"Congratulations, Mama," nakangiting sabi niya sa ina, at niyakap pa ito ng mahigpit."Thank you, sweetheart." Sagot nitong mababakas sa mukha ang sobrang kaligayahan. Nang bitawan niya ito ay bumaling naman siya kay Tito Manolo na noo'y nasa tabi ng ina. His eyes were also twinkling."Congratulations po, Tito Manolo." Bati niya, sabay yakap rin dito. "Thank you, iha." Binati rin ni Meredith ang dalawa. At sumunod naman ang iilang mga kaibigan na dumalo rin sa kasal. Gaya ng gusto ng mga ito, it was just a simple wedding held in a private resort of one of her mother and Tito Manolo's friend. Iilang kaibigan at malapit na kamag-anak lang ang naroroon. More on the side of Tito Manolo. Wala sa side ng kanyang Mama, dahil bukod sa nag-iisang anak ito, and both her grandparents were death, hindi rin ito naging close sa mga kamag-anak nila na sa pagkakaalam niya ay nasa Mindanao lahat."Tapos ko nang maisayaw ang mama mo, pwede bang ikaw naman ang maisayaw ko, Lei?" Nakangiting sabi sa
Last Updated : 2023-03-10 Read more