahat ng kanyang gagawin ah? Ni hindi niya ito boyfriend. Pero heto siya at nagpapaalam na tila may kinalaman sila sa isa't-isa.Malalim nalang siya napabuntong-hininga saka kinastigo ang sarili. Kalaunan isiniksik niya nalang s
"Lei!"Kunot-noong sambit ni Meredith sa kanya nang mabungaran siya sa pinto."Why are you in a hurry? May nangyari ba?" Agad na tanong nito.Natigilan siya saka napakagat-labi. Maya-maya ay alanganin siyang ngumiti. "Nasa sala pa ba sina Levin?" Mas lalong kumunot ang noo nito. "I didn't saw him. But wait.. sina? May kasama siya kanina doon?" Tumaas ang kilay nito na tila may narealized. "Base on the urgent tone of your voice.. babae ang kasama niya noh?"Umiwas siya ng tingin saka tumango. "Nandito si Silvana, lasing na lasing." Mahina niyang sabi."Silvana? Siya ba yung babaeng matalim ang dila? The one you talked to me about? Yung may gusto kay Levin?"Muli siyang tumango. Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang mahina nitong paghagikhik. "And you're jealous?" Tanong nito, kasabay ang pagngisi.She open her mouth to speak, pero inunahan siya nito."Oops don't try to deny it friend. Kitang-kita kaya diyan sa mukha mo, at tingin ko nga, ano mang sandali ay sasabog na ang dib-dib
"Ate Lei..!" Yakap ng munting mga kamay ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa saint Gabriel orphanage. Ang bahay ampunan kung saan siya lumaki at nagkaisip."Lira," May galak sa boses na sabi niya saka niyakap rin ng mahigpit ang batang babae.Pagkatapos ng ilang sandali ay binigyan niya ng distansiya ang kanilang mga katawan saka ito minasdan."Ang laki mo na ah.." nakangiti niyang sabi. Halos tatlong buwan din siyang hindi nakabisita doon, and she really miss them."Bakit ang tagal mo pong hindi nakapunta rito ate Lei?" Nakangusong tanong nito.Sinikop niya papunta sa likod ng taynga nito ang magulo nitong buhok at pinahid ang pawis sa noo nito gamit ang kamay. "Pasensiya na hah, naging busy kasi si ate Lei sa trabaho nitong nakaraan. Hindi ka naman nagpasaway kay mother Esther di ba?" Umiling ito. "Hindi po. Naging mabait po ako. Promise ko po iyon sayo di ba? At saka nag-aaral po ako ng mabuti. Marunong na po akong magsulat ng pangalan at saka mag
Authors Note:I'm not into sad ending that's why I always write stories with happy one.So here we go again.. another story with a happy ending.Again, thank you guys for the wait, for the support and for the love you gave to this story. It will be forever treasured.Hopefully you'll continue to support my journey in writing.Hanggang sa muli.. Mahal ko kayo..>>>>>>THEY stayed at the hospital for another three days before the Doctor finally allowed them to go home. Maayos na ang kalagayan ni Levin. He's out of danger. Pero siyempre, dahil may fracture ang tuhod nito kaya naka-wheelchair muna ito.Sinalubong sila kaagad ng mga bata pagkabukas pa lamang ng pinto ng Penthouse. "Papa.. Mama.." They happily called. They went directly on Levin and hold him with longing."How are you na po, Papa?" Tanong ni Kiel.Ngumiti si Levin pagkunwa'y ginulo ang buhok nito. "I'm very much fine.. I'm happy to be back home. Hindi ba kayo nagpasaway rito kay Lola Soledad?" He asked and r
It was as if a heavy weight was lifted from her shoulder as she saw him open his eyes. Nang yumuko siya para yakapin ito ng mahigpit at naramdaman ang init ng katawan nito, she knew, he made it. He managed to hold on and be saved.At sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig nito ang taimtim niyang panalangin. Sa sobrang saya niya ay napahagulgol siya sa bisig nito. "Ang sama mo... Pinag-alala mo ako ng sobra." Sumbat niya pero mahigpit namang nakayakap rito. Naramdaman niya ang unti-unting pag-angat ng kamay nito papunta sa kanyang likod. He then caress her back gently."I-I'm fine now. Kaya huwag ka ng umiyak." Paos nitong sambit.Napahikbi siya. "Takot na takot ako.. akala ko talaga, tuluyan mo na akong iiwan."Sabi niya saka ini-angat ang luhaang mukha rito. Halata sa mukha nito ang panghihina pero nagawa nitong marahan na ngumiti.Ini-angat nito ang kamay papunta sa mukha niya saka hinaplos iyon. "B-Bakit ko gagawin iyon, eh alam kong iiyak ka ng ganito? Stop cryi
