Chapter 1
Avril POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng aming university, hinahanap ko kasi yung classroom ng aking susunod na subject. Hindi ko kasi kabisado kung saan ang mga room dito.
Ako kasi ang klase ng tao na hindi pala gala dito sa campus kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado mga buildings dito. Ang tanging alam ko lang ay papuntang cafeteria.
Sa paglalakad ko dito sa may hallway ay may nakasalubong akong isang nerd na aking pinag tanungan kung saan ang room ng chemistry.
Agad naman akong tinuro nito sa dulong bahagi ng hallway.
"Doon banda sa dulong bahagi Miss, papunta ka din ba ngayon doon? Sumabay kana sa akin at doon din kasi ang punta ko." Ang nakangiti nitong alok sa akin.
Sinabi ko naman kaagad dito na doon nga ang punta ko. Hay mabuti nalang at may makasabay na ako pumunta doon.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ng maisipan ko na magpakilala dito.
"Ako nga pala si Avril Del Carmen," ang pakilala ko sa kanya.
"Hello Avril, ako naman si Stephanie Ken Fajardo." Ang pakilala niya naman.
"Avril kilala mo na ba yung professor natin sa Chem?" Ang tanong niya sa akin.
"Hindi pa eh, pero ang sabi ng ibang mga students ay terror daw masyado yang si Ma'am. Walang patawad sa students niya. Hindi daw pwede pakiusapan. Kung ano ang nakuha mong grado sa kanya iyon talaga walang special project" pagkukwento ko dito.
"Oo iyon din ang pagkakaalam ko. Kaya nga iyong ibang classmates ko ay sa ibang Professor nag enrol. Parehas din daw naman kasi ng descriptive title yung sa isang nagtuturo din. Kaya nga di ko sila kasama ngayon eh. Doon sila sa isang Professor."
"Malamang konti lang tayo na estudyante ngayon nyan ni Ma'am. Kasi yung ibang di napansin na nag enroll ay nag drop na agad sa subject." Napapailing pa na kumento nito.
"Nakakatakot naman pala talaga si Ma'am ano." Ang medyo nahihintakutang sabi nito sa akin. Na ikinibit balikat ko na lang.
Nang makarating na kami sa room ay iilan ilan pa lang ang naroon. Nasa kalahati pa lang siguro ang nandito.
Agad na kaming naupo sa may gitnang bahagi ng kwarto at nag hintay na dumating si Ma'am.
Sabagay medyo maaga pa naman kasi, baka maya maya lang siguro ay madadagdagan pa kaming mga magkakaklase dito.
Masaya kaming nag kwe kwentuhan ni Stephanie nang biglang tumahimik ang paligid na para bang may dumaang masamang hangin.
Bigla naman ako napatingin sa harap ng makarinig ako nang tunog ng takong sa may pinto banda.
"Oh shit, ang ganda namang babaeng to" ang di ko napigilang naisambit ko pala nang medyo may kalakasan. Bigla ko naman tinutop ang aking sarili at tumingin na lang ulit sa magandang babae na pumasok na dito sa aming room.
Narinig pa yata ako ni Stephanie, kaya kunot noo ako nitong tinignan nang may pagtataka.
Baliwala lang na nagkibit balikat ako at hindi siya pinansin. Patay malisya lang ako. Binaling ko naman ulit ang tingin ko sa babaeng maganda. Na parang anghel na bumaba sa lupa. Napaka amo naman kasi nang maliit nitong mukha. Na bumagay sa kanyang maliit din na katawan.
Napansin ko na dumiretso siya sa table ng guro sa harapan at inilagay doon ang kanyang mga dalang gamit.
Nangunot bigla ang noo ko. Don't tell me na siya ang kinatatakutang professor nang chemistry? Nabibiglang nasabi ko sa aking sarili
Paano na ang isang mala anghel na ito ay kinatatakutan nila? Nagbibiro ba sila? Oh baka nagpalit lang siguro ng Professor? Tama, siguro nagpalit nga. Sa isip isip ko pa habang nakatitig sa isang dyosang nasa harapan namin ngayon.
Agad nag sulat sa board si Ma'am, Ms. Jane San Gabriel ang basa ko sa sinulat niya.
