HINDI malaman ni Joy kung ano ang dapat gawin nang maglapat ang labi nila ng binata. Kinabig nito ang kanyang batok kung kaya hindi mailayo ang mukha mula dito."Uhmmp!" Pilit na nanlaban at tinutulak si Yosef ngunit lalo lamang naging marahas ito sa paghalik sa nakatikom niyang bibig."Ouch!" Daing ni Yosef at pinutol ang halik dahil inapakan ng dalaga ang kanyang paa."Bakit mo ako hinalikan? Manyak ka talaga kahit kailan, paano na kapag nalaman ito ng mga Madre? Baka hindi na nila ako tanggapin!" Umiiyak na sumbat ni Joy dito habang pinapalo ng palad sa dibdib ang binata."So ako ang first kiss mo?" Malapad ang ngiti na tanong pa nito at hindi ininda ang palo ng dalaga. Hinayaan niya lang ito na saktang siya hanggang sa mapagod."Nagawa mo pang matuwa na damuho ka!" Lalong nagalit ang dalaga, tumigil ito sa pag-iyak at padabog na iniwan ang binata sa labas ng bahay.Sumisipol habang nakangiti si Yosef na sinundan ang dalagang galit sa kanya. Mabilis ang hakbang at hinarang ang sari
KUMAKABOG ang dibdib ni Divine Joy habang naglalakad papasok sa building na pinagtatrabahuhan. Halos wala siyang tulog kagabi dahil sa nangyari sa kanila ng binata. Lihim nagdadasal na sana ay nauna siyang pumasok sa lalaki."Hi!"Napalingon si Joy nang may magsalita sa kanyang likuran habang naglalakad. Bahagya niyang binagalan ang hakbang upang kilalanin ang bumati sa kanya."Ako nga pala si Jano, a new hired engineer in this company." Pakilala nito sa dalaga nang magkaharap na sila."Divine," ngumiti si Joy. "Sa opisina ba ni Sir Yosef ang punta mo?""Yes, nakita ko na iisa ang pupuntahan natin kung kaya makisabay na ako.""Ako ang secretary ni Sir," pagbigay alam nito sa kausap. Patuloy sila sa marahang paglakad habang nag-uusap."Nice to meet you, Divine, hope to see you again?" Inabot pa nito ang kamay sa dalaga. Kahit may suot na salamin ito ay aninag niya ang magandang mata ng dalaga. Kakaiba ang ganda nito na hindi mapansin kung hindi pakatitigan dahil sa suot na salamin."Hi
"HINDI ba at sinabi ko sa iyo na huwag ka na muling sumama kay Mark?" Mahigpit na hawak niya sa braso si Joy at galit na pinapasok ito sa kanyang sasakyan. Para siyang sinuntok sa dibdib nang makita ang dalawa na masayang nag-uusap sa labas ng Kumbento kanina. First time niya makaramdam ng ganoon nang dahil sa babae kung kaya hindi na na-control ang sarili na magalit."Yosef, dahan-dahan at nasasaktan mo na si Divine!" Humabol si Mark sa mga ito. Maging siya ay nagulat sa biglang pagsulpot ng pinsan at bakas sa mukha ang matinding selos. Sinamahan lamang siya ni Joy na pumunta roon upang ipakilala sa mga madre at mga bata dahil gusto niyang magbigay ng donation bilang tulong sa Kumbento."Back off! Don't you dare to touch her again because she's mine!" nangangalit ang bagang na nilingon niya si Mark."Woah! Kailan mo pa siya naging pag-aari? Huling pag-uusap natin ay alergy ka sa kanya? Ano ang nangyari?" amuse na tanong ni Mark dito. Wala naman siyang balak na ligawan na si Joy dahi
"MALANDI kang babae ka!" Nanlilisik ang mga mata dahil sa galit na sumugod si Jinky sa kinaupoan nila Joy. Maaga siyang pumunta sa bahay nila Yosef upang akitin sana ito dahil araw ng linggo ngayon. Ngunit aabutan niya ang dalawa na masayang kumakain sa harden at sinusubuan pa ng binata ang kasalo."Huwag kang magkamaling hawakan kahit isang hibla ng kanyang buhok!" Banta ni Yosef kay Jinky at mabilis na tumayo upang iharang ang sarili sa katawan ni Joy."Bakit mo ito ginagawa sa akin, Yosef? Birhin din naman ako nang makuha mo ah at mas maganda naman ako kaysa kanya?" Puno ng hinanakit na sumbat ni Jinky sa binata.Nakaramdam naman ng lungkot at awa si Joy para kay Jinky. "Paano kung pagkababae ko lang din ang habol ni Yosef at iwan kapag nagsawa na katulad kay Jinky?" malungkot na naitanong nito sa kanyang sarili habang pinapanuod ang dalawa na nagtatalo hindi kalayoan sa kinaupoan niya."Huwag nega, hindi ba at tumutupad siya sa gusto mo na kasal muna bago ka galawin?" saway ng ka
