ABALA ang lahat ng empleyado ng hotel nang araw na ito dahil sa grand opening. Maraming guests na dumating at nagpa-book dahil promo na galing pa sa mga ibang bansa upang magbakasyon sa magandang Isla ng Boracay."Wala pa ba si Mark philip?" Naiinip na tanong ni Don Manuel sa kanyang secretary. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang party at ito ang naka atang na maggupit sa ribbon mamaya."On the way na, sir, the Airplane is already landed at Caticlan Airport."Nakahinga ng maluwag si Manuel sa naging tugon ng secretary. Galing pa sa Hong Kong ang anak kung kaya nag-alala siya na hindi ito makarating."Bilisan ninyo ang kilos! Ilagay doon ang flowers," malakas ang boses ni Mariam at abala sa pag-utos sa mga tauhan.Halos mahilo na si Marie dahil sa utos nito dito, utos doon ng babae. Halos maghapon na lang ay wala na itong ginawa kundi ang magbunganga sa kanilang lahat."Bakit ka narito? Hindi ba at ang sabi ko ay doon ka sa reception disk? Tanong ni Tom nang makasalubong si Marie.
"HINDI mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya sa disiyon mo ngayon, Hijo!" masaya na wika ni Manuel nang sabihin ni Mark na hahawakan niya ang hotel sa Boracay."Bigyan mo lang ako ng isang linggo, Dad. Mayroon lang akong importanteng asikasuhin dito sa Maynila bago bumalik sa Isla na iyon.""No problem, hijo, kahit isang buwan pa ang mahalaga ay ikaw na ang magpapatakbo niyon." Inakbayan nito ang binata."Thank you, dad sa pag-unawa sa akin palagi." Inakbayan na rin niya ang ama habang nakangiti."Babae ba ang dahilan kung bakit nagbago ang isip mo?" Nakangiti na tanong ni Manuel. Naitanong niya kay Tom noong naroon sila sa Boracay ang bagay na pinagkaabalahan nito sa loob ng opisina niya. Nakita niya kasi ang dalang maraming folders ng tauhan."Sasabihin ko rin sa iyo dad kapag nalaman ko ang katotohanan." Seryoso na sagot sa ama. Sa tingin niya ay mali ang unang hinala niya noon na may kinalaman ito sa pagtagpo nila ni Divine Marie mula Hong Kong hanggang Boracay.Nang araw ding i
"GOSH lalong gaganahan sa pagpasok ng trabaho ang karamihan ngayon dahil si Sir Mark Philip na ang mamahala dito!" Dinig ni Marie na tili ng isang employee sa hotel. Break time nila at kanya-kanyang umpokan sa lamesa ang bawat grupo. Sa kanyang pwesto ay tanging si Mhai lang ang kanyang kasalo sa pagkain. Marami ang gustong manligaw sa kanya sa unang araw pa lang ng pasok niya doon ngunit wala siyang natipuhan sa mga ito."Dinig mo iyon? Tama nga ang narinig ko kahapon na chismis na si Sir Mark ang maging big boss na natin dito." Niyugyog pa nito ang balikat ni Marie dahil tila ito nahipan ng hangin at tulalang nakatingin sa kanya."Kailangan ko na yatang tapusin ang bakasyon ko dito," ani ni Marie at napakurap sa harap ng kaibigan."Huh, bakit naman?" Nakalabi na tanong ni Mhai. Alam niya na nagbabakasyon lamang ang kaibigan doon at sinubukan ang magtrabaho bilang paglilibang sa sarili."Naisip ko lang na kailangan ko nang bumalik para maalalayan ang aking kapatid sa kanyang pagbubu
"GOSH lalong gaganahan sa pagpasok ng trabaho ang karamihan ngayon dahil si Sir Mark Philip na ang mamahala dito!" Dinig ni Marie na tili ng isang employee sa hotel. Break time nila at kanya-kanyang umpokan sa lamesa ang bawat grupo. Sa kanyang pwesto ay tanging si Mhai lang ang kanyang kasalo sa pagkain. Marami ang gustong manligaw sa kanya sa unang araw pa lang ng pasok niya doon ngunit wala siyang natipuhan sa mga ito."Dinig mo iyon? Tama nga ang narinig ko kahapon na chismis na si Sir Mark ang maging big boss na natin dito." Niyugyog pa nito ang balikat ni Marie dahil tila ito nahipan ng hangin at tulalang nakatingin sa kanya."Kailangan ko na yatang tapusin ang bakasyon ko dito," ani ni Marie at napakurap sa harap ng kaibigan."Huh, bakit naman?" Nakalabi na tanong ni Mhai. Alam niya na nagbabakasyon lamang ang kaibigan doon at sinubukan ang magtrabaho bilang paglilibang sa sarili."Naisip ko lang na kailangan ko nang bumalik para maalalayan ang aking kapatid sa kanyang pagbubu
