"Lei!"Kunot-noong sambit ni Meredith sa kanya nang mabungaran siya sa pinto."Why are you in a hurry? May nangyari ba?" Agad na tanong nito.Natigilan siya saka napakagat-labi. Maya-maya ay alanganin siyang ngumiti. "Nasa sala pa ba sina Levin?" Mas lalong kumunot ang noo nito. "I didn't saw him. But wait.. sina? May kasama siya kanina doon?" Tumaas ang kilay nito na tila may narealized. "Base on the urgent tone of your voice.. babae ang kasama niya noh?"Umiwas siya ng tingin saka tumango. "Nandito si Silvana, lasing na lasing." Mahina niyang sabi."Silvana? Siya ba yung babaeng matalim ang dila? The one you talked to me about? Yung may gusto kay Levin?"Muli siyang tumango. Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang mahina nitong paghagikhik. "And you're jealous?" Tanong nito, kasabay ang pagngisi.She open her mouth to speak, pero inunahan siya nito."Oops don't try to deny it friend. Kitang-kita kaya diyan sa mukha mo, at tingin ko nga, ano mang sandali ay sasabog na ang dib-dib
"Ate Lei..!" Yakap ng munting mga kamay ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa saint Gabriel orphanage. Ang bahay ampunan kung saan siya lumaki at nagkaisip."Lira," May galak sa boses na sabi niya saka niyakap rin ng mahigpit ang batang babae.Pagkatapos ng ilang sandali ay binigyan niya ng distansiya ang kanilang mga katawan saka ito minasdan."Ang laki mo na ah.." nakangiti niyang sabi. Halos tatlong buwan din siyang hindi nakabisita doon, and she really miss them."Bakit ang tagal mo pong hindi nakapunta rito ate Lei?" Nakangusong tanong nito.Sinikop niya papunta sa likod ng taynga nito ang magulo nitong buhok at pinahid ang pawis sa noo nito gamit ang kamay. "Pasensiya na hah, naging busy kasi si ate Lei sa trabaho nitong nakaraan. Hindi ka naman nagpasaway kay mother Esther di ba?" Umiling ito. "Hindi po. Naging mabait po ako. Promise ko po iyon sayo di ba? At saka nag-aaral po ako ng mabuti. Marunong na po akong magsulat ng pangalan at saka mag
She was dumbfounded! Ang ngiti sa kanyang mga labi ay unti-unting nawala.For a moment she just stare at him speechless. Siya? Nagpapatibok ng puso nito? Pinaglalaruan ba siya nito? Sinusubukan?Pero seryosong-seryoso naman ang mukha nito. He is looking at her with all the truth in his eyes.Sunod-sunod siyang napalunok. The past beating of her heart sent shiver even into the depths of her soul. "Naku.. sobrang natutuwa ako. Ang dalawang taong malapit sa puso ko at ng mga bata ay magkasama ngayon at nagkakamabutihan." Hilaw niyang iniwas ang mga mata rito at bumaling kay mother Esther."Ate Lei... Gusto ko na pong makita ang gift ko." Narinig niyang sabi ni Lira. Bahagya pa nitong hinila ang kanyang kamay. "Ako ba ate Lei, may gift din?" Si Sammie. Na sinundan na ng iba pa. "Kami din ate Lei?" Ang kaninang saglit na tila pagkakatigil ng mundo para sa kanya ay biglang napuno ng ingay ng mga bata. Pinalibutan na siya ng mga ito at excited na nagtatatanong."Ako din po, gusto ko n
"Bakit hindi mo sinabi na pumupunta ka pala rito?" Mula sa pagmamashid sa mga bata ay lumingon si Levin sa kanya. Kasalukuyan itong nakaupo sa may bench at nakangiting minamasdan ang mga batang naglalaro sa playground.Nang makita nitong humahakbang siya palapit ay umurong ito sa gilid at binigyan siya ng espasyo para makaupo."Hindi ko naman alam na dito ka pala lumaki. Kanina ko lang nalaman ng sabihin mo ang address ng pupuntahan natin."Bumaling siya at tiningnan ito. Nananantiya. "Salamat nga pala sa tulong mo sa ampunan."Pagak itong tumawa. "Hindi ka ba makapaniwala na marunong din tumulong ang isang kagaya ko?" Nagkibit siya ng balikat. "I never saw that as your forte. Kaya Oo, nagulat nga ako." Mas lalo lang lumakas ang tawa nito. "You really saw me as devil in disguise huh? Tell me, nagbago na ba ang tingin mo sa akin ngayon?" Tinaasan niya ito ng kilay saka umiling-iling. "Hindi pa rin..." Sagot niya. Pero sa pagkakataong iyon, may multo na ng ngiti ang gilid ng kanyang
