Home / Romance / Langit Sa Piling Mo (S.P.G) / Chapter 6: Bagong kaibigan

Share

Chapter 6: Bagong kaibigan

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2022-08-11 22:32:19

WEARING a short-sleeved blouse with collar and skirt above the knee. Pinatungan niya ang suot ng kulay asul na denim jacket. Nilugay din ang lampas balikat na buhok na medyo curly.

"Marie, is that you?" kausap niya sa sarili sa harap ng salamin. Napangiti siya sa kanyang hitsura, ibang-iba sa Joy na laging maluwag ang suot at old fashion pa. Sinuot muli ang salamin ngunit hindi na ganoon makapal. Hindi na siya mapagkamalan na siya si Divine Joy kung makita siya ng mga kasama sa trabaho.

Nagkaroon ng kaunting confident sa sarili si Joy matapos maayos ang sarili. Itinatak sa isipan na siya ngayon si Devine Marie na siyang haharap sa ibang tao.

Wala siyang kilala sa mga naroon kung kaya tahimik lamang siya na tumayo sa isang tabi. Samantalang ang iba ay nagkakamustahan at pakilala sa bawat isa na naroon.

"Which company you are belong, Miss? tanong ng isang matangkad at guwapong lalaki kay Joy.

"Villamor Manufacture Company, Sir." Magalang na sagot ng dalaga dito.

"Are you his—"

"His secretary, Sir," hindi na niya pinatapos sa pagsalita ang kaharap.

"Ang swerte talaga ng lalaking iyon!" bulong nito sa sarili at may paghangang tumingin sa dalaga. "By the way, my name is Mark Philip Alfares." Pakilala nito at inilahad ang palad sa harap ng dalaga.

"Divine Joy Ortega," sagot nito at nakipag shake hand sa lalaki.

"It's suit to your beautiful and angelic face!"

Nagulat si Joy nang iangat ng lalaki ang kamay niya at h******n nito ang likod ng kanyang palad.

"Ahm, Sir, my hand po!" Nahihiyang binabawi ang kamay mula sa pagkahawak ng binata. Ang ilang kababaihan na naroon ay nakataas ang kilay na nakatingin sa kanilang kinatatayuan.

"Don't mind them and just call me Mark or philip." Nakangiti na ani ni Philip at hindi magawang ihiwalay ang tingin sa mukha ng dalaga. 

Tumango na lamang si Joy, hindi na humiwalay ang lalaki sa kanya kahit sa pag-upo nang mag-umpisa na ang meeting. Napag-alaman niya na isa ring magaling na negosyante si Mark at mahigpit na katunggali ng amo sa larangan ng negosyo. Magkaganoon pa man ay tinutulongan siya nito sa dapat gawin dahil sinabi niya na first timer lamang siya sa ganoong event.

Hayagan ang pagpapakita nito ng pagkagusto sa kanya at pilit pa siyang hinatid pauwi.

"HANGA na talaga ako sa iyo!" 

Hindi alam ni Yosef kung papuri ba o nang-iinsulto si Mark nang tumawag ito sa kanya sa telepono kinagabihan. Hindi pa niya alam kung ano ang nangyari sa meeting na dinaluhan ng secretary kanina. Alam niya na puro yabangan lang naman at pataasan ng ihi sa ganoong pagpupulong kung kaya hindi na siya nag-abalang mag-aksaya ng oras doon.

"Ano ang kailangan mo?" nasa tinig ni Yosef na hindi siya interesado sa sasabihin ng kausap. Pinsan niya ito at laging nakikipag paligsahan sa kanya sa larangan ng negosyo. Ganoon pa man ay maayos ang pakikitungo sa isa't isa kapag nag usap.

"Magaling ka sa negosyo, pati sa pagpili ng secretary daig mo ako." 

"Type mo ang secretary ko?" Tumatawa na tanong nito sa kausap.

"Huwag mong sabihin na hindi siya kabilang sa mga babae mo?" Bakas sa boses ni Mark na natutuwa ito sa nalaman.

"C'mon Mark, kailan pa ako nagka-interest sa isang manang?" Sarkastikong balik tanong nito sa pinsan.

Rinig niya na tumawa ng malakas ang nasa kabilang linya. "What's funny?" Naka kunot ang noo na tanong niya kay Mark.

Tumigil naman si Mark sa pagtawa at nagseryoso. "Thank you at tinamad ka um-atend sa event kanina, asahan mo ang pagdalaw ko sa iyong office sa susunod na mga araw."

