Share

Chapter 49 - Her Ex-Men

"Boss! Boss!" Nabulabog ang apat na lider ng Bastardos sa mga pagsigaw na iyon ng isa sa kanilang tauhan. "Boss!"

Habol-habol pa ang kan’yang hininga na tinungo ng tauhan ang mga lider nila sa may dining area at halata ang takot nito sa apat na kalalakihan na lahat ay seryoso lamang na nag-aalmusal. Ang apat naman ay mataman lamang na napahinto sa kanilang pagkain at nakatingin na lamang sa kan’ya at naghihintay sa sasabihin niya.

"Anong problema mo, Jethro? Ang aga-aga ang ingay-ingay mo!" Bulyaw ni Bogs sa tauhan. "Nahatiran na ba ninyo ng pagkain si Serenity?"

"Boss," tawag pa ulit nito. Hindi malaman ng apat kung sino ba sa kanila ang pinatutungkulan nito at panay boss lamang ang tangi na nasasabi at halata pa ang takot sa mukha nito.

"Anong problema, Jeth?" Pag-uulit ni Jed sa tanong ni Bogs kanina sa lalaki.

"Boss Zane, a-ang asawa mo. Nawawala ang asawa mo!"

"What?!" Sabay-sabay na napasigaw ang apat habang napahampas na lamang si Zane sa lamesa.

"Anong nawawala?" singi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status