"Are you sure you're fine?" Mula sa manibela ay dagling sumulyap sa kanya si Levin. "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa isang clinic para makapagpatingin ka? Maaga pa naman." Dugtong nitong tumingin pa sa wristwatch nito. Agad siyang umiling. "O-Okey lang ako Levin. Sinabi ko na, sumama lang ang pakiramdam ko kanina sa sari-saring nakain ko. I'm fine now.""If you just look at yourself in the mirror, malalaman mo kung gaano ka kaputla, and I think it's not normal. Nag-aalala ako Lei." He said with worried voice. Pero sa mga mata nito ay tila naroroon ang isang pagdududa.Dahil doon, mas lalo yatang nawalan ng kulay ang kanyang mukha.Umiwas siya ng tingin. "I'm really fine. Huwag mo na akong alalahanin."Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago niya nakita ang dagli nitong pagsulyap sa kanya at ang marahan nitong pagtango.Sa kahabaan ng biyahe, pinili niya ang isandal ang ulo sa upuan at ipikit ang mga mata. Bukod sa umiiwas siya sa mga katanungan ni Levin ay la
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at mariin na pinaglapat ang mga labi ng mamulatan ang hindi pamilyar na kisame ng kinaroroonang kwarto. Ibinaling niya ang mga mata sa gilid kung saan ramdam niya ang mainit na hanging bumubuga sa bandang leeg niya. Isang marahan na ngiti ang namutawi sa labi niya nang makita ang gwapong mukha ni Levin na bahagya pang nakasiksik doon. Even in his sleep, he looks so gorgeous.Kaya sinong babae ang hindi mai-inlove dito?She tried hard to ignore her feelings, umiwas siya at pilit na isiniksik sa isip na hindi niya pwedeng mahalin ang isang tulad nito, dahil alam niya na hindi ang tipo nito ang nagseseryoso sa babae. He is the type of man that loves you now and leave you tomorrow. Pero hindi nakinig ang traidor niyang puso. She still fall for him hard and deep.Hindi na niya iyon kayang pigilan pa. Mababaliw siya kapag ginawa niya iyon.Dahan-dahan niyang ini-alsa ang braso nitong nakayakap sa kanyang tiyan at binigyan ng konting distansiya ang
Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang kanyang nararamdaman. She was left there standing still with no words coming from her mouth. Nasa ere lamang ang kanyang magkabilang kamay habang si ma'am Amanda ay mahigpit siyang yakap. Napakalakas ng hagulgol nito, pero hindi iyon masyadong pumapasok sa kanyang pandinig. Her mind was blank. "Thank God.. thank God, I finally found you." Nanginginig ang boses na sambit nito. "Miss na miss kita aking Yesha.."Ikiniling niya ang kanyang ulo saka bahagyang napakunot noo.Yesha..."Yesha... Naririyan na si Mama, maabutan na kita! Yesha... Yesha..." Napalunok siya sa biglang pagpasok ng anag-ag na iyon sa kanyang utak. It was like those old days kung saan napapanaginipan niya ang isang batang babae na masayang-masaya habang nagtatatakbo sa gitna ng hardin na puno ng mga bulaklak at hinahabol ng isang babaeng nakabestida ng puti.She winced at that scene. Hindi ba iyon isang panaginip lamang? Those dreams she dreamed, ala-ala ba iyon ng nakar
--LEVIN--"Sigurado ka ba na wala na tayong magiging problema sa kargamento?" Umangat ang kanyang mga mata sa umpukan na nasa pahabang mesa. In that table there are eight men, iilan sa mga kasapi ng Trinity.Tumingin siya sa lalakeng nagtanong. "Wala ka ng alalahanin pa sa bagay na iyan Amir dahil matagumpay ko ng napapirma si Marciano. Ang aasikasuhin nalang natin ngayon ay ang pagdistribute sa mga nakatalagang probinsiya.""Hindi mo na rin kailangan alalahanin pa ang tungkol doon, dahil naasikaso na rin namin, hindi ba mga kasama?" "Oo Levin, naasikaso na namin." Sagot ni Pietro. "Kaya lang ang sa Bicol mukhang may problema tayo." Biglang tumiim ang kanyang mukha sa narinig. "Akala ko ba naayos ninyo na ang lahat ng dapat ayusin? Bakit may problema pa sa Bicol?""Iyon din ang akala namin, kaso nitong nakaraan hindi na namin mahagilap si Buenacosta, mukhang lumayo na at nagtago matapos makuha ang pera."His face darken more. "At wala kayong ginawa?" "We are already in search fo
Authors Note:I'm not into sad ending that's why I always write stories with happy one.So here we go again.. another story with a happy ending.Again, thank you guys for the wait, for the support and for the love you gave to this story. It will be forever treasured.Hopefully you'll continue to support my journey in writing.Hanggang sa muli.. Mahal ko kayo..>>>>>>THEY stayed at the hospital for another three days before the Doctor finally allowed them to go home. Maayos na ang kalagayan ni Levin. He's out of danger. Pero siyempre, dahil may fracture ang tuhod nito kaya naka-wheelchair muna ito.Sinalubong sila kaagad ng mga bata pagkabukas pa lamang ng pinto ng Penthouse. "Papa.. Mama.." They happily called. They went directly on Levin and hold him with longing."How are you na po, Papa?" Tanong ni Kiel.Ngumiti si Levin pagkunwa'y ginulo ang buhok nito. "I'm very much fine.. I'm happy to be back home. Hindi ba kayo nagpasaway rito kay Lola Soledad?" He asked and r