Napaisip si Yosef kung bakit umakto nang ganoon ang pinsan. At kung bakit naisip nito na pumasyal sa kanyang opisina ng walang dahilan.

Kinabukasan ay dumating nga ang pinsan. Wala ang kanyang secretary dahil may pinakuha siyang papel sa next floor ng building.

"Anong masamang hangin ang nagtulak sa iyo dito?" pabiro na bati nito kay Mark.

"Nasaan si Divine Joy?" Palinga-linga na tanong ni Mark. Hinahanap ng kanyang mga mata ang simple pero magandang secretary ni Yosef.

"Hindi ko alam na nagbago na pala ang taste mo sa babae." Pigil ni Yosef ang tumawa dahil malinaw na sa kaniya ngayon na ang kaniyang secretary ang pakay nito.

Sasagot pa sana si Mark nang biglang may pumasok sa office ng pinsan.

"Sorry, hindi ko alam na may bisita ka, Sir." Hinging paumanhin ni Joy, hindi niya pa namukhaan ang bisita nito dahil nakatalikod.

Nakilala ni Mark ang boses ng dalaga kung kaya nakangiti na nilingon ito. 

Natawa si Yosef sa pinsan nang unti-unting nabura ang ngiti sa labi nito nang makita ang kanyang secretary.

"Andito na pala ang binibisita mo," nakakaloko ang ngiti ni Yosef na nakatingin sa pinsan.

"Ikaw pala Mark," ngumiti si Divine sa binata.

Para namang namalikmata si Yosef nang ngumiti ang dalaga. Ngayon lang niya ito nakita na ngumiti ng ganoon at sa pinsan pa niya.

Bahagyang naipilig ni Mark ang ulo dahil halos hindi niya nakilala si Divine. Ibang-iba ang ayos nito ngayon maging ang suot na salamin sa mata. Kung hindi lang sa boses nito ay baka masabi niyang ibang tao ang nasa kanyang harapan ngayon.

Naengkanto ka na yata Mark?" hindi na nabura ang nakakalokong ngiti sa labi ni Yosef.

"Mukhang ako ang mas maswerte na nakilala siya kahapon." Hindi inaalis ang tingin sa dalaga at gumanti siya ng ngiiti sa dalaga nang mahimasmasan.

"May kailangan ka ba sa akin?"  Nakaramdam ng pagkailang si Joy sa titig na ipinukol sa kanya ng binata. Para bang hinuhubaran siya kung makatingin ito.

"Gusto ko ang ayos mo ngayon," sa halip na wika ni Mark. "Hindi nga ako nagkamali na isa kang matalino. Alam mo kung ano ang nakakabuti at nababagay na ayos sa sarili mo ayon sa taong nakakasalamuha mo." Humahanga naman ngayon na pinuri ang dalaga.

"Hindi ko alam kung ano ang nakikita mo na hindi ko nakikita Mark. Ang weird mo, kung iyan lang ang sadya mo dito ay ituloy mo na lang sa bahay niya dahil marami pa kaming trabaho na tatapusin." Palatak na ani Yosef dito at pasimpleng tinaboy ang pinsan.

"Yayain sana kitang kumain sa labas mamaya Joy, ok lang ba? tanong ni Mark sa dalaga at hindi pinansin ang aroganteng pinsan.

"Hindi ko alam," wala sa loob na sagot nito. First time na may nag-aya sa kanya nang ganoon at lalaki pa. Gusto niyang tanggihan ngunit ayaw niya itong mapahiya.

"Sunduin kita mamaya at five o'clock," ani Mark na nakangiti sa dalaga.

"Hindi siya maari mamaya dahil may paglalamayan kaming papers sa araw na ito at baka ma late na ang kanyang uwi." Singit ni Yosef sa usapan ng dalawa.

"Hindi mo naman siya binabakuran sa lagay na iyan?" mapanuksong tanong ni Mark sa pinsan

"Of course not! Why should I?" defensive na tanggi ng huli kung kaya natawa si Mark.

Si Joy ay werdong nakatingin lamang sa dalawang binata. Mukhang siya pa ang nakatuwaan ng dalawa ngayon.

"Sa ibang araw na lang kung ganoon," kay Divine ito nakatingin. "Huwag kang magsuot at mag-ayos nang katulad kahapon kapag itong amo mo ang nakakasama mo para ligtas ka palagi." Kumindat pa ito sa dalaga bago nagpaalam upang umalis na.

"Ano ang suot mo kahapon?" nilamon ng kuryosidad ang isip ni Yosef dahil sa inasal ng pinsan sa harap ng kanyang secretary.