NANGHIHINA siyang napasandig sa naroroong pinto. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang komosyon ng mga Doctor sa loob ng ICU."300 joules.. clear..!""Clear..!"Pangatlong beses na niyang narinig ang sigaw na iyon. And rising the electric current to almost it's limit indicates that there's still no sign of him breathing. Tumaas pa iyon sa 320 joules. Umupo na siya doon na takip-takip ang kanyang taynga. Her whole being is shivering. From fear and from pain. Biglang natahimik sa loob ng ICU kaya dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa maliit na siwang ng pinto.Her eyes widened in fear as she saw the flat line on the electronic machine infront of Levin's bed. Wala man siyang alam sa medisina, ngunit hindi ang bagay na iyon. Iisa lang ang ibig sabihin ng flat line na iyon. That is.. Levin's heart already stop beating. And the Doctor in charge is already taking his surgical mask. Lumalapit dito ang isang nurse na may dalang notepad. Iisa lang ang ibig sabihin niyon..Sumuko na an
She's in histerics. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat. Naginginig sa matinding takot. The blood on Levin's chest is still gushing. And he's unconscious. Mahigpit niyang hawak ang nanlalamig nitong kamay. Her tears were blinding her. Ini-angat niya ang duguang kamay nito at dinama sa kanyang mukha."Please.. please.. don't do this to me Lev. Alam mong hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo ako." She begged with trembling voice.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang ambulansiya, nakahiga ito sa stretcher habang siya ay nasa gilid nito. Sa kabilang gilid naman ay naroroon ang dalawang medic. One is monitoring the oxygen, at ang isa naman ay ikinakabit nag dextrose.Sa kalagitnaan ng katahimikan ng gabi, umalingawngaw sa daan ang sirena ng ambulansiya na kinalululan nila. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver, halos paliparin na nga iyon, at hindi na alintana ang mga parte na daang may lubak, pero para sa kanya, mabagal pa rin iyon. She wanted to reach the h
Pagkarinig sa sinabi na iyon ng tao ni Miguel, ay napangisi ito. Isang ngising nagpatindig sa kanyang mga balahibo sa katawan."O di ba sabi ko, kusa niya akong hahanapin?" He said. Kung sa kanya o sa mga kasama nito ay hindi niya alam. Maybe to the both of them. Mariin siyang napalunok habang tinatanaw ang ginagawa nito sa baril nito. Wala ni katiting siyang pagdadalawang isip na nakikita sa mga mata nito. All was in his eyes is darkness and the hatred he have for Levin. "Pakawalan mo ako dito, Miguel!" She hissed and tried to struggle. Gustong-gusto niyang makawala para takbuhan ang kinaroroonan ni Levin ngayon. To give him warning, to run away with him far from that place. To escaped. Pero dahil nakatali siya ay hindi niya magawa. Nanatili na lamang sa kanyang isip ang kagustuhang iyon."Huwag kang mag-alala mahal kong kapatid, pakakawalan naman kita eh. Pakakawalan kapag napatay ko na si Levin.." Matigas at madilim nitong sabi.She shiver at that thought. Hindi iyon pwedeng m