"I'm sorry!" tanging nasambit ni Jinky habang umiiyak. Sobra siyang nabulag dahil itinanim na sa isipan na tanging ito lang ang kaniyang mahal. Hindi niya pinakinggan ang tunay na tibok ng kaniyang puso nitong mga huling buwan."Hijo, tama na at huwag mo na aksayahin ang oras mo sa babaeng iyan." Mahamig din sa tinig ng ginang ang galit para kay Jinky."I'm sorry po, Tita!" Nakayuko ang ulo at hindi magawang salubongin ang nang-uusig na titig ng ina ni Yosef.Tumawa ng mapakla si Yosef at napabuga ng hangin sa bibig. Para siyang nabunutan ng tinik ngayon sa dibdib. Pero nang maalala si Joy ay muling bumigat ang kaniyang pakiramdam. Bago umalis ay nag-iwan muna siya ng isa pang salita."Oo nga pala, salamat at nagpakalalaki ka ngayon." Pangungutya niya kay Jano. Hindi niya makalimutan kung paano nito binalak na ligawan si Joy. Kung ganoon ay pakana lahat iyon ni Jinky. Ang sirain sila ni Devine Joy gamit ang lalaking ito. Kung hindi lang buntis si Jinky ay gusto niya itong turuan ng l
"I'm sorry!" tanging nasambit ni Jinky habang umiiyak. Sobra siyang nabulag dahil itinanim na sa isipan na tanging ito lang ang kaniyang mahal. Hindi niya pinakinggan ang tunay na tibok ng kaniyang puso nitong mga huling buwan."Hijo, tama na at huwag mo na aksayahin ang oras mo sa babaeng iyan." Mahamig din sa tinig ng ginang ang galit para kay Jinky."I'm sorry po, Tita!" Nakayuko ang ulo at hindi magawang salubongin ang nang-uusig na titig ng ina ni Yosef.Tumawa ng mapakla si Yosef at napabuga ng hangin sa bibig. Para siyang nabunutan ng tinik ngayon sa dibdib. Pero nang maalala si Joy ay muling bumigat ang kaniyang pakiramdam. Bago umalis ay nag-iwan muna siya ng isa pang salita."Oo nga pala, salamat at nagpakalalaki ka ngayon." Pangungutya niya kay Jano. Hindi niya makalimutan kung paano nito binalak na ligawan si Joy. Kung ganoon ay pakana lahat iyon ni Jinky. Ang sirain sila ni Devine Joy gamit ang lalaking ito. Kung hindi lang buntis si Jinky ay gusto niya itong turuan ng l
"KAYA mo ba talagang mag-isang pumunta roon?" Napaikot ang eyeballs ni Marie sa tanong ng kapatid. Pang limang beses na itong nagtanong ng ganoon sa kaniya. Papasok na siya sa Airport nang magtanong muli ito ng same question. Sobra pa rin ito nag-aalala sa kalusugan niya at takot na mapag-isa siya sa malayong lugar."Ate, malapit lang ang Hong Kong kaya huwag ka na masyadong mag-alala." Paglalambing niya dito."Tumawag ka agad kapag naroon ka na," ani Yosef na nakapamulsa."Kuya?" Nakangisi na tawag ni Marie sa lalaki. Nakikigaya na rin ito sa litanya ng kapatid."Oh?" Nakataas ang noo na sagot nito. Alam niya na pang-asar ni Marie ang pagtawag sa kanya ng kuya."Hindi bagay sa iyo!" Humagikhik ng tawa ang dalaga. Ang dating babaero at pasaway ngayon ay parang pastor na kung umasta sa kaniyang harapan."Bawiin ko na kaya ang credit card na regalo ko sa iyo?" Birong panakot ni Yosed sa dalaga na hipag na niya ngayon."Joke lang, ang cute niyo talagang dalawa kapag seryoso." Hindi na n
"ANO ang balita?" tanong agad ni Mark sa kaibigang detective sa Hong Kong nang magkita sila sa kanyang opisina. Dalawang buwan na buhat nang mamalagi siya roon upang bisitahin lamang sana ang kanyang negosyo na kasosyo ang mga kaibigang Japanese."Peke ang pangalan na ginamit niya nang mag-check in sa hotel na iyong tinutuloyan. Ito ang may-ari ng ginamit niyang pangalan at matanda na ito.""Damn!" Nasuntok ni Mark ang lamesa dahil sa galit. Hindi siya pinatahimik ng kunsensya ng babaeng naka one night stand kung kaya hindi muna siya umuwi ng Pilipinas at pinahanap ito."Ano sa tingin mo ang dahilan at gumamit pa siya ng ibang pangalan?" Tanong niya muli sa kaibigan habang hinihilot ang batok nang makaramdam ng pangangalay doon."Baka gusto lang ng anak? Sa kuwento mo ay virgin pa siya at siya pa mismo ang nag-utos sa iyo na sa loob iputok." Kalkulasyon ng detective."Darn! Kailangan ko siyang mahanap lalo kung magbunga ang nangyari sa amin. Hindi ako makakapayag na magkaroon ng anak
TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan
"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g
KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga
"LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst
FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."
NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at