"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikaw ang gumawa no’n, Zane." Hindi na napigilan na sabihin ni Bogs ang saloobin niya patungkol sa pag-amin ng kaibigan nila na pagpapatakas nito mismo sa sariling asawa niya. Bukod pa kasi roon ay ang katotohanan na pinagbintangan pa niya si Chino na siyang nagpatakas kay Serene at kung ano-ano pa ang sinabi niya sa kaibigan nila dahil sa maling akala niya. "Hindi mo lang din talaga matanggap na si Zane ang gumawa noon dahil sa isip mo ay ako pa rin ang kontrabida rito. Aaminin ko naman na plano ko talaga na gawin din iyon pero mas naging matimbang sa akin ang mararamdaman nitong kaibigan natin kapag nawala ang asawa niya. Malay ko ba naman na ang pag-aalala ko pala na iyon ay walang kahihinatnan dahil siya pa mismo ang gagawa noon." Dagdag na sabi naman ni Chino. "Bakit kasi hindi ka pa umamin at sinakyan mo pa ang maling akala ko tungkol sa’yo?" "Para ano pa? Wala rin naman saysay dahil hindi nga natin alam kung sino ang gumawa no’n, pero s
Nanginginig ang mga kamay at tuhod ni Serenity dahil sa takot sa kan’yang narinig. Hindi niya inaasahan ang sasambulat sa kan’ya na katotohanan lalo na at ang buong akala niya ay kakampi niya si Tristan. But once again, everything is just a lie. Isa na naman na kasinungalingan na pilit na pinapaniwala sa kan’ya. Nangangatal siya na bumalik sa kama habang unti-unti na rin na pumapatak ang kan'yang luha. Lalabas sana siya ng silid nang maulinigan niya ang boses ng isang babae na kausap ni Tristan. Ayaw sana niya na pakinggan ang usapan pero parang may nagpipilit sa kan'ya na marinig iyon. At ang mga impormasyon na nalaman niya ay sapat na para bigyan siya ng halo-halo na emosyon na naman. Walang mga salita ang sasapat upang maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng kalooban niya sa ngayon. Walang sapat na paliwanag ang maaari na sabihin sa kan’ya para maintindihan niya ang sitwasyon niya. She has been betrayed; she has been deceived; and she has been hurt not just once but many times.
"Zane, the meeting has been set up. Ala-singko bukas ng madaling araw ang nakatakda na pagkikita namin. I also got a message from Serenity’s phone that she is indeed with Tristan, but I have asked my men to verify the authenticity of this. Let me know of your plans on how we should go about this." Iyon ang text message na nakuha ni Zane buhat sa ama ni Serenity kaya naman aligaga na naman ang mga miyembro ng Bastardos sa mga paghahanda na ginagawa nila para sa maaari na mangyari sa paghaharap na iyon. Ilan oras na lamang ang mayroon sila para makapag-isip ng plano kung paano nila mababawi si Serenity ng ligtas. Alam din ni Zane na malaki ang tsansa na hindi kikilos si Tristan na siya lamang kaya dapat din niya na paghandaan ang nakaambang na paghaharap nila ng ama niya. Hindi pa dapat ito ang panahon na magkatapat silang mag-ama pero dahil sa kaguluhan na hatid ni Tristan Rances sa kanila ay mukhang mapapaaga na nga ang pagtutuos nila na tatay niya. He is not looking forward to thi
Nakapuwesto na ang grupo ng mga Bastardos kung saan sila maghihintay ng hudyat buhat kay Manolo. Tahimik ang lahat at may kan’ya-kan’yang malalim na iniisip. Lahat sila ay seryoso dahil iisa lamang ang nais nila na mangyari, at iyon ay ang magtagumpay sa kanilang bagong misyon. At bagama’t hindi na bago kay Zane ang ganitong eksena nila sa pagkakataon na ito ay aligaga siya at pinapangunahan ng kaba. Ngunit ang kaba niya ay hindi para sa kan’yang sarili o sa grupo niya, kung hindi para sa asawa niya. Sanay siya sa ganitong mga laban at kahit ang mga miyembro nila ay wala rin sinasanto sa bakbakan, pero hindi sanay si Serenity sa ganitong sitwasyon kaya naaawa siya na kailangan pa na maipit sa gulo ang asawa niya. At iyon mismo ang rason kung bakit sa kabila ng mga takot niya ay napupuno siya ng matinding galit laban kay Tristan. Wala silang tiyak na plano na napag-usapan ni Manolo maliban sa sumunod sila ng grupo niya sa tagpuan na sinabi ni Tristan. Manolo will deal with Tristan,