Hayst pati ba naman ang penmanship nito ay maganda rin? Wala na bang pwedeng ika pintas itong si Ma'am Ganda at lahat na lang yata ay nasa kanya na.
"Tawagin nyo na lang akong Ms. San Gabriel mas prefer ko iyon." Ang masungit na sabi ni Ma'am na naka poker face lang. Seryoso hindi man lang siya ngumiti? Hello first day of school kaya. Dapat first impression sa kanya ng mga student niya. Kaya sana naman ay huwag siyang mag poker face lang dyan.
Pero sabagay tama din lang na naka ganyan siya ngayon kasi hindi ko na alam pa ang gagawin pag ngumiti pa ito. Baka tuluyan na akong mapatulala sa taglay nitong kagandahan.
Grabi ang hot naman niya magsalita, kahit na halatang wala ito sa mood ngayon ay nakakahalina pa rin ang malamyos nitong boses.
Kaya di ko mapigilang nakatulala na lang sa kanya. Hay crush ko na yata siya.
Naka ramdam na lang ako ng pagsiko mula kay Stephanie. Agad ko naman itong nilingon sa nagtatanong na tingin.
Asar naman oh. Mene memorize ko pa nga lang mukha ni Ma'am Ganda eh. Nang e istorbo naman ang isang ito.
"Tulala ka na kasi dyan," ang pabulong nitong sabi sa akin." Maya mahuli ka ni Ma'am malagot ka pa doon." Dagdag pa nitong paalala sa akin na ikina ngiti ko na lang dito ng alanganin.
Masisisi nyo ba ako kung natulala ako sa kagandahan ni Ma'am. Hello dyosa kaya iyang nasa harapan namin.
Nahihiyang ngumiti na lang ako sa kanya at hindi mapigilang pamulahan ng aking mukha. My gosh nakakahiya.
Tinutuon ko na lang ulit ang aking tingin kay Ma'am Ganda at nakinig na sa mga policy nito sa classroom.
Mukhang tama nga yata sila ng sapantaha dito. Masungit na may pagka strict nga si Ma'am.
Tama din lang naman iyon para naman hindi umabuso ang mga estudyante sa Professor nila.
Yung iba kasi porke alam na mabait ay parang barkada na lang kung ituring na minsan ay nawawala na iyong teacher x student relationship.
"Now, pass your index card, and I will call you individually." Pormal na utos nito sa amin.
Mabilis naman na inilabas ko ang index card ko para sa subject na ito at iniabot ko sa nakaupo sa may harapan ang naipon na index card sa row namin.
Nag roll call na si Ma'am para makilala kami isa isa hanggang sa matapos na ito.
Mabuti na nga lang at hindi na kami nagpakilala individually dahil isa pa naman iyon sa hindi ko masyadong gusto pag first day of school. Medyo mahiyain kasi akong tao eh.
Nagsulat na si Ma'am San Gabriel nang mga magiging topics namin sa next meeting sa kanya.
After niya mag bigay nang topic ay nagbigay na rin siya agad ng assignment na gagawin niya raw sa oral recitation.
Grabi seryoso ba talaga siya doon. Gusto niya na kaagad magpa oral recitation sa next meeting namin sa kanya. Mukhang kailangan ko na yatang bawasan ang pag ML ko nito ah. Mahirap na mapahiya kay Ma'am Ganda. Baka ma turn off agad sa akin iyon pag hindi ako naka sagot sa mga tanong niya.
Hay ang ganda talaga ni Ma'am Jane. Sarap e uwe at ikulong sa kwarto. Tapos huwag ng palabasin pa kasi nakakatakot pag nagkasalubong na ang maganda nitong kilay. Hehehe
"Okay class dismissed" Sabi ni Ma'am Jane matapos nitong ang topic namin sa next meeting sa kanya sabay kuha ng mga gamit nito at lumabas na nang tuluyan.
Sana huwag na itong bumalik pa. Manatili na lang ito sa langit kung saan nakatira ang mga dyosa na katulad nito.
Napatingin na lang ako sa pintuang nilabasan ni Ma'am, at hindi mapigilang mapabuntong hininga. Hays gusto ko siya maging teacher na hindi.
