Nang makalabas si Zane sa silid na kinaroroonan ni Manolo ay naghihintay na sa kan’ya ang tatlong kaibigan niya. Pigil na pigil siya kanina pa sa mga reaksyon niya dahil ayaw niya na makasali pa siya sa alalahanin ng asawa niya. Kaya naman nang makalabas siya ng silid agad na nag-iba ang reaksyon niya at ang kanina na pag-aalala at problemadong itsura niya ay agad na napalitan ng pagkunot ng noo niya at ang madidilim na tingin niya. "Where the fuck is Tristan Rances?" Iyon ang bungad na tanong niya sa mga kaibigan niya na inaasahan na ang reaksyon niya na iyon. "That asshole will wish that he never crossed us! Ipahanda na ninyo ang paglilibingan sa gago na iyon!" "Zane, chill ka lang." Pagpipigil agad sa kan’ya ni Jed. "We will get to the bottom of this, but we have to make sure that you will not act irrationally again." "Tang-ina! Pinipigilan mo na naman ako, Jed? Nakita mo ba ang lagay ng asawa ko? Basag na basag si Serenity dahil sa katarantaduhan ng gago na iyon tapos ngayon pip
Pangisi-ngisi si Tristan habang kaharap niya ang mga lider ng Bastardos. Bugbog sarado siya at duguan pero hindi niya alintana ang sakit ng katawan na nararamdaman niya. Ipinapakita niya sa lahat na hindi siya natatakot o nababahala man lamang na pinagkakaisahan siya ng grupo nina Zane. Nagmamatapang siya at maangas siya sa pagkausap sa mga kalalakihan sa kan'yang harapan pero sa totoo lamang ay patuloy ang malalakas na dagundong ng puso niya at ang kalituhan ng isip niya kung paano siya makakatakas sa senaryo na ito. Hindi rin nakakatulong na wala man lang siyang kaalam-alam kung saan din dinala ng mga tauhan ni Zane si Aliya. Hindi niya inasahan ang posibilidad na magtutulong sina Zane at Manolo laban sa kan'ya. Hindi niya nagawa na magplano sa sitwasyon na magiging magkakampi pa ang dalawang tao na pilit niya na pinagsasabong. At bagama't nagpapakatatag siya sa harapan ng Bastardos, ang katotohanan pa rin ay takot na takot siya lalo nang tutukan siya ni Zane Lardizabal ng baril at
Dalawang magkasunod na putok ng baril ang nagpagitla sa seryosong-seryoso na si Serenity. She is taking her sweet time talking to her father when that eerie sound fills the air. Bahagya pa na napahigpit ang kapit niya sa kamay ng kan’yang ama kasabay sa mabibilis na dagundong ng tibok ng puso niya. Bakit may putok ng baril? Saan nanggaling iyon? Hindi pa ba natatapos ang kaguluhan? Ang unang pumasok sa isipan niya ay ang kan’yang asawa na si Zane. Alam niya na teritoryo nina Zane at ng mga Bastardos ang lugar na kinaroroonan nila kaya hindi maaari na may mangyari sa asawa niya pero may tsansa rin na mahanap sila ng mga kalaban nila at sugurin, hindi ba? Ngunit, sino nga ba ang mga kalaban ng grupo nina Zane? Ang mga kasamahan ba ng ama niya? Patuloy niya na sinasabi sa sarili niya na hindi maaari na si Zane ay mapapahamak dahil marami naman na mga tauhan ang asawa niya sa lugar at nakita niya iyon mismo sa pagdating nila rito, pero kung hindi si Zane iyon sino at ano ang rason ng mga
"Put me down, Zane! Magwawala na ako rito and I mean it!" Nahahapo na ibinaba ni Zane ang asawa niya nang makapasok sila ng silid. Nais niyang matawa sa sinabi nito na magwawala na dahil ano ba sa tingin ni Serenity ang ginagawa niya? Hindi pa ba iyon pagwawala para sa asawa niya? "You are a jerk! Bakit mo ako binitbit ng gano'n? May paa ako, Zane, at kaya ko na maglakad!" Tama naman ang asawa niya: kaya nito na maglakad pero alam nila pareho na hindi iyon gagawin ni Serene. "Alam ko naman pero alam ko rin na hindi mo gagawin na iwan ang tatay mo kaya ang buhatin ka ang tanging paraan na mayroon ako." "Kahit na! Hindi mo dapat na ginawa iyon!" Napapahilot na lamang siya ng kan’yang ulo sabay naglakad upang maupo sa may gilid ng kama habang patuloy sa pagbubunganga sa kan’ya si Serenity. Simula kasi nang umalis sila sa safehouse ay wala na rin tigil ang babae sa pagsigaw at paghampas sa kan’ya at bagama’t nasasaktan na siya sa mga ginagawa ng asawa niya ay wala naman siyang iba rin n