Marahan at walang ingay siyang lumabas mula sa kinakukublihang gilid ng makitang dumating na ang kanyang pakay.Sumisipol pa ang lalake habang ibinabababa ang hawak na baril sa mesa pagkunwa'y naghubad ng t-shirt. Inilang hakbang niya ang kanilang pagitan, at naramdaman nito iyon. Tinangka nitong damputin ang ulit ang baril nito, but it was too late. Nasa likod na siya nito at mahigpit ng nakadiin ang kanyang braso sa leeg nito. "Nasaan si Miguel?!" He asked fiercely.Ramdam sa braso niyang nasa leeg nito ang mariin nitong paglunok."L-Lev..." Hirap nitong sambit. Magkagayon man, bakas sa boses nito ang gulat."Tinatanong kita! Nasaan ngayon si Miguel?" "H-Hindi ko alam--ahg!" Daing nito nang mas lalo niyang pang hinigpitan ang kanyang pagkakasakal rito. Nagpumiglas ito, trying so hard to breath. Pero wala itong laban sa kanyang lakas.He was too angry to give even a little bit of remorse.Nang makitang tila hindi na ito makahinga, ay niluwagan niya ng kaunti ang kanyang braso. He
--LEVIN--"Levin, anong nangyari? Where's Aleia? Tell me, hindi totoo yung nasa balita di ba?" Mariin siyang napapikit sa tanong na iyon ng biyenan. Hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. Nahihiya siya, kagabi lang buong tapang niyang sinabi na poprotektahan niya ang asawa kahit kapalit pa ang kanyang buhay, at ngayon... Wala pang beinte kwatro oras ang lumipas ay nangyari na ito. Dahil doon kaya hindi niya alam kung paano haharapin ang biyenan. Narinig niyang tuluyan na itong napaiyak sa kabilang linya. Para niya na rin kinumpirma ang katotohanan ng hindi siya agad nakasagot."Kagabi ka lang nangako. Sabi mo gagawin mo ang lahat para protektahan siya. Anong nangyari?" Di nito napigilang sumbat. At mas lalo lamang siya nagagalit sa sarili at nahihiya rito. Isa siyang walang silbi!"I-I'm sorry ma'am. Kasalanan ko ang lahat." Iyon nalang ang tanging nasabi niya. "Pupunta kami diyan ni Manolo. I want to know every details about what happened. Hindi ako matatahimik dito han
"Where are you?" Napakunot-noo siya ng marinig ang boses ng asawa na tila natataranta sa kabilang linya."Kanina pa ako tumatawag, why didn't you answer your phone?" "I'm sorry, it was in my bag. Naka silent kasi kaya hindi ko narinig. Umuwi lang ako saglit ng bahay para kumuha ng gamit namin ni Kiel. Pero pabalik na ako. I'm on the way. Nagpaalam ako kay inay hindi niya ba nasabi sa--""Did you bring your bodyguards with you?" He cut her in panic. Lumingon siya at nakita niya ang pamilyar na SUV na nakasunod sa kanya. "Yes, nakasunod sila sa amin ni Morgan." Sabi niya na tiningnan rin ang lalakeng nasa driver seat."Why?" "Listen carefully, umuwi na kayo agad. Huwag ka ng dumaan sa kung saan-saan pa. Its dangerous out there. Bakit ba kasi hindi mo nalang inutos sa katulong ninyo na dalhin sa Penthouse ang mga gamit ninyo. Sweetheart, I'm--""I-I'm fine, Lev. Pauwi na ako at saka kasama ko naman ang mga bodyguards.""Where are you exactly? Magpapadala pa ako ng additional bodygua
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at marahan na inikot sa kanyang gilid. Nang masilayan niya ang kanyang mga-aama ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Cena is on her side, sa tabi nito ay si Kiel na katabi naman ni Levin. Both three are still peacefully sleeping.Ah, this is a dream came true for her. Waking up with her little family on her side is priceless. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. She will treasure this scene as long as she is living. Idinako niya ang kanyang mga mata sa maliit nga orasan sa side table and found out that its still four thirty in the morning.Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. May oras pa siya. May oras pa para namnamin ang sandaling iyon. Inabot niya ang kamay ni Levin na noo'y nakapatong sa bandang gitna nina Cena at Kiel at mahigpit iyon na hinawakan. Pagkatapos non ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata na may masayang ngiti sa labi.>>>"Wake them up Kiel, mataas na ang sikat ng araw. Nakalu