"Damit." Maiksing sagot ng dalaga at nilapag ang dalang maraming papel sa lamesa. Ngayon niya lang naramdaman ang pangangalay ng braso dahil sa hindi agad nailapag sa lamesa ang dala.

"I know it's a dress, where is your commonsense?" iritadong tugon ng binata sa dalaga.

"Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kasuotan na iyon." Hindi na niya pinatulan ang ka arogantihan ng lalaki na mukhang may sumpong na naman.

Sinundan ng tingin ni Yosef ito nang tumalikod at lumabas ng pinto. Iniisip kung ano ang nakita ng pinsan dito at napahanga sa huli. Biglang naisip si Blue nang mapansin ang kulay ng sapatos ng secretary. Ngayon niya lang napansin na hindi nawawalan ng ganoong kulay sa bawat kasuotan ng dalaga. 

"Crazy thoughts!" napailing sa sarili na naisatinig ng binata. Upang hindi na ma-distract ang isip ay hindi na muli kinausap ang secretary hanggang mag-uwian. Tulad nang nakagawian ay sa maliit na bintana nito pinadadaan ang kailangan mula sa dalaga maging ang kape.

Balisa nang gabing iyon si Joy at biglang naisip ang kapatid kung kaya kanyang tinawagan. Nadismaya siya nang ang kinikilalang ina nito ang nakasagot at tulog na umano ang kapatid.

"Ok lang po ba siya diyan, Tita?" tanong niya sa ginang.

"May trangkaso siya, Hijaa, baka bukas ay ok na rin siya." Pinasigla ni Lydia ang boses upang hindi makahalata ang kausap.

"Sigo po, pakisabi na lang na tawagan ako pagkagising niya. Salamat nang marami po sa pag-aalaga at pagturing na tunay na anak sa kambal ko!" May ngiti sa labi na wika ni Joy sa ginang.

"Kami ang dapat magpasalamat, Hija dahil dumating kayong magkapatid sa buhay namin. Hindi ka man namin naampon ay parang anak na rin ang turing namin sa iyo!"

Napaluha si Joy sa tinuran ng ginang. Ang swerte ng kapatid dahil napunta ito sa mabuting kamay at napalaki ng masaya at maginhawa ang buhay.

Sa kabilang banda ay tahimik na umiiyak si Lydia na pinapanuod ang anak anakan sa pagtulog. Kakainum lang nito ng gamot pampaampat sa sakit ng ulo nang mamilipit ito sa sakit nito kanina. Nauubos na ang pera nila pampa-hospital sa anak at sa mamahaling gamot nito.

"Kailangan na siguro natin lumapit sa mapagkawang gawa na mga kaibigan natin, Hon."

Napalingon si Lydia sa asawa na nagsalita. Hindi niya namalayan na naroon na ito upang dalawin silang dalawa. Maging ito ay malungkot at nasasaktan sa sinapit ng kanilang ampon.

Related chapters

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 7: Pagkatao ni Blue

    "HEY!" Masayang bati ni Yosef kay Blue nang mamataan ito. Ilang gabi na rin siyang tumatambay doon at nagbabakasakali na makita muli ang babaing gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang linggo."Miss me?" Nakangiti ngunit matamlay ang mukha ng dalaga."What's wrong?" May pag-aalalang tanong ni Yosef sa dalaga. Nakasuot ito ng makapal na Jacket at may saklob na nakasuot ngayon sa ulo nito."Mapagbigyan mo ba ako sa hihilingin ko kung sakali?" Malungkot na tanong ng dalaga za binata."Bakit ganyan ka kung magsalita? Para ka naman namamaalam." Biro ng binata pero nakaramdam siya ng kaba. Naiisip pa lang niya ay nalulungkot na siya."I'm dying!"Maiksi at mahinang salita pero parang bombang tumama sa pandinig ng binata."Huwag ka naman magbiro nang ganyan—""I'm serious!" putol nito sa iba pang sasabihin sana ng binata.Awang ang bibig at hindi makapaniwalang napatitig su Yosef sa mukha ng dalaga."Mahaba na ang limang buwan na taning ng doctor sa akin." Patuloy nito nang hindi na n

    Last Updated : 2022-08-11
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 8: Mga habilin