Masayang nagtitipon ang pamilya ni Jaime Lardizabal dahil kababalik lamang niya buhat sa isang biyahe sa labas ng bansa. He has been out of the country for a few weeks kaya naman pagdating na pagdating niya ay ang pamilya niya agad ang ninais niya na makasama. At ano pa nga ba ang aasahan sa pamilya Lardizabal? Larawan sila ng isang perpekto na pamilya: pamilya na puno ng pagmamahalan at pagmamalasakit para sa isa’t-isa. Together with him right now are his wife and his two children. And they are all that he needs in his life. Nothing more, and no one else except for them. Them and his position in the government, plus the riches he has, are everything that he had dreamed of, and he is so thankful to share it with his family. Si Jaime Lardizabal ay isa sa mga sikat at pinakakatiwalaan na senador sa bansa dahil na rin sa pagmamalasakit na ipinapakita niya sa mga mahihirap na pamilya. Naging plataporma na niya ang pagbibigay ng tulong at mga programa para sa mahihirap na pamilya dahil p
"Mabuti naman at napatahimik mo rin ang asawa mo kagabi, Zane. I am assuming she is settled ny now because she has gone awfully quiet after her tantrum episodes yesterday, and we were able to get a peaceful sleep afterward." Sa totoo lamang ay sumakit na ang ulo nina Jed sa kaingayan ni Serenity simula nang bitbitin ni Zane ang asawa upang sapilitan na isama sa panibagong lokasyon nila. Alam naman nila na hindi magiging madali iyon sa kanila pero hindi rin nila inaasahan ang enerhiya na mayroon ang asawa ni Zane upang magwala sa kanila. Ayaw sana nila na galitin ang misis ng kaibigan nila pero kinailangan nila na umalis sa safehouse at lumipat sa ibang lugar dahil mukhang natunugan na ng mga kalaban ang kinaroroonan nila. And they are thankful that even though problems are arising, they still managed to prepare a new set of plans and still had a restful sleep last night after Serenity toned down. "Nag-usap na ba kayo?" tanong pa ni Jed. "Partly, yes. Nabanggit ko na sa kan’ya ang t
It was unexpected news, but it was well-worth it regardless. Nang gisingin siya ni Zane para sabihin na kailangan nila na umalis agad ay kung ano-ano na senaryo na naman ang tumakbo sa isipan niya. They are out on the run, and the only thing that is constant for them at this point is to keep on moving and changing safehouses in the hopes that no one can find them. Kahit na namamagod pa siya buhat sa pagwawala niya kagabi ay wala siyang tanong-tanong na sumunod sa sinabi ng asawa niya dahil alam niya rin naman na walang patutunguhan kung magmamatigas pa siya ulit. She was blindly following what Zane wanted so that they could both live, but when her husband mentioned that the reason for their need to leave was because of her father, she instantly felt energized to move. Hindi alam ni Serenity kung paano nangyari pero masaya siya na nangyari at nabigyan pa siya ng pagkakataon na muli na makapiling ang kan'yang ama. Hindi mapagsidlan ang kasiyahan niya nang sabihin ni Zane na gising na a
Parehong tahimik sina Zane at Serenity habang binibigyan ng pagkakataon si Manolo na sabihin ang mga nais nito na sabihin. Ayaw talaga sana na pagbigyan ni Zane ang hiling ng matanda dahil para sa kan’ya ay hindi naman na importante iyon, pero nang banggitin nito ang ama niya ay naisip niya ang pinakamahalagang misyon nila bilang Bastardos kaya naman nagbago agad ang isip niya. He needs to play this game against his father wisely. Hindi basta-basta ang ama niya lalo na at malakas ang impluwensya at kapit nito sa gobyerno dahil sa posisyon nito kaya naman kahit na anong impormasyon na maaari na makatulong sa kanila para mapabagsak ang kan’yang ama ay tatanggapin niya. It's also not that he genuinely trusts Manolo at this point, but he knows that whatever information he will give him is legitimate lalo na at buhay rin ng anak nito ang nakataya at hindi lamang ang sa grupo niya. "H-hindi ko g-ginusto na mapabilang sa ganitong s-sindikato, Anak, pero nang m-mamatay ang mama mo ay na-nadi
Tapos na po ang story nina Zane at Serenity. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung natagalan ng sobra ang pagtatapos ng kuwento nila dahil naging sobrang busy po sa work. Again, thank you to all the readers. Sana po ay basahin ninyo rin ang iba ko pa na story sa GN. (Completed) The Invisible Love of Billionaire Married to the Runaway Bride Falling for the Replacement Mistress The Rise of the Fallen Ex-Wife My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) (On-going) In Love with His Brother's Woman (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress The Runaways' Second Chance Mate