Napasinghap si Serenity sa determinadong boses na iyon na tumawag sa kan'ya. Bagama't may takot sa puso niya ay pilit siya na lumingon sa pinanggalingan ng boses at para siyang nabunutuan ng tinik nang makita niya ang isang pamilyar na mukha. Ngunit hindi niya alam kung dapat ba siya na magtiwala sa kaharap niya pero wala na rin naman siyang iba pa na pagpipilian lalo na at nalaman na rin niya ang tunay na pakay ni Tristan sa kan'ya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka niya hinarap si Chino na nakangiti sa kan’ya. Sinenyasan pa siya nito na tumahimik kaya naman pagtaas at baba lamang ng ulo niya ang naging tugon niya sa lalaki. "I need to get you out of here, Serene. Alam ko na ayaw mo nang bumalik sa poder ni Zane at ayaw mo nang makasama kami, pero sa ngayon ay iyon lamang ang tanging opsyon na mayroon ka para makaligtas ka sa kasamaan ng bodyguard mo. You need to trust me even if you don't want to, because we are your only way out of this." Naiintindihan n
"What?! Bullshit! Anong ibig mo sabihin na ayaw umalis? Hindi puwede na ayaw niya na umalis, Jed!" Hindi pa man nagsisimula ang tunay na laban niya ay sumasakit na agad ang ulo ni Zane dahil sa ibinalita ni Jed sa kan’ya patungkol sa asawa niya. "She can't stay here, and you know that. Stick to the fucking mission, dammit! You and Chino should do something about this and bring her to the safehouse. I’ll talk to her there." And those words should be enough to make Jed shut up at the moment and do something about his wife. Ipinasa na niya ang responsibilidad na iyon sa mga kaibigan niya dahil ayaw niya muna na makaharap ang asawa niya. Nang matapos ang tawag ay napapahilot na lamang si Zane sa kan’yang batok dahil sa sigurado siya na mahihirapan ang mga kaibigan niya na mapasunod ang asawa niya. And once again, he is to blame for all of this. Siya na naman kasi ang biglaan na nag-iba sa mga plano na napag-usapan nila at siya na naman ang hindi sumunod sa dapat na mangyayari. And there
"Ano na ang balita?" Nag-aalinlangan na tanong ni Zane kay Jed. "Wala pa bang update? Si Bogs wala pa rin bang balik na report kung ano na ang nangyari?" Tangi na pag-iling lamang ang tugon sa kan’ya ni Jed na kasalukuyan din na abala sa ginagawa nito na pagtawag at pagkonekta sa ilan sa mga tauhan nila na naiwan sa lokasyon at maging sa tauhan ni Manolo. It has been roughly three hours or more since they left that place, and up until now there has not been any news about what is taking place kaya naman hindi lamang si Zane ang aligaga kung hindi maging sina Jed at Chino. Hindi pa rin nakakabalik si Bogs dahil nakabantay pa ang kaibigan nilla sa mga nangyayari sa tagpuan. Malinaw man ang plano na hindi mangingialam ang grupo niya sa laban pero may ilan sa mga tauhan pa rin nila ang naiwan sa lugar at kasama na nga roon si Bogs kahit na mahigpit pa ang bilin niya na sumunod agad sa kanila sa warehouse ang lalaki. "It would be better if you would stay with her, Zane." Pagsambit ni Je
"Zane! Zane! Are you awake?" Sunod-sunod ang pagtawag sa pangalan niya at pagkatok sa pintuan ng silid niya kaya naman mabilis siya na napabalikwas buhat sa pagkakahiga at mabilis din niya na tinungo ang pintuan para tumahimik na ang kaibigan niya. Bumungad sa kan’ya si Jed na hindi maintindihan ang ekspresyon at mukhang problemado. "Bogs is here. We need to talk right now. We’ll be in the office." Sa tono pa lamang ng pananalita ng kaibigan niya at sa ekspresyon nito ay alam na ni Zane na may hindi magandang balita at kung ano man iyon ay kailangan nila na agad na harapin, kaya naman tinanguan na lamang niya si Jed upang sabihin na susunod na siya at mabilis din naman siya na tinalikuran nito. Nang makaalis ang kaibigan ay muli niya na sinulyapan si Serenity na mahimbing na natutulog sa kama niya. Marahil dala ng sobrang kapaguran dahil sa ilan araw na pananatili nito sa poder ni Tristan kaya naman mabilis din na nakatulog si Serenity kanina. Hindi niya inakala na magiging madali a