    "Good morning, Mom!" Bati ni Yosef sa ina at humalik sa pisngi nito. "May bisita po pala kayo," anito na hindi agad nakilala ang Glginang na kausap ng ina sa balcon."Hindi mo na ba natatandaan ang Ninang Lydia mo, Hijo?" tanong ni Meldred sa anak."Ay sorry po, matagal na rin tayong hindi nagkita kung kaya hindi ko agad kayo nakilala." Hinging paumanhin ni Yosef sa ginang. Mahigit sampung taon na rin nang huli niya itong nakaharap."Ok lang Hijo, kumusta ka na? Ang laki na nang pinagbago mo at binatang-binata ka na." Natutuwang niyakap ni Lydia si Yosef."Hindi lang iyan binata Mare, matanda na rin siya pero ayaw pa mag-asawa." Naka ingos na kumento ng ina ni Yosef."Kung wala lang sana sakit ang aking anak eh pwede ko siyang ipakilala sa iyong binata, Mare." Malungkot na ngumiti ito sa mag-ina.Nakikinig lang si Yosef sa pag-uusap ng dalawang ginang habang umiinum ng kape. Ang alam niya ay nag-ampon ang kanyang ninang ng dalagita noon dahil walang kakayahan ang mga ito na magka anak

    Last Updated : 2022-08-11
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 9: Selos

    "MA'M Jinky, sandali po!" Pilit na hinaharangan ni Divine Joy ang pintuan ng opisina upang hindi makapasok ang babae sa loob."Kung sasabihin mo na wala siya sa loob o may ka meeting ay huwag ka nang humarang diyan kung ayaw mong ipatanggal kita sa trabaho mo ngayon din!" may kalakasan na bulyaw nito kay Joy. May nakapagsabi sa kanya na may bisita na namang babae ang nobyo kung kaya nagpunta siya roon."Ano ba ang ingay na iyan?" Dinig ni Divine ang baritonong boses ng amo kasabay nang pagbukas ng pintuan. Ang babaing ka meeting nito ay nasa likuran ng huli at nakataas ang kilay na nakatingin kay Jinky."Sino siya?" Turo ni Jinky sa babaing maganda pero mukhang kagalang-galang ang postura."Not now Jinky, please!" tiim bagang na bulong nito sa nobya, pure business ang pinag-uusapan nila ng kanyang bisita ngayon."Mukhang susugod sa gyera ang girlfriend mo, Mr. Villamor? Mauna na ako at ipaalam ko nalang sa iyo kung nakapag desisyon na ako kung ang company mo ang aking mapili." Hindi n

    Last Updated : 2022-08-11
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 10: Masakit na katotohanan

    NAPASAPO sa dibdib si Divine Joy nang maibaba ang telepono. Tulala na napatingin kay Yosef na nasa kanyang harapan ngayon."Are you ok?" tanong muli ni Yosef sa kanyang secretary. Agad siyang lumabas upang kamustahin ito nang malaman na tinawagan ito ng kanyang Ninang Lydia at pinaalam na nasa Hospital si Marie."Hey!" Niyugyog na nito ang balikat ng dalaga dahil parang natuod na ito sa kinatatayuan."A-ang kapatid ko!" Nauutal na wika nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata."Huminga ka muna ng malalim," agad na inabotan ito ng binata ng tubig. Parang tinusok ng karayom ang kanyang dibdib nang makitang umiiyak si Joy."Kailangan kong puntahan ang kapatid ko, baka napaano na siya!" Nanginginig ang kamay na inabot ang bag at hindi pinansin ang inaabot ng binata. "Samahan na kita," maagap na inalalayan ito ni Yosef dahil parang mabuwag sa pagkatayo.Patuloy lang na lumuluha si Joy habang nasa daan. Mabilis ang pagpatakbo ni Yosef ng sasakyan kung kaya thirty minutes lamang

    Last Updated : 2022-08-11
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 11: Akin ka

    PINADALA ni Yosef si Marie sa ibang bansa upang doon magpagamot. Naniniwala sila na may milagro pang mangyayari upang madugtongan ang buhay ng dalaga. Makabagong teknolohiya sa larangan ng medicine ang bansang Amerika at may nakausap ng doctor si Yosef upang magsagawa sa masilang operasyon ng dalaga."Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita mabayaran sa kabutihang ginawa mo para sa aking kapatid!" ani JOY sa binata nang mapagsolo sila sa opisina nito. Hindi siya nakasama sa pagpunta sa ibang bansa kahit pwede naman dahil wala siyang passport. Maantala lamang ang pagpagamot ng kapatid kung hintayin pa na ma-release ang kanyang passport."Huwag mo na isipin iyan, sapat na sa akin na manatili ka dito hangga't gusto ko." Makahulogang sagot ng binata."Pero kapag bumalik na si Marie, pwede na akong bumalik sa Kumbento hindi ba?" wala man kasiguradohan na mabuhay ang kapatid ay naniniwala siya sa awa ng Diyos."No!" matigas na tugon ni Yosef dito."Why?" nagugulohang tanong ni Joy

