"Zane! Zane! Are you awake?" Sunod-sunod ang pagtawag sa pangalan niya at pagkatok sa pintuan ng silid niya kaya naman mabilis siya na napabalikwas buhat sa pagkakahiga at mabilis din niya na tinungo ang pintuan para tumahimik na ang kaibigan niya. Bumungad sa kan’ya si Jed na hindi maintindihan ang ekspresyon at mukhang problemado. "Bogs is here. We need to talk right now. We’ll be in the office." Sa tono pa lamang ng pananalita ng kaibigan niya at sa ekspresyon nito ay alam na ni Zane na may hindi magandang balita at kung ano man iyon ay kailangan nila na agad na harapin, kaya naman tinanguan na lamang niya si Jed upang sabihin na susunod na siya at mabilis din naman siya na tinalikuran nito. Nang makaalis ang kaibigan ay muli niya na sinulyapan si Serenity na mahimbing na natutulog sa kama niya. Marahil dala ng sobrang kapaguran dahil sa ilan araw na pananatili nito sa poder ni Tristan kaya naman mabilis din na nakatulog si Serenity kanina. Hindi niya inakala na magiging madali a
Hindi ito ang gusto ko na mangyari. Hindi ito ang plano ko na kahinatnan ng buhay namin dahil lamang sa pagpapasya ko na sumama at pagkatiwalaan si Tristan. Hindi ko inasahan na ang katigasan ng ulo ko at ang pagkasarado ng isipan ko ang magdadala sa amin lahat sa sitwasyon na ito. Hindi ko inakala na dahil sa pagpili ko na unahin ang galit ko kaysa ang makinig sa mga paliwanag ay nasa bingit ngayon ng kamatayan ang daddy ko. Hindi ito dapat na mangyari pero sa muli ay wala akong magawa kung hindi ang sisihin ang sarili ko. What happened may have been beyond my control. I never thought that it would come to this point, but it did. It was not even my fight to begin with, but then I had to be involved and be the sacrificial lamb in all these fights. I don't even know how they started, but still, the guilt that I am feeling is immeasurable. After all, it was my father’s life that was on the line right now because of my drastic actions. Punong-puno ako ng pagsisisi sa mga nangyayari. I w
Nasasaktan at nilulukob ako ng matinding takot sa katotohanan na maaari na maging huli na ang lahat para sa amin ng daddy ko. If I lose my father now, I don't know what I will do or what will happen to me. Siya na lamang ang mayro'n ako kaya baka hindi ko kayanin kung pati siya ay mawawala sa akin. Dala marahil ng mga takot ko na iyon ay naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng mahihina na paghikbi ko. Hindi ko na kaya at nilulukob na ako ng matinding emosyon ko, and I am honestly breaking down now. Pagpisil sa kamay ko ang sunod na naramdaman ko kasabay sa pagdampi ng palad ni Zane sa pisngi ko upang punasan ang mga luha na naglalandasan. And that act alone made me feel that I was not alone. I may not even know who he really is, but he is comforting me in ways I can't even imagine. "Babe, Serene, he will get through this. Isipin mo lang na makakaligtas siya. May mga doktor kami na magsisigurado na magiging maayos ang lagay ng ama mo. Don't lose hope now, becaus
Pagpasok pa lamang sa silid na pinagdalahan sa kanila ay bumuhos na agad ng luha ni Serenity nang makita niya ang lagay ng ama niya. Hindi niya inakala na aabot sila sa punto na ito. They had men to protect them; they had bodyguards following them around all the time; they had the money for everything, but why then did this happen to her father? Walang sapat na salita ang maaari na makapagpaliwanag ng sakit ng kalooban na nararamdaman niya sa ngayon. She is breaking just at the thought of losing her father and the memories of how she lost her mother are replaying in her mind as well. Is it too late for her now? Huli na nga ba ang lahat para maayos pa ang relasyon nila na mag-ama? May bukas pa ba na naghihintay para sa kanilang dalawa? Pilit man niya na pigilan ang mga takas na paghikbi na lumalabas sa kan’ya ay hindi niya magawa. Ayaw na sana niya na lalo na mag-alala pa sa kan'ya si Zane pero hindi niya mapigilan ang mga emosyon niya. Napapahawak na lamang siya sa dibdib niya upang