"We’re home! Finally!" Patakbo pa na pumasok si Serenity sa mansyon ng mga Enriquez na animo batang excited na excited sa muling pagbabalik. Masayang-masaya rin niya na binabati ang mga kasambahay at tauhan nila na naroon para salubungin siya. After so many months away from home, she is finally back. They are finally back. "Welcome back, Mam Serenity." bati pa ng mga tauhan sa kan'ya. "Kamusta kayong lahat? Kamusta ang mansyon na wala na si Daddy?" tanong naman niya. "Ibang-iba, Mam Serenity, dahil parang laging may kulang." sagot ng mayordoma nila. "Miss na rin namin si Sir Manolo." "Ako rin naman, pero hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Let's enjoy that I am back for good now." Matagal-tagal din siya na nawala dahil halos kalahating taon din sila na namalagi sa ibang bansa at tumira sa magulang at kapatid ni Zane bago sila nagdesisyon na mag-asawa na magbalik na sa Pilipinas. Idagdag pa roon na bago pa mangyari ang mga kaguluhan ay hindi na rin siya madalas na umuuwi sa m
“Babe, I miss you.” Nakangiti na bati ni Zane sa asawa niya na kasalukuyan na nasa garden. Napangiti naman agad si Serenity pagkakita sa kan'ya kaya naman nang makalapit siya ay mabilis din na pumulupot ang mga braso niya sa beywang nito kasabay sa paghalik sa labi nito. "How was your day?" "I miss you." Sagot naman ni Serenity sabay ganti ng halik sa kan'ya at pagyapos din sa beywang niya. "Will you two stop with the PDA?" Pagrereklamo naman ni Ace na kasama ni Zane na dumating. "Kailangan ba talaga na lagi ninyo na gagawin iyan sa harapan ko?" Nagkatawanan lamang ang mag-asawa at nagpatuloy sa paglalambingan nila habang patuloy na binabalewala ang pagrereklamo ng kapatid ni Zane sa tabi nila. It has almost been four months since Zane made the decision to walk away from the people he considers his family, and life has been different for him. Does he regret doing so? Of course not, because he is living his life with the person he considers his salvation, but he can't deny the fact
"Tanga ka ba, Zane? Bakit umalis ka pa rin?" Hindi maiwasan ni Jed na mainis sa kaibigan nila matapos nito na ikuwento sa kan'ya ang panibagong problema na kinakaharap nito sa asawa nito na si Serenity. "Gago ka rin talaga. Binigyan ka na pala ng ulitmatum, umalis ka pa rin? Sigurado ka ba na kaya mo na harapin ang magiging desisyon ng asawa mo kung sakali? Ang lakas ng loob mo na makipagsabayan sa pagmamatigas niya pero sa huli ikaw naman ang maghahabol." "Ano ang gusto mo na gawin ko, Jed? Basta na lamang ako na umayon sa gusto niya?" tanong naman ni Zane pabalik sa kaibigan niya. "Tang-ina! My life is so messed up. Natapos ko nga ang problema natin sa tarantadong ama ko pero ito na naman at panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. And what’s worst is that this time I don't think I can be able to solve this." "Why can't you? Madali lang naman ang problema na iyan, ibigay mo lang ang sagot na nais na marinig ng asawa mo at matatapos ang problema mo. It's as simple as that, s
It took him roughly a week to recuperate and be back on his toes, and all throughout it was his wife who was by his side. Hindi siya iniwan ni Serenity at lagi na nakaalalay ang asawa niya sa kan’ya sa lahat ng pgkakataon. Isang linggo matapos niya na magising ay nagdesisyon sila ng mga Bastardos na mangibang-bansa pansamantala at lumayo muna sa kaguluhan. Mainit pa ang usapin sa pulitika lalo na ang pagkakahuli sa ama niya. Oo, hindi siya ang nanaig na nag-iisang Lardizabal dahil gaya niya ay buhay pa rin ang ama niya. Napuruhan man niya si Jaime pero katulad niya ay nakaligtas din sa kamatayan ang ama niya. Tunay nga na ang dugong Lardizabal ay hindi basta-basta na namamatay, So has he failed the mission? No. Hindi man siya ang natirang nag-iisang Lardizabal sa laban nila ng ama niya ay napabagsak naman nila ang sindikato nito gaya ng plano nila. Kasalukuyan nang nakakulong ang senador habang hinihintay ang paglilitis sa patong-patong na kaso na kahaharapin nito. Nakabantay rin an