Potek naman kasi bakit ba ang sungit kasi nito? Na heartbroken na ba ito kaya ganyan siya ngayon? Hindi naman pwedeng sabihin na nag me menopause na ito kasi hello bata pa kaya siya. Pwede ko pa ngang maging asawa kung gugustuhin nito e.
Nakita ko naman mga classmates ko na parang naka hinga na ng maluwag nang makaalis na nga si Ma'am Jane. Kahit nga itong katabi ko ay napa buntong hininga rin eh. Hindi naman halata sa kanila na takot eh no?
Ganun na ba talaga sila katakot kay Ma'am? Tingin ko naman kasi ay mukha naman itong mabait medyo masungit lang. Ang amo amo nga ng mukha nito eh. Para pa ngang di makabasag pinggan kung iyo mo itong pagmamasdan.
Pero gaya nga ng sabi ko hindi ko pa ganoon kakilala si Ma'am kaya mahirap mang husga agad. Malalaman na lang siguro sa mga susunod pa naming meeting sa kanya.
Basta isa lang ang sigurado ko crush na crush ko na talaga siya. Hello bulag at manhid na lang ang hindi magkakagusto dito no.
Pagka alis ni Ma'am Jane ng classroom ay nag sipag sunuran na rin naman ang ibang mga estudyante dito.
Kahit ako ay inayos ko na rin ang aking mga gamit upang maka alis na rin at pumunta na para sa aking next subject.
Binalingan ko naman si Stephanie na iyon nakaupo pa rin at hindi pa nag aayos ng gamit nito. Mukhang wala pa yatang balak umalis ang isang ito. Gusto pa yatang e feel nito ang pagkakaupo.
Avril POVDumaan na ang ilang buwan, at marami pa rin naman kaming natira na mga estudyante dito ni Ma'am Jane sa kanyang subject. Yung ibang classmates kasi namin ay mga nag si pag drop na talaga.Hindi na yata nakayanan ang pagiging terror ni Ma'am at kami na nga lang ang mga malalakas ang loob nananatili. Masasabi ko na nakakatakot nga pala talaga siya. Mahilig kasi siyang mag pahiya ng estudyante lalo na pag hindi naka sagot ng tama sa tanong niya. Tama din naman si Ma'am na pagalitan nito pag hindi nakasagot sa kanya dahil always naman na advance ito magbigay ng topic sa amin kaya wala na ngang dahilan pa para hindi masagot ang tanong nito. Unless kung hindi mo nga inaral ang topic na ibinigay nito. Wala ka talagang isasagot sa kanya.May time pa nga na may pinalabas ito dahil sa hindi lang nito nagustuhan yung sinabing sagot ng tinanong nito. Magaling siya magturo at talagang mahina na nga lang ang kukuti pag hindi mo pa naiintindihan ang pina paliwanag nito. Pero dahil nga t
Avril POVPalihim ko naman na tinitignan si Ma'am Jane na tahimik pa rin sa aking tabi hanggang ngayon. Wala ba siyang balak magsalita man lang? Ano yan sumama lang siya sa parents niya para makikain dito sa bahay namin? Tapos na kasi kaming kumain at heto nga at nandito na kami sa may living room at nakikinig lang sa usapan nang aming mga magulang. Dito nila itinuloy ang pag chichismisan nila kanina sa hapag. Hayst katatanda na mga chismosa pa rin hanggang ngayon. Di ko mabasa kung anong nasa isipan ni Ma'am ngayon. Naka poker face lang kasi siya at wala kang mababasa na kahit ano mang emosyon sa kanyang magandang mukha. Oo aaminin ko na malaki talaga ang pagka crush ko kay Ma'am at hindi man lang nabawasan yun kahit masama ang ugali nito. Para pa ngang nag mumukha siyang hot sa paningin ko lalo na pag nagagalit ito. Yung namumula pa ang mukha nito sa galit. Parang lalo lang lumalakas ang appeal nito sa akin pag ganun siya. Kaya nga madalas ay nakatitig lang ako dito at iniim
