"KUMUSTA?" Agad na bati ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli sa bar."Ok lang, balita ko may inuwi kang babae nakaraang linggo?" bahagyang ngumiti sa kausap ang babae."Ah, hindi ko kilala iyon." Napakamot sa batok na sagot ni Yosef."Ikaw ha, sobrang hilig mo sa babae baka magkasakit ka niyan ng H.I.V." Sermon nito sa binata."Hindi iyan, maingat ako.""Sana lang ay magbago ka kapag natagpuan mo na ang babaeng alayan mo ng iyong pangalan." Malungkot na wika ni Blue."Bakit ba tungkol sa ganyan ang pinag-uusapan natin?" nailang bigla ang binata. "Maiba tayo, pumayat ka yata?" Sinuri nito ang pigura ng dalaga."Stress lang sa trabaho kaya pumayat. Hindi rin ako magtatagal dahil malayo ang uuwian ko ngayon."Nakaramdam ng pagkadismaya si Yosef, gusto pa sana niyang makipagkwentohan sa dalaga."Ihatid na kita kung gusto mo?" alok nito sa huli."No need, but thanks! Kasama ko ang driver ko."Kahit nakangiti ang dalaga ay nababanaag niya ang lungkot sa mukha nito. Gusto niya sanang ala
Last Updated : 2022-08-09 Read more