Nang makalabas si Zane sa silid na kinaroroonan ni Manolo ay naghihintay na sa kan’ya ang tatlong kaibigan niya. Pigil na pigil siya kanina pa sa mga reaksyon niya dahil ayaw niya na makasali pa siya sa alalahanin ng asawa niya. Kaya naman nang makalabas siya ng silid agad na nag-iba ang reaksyon niya at ang kanina na pag-aalala at problemadong itsura niya ay agad na napalitan ng pagkunot ng noo niya at ang madidilim na tingin niya. "Where the fuck is Tristan Rances?" Iyon ang bungad na tanong niya sa mga kaibigan niya na inaasahan na ang reaksyon niya na iyon. "That asshole will wish that he never crossed us! Ipahanda na ninyo ang paglilibingan sa gago na iyon!" "Zane, chill ka lang." Pagpipigil agad sa kan’ya ni Jed. "We will get to the bottom of this, but we have to make sure that you will not act irrationally again." "Tang-ina! Pinipigilan mo na naman ako, Jed? Nakita mo ba ang lagay ng asawa ko? Basag na basag si Serenity dahil sa katarantaduhan ng gago na iyon tapos ngayon pip
Pangisi-ngisi si Tristan habang kaharap niya ang mga lider ng Bastardos. Bugbog sarado siya at duguan pero hindi niya alintana ang sakit ng katawan na nararamdaman niya. Ipinapakita niya sa lahat na hindi siya natatakot o nababahala man lamang na pinagkakaisahan siya ng grupo nina Zane. Nagmamatapang siya at maangas siya sa pagkausap sa mga kalalakihan sa kan'yang harapan pero sa totoo lamang ay patuloy ang malalakas na dagundong ng puso niya at ang kalituhan ng isip niya kung paano siya makakatakas sa senaryo na ito. Hindi rin nakakatulong na wala man lang siyang kaalam-alam kung saan din dinala ng mga tauhan ni Zane si Aliya. Hindi niya inasahan ang posibilidad na magtutulong sina Zane at Manolo laban sa kan'ya. Hindi niya nagawa na magplano sa sitwasyon na magiging magkakampi pa ang dalawang tao na pilit niya na pinagsasabong. At bagama't nagpapakatatag siya sa harapan ng Bastardos, ang katotohanan pa rin ay takot na takot siya lalo nang tutukan siya ni Zane Lardizabal ng baril at
Dalawang magkasunod na putok ng baril ang nagpagitla sa seryosong-seryoso na si Serenity. She is taking her sweet time talking to her father when that eerie sound fills the air. Bahagya pa na napahigpit ang kapit niya sa kamay ng kan’yang ama kasabay sa mabibilis na dagundong ng tibok ng puso niya. Bakit may putok ng baril? Saan nanggaling iyon? Hindi pa ba natatapos ang kaguluhan? Ang unang pumasok sa isipan niya ay ang kan’yang asawa na si Zane. Alam niya na teritoryo nina Zane at ng mga Bastardos ang lugar na kinaroroonan nila kaya hindi maaari na may mangyari sa asawa niya pero may tsansa rin na mahanap sila ng mga kalaban nila at sugurin, hindi ba? Ngunit, sino nga ba ang mga kalaban ng grupo nina Zane? Ang mga kasamahan ba ng ama niya? Patuloy niya na sinasabi sa sarili niya na hindi maaari na si Zane ay mapapahamak dahil marami naman na mga tauhan ang asawa niya sa lugar at nakita niya iyon mismo sa pagdating nila rito, pero kung hindi si Zane iyon sino at ano ang rason ng mga
"Put me down, Zane! Magwawala na ako rito and I mean it!" Nahahapo na ibinaba ni Zane ang asawa niya nang makapasok sila ng silid. Nais niyang matawa sa sinabi nito na magwawala na dahil ano ba sa tingin ni Serenity ang ginagawa niya? Hindi pa ba iyon pagwawala para sa asawa niya? "You are a jerk! Bakit mo ako binitbit ng gano'n? May paa ako, Zane, at kaya ko na maglakad!" Tama naman ang asawa niya: kaya nito na maglakad pero alam nila pareho na hindi iyon gagawin ni Serene. "Alam ko naman pero alam ko rin na hindi mo gagawin na iwan ang tatay mo kaya ang buhatin ka ang tanging paraan na mayroon ako." "Kahit na! Hindi mo dapat na ginawa iyon!" Napapahilot na lamang siya ng kan’yang ulo sabay naglakad upang maupo sa may gilid ng kama habang patuloy sa pagbubunganga sa kan’ya si Serenity. Simula kasi nang umalis sila sa safehouse ay wala na rin tigil ang babae sa pagsigaw at paghampas sa kan’ya at bagama’t nasasaktan na siya sa mga ginagawa ng asawa niya ay wala naman siyang iba rin n