Chapter 1Avril POVNaglalakad ako ngayon sa hallway ng aming university, hinahanap ko kasi yung classroom ng aking susunod na subject. Hindi ko kasi kabisado kung saan ang mga room dito. Ako kasi ang klase ng tao na hindi pala gala dito sa campus kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado mga buildings dito. Ang tanging alam ko lang ay papuntang cafeteria. Sa paglalakad ko dito sa may hallway ay may nakasalubong akong isang nerd na aking pinag tanungan kung saan ang room ng chemistry. Agad naman akong tinuro nito sa dulong bahagi ng hallway."Doon banda sa dulong bahagi Miss, papunta ka din ba ngayon doon? Sumabay kana sa akin at doon din kasi ang punta ko." Ang nakangiti nitong alok sa akin. Sinabi ko naman kaagad dito na doon nga ang punta ko. Hay mabuti nalang at may makasabay na ako pumunta doon. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ng maisipan ko na magpakilala dito. "Ako nga pala si Avril Del Carmen," ang pakilala ko sa kanya."Hello Avril, ako naman
Huling Na-update : 2022-08-11 Magbasa pa