AvrilSakay na kami nang eroplano pabalik ng Pilipinas. Katatapos lang ng kasal namin ni Ma'am Jane. After kasi ng kasal ay nagpasya na rin kaming umuwi kaagad. Wala naman kasing mangyayaring honeymoon. Pareho lang naman kaming napilitan sa kasalang ito.Sa part ko napilitan ako kasi hindi pa talaga ako handang mag asawa. Sa part naman ni Ma'am Jane ay ewan ko lang kung ano naman ang dahilan ng isang ito. Hindi pa rin kasi kami nakakapag usap magmula ng pinaalam sa amin nila Daddy na ikakasal nga kaming dalawa sa lalong madaling panahon. Iniwasan ko na kasi ito kahit na sabihing Professor ko sya sa isang subject. Katabi ko sya ngayon at halatang pagod ito. Nakatulog na kaagad eh. Hindi ko naman mapigilang titigan ang kanyang napaka among mukha. Hindi mo mapag hahalataan sa mukha nito ngayon na sobrang maldita at anak ni Lucifer ang isang ito dahil sa mukha nitong parang anghel na natutulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na ang aking Professor. Ang
AvrilMaaga ako ngayon gumising at mag luluto pa kasi ako ng breakfast namin ni dragona. Ano kaya ang kinakain nun? Light lang kaya o heavy breakfast? Hmmmm try ko na lang mag luto ng rice if ever man na heavy ang gusto nya. Pero I doubt it. Kasi ang payat nito kaya malamang na hindi iyon masyadong kumakain. Pero mag luluto na rin ako para incase lang naman diba. Mahirap ng mapagalitan pag hindi ako nakapag luto. After ko makapag luto ay umakyat ako saglit para maligo na at ng makapag ready na rin sa pagpasok. Baka kasi ma late pa ako pag hinintay ko pang magising si Ma'am. Natatakot naman ako gisingin si Ma'am Jane at baka magalit na naman ito sa akin. Mukhang mainit pa naman ang dugo nun na akala mo ay laging may dalaw. Minsan nga pag maganda ang mood ni Ma'am tatanungin ko ito kung gaano kahaba ang araw na meron ito. Kaya maglalagay na lang ako ng note para makapag paalam na rin dito na nauna na akong pumasok. Panigurado din naman kasi na hindi rin naman iyon sasabay sa akin p
AvrilPatapos na ang aming first period nang biglang mag salita ang katabi ko na si Stephanie. "Hoy bruha alam mo na ba ang balita? " Tanong nito sa akin na kala mo ay isang chismosa sa may kanto kung makapag salita. "Anong balita naman iyon? Maya ka na nga lang mag chismis diyan at baka makita tayo dito ni Ma'am na nag kwe kwentuhan ay mapa labas pa tayo ng wala sa oras." Sabi ko dito na pinanlakihan pa ng mata para tumahimik na ito"Basta maya siguradong mabibigla ka sa sasabihin ko sa iyo. Tsaka ma broken hearted ka nito malamang."sabi pa niya sa akinDi na lang ako umimik pa. Pero sa isip isip ano na naman ba ang sinasabi nito na ma broken hearted ako? nag focus na lang na nakinig kay Ma'am. Mamaya ko nalang ito kakausapin tungkol sa chismis niyang yan. "Class dismissed!" Dinig kong sabi ni Ma'am at umalis na. Dali dali naman na nilapitan agad ako ni Stephanie at parang di na kayang pigilan pa na maibalita ang nalalaman nito. "Oh ano na yang sasabihin mo sana kanina? May
AvrilHabang nandito ako ay hindi ko naman maiwasan na pagmasdan ang loob ng kanyang office. Napaka organized nito sa kanyang mga gamit. Maganda at halatang hindi basta basta na nakapatong lang kung saan saan ang mga gamit nito sa loob. First time ko kasi na nakapasok dito sa office niya, kaya di ko maiwasan na humanga. Napaka net pa at refreshing ang kulay green na wallpaper nito. Sabagay ganun din naman ang bahay nito. Malinis at organized. Kaya nga nakakahiya na mag kalat doon. Hindi nga rin halata na parang ako na ang bagong katulong nito. Ganun pala kapag nag asawa kana nagiging instant katulong kana. Baka sinadya nito na huwag kumuha ng katulong para pahirapan ako. Pero dahil sanay naman na ako sa mga gawaing bahay sisiw na lang sa akin ang mga ganyang bagay. "Oh sya lumabas ka na at naaalibadbaran na ako dyan sa pagmumukha mo." Biglang pagtataboy naman nito sa akin sabay compass pa ng kanyang kamay paalis. Ano yan parang nag tataboy lang ng aso eh. Lumabas na rin lang ako