It was the same scenario that she is in. Parehong-pareho sa tagpo nila ng ama niya noon kung saan nakaratay si Manolo habang ang pagtunog lamang ng mga aparato na nakakabit sa pasyente ang maririnig ang kinakaharap niya na senaryo. Iyon na iyon din ang parehong sitwasyon niya habang nasa loob siya ng silid na kinaroroonan ng asawa niya na siya naman na nakaratay ngayon at nag-aagaw-buhay. It took her a lot of courage to be able to be here. She wanted to see Zane, but she was terrified of what she would see kaya naman nagpalakas muna siya ng loob niya. Mabuti na lamang din at nakapag-usap sila ni Jed kanina at iyon ang nakapagbigay lakas at kumpiyansa sa kan’ya na puntahan na ang asawa niya at kausapin. Umaasa siya na mag-iiba naman ang takbo ng kapalaran nila at kapag kinausap nga niya si Zane ay talagang lalaban ang asawa niya para mabuhay. She had tried the same tactic with her father before, but still, her father chose not to fight, and that is the reason why she is so scared to fa
"Zane is in a critical condition. He is almost dying." Ang mga salita na iyon ni Ace ang paulit-ulit na naririnig ni Serenity na parang echo sa kan’yang isipan. At sapat na ang mga salita na iyon para gumuho ang mundo niya. It is like history is repeating itself again for her. Ilan beses ba siya na pasasakitan ng tadhana at ilan beses ba nito na ipaparanas sa kan'ya ang mga tagpo na ayaw na sana niya na balikan pa? This is the same scenario as with her father, where things didn’t go well in the end kaya hindi niya ngayon alam kung paano haharapin ang tagpo na ito na ang sariling asawa na niya ang malaki ang posibilidad na mawala sa kan’ya. Hindi na nga niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas para mag-ayos at kahit maglakad man lamang pero ito na siya ngayon sa sasakyan patungo sa isang lugar kung saan naroon ang asawa niya. All through the flight, she was anxious and crying at alam niya na ganon din ang nararamdaman nina Ace at Amalia pero sa kabila noon ay mas inalala p
"Serene, baka gusto mo na sumama kay Ace na mamasyal. He can bring you to the mall; after all, Zane mentioned to me that you like shopping a lot. You might want to go out and enjoy yourself, even for a while." If it were the Serenity before, she would surely grab the opportunity and say yes right away to Zane’s mother, but she is a different Serene now, and going out is no longer a part of her favorite things to do. All she needed to be able to make her happy was to see her husband again. Si Zane lamang ang kailangan niya at wala nang iba pa. "Yes, Serenity, I can take you out and tour you around. You need to get out of here, or you’ll be bored to death here." Dagdag na pagyaya naman ni Ace sa kan’ya. "I am free the whole day, so I can spend time with you." Bahagya na lamang siya na umiling kasabay sa tipid na pagngiti niya sa mag-ina. Lubos siya na nagpapasalamat sa presensya ng ina at kapatid ni Zane na siyang nagiging sandigan niya sa ngayon habang wala ang kan'yang asawa, pero h
"What?! Baliw ka na ba talaga, Zane? Hindi puwede ang nais mo na mangyari. Alam mo na walang iwanan sa laban." "Nakapagdesisyon na ako, Chino." "Mamamatay ka sa kamay ng ama mo ng walang laban. Nakita mo ba kung gaano siya kagalit kanina nang malaman niya ang mga ginawa natin? Nakita mo ba ang paghihimagsik ng kalooban niya para sa'yo? Hindi maaari ang gusto mo dahil wala iyan sa plano natin." Hindi kaya ni Chino na iligtas ang kan'yang sarili habang si Zane ay magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan nila. Iisa lamang ang misyon nila at nangako rin siya kay Jed na hindi niya hahayaan na may mangyari na masama sa lider nila. Alam din niya kasi kung gaano isinasakripisyo ni Jed ang sarili nito sa bawat laban nila lalo na at si Zane ang lagi nito na kasama at handa rin siya na gawin iyon para sa kaibigan. "Wala rin sa plano natin ang maipit tayo rito. Wala na tayong ibang pagpipilian, Chino. Kailangan na makalabas kayo para makahingi kayo ng back-up, I will try to buy as much time a