Tahimik na tahimik ang lugar bagama’t mararamdaman ang namamayani na tensyon sa buong paligid. Ang bawat kalalakihan na naroon ay kababakasan ng kahandaan sa ano man laban na maaari na maganap sa pagitan ng dalawang grupo na naroon. True to Jed’s words, the whole of the Bastardos are with Zane in meeting Manolo Enriquez. Wala nga na nagawa ang lider ng Bastardos dahil sa naging mariin ang desisyon ng mga kaibigan niya na sama-sama nila na harapin ang kalaban. And with just a few hours of preparing their men, here they are now, ready to meet the target of their mission and Zane's father-in-law. Wala man imik ang apat na magkakaibigan habang naghihintay sa pagdating ni Manolo ay alam na nila at nakahanda sila sa kung ano man ang kahihinatnan ng lahat ng ito. They have a plan just in case this meeting gets worse. "Mabuti naman at tama ang naging desisyon mo na harapin ako ngayon, Axel." Maawtoridad na boses ni Manolo ang pumukaw sa atensyon ng lahat. "Or should I say, Zane Lardizabal,
Last Updated : 2023-08-04 Read more