HINDI ma-drawing ang hitsura ngayon ni Marie habang nakatingin sa dalawang nilalang naglalampungan sa lagoon area ng hotel."Sinungaling!" kung nakakapatay lang ang tingin, tiyak na kanina pa natumba si Mark kasama ang babae na hindi kilala ni Marie. "Mine your ass!" Gigil na dinotdot ang hawak na pen sa lamesa. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanyang isip nang sinabi nito kahapon na she's only for him. Muntik pang may mangyari sa kanila kahapon dahil naging mapaghanap at mapusok na halik ang ibinigay na parusa sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagsampal dito.Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang pagiging agresibo ni Mark nang balikan siya kahapon. Kung wala lang tumawag dito kahapon ay tiyak na natupok na ng init ang katinuan ng kaniyanh isipan."Ano ang pinagpuputok ng botse mo riyan? Hindi ba at ikaw itong pakipot at umaayaw sa kanya?" nanunuya na wika ng kanyang konsensya."Pero ang sabi niya kahapon ay gagawin niya ang lahat. Isang araw pa lang sumusuko na siya at mayroon pa
NATULOY ang barbeque party nila at hindi akalain ni Marie na maki-join sa kanila sina Mark. Dahil sa inis na nakikitang closeness nito at ng babae ay napainum siya ng alak.Pinakiramdaman ni Mark ang dalaga na nakaupo sa kaniyang harapan. Binabantayan ito at baka malasing. Nang tumayo ay mabilis din siyang tumayo at sinundan ito."Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" Galit na kinagat ni Marie ang isang braso ng binata na nakapulupot ng maluwag sa kanyang leeg."Arghhh! You will pay for this again!" Mark hissed at kinabig ang dalaga paharap sa kanya."Ano ba ang kailangan mo?" Nahilo ang dalaga sa ginawa ni Mark. Dala ng nainom na alak ay naging mapungay ang mga mata na tumingin sa binata.Nang mapansin na mukhang napipikon na ang dalaga ay hindi niya itinuloy ang balak. "Saan ka pupunta?""Sa toilet, sasama ka?" nakaingos na sagot ni Marie."Hintayin na kita dito sa labas." Sagot ni Mark nang makitang maraming tao sa bathroom ng mga babae.Lahat ng mg mata ay napatuon sa kanilang dalawa nang
"BABE?" "Hmmmm?" sagot ni Marie sa inaantok na diwa."One more, please!" pangungulit ni Mark kay Marie."Wala ka bang balak matulog?" Nakasimangot na tanong sa katabing lalaki. Kakatapos lang nila sa ikalawang round, wala pang limang minuto ay humihirit na naman ito. Wala pa yatang isang oras tulog nila kanina matapos ang first round. Nagising siya na humihiling ito ng second round at ngayon ay pangatlo na."Hindi inaantok si manoy, Babe." Paanas na bulong ni Mark sa tainga ni Marie."Hmmmp! Tumigil ka na, maaga akong malulusyang niyan sa iyo." Tumalukbong sa kumot si Marie upang makaiwas sa halik ng binata."Babe naman, isang taon din itong nagtiis dahil ikaw ang hinahanap." Parang bata na ungot nito sa dalaga."Pinagloloko mo ba ako?" Napabalikwas ng bangon si Marie at kipkip ang kumot sa dibdib upang maitago ang kahubadan."Bakit ba hindi ka naniniwala? Kahit sinabi ko nang mahal kita, ayaw mo ring paniwalaan." Malamlam ang mg matang tumingin sa dalaga. Himig nagtatampo na rin siy
"KUMUSTA na ang kapatid ko?" agad na tanong ni Marie kay Yosef nang makasalubong ito sa hallway ng hospital."Binigyan siya ng gamot pampatigil hilab thru injection." Hapong-hapo ang hitsura ng lalaki at halatang walang tulog."Bakit hindi pa siya pinaanak?" nagtataka na tanong ni Marie."Wala pa sa saktong petsa kung kaya inaantala nila ang paglabas nito. Pero kapag muli siya mag-labor ay mapipilitan ang mga doctor na palabasin na ang anak namin at ilagay na lamang sa incubator." "Maging ok ang lahat at ligtas sila sa kapahamakan 'di ba?" Umaasam na tanong muli niya sa kanyang bayaw. Natatakot siya na baka matulad sa kanyang anak ang kahinatnan ng lahat dahil kulang sa buwan ang bata."Tanging dasal na lang ang pinaghuhugutan ko ngayon ng lakas, ayaw ko man isipin pero natatakot ako para sa bata." Bahagyang gumaralgal ang boses ni Yosef. Sinigurado naman ng doctor nila na maging maayos ang lahat dahil maayos ang heartbeats ng kanyang mag-ina at malusog ang bata kahit kulang pa sa bu
TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan
"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g
KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga
"LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst
FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."
NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at