    Last Updated : 2022-08-12
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 12: First kiss

    HINDI malaman ni Joy kung ano ang dapat gawin nang maglapat ang labi nila ng binata. Kinabig nito ang kanyang batok kung kaya hindi mailayo ang mukha mula dito."Uhmmp!" Pilit na nanlaban at tinutulak si Yosef ngunit lalo lamang naging marahas ito sa paghalik sa nakatikom niyang bibig."Ouch!" Daing ni Yosef at pinutol ang halik dahil inapakan ng dalaga ang kanyang paa."Bakit mo ako hinalikan? Manyak ka talaga kahit kailan, paano na kapag nalaman ito ng mga Madre? Baka hindi na nila ako tanggapin!" Umiiyak na sumbat ni Joy dito habang pinapalo ng palad sa dibdib ang binata."So ako ang first kiss mo?" Malapad ang ngiti na tanong pa nito at hindi ininda ang palo ng dalaga. Hinayaan niya lang ito na saktang siya hanggang sa mapagod."Nagawa mo pang matuwa na damuho ka!" Lalong nagalit ang dalaga, tumigil ito sa pag-iyak at padabog na iniwan ang binata sa labas ng bahay.Sumisipol habang nakangiti si Yosef na sinundan ang dalagang galit sa kanya. Mabilis ang hakbang at hinarang ang sari

    Last Updated : 2022-08-12
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   pter 13: Ang banta

    KUMAKABOG ang dibdib ni Divine Joy habang naglalakad papasok sa building na pinagtatrabahuhan. Halos wala siyang tulog kagabi dahil sa nangyari sa kanila ng binata. Lihim nagdadasal na sana ay nauna siyang pumasok sa lalaki."Hi!"Napalingon si Joy nang may magsalita sa kanyang likuran habang naglalakad. Bahagya niyang binagalan ang hakbang upang kilalanin ang bumati sa kanya."Ako nga pala si Jano, a new hired engineer in this company." Pakilala nito sa dalaga nang magkaharap na sila."Divine," ngumiti si Joy. "Sa opisina ba ni Sir Yosef ang punta mo?""Yes, nakita ko na iisa ang pupuntahan natin kung kaya makisabay na ako.""Ako ang secretary ni Sir," pagbigay alam nito sa kausap. Patuloy sila sa marahang paglakad habang nag-uusap."Nice to meet you, Divine, hope to see you again?" Inabot pa nito ang kamay sa dalaga. Kahit may suot na salamin ito ay aninag niya ang magandang mata ng dalaga. Kakaiba ang ganda nito na hindi mapansin kung hindi pakatitigan dahil sa suot na salamin."Hi

    Last Updated : 2022-08-12
  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 14: Possessive

    "HINDI ba at sinabi ko sa iyo na huwag ka na muling sumama kay Mark?" Mahigpit na hawak niya sa braso si Joy at galit na pinapasok ito sa kanyang sasakyan. Para siyang sinuntok sa dibdib nang makita ang dalawa na masayang nag-uusap sa labas ng Kumbento kanina. First time niya makaramdam ng ganoon nang dahil sa babae kung kaya hindi na na-control ang sarili na magalit."Yosef, dahan-dahan at nasasaktan mo na si Divine!" Humabol si Mark sa mga ito. Maging siya ay nagulat sa biglang pagsulpot ng pinsan at bakas sa mukha ang matinding selos. Sinamahan lamang siya ni Joy na pumunta roon upang ipakilala sa mga madre at mga bata dahil gusto niyang magbigay ng donation bilang tulong sa Kumbento."Back off! Don't you dare to touch her again because she's mine!" nangangalit ang bagang na nilingon niya si Mark."Woah! Kailan mo pa siya naging pag-aari? Huling pag-uusap natin ay alergy ka sa kanya? Ano ang nangyari?" amuse na tanong ni Mark dito. Wala naman siyang balak na ligawan na si Joy dahi

    Last Updated : 2022-08-12

Latest chapter

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Finale

    TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 62: Sama ng loob

    "I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 61: Stop moaning

    KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 60: Kakaibang sarap

    "LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 59: Open it

    FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 58: Save by the bell

    NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 57: Undress your self

    "NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 56: Kahibangan

    PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din

  • Langit Sa Piling Mo (S.P.G)   Chapter 56: Gulo sa pagitan ng magkaibigan

    NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at

DMCA.com Protection Status