AvrilQuarter to eleven na nang makauwi ako sa bahay ni Ma'am Jane. Pansin ko sa labas na patay na ang ilaw sa loob ng bahay. Malamang ay tulog na siguro ito. Dahan dahan na binuksan ko na ang pintuan upang di maka gawa ng ingay. Baka kasi magising pa ito ay mahirap na mapagalitan pa ako. Kaya maganda na iyong nag iingat. Nang maisara ko na ang pintuan ay siya namang pagbaha ng ilaw at isang nanlilisik ang mata at galit na galit na Ma'am Jane ang aking nakitang naka tingin sa akin ngayon. Di ko maiwasang mapa lunok at medyo mamutla dahil sa takot ko dito. Bakit gising pa siya? Hinihintay ba ako nitong dumating? "Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?!!! Uwe ba ito ng isang matinong may asawa ha!!!???" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Bigla naman akong pinagpawisan ng malamig. Pati nga ang mga kamay at kili kili ko ay namamawis na rin dahil sa takot dito. "Na--nag ma-mall po ka-kasi kami ni Stephanie Ma'am Jane, tsaka na nood na din po ng sine." Utal na paliwanag na ko di
AvrilNapasarap na ang jogging at kwentuhan namin ni Michelle kaya di na namin namalayan ang oras. Kung hindi lang naka ramdam na kami ng init sa balat ay di pa sana namin mapapansin na mataas na pala ang araw. Kaya nag pasya na kaming umuwi na. Nag lalakad na lang kami ngayon ni Michelle. "Avril pag may time ka ha huwag kang mahiya na pumunta sa bahay ha ng mas maka pag bonding naman tayo." Bilin nya pa sa akin. "Oo naman basta pag di ako busy, bibisitahin talaga kita dyan sa inyo. Basta pakainin mo ako ha" biro ko naman dito pero pupunta talaga ako sa kanila. Hello tapat lang kaya iyan ng bahay ni Ma'am Jane at saka pag wala akong ginagawa may matatambayan na ako. "Oh sya sige dito na ako. Yan na yung bahay namin oh." Sabi ko dito sabay turo ko sa bahay ni Ma'am Jane. Agad naman na akong pumasok sa loob. Mukhang tahimik pa ah. Baka tulog pa hanggang ngayon siguro si maldita. Sabagay sabado naman ngayon kaya okay lang na maglimlim siya sa higaan. Dumiretso na ako sa may kitchen
Avril"Mommy si Mama po kanina sa grocery may nginitian na magandang babae po doon." Dinig kong sumbong agad ng anak ko kay babe pagdating pa lang namin dito sa bahay pagkagaling namin mag groceries."Tapos po kinausap pa po sya kanina. Dinig ko nga rin na kinukuha yung cellphone number ni Mama." Dagdag pang sumbong nito kay babe. Bigla naman akong kinabahan at namutla sa mga pinag sasabi ng magaling at sumbungera kong anak sa dragon niyang ina. Patay ako nito. Ginantihan ko lang naman ng ngiti yung babae kanina. Alangan naman kasi na isnabin o kaya ay simangutan ko ito diba. Naging friendly lang naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari. At ano raw binigay ko ung cp number ko doon. Hello di ko gawain yun no at saka mahal ko ang asawa at mga anak ko para lang ipagpalit sa babae. Tsaka dyosa kaya na may lahing dragon ang asawa ko kaya bakit pa ako maghahanap ng maganda lang. Dahan dahan naman na pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naramdaman ko na lang ang pag
AvrilNakalabas na ako sa hispital. Halos 2 weeks din na hindi ako naka pasok. Mabuti na nga lang at may program sa school kaya naman halos wala din kaming pasok nun. Nandito na ako sa room namin ng first subject. Kanina pa ako maagang dumating. Sabay nga pala kaming pumasok ni Babe. Ito ngayon ang nag drive ng kotse ko. Yun na lang daw ang gamitin namin kaya pumayag na kaagad ako. Ayaw kasi nito na mag gagalaw na muna ako. Kung maaarin nga ay ayaw pa nitong pumasok ako ngayon eh. Pero hindi naman pwede yun dahil baka mag failed na ako sa mga subject ko dahil sa absent ko. At bumaba na naman ang grades ko nito malamang. Hindi na muna ako tumambay sa office ni Babe kasi nga ay nandoon ngayon si Dean at kausap ito. Nag tataka daw kasi ito at ilang linggo rin kasing hindi ito pumasok. Tsaka nag sabi oala dito si Babe na mag re resign na siya nung hindi pa ako nagigising. Napag usapan naman namin ang bagay na yun at sinabi ko dito na hindi nito kailangan na mag resign kasi naiintindih
AvrilNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang lalamunan ko parang ilang linggo ako na hindi uminom. Gusto ko sana na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Para bang bigat na bigat ito na halos hindi ko maigalaw pa. Kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang igalaw ang aking mga kamay. Pero parang mabigat din ito. Mag sasalita na lang sana ako pero parang ungol lang ang lumabas doon. Maya lang ay bigla na lang ako nakarinig ng parang mga nag uusap sa tabi ko. Base sa mga boses ng mga ito ay si Jane at ang kanyang mga kaibigan ang mga yon. "Ano naman kaya ang ginagawa nila sa kwarto namin ni Jane?" tanong ko sa isip ko. Nag try ulit ako na mag salita para pukawin ang presensya ni Jane. Pero ungol lang ulit ang lumabas sa aking bibig. Maya lang ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Alam ko na kung sino ito. "Babe gising kanaba? Babe!?" pakikipag usap sa akin ni Jane. Gusto ko sana itong sagutin pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. "Gi
JaneHalos mahigit isang araw ng tulog si Avril. Mula kasi ng maoperahan ito ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman todo ang kaba na aking nararamdaman. May ilang beses din na nag flat line ito kaya nga hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon. Kaya naman mukha na akong bumabatak sa itsura ko. Nakiusap na rin ang aking mga magulang na kung maari ay mag pahinga naman daw ako at baka ako naman ang magkasakit. Pero hindi ako pumayag. Paano na lang kung magising si Avril tapos hindi ako ang mamulatan nito. Ano na lang ang iisipin nya. Tsaka gusto ko na nasa tabi lang ako ng asawa ko. Mag papahinga lang ako pag na sure ko na na okay na okay na siya at pag nagising na rin ito. Baka daw kasi dahil sa pag kaka bugbog nito at palo sa kanyang ulo ay magka internal hemorrhage ito. Na sana huwag naman po mangyari. Hindi na rin ako masyado na kumakain. Siguro nag subo lang ako kanina ng mga 3 kotsara dahil wala talaga ako sa mood at walang lasa oara sa akin ang kinakain ko. Kung hindi ng
JaneKanina pa ako hindi mapakali dito sa pinag tataguan namin. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob upang harapin ang mga dumukot kay Avril. Pero alam ko na mas mapapahamak lang si Avril pag ginawa ko iyon. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na same din lang ang expression ng sa akin na gusto na ngang sumugod lalo na si Tito na kanina pa pinipigilan ni Tita. "Mag hintay na lang po tayo dito Dahil mas makakabuti kung ang mga tauhan ko at mga scout ranger ang pumasok sa loob. Baka maka abala lang tayo sa kanila at sya pang maging dahilan upang mabolilyaso pa ito." Sabi naman sa amin ni Camela. Tama naman din ito baka maka sama lang kami sa diskarte ng mga ito. Nag uusap kasi sila kung paano makakapasok doon ng walang nakakapansin. At nalaman ko na rin kung sino ang mastermind ng kagaguhan na ito. Shit ka Noli hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyari na masama kay Avril. Gagamitin ko ang lahat ng connection pati na rin ang pera ko upang mabulok ka sa bilangguan at mas