It was as if a heavy weight was lifted from her shoulder as she saw him open his eyes. Nang yumuko siya para yakapin ito ng mahigpit at naramdaman ang init ng katawan nito, she knew, he made it. He managed to hold on and be saved.At sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig nito ang taimtim niyang panalangin. Sa sobrang saya niya ay napahagulgol siya sa bisig nito. "Ang sama mo... Pinag-alala mo ako ng sobra." Sumbat niya pero mahigpit namang nakayakap rito. Naramdaman niya ang unti-unting pag-angat ng kamay nito papunta sa kanyang likod. He then caress her back gently."I-I'm fine now. Kaya huwag ka ng umiyak." Paos nitong sambit.Napahikbi siya. "Takot na takot ako.. akala ko talaga, tuluyan mo na akong iiwan."Sabi niya saka ini-angat ang luhaang mukha rito. Halata sa mukha nito ang panghihina pero nagawa nitong marahan na ngumiti.Ini-angat nito ang kamay papunta sa mukha niya saka hinaplos iyon. "B-Bakit ko gagawin iyon, eh alam kong iiyak ka ng ganito? Stop cryi
NANGHIHINA siyang napasandig sa naroroong pinto. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang komosyon ng mga Doctor sa loob ng ICU."300 joules.. clear..!""Clear..!"Pangatlong beses na niyang narinig ang sigaw na iyon. And rising the electric current to almost it's limit indicates that there's still no sign of him breathing. Tumaas pa iyon sa 320 joules. Umupo na siya doon na takip-takip ang kanyang taynga. Her whole being is shivering. From fear and from pain. Biglang natahimik sa loob ng ICU kaya dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa maliit na siwang ng pinto.Her eyes widened in fear as she saw the flat line on the electronic machine infront of Levin's bed. Wala man siyang alam sa medisina, ngunit hindi ang bagay na iyon. Iisa lang ang ibig sabihin ng flat line na iyon. That is.. Levin's heart already stop beating. And the Doctor in charge is already taking his surgical mask. Lumalapit dito ang isang nurse na may dalang notepad. Iisa lang ang ibig sabihin niyon..Sumuko na an
She's in histerics. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat. Naginginig sa matinding takot. The blood on Levin's chest is still gushing. And he's unconscious. Mahigpit niyang hawak ang nanlalamig nitong kamay. Her tears were blinding her. Ini-angat niya ang duguang kamay nito at dinama sa kanyang mukha."Please.. please.. don't do this to me Lev. Alam mong hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo ako." She begged with trembling voice.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang ambulansiya, nakahiga ito sa stretcher habang siya ay nasa gilid nito. Sa kabilang gilid naman ay naroroon ang dalawang medic. One is monitoring the oxygen, at ang isa naman ay ikinakabit nag dextrose.Sa kalagitnaan ng katahimikan ng gabi, umalingawngaw sa daan ang sirena ng ambulansiya na kinalululan nila. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver, halos paliparin na nga iyon, at hindi na alintana ang mga parte na daang may lubak, pero para sa kanya, mabagal pa rin iyon. She wanted to reach the h
Pagkarinig sa sinabi na iyon ng tao ni Miguel, ay napangisi ito. Isang ngising nagpatindig sa kanyang mga balahibo sa katawan."O di ba sabi ko, kusa niya akong hahanapin?" He said. Kung sa kanya o sa mga kasama nito ay hindi niya alam. Maybe to the both of them. Mariin siyang napalunok habang tinatanaw ang ginagawa nito sa baril nito. Wala ni katiting siyang pagdadalawang isip na nakikita sa mga mata nito. All was in his eyes is darkness and the hatred he have for Levin. "Pakawalan mo ako dito, Miguel!" She hissed and tried to struggle. Gustong-gusto niyang makawala para takbuhan ang kinaroroonan ni Levin ngayon. To give him warning, to run away with him far from that place. To escaped. Pero dahil nakatali siya ay hindi niya magawa. Nanatili na lamang sa kanyang isip ang kagustuhang iyon."Huwag kang mag-alala mahal kong kapatid, pakakawalan naman kita eh. Pakakawalan kapag napatay ko na si Levin.." Matigas at madilim nitong sabi.She shiver at that thought. Hindi iyon pwedeng m
Marahan at walang ingay siyang lumabas mula sa kinakukublihang gilid ng makitang dumating na ang kanyang pakay.Sumisipol pa ang lalake habang ibinabababa ang hawak na baril sa mesa pagkunwa'y naghubad ng t-shirt. Inilang hakbang niya ang kanilang pagitan, at naramdaman nito iyon. Tinangka nitong damputin ang ulit ang baril nito, but it was too late. Nasa likod na siya nito at mahigpit ng nakadiin ang kanyang braso sa leeg nito. "Nasaan si Miguel?!" He asked fiercely.Ramdam sa braso niyang nasa leeg nito ang mariin nitong paglunok."L-Lev..." Hirap nitong sambit. Magkagayon man, bakas sa boses nito ang gulat."Tinatanong kita! Nasaan ngayon si Miguel?" "H-Hindi ko alam--ahg!" Daing nito nang mas lalo niyang pang hinigpitan ang kanyang pagkakasakal rito. Nagpumiglas ito, trying so hard to breath. Pero wala itong laban sa kanyang lakas.He was too angry to give even a little bit of remorse.Nang makitang tila hindi na ito makahinga, ay niluwagan niya ng kaunti ang kanyang braso. He
--LEVIN--"Levin, anong nangyari? Where's Aleia? Tell me, hindi totoo yung nasa balita di ba?" Mariin siyang napapikit sa tanong na iyon ng biyenan. Hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. Nahihiya siya, kagabi lang buong tapang niyang sinabi na poprotektahan niya ang asawa kahit kapalit pa ang kanyang buhay, at ngayon... Wala pang beinte kwatro oras ang lumipas ay nangyari na ito. Dahil doon kaya hindi niya alam kung paano haharapin ang biyenan. Narinig niyang tuluyan na itong napaiyak sa kabilang linya. Para niya na rin kinumpirma ang katotohanan ng hindi siya agad nakasagot."Kagabi ka lang nangako. Sabi mo gagawin mo ang lahat para protektahan siya. Anong nangyari?" Di nito napigilang sumbat. At mas lalo lamang siya nagagalit sa sarili at nahihiya rito. Isa siyang walang silbi!"I-I'm sorry ma'am. Kasalanan ko ang lahat." Iyon nalang ang tanging nasabi niya. "Pupunta kami diyan ni Manolo. I want to know every details about what happened. Hindi ako matatahimik dito han
"Where are you?" Napakunot-noo siya ng marinig ang boses ng asawa na tila natataranta sa kabilang linya."Kanina pa ako tumatawag, why didn't you answer your phone?" "I'm sorry, it was in my bag. Naka silent kasi kaya hindi ko narinig. Umuwi lang ako saglit ng bahay para kumuha ng gamit namin ni Kiel. Pero pabalik na ako. I'm on the way. Nagpaalam ako kay inay hindi niya ba nasabi sa--""Did you bring your bodyguards with you?" He cut her in panic. Lumingon siya at nakita niya ang pamilyar na SUV na nakasunod sa kanya. "Yes, nakasunod sila sa amin ni Morgan." Sabi niya na tiningnan rin ang lalakeng nasa driver seat."Why?" "Listen carefully, umuwi na kayo agad. Huwag ka ng dumaan sa kung saan-saan pa. Its dangerous out there. Bakit ba kasi hindi mo nalang inutos sa katulong ninyo na dalhin sa Penthouse ang mga gamit ninyo. Sweetheart, I'm--""I-I'm fine, Lev. Pauwi na ako at saka kasama ko naman ang mga bodyguards.""Where are you exactly? Magpapadala pa ako ng additional bodygua
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at marahan na inikot sa kanyang gilid. Nang masilayan niya ang kanyang mga-aama ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Cena is on her side, sa tabi nito ay si Kiel na katabi naman ni Levin. Both three are still peacefully sleeping.Ah, this is a dream came true for her. Waking up with her little family on her side is priceless. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. She will treasure this scene as long as she is living. Idinako niya ang kanyang mga mata sa maliit nga orasan sa side table and found out that its still four thirty in the morning.Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. May oras pa siya. May oras pa para namnamin ang sandaling iyon. Inabot niya ang kamay ni Levin na noo'y nakapatong sa bandang gitna nina Cena at Kiel at mahigpit iyon na hinawakan. Pagkatapos non ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata na may masayang ngiti sa labi.>>>"Wake them up Kiel, mataas na ang sikat ng araw. Nakalu