AvrilKanina pa ako nag hihintay sa pag dating ng tinatawag nilang boss. Curious din kasi ako kung sino ba ito at bakit parang ang laki naman ng galit nito sa akin. Kahit naman kasi anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin. At saka sobrang nag aalala na ako sa mahal ko. Alam ko na panay na ang iyak nito ngayon. Maisip ko pa lang ang mukha nito na hilam sa luha ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Sana naman okay lang ito. Oo dapat sarili ko ang isipin ko pero kasi hindi ko maiwasang mag alala dito. Ramdam ko rin kasi na alam na ng mga ito na nawawala ako. At alam ko din na nakita na ni Jane ang nangyari sa akin. Malamang na makita naman siguro nito ang sa sakyan ko na naka balagbag lang doon sa may kalsada papasok sa subdivision nito. Yun ay kung hindi kinuha ng mga kidnapper ang kotse ko. Sana naman ay hindi. Taimtim din lang na nag darasal ako na sana ay huwag akong pabayaan ni god. Alam ko na hindi ko pa naga
JanePara akong nauupos na kandila matapos ko mapanood ang video sa dash cam ni Avril. My god ano na ang ginawa nila sa asawa ko. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Sobrang natatakot na ako ngayon para sa kalagayan nito. Kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Lintik lang talaga lalo na yung nakita ko na pag palo nila sa ulo nito. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano kalakas yun paano na lang kung nagkaroon ng internal damage sa utak nito? Hinding hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang nasa likod ng kalokuhan na ito. Kahit para akong nawawalan ng lakas ay pinilit ko ang aking sarili hindi pwede na magpadala ako sa nangyari dapat ngayon pa lang ay mag isip na ako ng paraan. Gumawa na ng pwedeng hakbang at hindi ang mag hintay lang ako dito at sila ang mag manipulate sa akin. Agad kong tinawagan ang aking mga kaibigan. Mas higit kailangan ko ang mga ito dahil alam ko ma matutulungan nila ako sa nangyari na ito. Lalong lalo na itong si Camela na maraming connection pag da
JaneAlam ko na nag tatampo sa akin si Avril ramdam ko yun kaya lang ay hindi ko pinansin at pinatulan ito dahil ayaw ko na humaba pa ang usapan namin tungkol don at pag simulan pa ng away namin. Pinaka iiwasan ko pa naman na mag away kami. Dahil pag nag simula ng bumuka ang aking bibig ay diri diritso na ito at baka kung ano pa g masasakit na salita ang masabi ko dito tapos pag sisihan ko naman pag ako ay nahimasmasan na. Kaya kung maaari ay ako na lang ang iiwas. Mabuti na nga lang at hindi naman na ito nangulit pa. Hayst Hindi naman kasi ito nag iisip eh. Kung ano ang gusto yun na lang. May asawa ito kaya dapat isa alang alang din nito ang nararamdaman ko. Oo gusto ko na rin naman na ipag malaki siya at yung hindi kami nag tatago na dalawa. Pero kasi hindi pa nga ito tapos sa kanyang pag aaral. Okay lang sana kung hindi ako doon nag tuturo wala naman sanang problema yun. Tsaka anong gagawin ko kung halimbawa man na tumigil na ako sa pag tuturo? Nandito na lang ako sa bahay? Mag h
AvrilKatatapos lang ng last subject ko sa hapon at ngayon nga ay nandito na ako sa may parking lot at balak ko ng umuwe na. Mas mauuna ako kay Jane dahil may isang subject pa ito ngayong araw na ito. Tsaka nag usap na rin kami na hindi ko na siya hihintayin pa. Sumangayon na lang ako dito at gusto ko na rin naman ng mauna ng makauwe. Kanina pa kasi kaiba ng pakiramdam ko kaya gusto ko na pansamantala ay umidlip muna. Nakasakay na ako ngayon sa aking kotse at binabagtas na ang kahabaan ng highway. Mabuti na nga lang at hindi naman ma traffic kaya tingin ko ay mabilis lang akong makakauwe nito. Paliko na sana ako sa may kanto ng subdivision ng bigla na lang may humarang sa kotse ko na mga armado na mga kalalakihan. Kung bibilangin ko siguro sila ay mga nasa apat ang mga ito na ngayon nga ay nakatutok dito sa sasakyan ko ang kanilang mga dalang baril. Mabilis naman na hininto ko ang aking kotse at kinakabahan na binuksan ko na lang ang aking kotse. Wala din lang naman akong laban p